Kinuha ko yung batuta na nakita ko sa gilid ng gate, sa tingin ko sa guard to na missing in action naman. Pano nga pala ako makakapasok? Automatic tong gate pero kailangan pa rin nung guard para buksan to from the security room. Akyatin ko kaya? Bago pa man ako makabwelo para umakyat, nagbukas na yung gate. This is a trap, sinasadya nilang papasukin ako, I should back out now. But what about Dylan and Lily? Asan ba yung mga tao dito? Si Dion, asan ba sya? I can't run, not this time. I entered the gate while gripping the bat, ang dilim, wala na halos akong makita, kahit langit itinago yung moon at stars. Nung makapasok na ako, nagsara naman yung gate, pakshet, I'm nervous. Tumigil muna ako para mag-isip. Sino ba ang mga nakaaway ko this past few days? Hindi kaya si Trina? N

