Chapter 7

1967 Words
Mag- iisang linggo na mula nung ibalik ko si Dylan, gustong gusto ko na syang puntahan kasi mula nung ibalik ko sya I always wake up feeling empty, na parang my kulang. Pero I don't have the courage na pumunta dun lalo pa at nalaman ko na mga La Primiere pala sila habang nagbabasa ako ng magazine, kaya pala kung makapag salita si Dion akala mo kaya nyang bilhin lahat ng bagay. "Dalawin mo na kasi sya" sabi ni Lily habang nakayuko ako sa libro, nasa library kami ngayon dahil vacant time namin, mula nung ibalik ko si Dylan lagi na nya akong pinipilit na bumalik dun at dalawin si Dylan "I can't-" "Of course you can, ayaw mo lang" epal ni Dior, silang dalawa ni Lily ang namimilit sa akin lagi eh pinagtutulungan nila ako "Fine, ayoko nga" sagot "Jim, mukha ka ng robot, mula nung makilala mo sina Dylan para ka ng zombie, sumasagot ka na lang kapag kinakausap ka, hindi ka na umeepal kapag may kinakausap akong lalaki, its like you're a different person na" Lily "Wala lang ako sa mood" walang gana kong sagot "Bakit ba ayaw mong bumalik dun? Dahil nalaman mong mayaman sila? Gosh, Jim feeling ko ini stereotype mo na ang mayayaman and I'm hurting you know? " maarteng sabi ni Liy "Lily you know you are different-" "Anong difference ko? Jim pareho lang halos kami, bata pa tayo nung nagkakilala tayo pero you never treated me na parang natatakot ka sa akin sinisigawan mo pa nga ako kahit alam mong anak ako ng boss ng papa mo eh! " madramang kwento ni Lily "You know the exact reason why I am acting like this" I said coldly pagkatapos iniwan ko na lang sila. Being Lily's friend means accepting the insults of my classmates to me. They say na kaya ko lang daw kinakaibigan si Lily kasi malaki daw ang pakinabang ko sa kanya, well di sila nagkakamali, but hey, sya nagpipilit na tulungan ako in exchange of chocolate cake na paborito naming i bake,  well ako lang pala, tagalamon lang sya eh. Hindi ko naman sya sinusundan eh, kasalanan ko bang kung saan ako nakakakuha ng scholarship eh dun din sya nag eenrol? Nung 4th year high school na kami habang mag isa at nasa classroom pa ako at nag aayos ng gamit kasi naunang lumabas si Lily sa akin para salubungin ang kuya Marcia nya, may lumapit sa aking lalaki at tinatanong ako kung magkano ang ibinabayad sa akin ni Lily para sundin ko ang gusto nya he said just name my price basta daw maikama nya ako. I slapped the guy, he grabbed me tapos tinakpan ang bibig ko ng kamay nya at sinikmuraan ako then he ripped my uniform. I thought katapusan ko na, ma rerape ako ng sampal lang ang naibigay ko sa r****t ko but someone grabbed the guy away from me and I saw kuya Marcia punching the guy. I was so afraid hindi ko na alam ang nangyayari, the next thing I knew kuya Marcia is carrying me into their car. My parents filed a case against that guy but he just slipped away using their money, they even tried to bribe my family pero di namin tinanggap. Few weeks after that incident, may tsismis na kumalat na tumanggap nga daw kami ng pera para i urong yung kaso. Kunyari lang daw akong mahinhin pero inakit ko daw yung lalaki painosente lang daw ako, manggagamit at kung ano ano pa. I was really devastated that time, I wanted to punch their faces at isigaw na ako yung victim, ako yung naagrabyado pero di ko nalang sila pinansin bahala silang mapaos kaka chismis tungkol sa akin. That time yung mga lalaking nakakakilala sa akin inaalok na din ako ng pera para maikama, mga letseng lalaki ang sarap putulan! Kaya ayun, lagi ng nakasama sa akin si Lily, si kuya Marcia naman