CHAPTER 03

2016 Words
? Araw ng lunis kaya may pasok nanaman sa trabaho. Maaga akong gumising ngayon dahil walang gigising sakin at magsusundo. Nakaleave si Roxy sa trabaho dahil nasa New york ito kasama ang mga magulang. May special occation daw silang pupuntahan na aabot ng tatlong araw kaya nagleave siya ng isang linggo. Kaya isang linggo din akong mag co-commute papasok sa trabaho. Ayos na din iyon para ma exercise ang mga paa sa maghapon na pagkakaupo sa opisina. Paglabas ko ng unit ko ay siyang baba naman ni Russel galing sa itaas, sa may unit nito. "Good morning Angel" Bati nito sakin ngunit imbes na batiin pabalik ay inirapan ko lang ito saka na unang lumakad sakanya palabas ng compound. "Sungit!" Dinig ko pang sabi nito ngunit hindi ko na siya pinansin pa at naglakad na sa may gilid ng kalsada patungo sa may kanto. Ramdam ko ang pagsunod nito sakin dahil iisa lang naman ang way na pupuntahan namin. Nang makarating na sa may kanto ay nag abang na ako ng jeep na masasakyan medyo maaga pa ako ng isang oras para sa working time ko kaya no hussle kahit mahirapan ako sa paghintay ng masasakyang jeep. "Need a ride?" Pagkuwan ay tanong ng boritong tono na galing kay Russel. Inis ko itong binalingan ng tingin kaya napa atras siya ng bahagya saka itinaas ng magkabilaang kamay na animo'y kriminal at sumusuko na sa pulis. "Pwede ba Mr.Curter! Ayan ang site nyo kaya pumasok kana! Don't worry about me" Mataray kong sabi dito na kina ngiwi nya. "Bat ba ang sungit mo sakin? Ikaw na nga ang inaalok e" May inis na din ito sa tonong tanong sakin. Napataas ang kilay ko ng dahil sa sinabi nya. "Hindi ko sinabing alukin mo ako. So will you please stay away from me!" pag susungit ko ulit dito saka pinara ang isang jeep na paparating sa gawi namin. Naka tyempo akong may bakante pa sa jeep kaya dali dali na akong sumakay doon ng hindi binabalingan ng tingin si Russel. Ewan ko ba kung bakit masungit ako dito. Basta ang alam ko ay naiinis ako sa presensya nya lalo na sa pagmumukha nito. Hindi sa pangit siya ah. Actually He's damn hot and handsome. Feeling ko lang ay wala siyang maidudulot na maganda saakin kaya habang maaga pa ay iiwasan ko na siya. Sa dating palang kase nya ay para itong may gustong makuha sakin ngunit advance ang utak ko kaya hinding hindi nya iyon makukuha. Over my dead Sexy body! Charr... Nang makarating sa opisina ay walang patumpiktumpik kong inumpisahan ang mga tambak kong trabaho. Ang isa kase sa mga sketch ko ay deadline ngayon at kailangan ng makita ng kliente para maumpisahan agad ng mga Engineer na ipagawa. May hawak din akong napaka laking client kaya kailangan na galingan ang idea at style ng gagawin kong plot para sa project na iyon. "Delivery for Ms.Mendez" Pagkuwan ay sigaw ni Josh. Isa sa mga katrabaho ko. Tinigna ko ito na nasa bungad ng pinto ng opisina. Nakatingin ito sa gawi ko kaya kahit ayaw ko pang tumayo sa upuan ko ay napatayo na para lapitan at tignan ang sinasabi nitong delivery para sakin. "Kanino daw po galing?" Tanong ko sa delivery boy ng iabot sakin ang isang paper bag na naglalaman ng pack lunch galing sa sikat na restaurant. "Hindi po nagbigay ng name Ma'm. Paki pirmahan nalang po dito" Sagot ng delivery boy sakin sabay lahad ng isang papel para pirmahan ko. "Wala akong pambayad dito Kuya" Nguso kong sabi dito na kina tawa ng delivery boy bago sumagot. "No worries Ma'am bayad na po at pinapasabi na ubusin nyo daw po lahat" Sagot nito pagkabigay ko doon sa pinapirma nya sakin. "Salamat!" Pasasalamat ko dito na tinanguan nalang nya saka na nagpaalam na aalis na. Pagbalik ko sa mesa ko ay itinabi ko ang mga gawa ko at tinignan ang laman ng paper bag na bigay ng delivery man. Nasa tatlo ang pack lunch na laman non at lahat ay mukhang masasarap at mahal ang halaga kaya napa kunot ang noo ko kung kanino ito galing. Napabaling ang tingin ko sa cellphone ko ng tumunog ito kaya dali dali kong kinuha at sinagot lalo na ng makita ang pangalan ni Eric sa screen. "Hello?" Bungad na sagot ko dito. "Naglunch kana?" Tanong nito. "Not yet dahil hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Ikaw ba?" Sagot at balik tanong ko dito. "Pupuntahan sana kita para sabay tayong maglunch. Nag early lunch ako" Sagot nito na kina nuot ng noo ko. So hindi sakanya galing ang mga pack lunch. "Nagbaon ako e. Wala kase akong kasamang kakain kaya nagbaon nalang ako" Pagdadahilan ko nalang dito dahil sayang naman yung mga pagkain kung hindi ko kakainin at masisira nalang. "Ganon ba? O sige bukas nalang tayo sabay na mag lunch okay?" Sagot nalang nito na kina tango ko kahit hindi nya nakikita. "Okay see you tomorrow. Bye" Sagot ko din dito at ibinaba na ang tawag nya. Itinabi ko na muna ang mga pagkain at itinuloy ang mga ginagawa. Maaga pa naman kaya kailangan kong ipagpatuloy ang ginagawa dahil ipapasa ko na sa head namin ang naka deadline kong plot ngayon. Makalipas ang dalawang oras na pag tatrabaho ay natapos ko ang dalawang project ko. Lunch time na rin kaya nakaramdam na ako ng gutom. Pagkatapos mailigpit ang mga pinaggamitan kong gamit ay inilabas ko na isa isa ang mga pagkain na idineliver kanina at binuksan isa isa. Napakarami nito kaya hindi ko mauubos ang mga ito. " Ate Mina! Tara samahan mo akong ubusin ito" Tawag ko sa isa sa mga katrabaho ko. Nasa harapan ko lang ang mesa nito. "Naku! Hindi ko tatanggihan yang alok mo" Magiliw nitong sagot sabay lipat sa mesa ko para daluhan ako. Si Ate Mina ay isa sa mga matipid kong katrabaho. May dalawang anak ito ngunit walang asawa dahil sumakabilang bahay daw ang asawa nito kaya todo kung makatipid dahil may pinapagatas pa siyang anak. "Ang sweet naman ng nagbigay sayo nito" Bigla ay buyo nito sakin ng makita ang lahat ng nakahain sa mesa ko. "Hindi ko nga alam kung kanino galing e" Sagot ko dito na kina taas ng kilay nya. Nagtataka. "Hindi kay Eric galing?" Takang tanong nito na mabilis kong inilingan. Kilala na ng mga ka officemate ko si Eric dahil madalas ito dito at hatid sundo ako. "Hindi e. Tumawag nga at inaaya akong maglunch ang sinabi ko nalang ay nagbaon ako." Sagot ko dito. "Baka galing kay Roxy? Okaya ay doon sa dalawa mo pang kaibigan?" Tanong muli nito. Mabilis ko ulit siyang inilingan dahil hindi ganon ang mga kaibigan ko. Kahit mamuti na ang mga mata mo ay hindi ka nila padadalhan ng napaka mahal na lunch no! Pinag saluhan namin ni Ate Mina ang napakaraming pagkain. May nakatago pa palang dessert sa ilalim ng paper bag kaya masaya naming inubos ni Ate Mina iyon. Mahilig ako sa mga desserts lalo na ang mga kakanin kaya kahit hindi ko kilala ang nagpadala ng mga pagkain ay nagpapasalamat parin ako sa kung sino man siya. Libreng pagkain ede menus gastos diba? Nabusog ka ng walang inilalabas na pera. Wala naman sigurong lason iyon dahil sa sikat na restaurant iyon galing. "Salamat sa palibreng lunch!" Masayang pasasalamat ni Ate Mina sakin ng maubos namin lahat ng pagkain. Napahimas pa ito sa tiyan nya kasabay ng pagdighay na kina tawa ko nalang. Ganito si Ate Mina. Walang arte sa katawan at higit sa lahat ay pranka. "Kumusta pala ang lovelife mo? Wala parin ba?" Pagkuwan ay tanong nito sakin. "Naku! Wala pa sa bokabolaryo ko iyan Ate!" Naiiling kong sagot dito na kina ngiwi nya. "Diyos ko Angel hindi kana pabata! Baka naglulumot na yang kweba mo dahil hanggang ngayon ay walang sumusulot dyan" Histerya nitong sabi na kina pula ng mukha ko dahil sa bulgar nitong bibig. "Hala! Ate! Ang bibig mo ah! Nakakahiya sa mga makakarinig" Suway ko dito na kinatawa nya ng malakas. "Angel! Nasa 20'th century na tayo hoy! Mga 15, 16 at 17 nga ngayon ay may mga anak na. at ikaw ay malapit ng mawala sa kalendaryo ni nabinyagan ay hindi mo pa nagagawa. Mygad!"Histerya nitong lintaya sakin na kina ngiwi ko nalang dahil totoo ang sinabi nito. Laganap nga sa bansa ang mga kabataan na nabubuntis ng maaga habang ako ay napaglilipasan na ng panahon ni Kiss ay hindi ko pa nagagawa. Ni hindi ko nga alam ang feeling ng totoong date dahil si Eric lang lagi ang nakakasama ko. Nakipag holding hands din naman ako dito sa public place ngunit alam kong parehong walang malisya samin iyon dahil magkaibigan kami. NBSB o No Boyfriend Since Birth ako. May mga ilang lalake naman na nagtangkang manligaw sakin ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi ko tipo. Hindi din kase nagtatagal ng isang linggo kung manligaw at bigla nalang akong iiwasan ng hindi ko alam kung anong dahilan. Mabilis na natapos ang maghapon na trabaho. Pinuri pa ng head namin ang natapos kong sketch dahil nagustuhan daw ng client namin ng maisent nya iyon via email. Pagkalabas ko ng building ay sinalubong ako ng security guard na naka duty sa entrance. "Arch.Mendez may naghahanap po sainyo" Bungad ni Kuya Philip sakin. Kunot noo ko naman siyang binalingan. "Sino daw po?" Takang tanong ko dito. "Hindi ko po kilala pero kanina pa po naghihintay sayo" Sagot muli nito saka itinuro ang isang itim na kotse kaya tinanguan ko nalang ito saka nilapitan ang tinuro nitong sasakyan. Gumawi ako sa may Driver seat at kumatok ng dalawang beses sa bintana nito. Ilang minuto lang ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto ng kotse kaya napa gilid ako para hindi ako nito tamaan. Napaawang ang bibig ko ng makitang si Russel ang lumabas mula doon. Kunot noo ko siyang binalingan ng tingin habang siya naman ay pupungay pungay ang mga mata na para bang kagigising lang "Russel? What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko dito kaya napa ayos siya ng tayo saka ako nginitian. "I'm waiting for you" Sagot nito na lalong nagparami ng guhit sa noo ko. "For what?" Tanong kong muli. "Roxy pleased me to petch you here" Sagot nito na kina ikot ng mga eyeballs ko. "Nah! no need to do that. I can ride a jeep like what i've do earlier" Sabi ko dito at akmang aalis na ng pigilan nya ako sa braso. "Iiwan mo ako dito after i waited you for so long?" Di makapaniwalang tanong nito na kina tawa ko kaya kumunot ang noo nya. "Sinabi ko bang hintayin mo ako? Look Russel if you want to impress Roxy for doing this. Please stop it. Ipakita mo lang abs mo doon susunggaban ka na non" Natatawang sabi ko dito na kina tawa din nya. "Ganon ba siya?" Pangungumpirma pa nito na agad kong tinanguan kaya napa tango nalang din siya na para bang may magandang idea na pumasok sa utak nya Akmang aalis na sana ulit ako ng muli nyang igikin ang braso ko kaya inis ko na siyang binalingan ulit ng tingin. "Get off your hands on me Mr.Curter" Inis kong sabi dito ngunit hindi ito nakinig, sa halip ay hinatak ako patungo sa pinto ng passenger seat ng kotse nya at sapilitan akong pinapasok doon. Gigil akong napasigaw ng isara nito ang pinto ng kotse nya saka ito mabilis na umikot patungo sa driver seat. "How dare you!" Galit ko ng bulyaw dito ngunit nginisihan lang ako nito saka na pina andar ang sasakyan paalis. Habang nasa byahe ay naghihimutok parin ako sa inis dahil sa ginagawa nito sakin. Animo'y nobya nya ako at may tampuhan kami ngunit imbes na suyuhin ako ay pinupwersa pa ako nito. "Did you eat all the pack lunch i've sent to you earlier?" Pagkuwan ay tanong nya kaya napa nga nga akong tumingin sakanyan na busy sa pagmamaneho. "Sayo galing ang mga iyon?" Gulat at di makapaniwalang tanong ko dito na agad nyang tinanguan kaya lalong nalaglag ang panga ko dahil sa nalaman. Oh God!....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD