SIMULA?
"ANGEL! PAKIBILISAN NAMAN!"
Inip at naiinis na sigaw ni Roxy sakin. Ang mahadera kong kaibigan s***h katrabaho s***h bungangera.
Tinanghali kase ako ng gising dahil tinapos ko pa ang dalawang episode ng kdramang pinapanood ko kagabi.
"Teka lang! Lalabas nako!" Pasigaw ko ding sagot dito habang sinusuot ang mga sandals ko sa paa.
Nagkanda subsob na ako kaka yuko sa mga ito para lang maisuot agad dahil alam kong buryong buryo na si Roxy kakahintay sakin.
Nang matapos sa ginagawa ay dali dali akong lumabas ng kwarto ko at napipilitang ngumiti ng makatapat sa pwesto ni Roxy.
Sinamaan nya ako ng tingin kaya yung pilit na ngiti ko ay nauwi sa ngiwi.
"Bukas kapag ganito ulit bahala ka mag commute! Letche!" Bulyaw nito sakin sabay tayo at lumabas ng apartment ko na naka taas kilay.
Napangiti nalang ako sa inakto nito. Alam ko kase na kahit ilang beses ko pa itong paghintayin ay hindi naman niya ako matitiis dahil loves nya ako.
Pitong taon na kaming magkakaibigan nila Roxy, Ella, Eunice at Eric. Since high school ay tropa tropa na kami. Tanging kami lang ni Roxy ang magkapareho ng kursong tinapos habang yung tatlo ay may kanya kanyang mga propesyon.
Kami ni Roxy ay mga architect habang si Ella naman ay Interior designer. Si Eunice naman ay Business add habang si Eric naman ay Engineer.
Ako nga pala si Angelica Mendez, but you can call me Angel. Bente sais anyos na ako at ulila na dahil namatay sa Car accident ang mga magulang ko na umampon sakin kasama ang tunay nilang anak na si Ate Eicie.
Dalawang taon na akong naninirahan mag isa sa apartment na tinutuluyan ko. Lahat kase ng ari arihan na iniwan ng mga adopted parents ko ay kinuha ng mga taong pinagkakautangan nila. Tanging savings lang ang naibigay ng mga ito sakin na matagal na nilang ipinangalan sakin.
Yon ang ipinambayad ko sa huling taon ko sa kolehiyo kaya kahit walang mga magulang ay nakapag tapos parin ako sa pag aaral gaya ng ipinangako ko sakanila bago sila lagutan ng hininga.
Hindi naman pangit ang naging trato nila sakin. Sakto lang para sa mga magulang ngunit ramdam ko parin na hindi ako kabilang sa pamilya nila dahil mas lamang ang turing nila sa tunay na anak kesa saakin na palaging inuutusan at pinapagalitan sa mga palpak na gawain na hindi naman ako ang may gawa.
So change the topic dahil mahaba haba ang sona ko tungkol sa mga adopted parents ko in short nalang ay hindi sila fair sa pagtrato nila saming dalawa ni Ate Eicie. Period!
"Balita ko may bagong tenant na titira sa itaas ng apartment mo" Pagkuwan ay sabi ni Roxy ng makaalis na ang kotse nito patungo sa opisina namin.
"Dinig ko nga kila Aling Rose na meron" Tanging nasagot ko nalang dahil wala naman akong pake kung meron man o wala.
"Gwapo daw! Baka yun na ang Mr.Right mo" Natatawang sabi muli nito na kina ngiwi ko.
"Buti kapa alam mo lahat tungkol sa compound namin. Samantalang ako walang ka ide-idea dyan. Marites ka talaga" Mahabang lintaya ko dito na kina nguso nya kaya natawa ako.
"Alam mong Tita ko ang may ari ng inuupahan mo day!" Pairap nitong sabi na inilingan ko nalang.
Totoo ang sinabi nito na Tita nya si Mrs. Laxamana na may ari ng nasa bente na unit ang isang compound ng paupahan.
Nang makarating na sa office namin ay kanya kanya na kami ng upo sa mga nakalaang mesa para samin. Madami kaming projects ngayon na kailangang tapusin kaya bawal muna ang daldalan at puspusan dapat ang trabaho ngayon.
Makalipas ang ilang oras na pag guguhit at pag summarize sa mga ginagawa ko ay natapos ko din at saktong lunch break na.
"Gel! Kain daw tayo sa labas. Nasa baba na si Eric" Pagkuwan ay kalabit ni Roxy sakin habang busy sa pagkalkal ng kung ano sa cellphone nito.
"Sandali! Liligpitin ko pang itong mga lapis ko" Sagot ko dito na tinanguan nalang nya saka na tumungo ulit sa mesa nito para kunin ang gamit niya.
Sabay kaming lumabas ng opisina namin at nagtungo sa elevator pababa sa ground floor.
Malapit lang din kase ang working place ni Eric sa building namin kaya mabilis itong makakapunta samin kapang lunch break or breaktime.
"Sina Ella at Eunice?" Tanong ko kay Eric ng mabungaran namin sa may lobby habang nakikipag daldalan sa maharot naming Information stuff na naka asign.
"Hindi sila makaka sabay dahil busy daw sila daan nalang daw tayo sakanila mamaya" Sagot nito sabay kindat doon sa Information staff na todo kung maka kilig.
Hindi ko din naman ito masisisi dahil gwapo naman si Eric. Babaero ito ngunit ni isa sa mga babae nya ay hindi nya sineseryoso. Ni wala pa kaming nababalitaan na naging girlfriend nito dahil palagi itong nakabuntot sakin.
Napagkakamalan na nga kami minsan na magnobyo dahil sa closeness at sweetness namin sa isa't isa pero purong magkaibigan lang ang tinginan namin sa isa't isa at hindi na hihigit doon.
Para ko na itong kuya dahil napaka protective nito sakin. Simula ng maulila ako ay hindi nya ako pinabayaan. Nila to be exact.
"Tara na! Gutom na ko!" Pagsingit ni Roxy sabay himas sa tiyan nito na nagpapahiwatig na gutom na talaga.
Kotse nalang ni Eric ang ginamit namin para mahatid nya din kami pabalik. Inalalayan nya muna kaming sumakay bago siya sumampa sa driver seat at paandarin paalis ang sasakyan.
Sa malapit lang na restaurant kami pumunta dahil hindi kakayanin ng isang oras naming break kung sa paborito pa naming restaurant pupunta.
Si Eric na din ng nag order ng makaupo na kami sa mesang inilahan samin ng isang waitress.
"Selfie tayo! Pang inggit dun sa dalawa" Natatawang anyaya ni Roxy sabay Taas ng cellphone nito para kuhanan kami ng pictures na magkakasama.
"1...2...3... Say cheese!" Bilang pa ni Eric na kina tawa naming lahat kaya ang kuha ay todo ngiti kami.
Ipinost ni Roxy sa Social media nya ang picture saka itinag saming apat with a caption na " Lunch Time with the lovers" na kina ngiwi ko ng makita sa notif ko ang post nito.
"Loka loka!" Naiiling kong bulyaw dito ng mabasa iyon na kina tawa nilang dalawa ni Eric.
Sunud sunod ang naging pagtunog ng mga cellphone namin at alam naming yung dalawa ang nag iingay sa ipinost na picture ni Roxy.
Mariella Ruiz
- Ang daya! Lagot kayo sakin!
Eunice Del Valle
- ugh! I hate you all!
mabulunan sana kayo!
Yan ang una naming nabasa na comment ng dalawa pa naming kaibigan na kina tawa naming tatlo.
May mga ilan pang mga schoolmates at mga classmates namin noon ang nagsi like and comment sa post na kina giliwan ni Roxy dahil sa mga kakwelahan na mga comment ng mga ito.
Gustong gusto ni Roxy ang mga atensyon lalo na sa social media. Gusto nito ay sikat siya at alam ng lahat ang ganap sa buhay nito.
May isang page din ito na nagba-vlog ito kasama kami at talaga namang napakarami niyang followers at likers na lalong nagpapa enganyo sakanyang ipagpatuloy ang ganoong ginagawa.
Pagkadating ng order naming pagkain ay mabilis lang namin iyon inubos para may time pa kaming makapag pahinga at makapag kwentuhan.
Isang linggo na kase ang nakakalipas simula ng makapag bonding kaming lima dahil pare pareho kaming busy sa kanya kanyang mga propesyon.
Palagi nalang si Roxy ang nakikita ko sa araw araw kaya medyo na uumay na ako sa pagmumukha nito na napaka arte dahil kung anu ano ang nilalagay na lokorete sa mukha nito.
"So kelan tayo ulit gagala? Namimiss ko ng gumimik" Pagkuwan ay tanong ni Roxy matapos nitong makapag re-touch pagkatapos naming kumain.
"Kayo ba? Free ako this weekend" Sagot naman ni Eric dito.
"Bahala kayo!" Tanging nasagot ko nalang at nagkalikot nalang sa cellphone ko.
Hindi din naman kase ako makaka ayaw kapag nakapag desisyon na sila. Puro okay at sige lang ang nagagawa ko dahil kukulitin at kukulitin ka nila kapag tumanggi ka.
"Ang KJ nito! Wala naman tayong pasok ng sabado at linggo" Singhal ni Roxy sakin sabay taas kilay.
Diba napaka arte?
"Kaya nga bahala kayo dahil hindi naman din ako makaka hindi diba?" Napapa irap kong sagot dito na kina nguso niya.
"Sa pod nalang kaya ni Angel para hindi na tayo lumabas. Kanya kanyang Dala nalang ng pagkain" Suhestyon ni Eric na mabilis na sinang ayunan ni Roxy na kina nuot ng noo ko.
"Ehh? Bakit parang excited ka?" Takang tanong ko dito.
Biglang ng twinkle twinkle ang mga mata nito na animo'y may magandang na isip pero alam naman naming puro kalokohan lang ang lumalabas sa bibig nito.
"Gusto kong makita yung bagong tenant na sinasabi ni Tita Macy" Napapa taas pa nitong kilay na sabi na kina ngiwi namin ng sabay ni Eric.
"Kaya naman pala" Tanging nasagot ni Eric habang iiling iling.
"Tara na nga! Iwan na nating yang baliw na iyan" Yaya ko kay Eric na mabilis niyang sinakyan at sabay na kaming tumayo at lumabas ng restaurant.
Dinig namin ang pasigaw na pagtawag ni Roxy samin ngunit hindi na namin siya pinansin at nagtuloy na papuntang kotse ni Eric.
Sa sasakyan na namin ito hinintay and guest what? May nakasalubong siyang gwapo kaya ayun nagpa cute pa ang bruha at for sure ay kinuha nanaman nito ang number non para alamin kung pwede itong jowain.
Mabilis lang kaming nakabalik ng office. Wala ng sere seremonyas na nagpaalam na kami kay Eric dahil 5miutes nalang ay working hour na namin ni Roxy.
Natapos ang maghapon na nakakapagod ang trabaho. Nagpaalam si Roxy sakin na may dadaanan pa sya kaya hindi na nya ako maihahatid sa bahay. No choice kundi ang mag commute dahil siguradong makikipag date lang ang isang iyon.
Nag jeep nalang ako para tipid sa pamasahe. Hindi din naman kalayuan ang lalakarin ko pagbaba sa kanto kaya okay na din iyon at para makapag stretching na din ng mga binti dahil sa maghapon na pag upo sa opisina.
"Manong para po sa tabe" Tawag ko sa Driver ng Jeep na mabilis nitong sinunod.
Sakto ang pinaghintuan nito kaya dali dali akong pumasok sa may kanto papasok sa inuupahan kong bahay.
Sa bungad ay may building na ginagawa kaya halos lahat ng tenant sa compound namin ay nagtatrabaho sa building na under construction. Condominium ata iyon dahil sa lawak at laki ng ginagawa.
"Hi Ganda!" Pagkuwan ay bati ng isang lalake na nagtatrabaho sa construction.
Napangiwi akong tumango dito bilang sagot sa bati nito at binilisan ang lakad. Biglang may lumabas na isang pang lalake pero mukha itong boss nung nauna dahil mas ayos ang suot nito kesa dun sa una.
"Nagpapa cute ka nanaman dyan! Magtrabaho ka doon" Singhal nung bagong labas na lalake saka ako binalingan ng tingin.
Napa taas ito ng kilay ng makatingin sa mukha ko. Animo'y hinahalukay ang pagkatao ko sa gawi ng pagtitig nya.
"Yes Miss?" Bigla ay tanong nito kaya napa igtad ako saka ko sya inirapan at nagtuloy na sa paglalakad.
Ilang bahay pa ang dinaanan ko bago ko narating ang apartment ko.
May itsura yung lalake infairness pero mukhang mayabang base sa tono ng pananalita nito kanina.
Blue Eyes....