Ilang araw na simula nung nag-away kami ni Dion. Hindi ko sya kinakausap kapag hindi nakaharap si Dylan, kapag andyan naman si Dylan tango o kaya iling lang sagot ko, pagnatripan ko sasagot ako ng 1 or 2 words. Pagka matutulog kami magkakatabi pa rin kami pero pag tulog na si Dylan lumalabas na sya ng kwarto. Kung tutuusin pwede akong umalis kasi wala naman akong pinirmahang kontrata sa kanya pero kapag naiisip kong maglayas biglang dumarating si Dylan kaya nakakalimutan ko na gusto kong maglayas. Wala kaming pasok ngayon kaya lang tinambakan naman kami ng projects at assignments, kaasar. Tulog pa si Dylan kaya eto muna ang inaasikaso ko. Nangangalahati na ako sa ginagawa ng maring ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sa totoo lang ayoko yung lingunin, kasi diba kung tao yun d

