CHAPTER 02

2069 Words
Araw ng Sabado ngayon at kahapon pa nandito si Roxy dahil ngayon daw lilipat ang bagong tenant sa itaas ayon sa Tita nito na si Tita Macy. "Girl! Ano kayang itsura no? Hindi naman siguro pangit ang taste ni Tita when it comes to Pogi thing diba?" Histerya nitong sabi sakin habang dumudungaw sa may bintana. Inaalam kung nasa labas naba ang Tita nito para samahan daw na ihatid ang bagong tenant sa uupahan nito. "Ewan ko sayo! Nag overnight ka talaga dito para lang dyan?" Na iiling kong sabi dito na kina ngisi niya at Oo ang sagot doon dahil kilala ko na siya. Nagpasya nalang akong maglinis ng bahay dahil mamayang gabi na ang naging usapan namin na dito sa pod ko kami mag kikita kita. Nakakahiya naman kung marumi ang bahay diba? For sure dito mag sisipag tulog ang mga iyon dahil magpapaka lasing sila. Ilang minuto pa ang lumipas ay dinig ko ang pagtili ni Roxy sa may sala kaya napalabas ako ng kwarto ng di oras. "Napapano kaba?" Singhal ko dito ng maabutan na naka dungaw parin ito sa may bintana habang nagtititili ang bruha. Binalingan ako nito ng tingin at walang anu ano'y nilapitan ako para hatakin papalabas ng bahay. Bumungad samin si Tita Macy at ang lalakeng kasama nito na si..... Blue eyes? Siya yon! Yung lalake sa may construction site sa may kanto yung Blue eyes nung isang hapon. "Oh Roxy! Nandito ka pala!" Nakangiting sabi ni Tita Macy sa pamangkin nito ng makalapit kami sa kina roroonan nila. Napabaling ang tingin ko kay Blue eyes ng maramdaman ang pagtitig nito sakin. Hindi nga ako nagkakamali dahil titig na titig ito sakin na para bang huhubaran na ako sa titig palang niya kaya napa irap ako dito at binalingan si Tita Macy para batiin. "Magandang Umaga po Tita" Bati ko dito sabay besos na kina ngiti nya at gumaya sa ginawa ko. Close kami nito dahil nga pamangkin nya si Roxy. Pero kahit close kami ay tenant parin ang turing nito sakin dahil mahigpit ito sa pera at pag business ay business walang close close sakanya. "Good morning too Angel. Oh by the way this is Mr. Russel Curter our new Tenant here" Pagkuwan ay Balik bati nito sakin at pakilala na din sa kasama niya. Naglahad ng kamay si Blue eyes sa harap ko ngunit si Roxy ang kumuha doon at nakipag shake hands. "Roxy nalang for short ng Roxanne Laxamana and this is Angelica Mendez Angel for short. my bestfriend" Pakilala ni Roxy saming dalawa na kina ngiti naman ng lalake. "Nice to meet you ladies" Ani Russel Curter daw na tinanguan ko nalang dahil sakin siya nakatitig habang ang kaibigan ko naman ay todo pa cute sa harapan nito with matching ipit ipit pa sa buhok sa may tenga. Pinasama kami ni Tita Macy na ihatid si Russel sa tutuluyan nito witch is ang nasa itaas lang ng unit ko. Sa isang unit ay may dalawang kwarto at isang CR, maliit na kitchen at sakto lang na sala para sa dalawaan o pang tatlong katao na titira kaya para sakin ay malaki ang inuupaan ko pero okay nandin dahil dito madalas na naglalagi ang mga kaibigan ko para daw samahan ako o kaya kung minsan ay ayaw nilang mag si uwian sa mga bahay nila ay dito sila uuwi sa unit ko. "So Mr.Curter how was it?" Pagkuwan ay tanong ni Tita Macy kay Russel matapos nitong mailibot ang kabuohan ng unit na tutuluyan nito. "It's nice and peacefull pod Mrs.Laxamana" Puri nito sa bahay na kina lawak ng ngiti ng ginang. Nag usap pa ang mga ito tungkol sa details tungkol sa pagtira nito sa unit. Ang dinig ko ay isang taon ang lalake dito at fully paid na ito kaya anytime ay pwede ng lumipat ang lalake sa unit nito kung kelan nya gusto. "Ah Tita mauuna na po ako dahil magtatanghali na" Pagkuwan ay singit ko sa mga ito para magpaalam. Kumakalam na din kase ang tyan ko dahil kape lang ang almusal ko kanina at magtatanghali na kaya kailangan ko ng ipagluto ang bruha este ang donya na bisita ko witch is Roxy. Hindi din kase ito marunong magluto at tanging pag kain lang ang alam nito. "Ah Angel pwede bang isali nyo na si Mr.Curter sa Lunch nyo dahil wala pa itong alam sa lugar natin" Bigla ay paki usap ni Tita Macy na kina bigla ko ng una pero agad ding nakabawi saka mabilis na tumango. Nakakahiya naman kung tumanggi ako diba? Kabastusan naman iyon sa bagong salta kahit medyo hindi good ang vibes ko dito. Mukha kaseng maloko ang lalake dahil na din sa gawi ng pagtitig nya kaso lang ay wala akong magawa kaya tanging pag payag nalang ang nagawa ko. "Yes! thanks Sissy!" Nagdiriwang na sabi ni Roxy na kina iling ko nalang saka na ako umalis para makatungo sa unit ko. Gaya ng paalam ko ay tumungo ako sa kusina ko at inilabas ang ilang karne at gulay sa ref ko para makapag luto na. Kailangan ko din kaseng dagdagan ang iluluto baka bigla nalang sumulpot yung tatlo ko pang kaibigan kahit na sinabi nilang mamayang hapon pa sila darating. Nagluto ako ng dalawang klaseng ulam. Ang isa ay Chicken curry at ang isa naman ay tokwa't baboy na paborito naming dalawa ni Eric. Patapos na ako sa pagluluto ng marinig ko ang boses ni Roxy na pumasok sa loob ng bahay. May kausap ito and for sure ay yung Russel Curter ang kasama nito base nadin sa malanding tono ni Roxy kapag may gwapong kausap ito. Inayos ko na ang mesa para saming tatlo kaya ng pumasok sila ng kusina ay naka ready na ang lahat. "Hmm! Bango naman!" Pagkuwan ay pambobola ni Roxy ng langhapin nito ang amoy ng mga ulam na niluto ko. "Kaltukan kita dyan e!" Ngiwi kong sabi dito na kina tawa nya. Baliw! Kakaltukan na tatawa pa? "You cook all of this?" Bigla ay tanong naman nung Russel kaya napabaling ako ng tingin dito matapos mailapag ang isang pitsel na may lamang orange juice. "Yes Mr.Curter! Hilig ni Angel ang magluto at masasarap ang mga iyan. Wife material diba?" Pagbibida kuno ni Roxy sakin na kina mangha naman ng lalake. "Umupo na kayo para makakain na tayo. Gutom na ako" Walang ganang alok ko sa mga ito dahil nagwawala na ang mga bulate ko sa tyan dahil sa gutom. Mabilis naman nilang sinunod ang sinabi ko. Umupo si Roxy sa tabi ko habang si Russel naman ay nasa harapan namin. Napangiti ako dito ng makita itong hindi makapili kung alin ang unang titikman. Ayon sa itsura nito ay na eexcite itong tikman ang dalawang putahe na naka handa sa mesa kaya pinag serve ko na ito. "Try this one before this" Sabi ko dito at binigyan ng isang hiwang manok ng chicken curry. Napakamot pa ito ng ulo dahil sa ginawa ko na kina tawa naming dalawa ni Roxy. "Ang cute nya diba?" Walang prenong sabi ni Roxy kaya namula ang pisngi ng lalake na parang nahiya sa sinabi ng kaibigan ko. Hinintay namin ni Roxy na makakain si Russel para malaman ang magiging reaksyon nito sa lasa ng pagkain. Napatango tango pa ang lalake ng matikmang ang curry na una kong pinatikim sakanya. "How was it Mr.Curter?" Tanong ni Roxy dito kaya napa angat ito ng tingin samin bago sumagot. "Masarap sya. Saktong sakto ang pagka creamy" Sagot nito na kina palakpak pa ng kaibigan ko na animo'y siya ang nagluto at proud na proud dahil nagustuhan ang niluto nya. "Try this too. Angel and one of my bestfriends favorite food" Suhestiyon naman ni Roxy dito at siya na din ang naglagay ng Tokwa't baboy sa plato ni Russel. Hindi ko na hinintay ang magiging komento nito sa huling ulam dahil nag umpisa na akong kumain. Gutom na gutom na ako no! "Hmmm! delicious!" Dinig kong puri muli ni Russel sa huling ulam na tinikman nito na kina ngiti ko nalang saka na nagpatuloy sa pagkain. Sa buong oras na pagkain namin ay sila Roxy at Russel lang ang nagkukwentuhan dahil wala ako sa mood makipag daldalan. Hindi ko din bet ang makipag usap sa lalake dahil sa mga kwento palang nito kay Roxy ay nahahanginan na ako. Mayabang dahil may pinag mamalaki. Naikwento nito na siya ang Engineer na may hawak sa under construction na building sa may kanto kaya kinailangan nyang umupa dito para hindi na umuwi ng maynila. Napaka mahal din daw kung sa hotels ito tumira kaya ng may mag suggest daw sakanya na umupa dito ay hindi na nya pinalampas pa at nag inquire kaagad daw siya. Mura lang kase ang upa dito. 6000 ang monthly at may sarili kapang kontador ng mga electricity at water kaya alam mo ang nagagamit mo lalo na ako na sa gabi lang gumagamit dahil maghapon akong nasa trabaho at mag isa lang kaya minimum lang ang binabayaran ko. Naikwento din nito na baguhan palang sya sa propesyon nya dahil kelan lang siya nakapag tapos dahil maagang nagtrabaho sa kumpanya ng pamilya nya. Ngayon daw ay nagtayo siya ng sariling kumpanya at hands on ito dahil kahit siya ay nagtatrabaho katulad ng mga trabahador nya. Di daw gaya ng iba na pa petics petics lang at iaasa sa mga trahabante. "Kayo? Anong mga propersyon nyo?" Pagkuwan ay tanong ni Russel samin kaya nabaling ang tingin ko dito. "What do you think?" Bigla ay tanong din ni Roxy dito with pataas taas pa ng kilay. Napaisip naman ang lalake saka kami pinagmasdan isa isa para alamin kung ano nga ba ang nababagay na propesyon para samin. "I think you're a Fashion designer? And Angel is a Chief?" Patanong na sagot nito na kina tawa namin ng sabay ni Roxy sabay iling kaya napakamot ng ulo ang lalake. "Mali! We are Architects" Sagot ni Roxy dito na kina gulat nya kaya natawa ulit kami ni Roxy dahil sa naging reaksyon nito. Napabilong ang bibig at nanlalaki ang mga mata sa gulat. Parang hindi nito maimagin ang mga itsura namin sa ganoong propesyon kaya lalo kaming natawa ni Roxy dahil doon. "For real?" Hindi talaga makapaniwalang tanong nya na sabay naming tinanguan ni Roxy. Hindi na ito nakapag salita pa dahil hindi na niya malaman ang sasabihin. ang tanging nasabi nalang nito sa huli ay "WOW!" kaya natawa talaga kami ni Roxy dahil doon. Ilang oras pa itong nakipag kwentuhan samin dito sa unit ko ng magsidatingan na ang tatlo pa naming mga kaibigan. "Girls!" Sigaw ni Eric kaya dali dali akong lumabas ng kusina at sinalubong ang mga ito. Nakipag beso ako sa dalawa ko pang kaibigan habang kay Eric naman ay inangkla ang dalawang braso ko sa braso nya saka sila inakay sa kusina. "oh! We're complete!" Masinglang sabi ni Roxy saka ito sumalubong sa tatlo at nakipag beso. "Oh! We have a guest!" Kinikilig na puna ni Ella kay Russel saka ito lumapit dito para makipag kilala. "Hi Handsome! I'm Mariella Ruiz" Maarteng pakilala ng bruha sabay beautiful eyes pa na kina tawa naming dalawa ni Eric. Ganyan kase ang mga kaibigan namin pag nakakakita ng mga gwapo. Parang sinisilian ang nga pwet sa kilig na parang mga ewan. "I'm Russel Curter. Your new neighbor" Pakilala naman ni Russel dito at tinanggap ang pakikipag kamay ngunit nagtitili sa kilig si Ella ng halikan ni Russel ang likod ng palad nito kaya nakatanggap siya ng batok kay Eunice na nasa likuran lang nito. "Ang harot! Tabi nga! ako naman!" Singhal ni Eunice dito sabay tulak kay Ella na kina nguno ng isa habang kami naman ay natatawa sa inaasta ng dalawa. "Hello Baby! I'm Eunice Del Valle, Your future Wife" Maharot na pakilala naman ni Eunice dito na kina iling ko nalang saka na nag ligpit ng pinagkainan namin. "Oh can't wait for that" Pagsakay naman ni Russel sa sinabi ni Eunice. Kuh! Nakaka amoy ako ng Playboy! Matapos ni Eunice ay si Eric naman ang nagpakilala. Simpleng pakilala at batian lang ng mga lalake ngunit napasinghap ako sa huli nitong sinabi. "Court all of my friends except Angel" Anas ni Eric dito na kina taas ng kilay ni Russel saka ako nito binalingan ng tingin. Ganon din ang ginawa ni Eric at ng makita ako sa ginagawa ko ay mabilis nya akong dinaluhan at tinulungan sa pagliligpit. I smell something.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD