bc

SEDUCTION SERIES 1: WHEN HE PLEADED GUILTY

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
family
fated
sweet
like
intro-logo
Blurb

Just like everybody in Castañaz, Tammy Mercado thinks she's a good for nothing, but in the eyes of the most religious and chivalrous Reino De Alba, she's just another misunderstood child in an adult body. Can Argus help Tammy heal the broken parts of her? Or in the end, Argus will cause the woman he loves the kind of pain that will bruise her soul forever?

WARNING: STORY CONTAINS VERY SENSITIVE TOPICS THAT MIGHT TRIGGER SOME READERS. PLEASE DO NOT PROCEED IF YOU ARE NOT COMFORTABLE. I DO NOT RECOMMEND THIS STORY TO READERS WHO ARE ONLY LOOKING FOR ROMANCE. THIS STORY TACKLES ABUSE AND SELF-HARM SO PLEASE, PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
They said God gives his greatest battles to his strongest soldiers, but sometimes, instead of seeing life that way, people think they are being punished. With all honesty, Argus never understood that phrase before nor did he know if problems are God's battles people have to win on His behalf, or just mere punishments for their disobedience, but when life began to break him apart, Argus realized how hard it is to hold on to something the naked eyes couldn't see. "In Luke chapter five verse thirty two, God said, I came not to call the righteous, but the sinners to repentance." Argus glanced at the members of their Bible study group while flashing a slight smile, only to sigh when he noticed the girl sitting on the far end of the room, muttering curses while staring at him in a bored way. "Brothers and sisters, we are all sinners. We keep committing mistakes as we go through our journey in this life, but life isn't all about a cycle of committing the same mistakes over and over again. God calls upon us, so we'll know how to repent in our sins, with a promise to never do it again. Our sins make us humans, mortals with flesh and blood, but it is our deep relationship with God and our eagerness to repent in our sins that make our souls worthy of returning to His kingdom in heaven..." Napatingin siyang muli kay Tammy nang humikab ito. Nang makita nitong nasa direksyon nito ang tutok ng mga mata niya ay sinenyas nito ang wrist watch kay Argus habang pinanlalakihan siya ng mga mata. "Ano na, Argus? Matagal pa ba? Hihintayin pa ba natin ang second coming bago 'to matapos? Jusme, akala ko ba klase 'to para may discount sa required langit points, pero nauubos lang ang oras ko na kaamoy ko na ang mga demonyo sa impyerno sa sobrang init dito!" The other members murmured to each other because of Tammy's words. Ang ilan ay napairap pa habang ang iba ay dismayadong umiling. "Bakit kasi sinama pa ni Argus 'yang Mercado na 'yan," dinig niyang asik ng isa sa mga babaeng myembro. Napailing na lamang si Argus saka siya sumenyas kay Tammy na sandali na lamang ay matatapos na ang Bible study, ngunit inirapan lamang siya nito saka nito ginamit na pamaypay ang pamphlet na dapat ay binabasa upang masundan ang talakayan. When the Bible study was over, Argus politely said goodbye to his churchmates before he picked up his stuff. May isa roong nais pa sanang makipagkwentuhan sa kanya at magtanong ng ilang bagay tungkol sa ginagawa nitong personal progress report ngunit inangkla na ni Tammy ang braso sa kanya saka siya hinatak palayo sa kanyang kasamahan sa simbahan. Argus swallowed hard and removed Tammy's arm when his heart pounced louder than usual. Napahinto naman si Tammy sa paglalakad at kaagad siyang tinaasan ng kilay. "What?" Umiwas siya ng tingin, takot na mapansin nito ang pamumula niya. "It's... not nice to see a woman and a man who are not in a relationship to be like... that." Tammy's forehead wrinkled as if he just said something ridiculous. Mayamaya ay tumawa na saka umiling-iling. Nang akmang huhubarin nito ang jacket na ipinasuot niya kanina upang takpan ang nakabalandra nitong mga balikat, nanlaki ang mga mata ni Argus at dali-daling pinigilan ang ginagawa ni Tammy. Tammy groaned and shot him with a deadly gaze. "Ano ba naman, Saint Argus? Init na init na ako sa jacket mo. Tapos naman na ang Bible study! Mauubos ko rin naman ngayong araw lahat ng ligtas points na nakuha ko sa mga pagtatalak mo kanina sa harap ng mga gustong maging next Santo Papa at Mother Theresa!" Argus sighed while scratching his temple. "Tammy, siguro mas... mas maganda na magsuot ka ng may manggas. Parang gano'n sa kapatid mo? Iyong hindi naman kita ang..." Hindi niya sinasadyang mapasulyap sa dibdib nitong bahagyang nakalitaw kaya kaagad uminit ang kanyang mukha at nalunok niya ang laway niya nang umiwas siya ng tingin. God, sorry po. Tinaasan siya ulit ni Tammy ng kilay. "Anong gusto mo, ha? Magmukha akong manang eh 'di pinagtawanan ako ng mga tao?" "Hindi sa gano'n. I'm just worried about you. Ayaw namin ni kuya Armani na nababastos ka rito sa lugar namin kapag nandito kayo ng tiyo Melchor mo. Alam mo naman ang nangyari kay Arida, 'di ba?" Sumikip ang dibdib niya nang maalala ang nangyari sa bunsong kapatid. Umikot ang mga mata ni Tammy. "A man will take advantage of a woman regardless of what she's wearing if he doesn't really respect her." "But your body is also the Temple of the Lord that's why you should keep it modest and healthy. Bata pa tayo, Tammy dapat hindi ka rin muna nag-iinom ng alak. Do you know how many diseases you can get by drinking alcohol—" "Blah blah blah." Tammy heaved a sigh. "Alam mo hindi ka lang pastor. Doktor ka pa. Ano ba talagang gusto mong marating sa buhay, hmm? Sunod na Kristo?" Nanlaki ang mga mata niya sa tahasan nitong biro. "Tammy!" She bursts into laugh. "Let's just go before your God decides to shush me Himself. Isa pa ay excited akong makita ang mga kabayo." Kinaladkad na siya ni Tammy patungo sa kotse niyang nakaparada sa harap ng chapel kaya wala na ring nagawa pa si Argus. Knowing Tammy so well, she'll reason out everything she could think of just to leave the church as soon as possible. Pinagbuksan ito ni Argus ng pinto sa shotgun seat, ngunit nang makapasok na si Tammy ay humabol at tinawag si Argus ng churchmate niyang kumakausap din sa kanya kanina nang hatakin siya ni Tammy. "Mary, bakit?" Mary shyly pushed a few strands of her long brown towards the back of her ear. "Ano kasi, sa youth camp natin, hindi ka pa nakapag-register. P—Pinapatanong ni Brother James kung sasama ka. Malapit na kasing magsara ang listing at hinihingi na ng officiating district ang final list ng branch natin." Tammy who's now chewing a gum, popped it while she's resting her arm on the open window. "Ano ba 'yang mga pangalan ng churchmates mo, Argus. Parang mga sure na ang slot sa tabi ni Lord." Tammy grinned and c****d her brow at Mary. "Paki-check nga kung ilan pa ang langit points ko, please? Para alam ko kung ilang fire extinguisher ang dadalhin ko sa impyerno tutal mukhang close na close ka kay Lord base sa pangalan mo." Namula sa hiya si Argus dahil sa mga pinagsasabi ni Tammy. Napakamot na lang tuloy siya ng batok saka siya bumuntonghininga bago muling bumaling kay Mary. "Pasensya ka na. Medyo, hindi ko pa masyadong nahahatak sa tamang daan." Mary flashed a slight smile. "Ayos lang. Iyong tanong ko, Argus, sasama ka raw ba?" Sasagot na sana siya nang kalabitin siya ni Tammy. "Susi. Papainitin ko ang makina habang nakikipagdaldalan ka diyan sa scholar ni Lord." Argus pulled out his keys from his jeans' pocket then gave it to Tammy. Nang magtama ang mga kamay nila ay mapang-asar nitong hinaplos ang likod ng kanyang palad upang pikunin si Mary. Napalunok na lamang tuloy siya at mabilis na binawi ang kamay niya. He really doesn't like how Tammy's touch makes him feel sometimes. It feels illegal and immoral to feel that kind heat. He cleared his throat and faced Mary again. "I still have to check on my parents. Alam mo naman, Catholic sila at hindi pwedeng sina lola ang magbigay ng consent sa'kin but hopefully my dad will allow me since 'di naman ako restricted na magsimba rito sa'tin." Lumawak ang ngiti ni Mary, ang mga mata ay tila kumislap. "Okay, uhm, ingat ka sa pagmamaneho. I'll see you on Saturday for the youth activity." Ngumiti na lamang siya at tuluyang kumaway kay Mary na napasulyap pa kay Tammy. Abala naman si Tammy na kalikutin ang stereo ng kotse. Nang ma-connect nito ang phone sa player ay nakangisi itong tumingin sa kanya. "Haranahin natin si Lord," makahulugan nitong sabi bago pinindot ang phone. Ganoon na lang ang pagkataranta ni Argus nang umalingawngaw ang eskandalosong awiting "Take Me To Church" matapos itodo ni Tammy ang volume. Halos hindi tuloy alam ni Argus kung papaanong takbo papasok ng kotse ang gagawin niya para lang mapatay niya ang stereo. Argus immediately went inside and turned the volume down, his face was completely red because of shame. Humagalpak