lagi na rin kaming sinusundo and then I swear na sina Lily lang ang mayamang kakaibiganin ko, and for the guys, malunod na sana lahi nila sa Mariana's trench tangna nila! Kaya ayokong maglalapit sa mga mayayaman, other people thinks that I am using them at yung mayayaman naman kung makaasta akala mo kaya nilang bilhin lahat ng tao. Well except Lily's family of course. Naputol ang pagmumuni muni ko ng tawagin ako ni Lily "JIMMMMM!!!! Sorry na, di na kita pipilitin, wag ka ng mag wo walk out, para sa akin lang ang grand entrance and exit diba? Bati na tayo!!! " sigaw ni Lily kahit na isang hakbang lang naman ang layo nya sa akin, at syempre nakasunod na naman yung aso nyang si Dior "Nag away ba tayo? " nakangising sagot ko "Waaaah, ang swerte ko talaga sayo!!!" At bigla na lang nya ako niyakap na out of balance tuloy ako at bumagsak kami, buti na lang damuhan to kung hindi may bali na ako, ang bigat pa naman ni Lily. "Oo na, tayo! ang bigat mo!" Singhal ko bigla namang nag ring ang phone ko, unregistered yung number pero kahit ganun alam ko kung kanino to. "Jim, hindi mo masasagot yan kung tititigan mo lang, sagutin mo na" sabi ni Lily, I just sighed and answered the call "Bakit? " tanong ko kaagad, ayoko nga syang kamustahin "Dylan is in the hospital! He is in the emergency room! He needs you please I'm begging you, pumunta ka dito! " Dion said, he sound like he is crying "What?! Saan ba yan? " nagpapanic na din ako. Sinabi naman nya agad, after kong malaman kung saan tatakbo na sana ako pero pinigilan ako ni Lily "Anong sabi? " -Lily "Dylan, he's in the hospital samahan mo ako please" hindi ko na napigilan napaiyak na ako, I know nabigla sya, ngayon nya lang ako nakitang umiyak. "Tara na" sabi ni Lily Ginamit namin ang kotse ni Lily at nakasunod naman sa amin si Dior. Pagkarating namin sa ospital nakita ko naman sa waiting area ng operating room si Dion. Nilapitan ko naman sya agad. Nabigla ako ng pagkaupo ko ay bigla na lang nya akong niyakap at bigla syang umiyak. This is my first time to see a guy in his vulnerable state. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung kukunin sya sa akin" he said crying "Don't say that, he will survive, matapang sya he will make it okay? " hindi ko nà pinansin kung gaano ka awkward ang posisyon namin, inangat ko ang ulo nya and dried his tears using my hands na parang normal lang na gawin ko yun. Binaba ko naman ang kamay ko ng makita kong tinitigan nya ako then he dried my tears using his thumb. "Buti pumunta ka dito" he cupped my face "You said he needs me that's why I'm here" "Ganoon ba? " his hands still on my face "Ehem" bigla naman akong napaayos ng upo, nakalimutan kong andito nga pala si Lily "Bago kayo mag tunawan, may I ask kung bakit nasa OR si Dylan?"nakaupo si Lily sa tapat namin "He was in ER earlier but was transferred to OR to remove his appendix" naramdaman kong hinawakan ni Dion ang kamay ko, di ako nag reklamo kasi alam kong naghahanap sya ng moral support. "Bakit? Ngayon nyo lang ba nakitaan ng symptoms kaya di naagapan? " Lily asked "Yeah, almost every week since pumunta si mama sa America para sa therapy nya papalit palit na si Dylan ng mag aalaga sa kanya, kaya wala ni isa sa amin ang nakapansin na may sakit na pala sya" humigpit ang hawak nya sa kamay ko "Eh anong nangyari at isinugod mo sya dito? Bakit kailangan mo pang tawagan si Jim? " tanong ulit ni Lily "Magkatabi kaming natulog pero nagising na lang ako na namimilipit sya sa sakit habang hawak nya yung tyan nya at imbis na ako ang tawagin nya mommy ang sinasabi nya, and I know na si Jimuelle ang kilala nyang mommy" then he looked at me "You told me I never asked my son what he wanted, pero sapat na yung pagtawag nya sayo para malaman ko na kailangan ka nya" "Wag kang mag alala, kailangan nya rin ang anak mo, first time kong makitang umiyak sya, sa tinagal tagal naming magkaibigan kanina ko lang sya nakitang nawalan ng poise" I glared at Lily,  tama bang ilaglag ako? "Really? " amused na tanong ni Dion na parang wala sa operating room ang anak nya "Oo naman, mula nung ibalik nya si Dylan di ko na syà nakausap ng matino! Para syang remote controlled doll magsasalita lang kapag tinanong mo, bigla syang naging boring!" Dion looked at me na parang tinatanong kung totoo yung sinabi ni Lily "Eh bakit di sya bumalik para kamustahin kami, I mean si Dylan" "Kasi sa tingin ko naniniwala sya sa kasabihang pride and fear is greater than love" sagot ni Lily "Wow ha? Pakipaalala nga sa akin kung bakit kita sinama Charlie, di mo naman sinabi sa akin napaka friendly mo, kulang na lang ikwento mo kung paano ako ginawa ng magulang ko eh!" Asar kong sabi kay Lily "Peace Jim, hindi ko na mapigil eh, pasama ng pasama yung lasa ng cake na niluluto mo baka sakaling bumalik sa dati kapag makasama mo ulit si Dylan" nakapeace sign nyang sabi "Hindi na kita ipagbe bake! "Singhal ko " walang ganyanan, hoy Dion, Joke lang yung mga sinabi ko wag kang maniniwala sa akin sinungaling ako! " "Hahahaha, hindi ko maintindihan kung alin yung papaniwalaan ko, sinungaling ka o wag akong maniwalang sinungaling ka, at any case thank you sa pagsama mo kay Jim, gumaan yung atmosphere dito" Dion saíd smiling, napangiti narin tuloy ako. Maya maya pa bumukas na yung pinto ng OR agad naman kaming lumapit sa doctor. "Sino ang kamag anak ng pasyente? " "Ako , daddy nya ako" "He is now out of danger, successful ang operation, kailangan na lang nyang magpahinga ipapalipat ko na sya sa magiging recovery room nya" "Thank you doc"ngumiti lang ang doctor at umalis na. Pinauna na kami ni Dion sa magiging room ni Dylan para maghantay, may tatawagan pa daw kasi sya. Dumating naman na si Dylan kasama ng dalawang nurse at inayos sya sa kama umalis naman sila kaagad. Nilapitan ko naman si Dylan. Ang putla nya parang namayat din sya. Hinawakan ko ang kamay nya it's so small it is also cold. I knew he experienced hell today and I am proud that he survived, my brave baby. Someone tapped my shoulder at di ko na kailang lingunin para malàman kung sino, his smell had made it to my favorite list. " tapang nya no? Sabi sayo kaya nya yan eh" mayabang nyang sabi "Talaga lang ha? Eh halos maglupasay ka na kanina sa nerbyos, buti na lang di nya nàmana yang pagiging nerbyoso mo" sagot ko naman "Huh, ako nerbyoso? Feel ko lang mag drama kanina, tignan mo pati ikaw nadala ng pag dadrama ko" "Whatever, push mo yan" I rolled my eyes "bakit parang namayat sya? " tanong ko "Wala syang ganang kumain eh, lagi ka nyang hinahanap" malungkot nyang sabi "Sorry sa pag istorbo sa moment nyo, pero Jim 8 na, malapit na curfew mo" nakangising sabi ni Lily "Can I stay here? Gusto ko sanang makita nya ako pag nagising na sya" baling ko kay Dion "Sure, pero paano yung curfew mo? " "Lily, alam mo na, padala na rin ng damit kapag bumalik ka ha? " nakangiti naman si Lily sa akin "Aye, aye captain, chocolate cake ko ok? " masaya nyang sabi "Okay, dadagdagan ko pa ng filling para matanggal na lahàt ng ngipin mo! " "Yehey, okay dyan na kayo! " "She's weird" sabi ni Dion "Yeah, she is" I smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD