Sasagutin na sana ni Moona ang kanyang tanong pero hindi na nito nagawang ituloy nang makita nilang naglalakad ang dalawang lalaki papunta sa kanilang kinaroroonan.
"Ms. Morales," nakangiting tawag ni Daniel sa kanya habang nakasunod dito ang lalaking kausap nito kanina lamang.
"This is my friend, Ouyang Villanueva," pagpapakilala nito sa kanya, "...dude, this is Ms. Meiya Morales. Our VIP visitor tonight together with her friend, Moona."
"Hi," mabilis na bati ni Meiya kay Ouyang sabay lahad ng kanyang kanang palad sa harapan nito.
"Hi, nice to met you, Ms. Meiya Morales." Parang isang awit sa pandinig ni Meiya ang boses ni Ouyang nang nagsalita ito lalo na nang banggitin nito ang kanyang pangalan.
Biglang kumabog ang kanyang puso nang maramdaman niya ang mainit nitong palad na lumapat sa kanyang palad. Nagkamayan sila habang nanatiling siyang nakatitig sa magandang mukha nito at maya-maya lang ay nagkatinginan na lamang ang tatlo nang sa tingin ng mga ito na mukhang wala siyang balak na pakawalan ang palad ni Ouyang habang si Ouyang naman ay pasimple nang binabawi ang palad na hawak-hawak pa rin ni Meiya.
"Let go," pabulong na saad ni Moona sa kanya nang mapansin nito ang kanyang pagkatulala. Mukha naman siyang nagising sa kanyang pinaggagawa at tila ba nakaramdam siya ng hiya.
"Oh! I'm sorry," sabi niya sabay bitaw sa palad nito at binalingan naman niya si Moona, "This is my friend, Moona," sabi niya sabay iwas ng tingin dahil pakiramdam niya ay pulang-pula na ang kanyang pisngi sa hiya.
"Nice to met you, Mr. Villanueva," bati ni Moona rito.
"Nice to met you, too," nakangiting saad ni Ouyang saka sila nagkamayan habang si Meiya naman ay palihim na pinagmamasdan ang mukha ni Ouyang.
Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa isang lalaki kaya sigurado na siya na pag-ibig na 'yon at wala nang iba pa.
"I'm pretty much sure that you know Ms. Morales well," baling ni Daniel sa kaibigan at napangiti naman ng lihim si Meiya dahil nasisiguro na niya na kilalang-kilala siya ni Ouyang.
Sino ba naman kasi ang hindi pa nakakakilala ng lubos sa kanya? Napakasikat niyang artista at halos lahat ng mga kalalakihan, nangangarap na mapansin niya at maraming kababaihan din ang nangangarap na sana magiging katulad siya ng mga ito. Kahit nga siguro matanda ay kilala siya at humahanga sa kanya.
"Well, I'm sorry, I don't have much time to take a look at any social media sites that is why, I'm so sorry, Ms. Morales if I don't have much knowledge about you."
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Meiya sa ipinagtapat ni Ouyang sa kanya. Hindi niya inakala na may isang lalaki pa palang kagaya nito ang hindi siya lubusang kilala.
Malaking sampal iyon sa isang kagaya niyang tinitingala ng karamihan pero okay lang, alam niyang this meeting will be the first step so he will get to know more about her.
"Don't worry. I understand. Alam ko naman na hindi madali ang buhay ng isang businessman. If my schedules are so hectic, I'm sure, yours are the same as mine," mahinahon niyang saad sabay ngiti ng sapilitan kahit na ang totoo ay disappointed siya nang sabihin nitong wala itong masyadong alam tungkol sa kanya kahit na kalat na kalat siya saan mang panig ng bansa maging sa ibang bansa.
"Mr. Gatchalian!" Napatingin silang lahat sa taong tinawag ni Daniel na kapapasok pa lamang.
"Hey! Pasensiya kung ngayon lang ako nakarating," sagot nito saka ito napatingin kay Meiya.
"Meiya, you're here. Sana, sinabi mong papunta ka, naipag-drive sana kita," nakangiti nitong saad habang nakatingin sa magandang dalaga.
"No need na, Mr. Gatchalian, kasama ko naman si Moona," aniya sabay hawak sa braso ng kanyang manager.
"Pero, iba pa rin talaga kung ako ang magda-drive para sa'yo," giit pa nito sabay hawak sa kamay ng dalaga. Agad na binawi ni Meiya ang kanyang kamay nang hindi niya sinasadyang makitang nakatingin pala du'n si Ouyang.
"Don't worry, we can handle ourselves," sabi pa niya habang pasulyap-sulyap ang kanyang ginawa kay Ouyang.
Dave Gatchalian is an artist just like Meiya. He is 28 years old and still single. Masugid na manliligaw ni Meiya since magkatrabaho lamang silang dalawa kaya mas nagkakaroon ito ng saktong panahon at oras upang magpapansin sa kanya kahit na ilang beses na niya itong binusted at minsan pa nga, pina-partner silang dalawa sa isang drama o movie pero hindi talaga siya pumapayag na magkaroon sila ng kissing scene dahil wala naman talaga siyang balak na humalik sa lalaking hindi niya gusto.
In short, her lips are still innocent when it comes to this kind of things.
"Ah, by the way, Mr. Gatchalian, he is my friend, Ouyang Villanueva," singit ni Daniel sabay turo kay Ouyang na nasa tabi lang nito nakatayo.
"I know you, Mr. Villanueva. Nice to met you," nakangiting saad ni Dave sabay lahad ng kanyang palad sa harapan ni Ouyang.
"Nice to met you, too," sabi naman ni Ouyang sabay abot sa nakalahad na palad ni Dave.
Matapos magpakilala ang dalawa sa isa't-isa ay naiwan sina Meiya at Moona sa kanilang kinaroroonan habang sina Ouyang naman ay abala sa pakikiusap sa mga naging bisita ni Daniel.
"Sa tingin mo, Moona. Bagay kaya kaming dalawa ni Ouyang?"
Napataas ang kilay ni Moona dahil sa kanyang tanong. Ilang taon na niyang naging manager si Moona pero ngayon lang talaga nito nakita ang kanyang naging reaksiyon para sa isang lalaki. Marami na kasi siyang lalaking nakasalamuha pero ni minsan ay hindi siya nakikitaan ng ganu'ng reaksiyon kaya nakapagpanibago para kay Moona ang lahat.
"Sabihin mo nga sa akin. Tapatin mo 'ko, gusto mo ba si Mr. Villanueva?"
"Hmmm," sagot niya sabay tango habang ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon kay Ouyang. Para siyang batang sumagot sa tanong ng ina na wala sa sarili dahil abala sa ginagawa.
"Gusto ko siya," nakangiti niyang sabi sabay baling ng tingin kay Moona, "...gusto ko siyang maging boyfriend," dagdag pa niya.
Lalo tuloy naguguluhan si Moona sa nakikita niya ngayon sa kanyang alaga. Ganito ba talaga ito kung matatamaan ng pana ni kupido?
"Hindi mo pa nga siya kilala nang lubusan kaya papaano mo nasabing mahal mo na siya?"
"Bakit, kailangan bang makilala ko muna siya nang lubusan saka ko sasabihin sa sarili kong mahal ko siya?"
"Meiya, paghanga lang ang nararamdaman mo at isipin mo na ang paghanga ay malaki ang pagkakaiba sa pag-ibig."
"Mahal ko siya, 'yon ang tunay kong nararamdaman," giit pa niya kaya hanggang buntong-hininga na lamang ang nagawa ni Moona.
"He will become my boyfriend," sabi niya habang muling nakatuon ang kanyang mga mata sa binatang abala pa rin sa pakikiusap sa mga bisita ni Daniel.
"Eh, ang tanong, katulad ba kayo ng nararamdaman? Mahal ka rin kaya ni Ouyang?"
Naibaling ni Meiya ang kanyang tingin sa ibang direksyon dahil sa naging tanong ni Moona sa kanya.
Bakit nga ba hindi niya naisip ang tanong na 'yon? Pareho kaya sila ng nararamdaman? Papaano namang naging pareho eh, kasasabi nga lang nito sa kanya na halos wala itong alam tungkol sa kanya kaya ang pag-asang magkapareho sila ng nararamdaman ay napaka-imposible!
"Paano kung hindi ka pala niya mahal?" muling tanong sa kanya ng kanyang manager.
Dahil sa pagiging close nilang dalawa ay ganito na sila kung mag-usap lalo na kapag silang dalawa lamang.
"Ang sakit mo namang magsalita. Mukhang wala kang bilib sa kagandahan ko, ah," naka-pout niyang sabi na parang batang naglalambing sa ina.
"Kung sakali lang naman. Hindi natin kontrolado ang pagtibok ng kanyang puso."
"Well, that's not a problem."
Nagtatakang napatingin uli sa kanya si Moona dahil sa kanyang sinabi.
"Anong binabalak mo?"
"I will make him fall in love with me."
Napaawang ang mga labi ni Moona sa kanyang narinig habang kinikilig naman si Meiya habang nakamasid siya kay Ouyang kasama si Daniel. Hindi nito inakala na ang isang katulad niya ay nakahanda palang gawin ang lahat, mapapaibig lamang ang lalaking natitipuhan.
Samantala, habang nakikipag-usap si Ouyang sa iba pang mga bisinessmen na nandu'n ay napatingin siya sa mesa kung saan nakaupo sina Meiya at Moona. Nakita niyang masaya itong nakikipag-usap kay Moona hanggang sa bigla na lamang lumapit sa mga ito si Dave at talagang umupo pa iyon sa tabi ni Meiya at wala namang ginawa ang dalaga para du'n. Napakalaki ng ngiti nito habang nakikipagkwentuhan sa dalawa.
Hindi niya naiwasang titigan ang dalaga habang nakikita niya ang matamis nitong ngiti. Narinig na niya ang pangalan nito dahil madalas itong napag-usapan ng kanyang mga empleyado. Naririnig niya ang mga papuri ng mga ito para sa dalaga pero ni minsan ay hindi talaga sumagi sa kanyang isipan ang silipin ito sa mga social media para alamin kung totoo nga ang kanyang mga naririnig.
Ngayong nakita na niya mismo ng dalawa niyang mga mata, nasabi rin niya na may katotohanan din pala ang mga pinagsasabi ng kanyang mga empleyado. Lalo siyang napatingin siya sa mga ito nang makita niya ang pasimpleng paghawak ni Dave sa kamay nito habang nag-uusap ang mga ito at napailing na lamang siya dahil wala namang ginawa ang dalaga upang tanggalin ang kamay nitong hawak-hawak ng lalaki.
"Ganu'n nga siguro kapag artista, it's doesn't matter to them whoever will hold their hand," pabulong na saad ng kanyang utak.
"Maganda ba?"
Napapiksi na lamang siya nang biglang pabulong na nagtanong sa kanya ang kaibigang si Daniel.
"What are you talking about?" kunwari niyang tanong.
"You've been starring at her for almost half hour tapos magkukunwari ka pang hindi mo alam kung anong pinagsasabi ko?" pabirong saad ni Daniel.
"Napatingin lang naman, hindi nakatitig," palusot pa niyang saad.
"Why dont you try to court her? She's good to be your better half. Nakita ko rin kanina kung papaano siya natigilan sa kagwapuhan mo."
Napatingin siyang muli sa dalagang nakikipag-usap pa rin sa mga kasama nito at halos naka-focus ang atensiyon nito sa mga ito. Nagagwapuhan nga ba talaga ito sa kanya kanina? Eh, bakit halos hindi na siya mapansin ngayon? Dahil ba abala ito sa lalaking kausap?
Wala naman siyang oras para sa bagay na 'yon, mas gugustuhin pa niyang ituon ang lahat ng atensiyon niya sa ibang bagay lalo na sa kanyang kompanya kaysa makipagharutan sa isang babaeng kagaya ni Meiya.