naman ng tawa si Tammy saka nito kinurot ang kanyang pisngi. Mayamaya ay ini-adjust nito ang upuan para bumaba ang sandalan saka nito ipinatong ang mga paa sa dashboard. Sisitahin sana niya ito nang bigla nitong sinuklay ang mga daliri sa naka-clean cut niyang buhok habang may mapaglarong ngiting nakaguhit sa may mantsa ng liptint nitong mga labi. "Cute mo kapag natataranta ka nang ganyan." Ginulo nito ang buhok niya saka nito isinuot ang seatbelt. "Sayang. Masyado kang good boy. Wala man lang thrill at hindi mairarampa." Napabuntonghininga na lamang si Argus saka niya sinipat nang mahina ang binti ni Tammy. "Don't sit like that, Tammy. Ang daming dumadaan na mga taga rito tignan mo sinisilip na ng iba 'yang mga hita mo. Bakit naman kasi ganyan ang suot mo?" Imbes na sagutin siya ay nagpaputok na lamang ito ng bubble gum. Isinara rin nito ang bintana saka ini-adjust ang volume na itinodo niya ng hina kanina. Argus shook his head before he finally wore his seatbelt. "Isasama kita ulit sa susunod na punta ninyo. Huwag ka nang matutulog o magrereklamo, ha," sabi niya habang minamaneobra ang kotse. Tammy rolled her eyes. "Sumama lang ako kasi sabi mo masaya ang pupuntahan at ayaw ko namang mabagot habang nagmi-meeting sina tito Melchor sa inyo. Kung alam ko lang na ganito ang pupuntahan natin, nakitulog na lang sana ako sa inyo. Wala man lang kayong aircon do'n? Naghihirap na ba si Lord, hmm o nagpa-free trial lang siya ng init sa impyerno para matakot kayong gumawa ng masama?" He groaned. "Tammy, please. Enough with the inappropriate jokes about our Father in heaven." She made a pfft sound. "Tatay mo lang, ah." Nahilamos na niya nang tuluyan ang kanyang palad sa kanyang mukha saka siya bumuga ng hangin. Tumahimik na lamang din siya kaysa barahin lang na naman siya ni Tammy. "Argus, type ka yata no'n ni Mary. Magpapalit ka na ng pangalan. Joseph na," sabi nito habang nasa daan sila pauwi. Dalawa ang tahanan ng mga Reino De Alba. Ang isa ay nasa Isabela habang ang isa ay nasa Cagayan. Ngunit dahil nasa Cagayan ang Aggregates company ng daddy niya ay mas nananatili sila sa Cagayan. Argus heaved another sigh. "Tammy..." "Siguro kapag nahalikan mo 'yon magde-demand 'yon kaagad na pakasalan mo." Lumunok siya sandali. "Hindi ko naman hahalikan 'yon." Umismid si Tammy. "At bakit naman?" He didn't answer and just tightened his hold on the stirring wheel. Mayamaya ay inilapit ni Tammy ang mukha sa kanya matapos nitong ibaba ang mga binti. "Huwag mong sabihing... hindi mo alam kung paano?" His face turned red. He tried to avoid her gaze but Tammy chuckled softly as if she already knows the answer to her question. "Oh my goodness, you're about to turn nineteen but you don't have a first kiss yet?" She faked a sigh. "Don't worry, I'll teach you." Biglang nagwala ang dibdib ni Argus at ang mga mata ay napatingin kay Tammy. "W—What?" A playful smirk made its way to her lips. "Ganito lang." Nanlaki na lamang ang mga mata ni Argus nang bigla nitong hinawakan ang magkabila niyang pisngi saka nito hinalikan ang kanyang mga labi. His heart gone wild as he lost his concept of time and space, her lips moved in a sensual way, lulling him to commit something he knows isn't right. . . but still feels so good. Argus suddenly forgot about everything, and before he could even think straight again, they nearly jumped from their seats when they heard a loud honk. Napahiwalay sila ni Tammy sa isa't isa at parehong nanlaki ang mga mata matapos makitang wala na sila sa tamang lane. Ilang metro ang layo sa kanila ay ang mabilis na truck ng gulay na babangga na sa kanyang kotse. Argus panicked as he turned the steering wheel to avoid the truck, ngunit sa kawalan ng kontrol, dumiretso ang kotse sa isang puno. Kung hindi niya natapakan ang brake bago sila sumalpok ay baka hindi lang ang hood ng sasakyan ang nasira. Namumutla sa takot silang nagkatinginan ni Tammy bago sabay na bumuntonghininga. Great. They almost died because she stole the kiss he promised to give to the girl he'll marry someday. . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Slave Who Owned The Moon

read
2.1K
bc

The Baby Clause

read
2.9K
bc

Rocking With The Bratva Brat

read
30.2K
bc

Crazy Over My Stepdad

read
1.1K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
19.3K
bc

Ava

read
2.6K
bc

The Lost Heiress's Glorious Return

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook