CHAPTER 04

2013 Words
☕ Ilang minuto lang ang naging byahe namin ni Russel pauwi sa compound kung saan kami umuupa. Hindi na ako nakaimik simula ng malaman na sakanya galing yung mga pack lunch kanina. Nagtataka ako sa mga ikinikilos nito pero pinagsawalang bahala ko nalang at di na pinansin. "Salamat" Walang gana kong pasasalamat dito ng makatapat sa harapan ng unit ko. Umiling iling ito dahil sa gawi ng pasasalamat ko. Animo'y hindi makapaniwala sa inaastang ko sa harapan nya. "Baka naman gusto mo akong alukin ng coffee?" Kapal mukha na nitong sabi na kina laglag ng panga ko. Close kami? "Tss! Ano pa bang magagawa ko? Pasok ka!" Naiiling kong sabi sa tonong sarkastiko saka ko siya pinagbuksan ng pinto para papasukin. Ngunit hindi ito pumasok sa halip ay nanatili lang sa labas at nakatitig sakin. "What?" Maldita kong tanong dito. "Magpapalit lang ako ng damit" Sagot nito na tinanguan ko nalang saka nalang hinayaan ang nakabukas ang pinto para deretso nalang itong pumasok pagdating nya. Inilapag ko sa center table sa may sala ang mga dala kong gamit saka ako dumiretso sa kusina para isalang ang coffee maker para kay Russel. Hindi ako mahilig sa kape kaya lang ako may coffee maker ay dahil sa mga kaibigan ko na coffee lover. Halos dito na nga magsi tirahan ang mga kaibigan ko dahil halos lahat ng mga gamit nila ay nasa kabilang kwarto ko na. Bawas pagod na daw iyon para pag naisipan nilang matulog dito ay may gagamitin na sila at hindi na manghiram pa sakin. Minsan nga nagugulat nalang ako na bayad na pala ng isa, dalawa o tatlong buwan ang upa ko sa bahay at dahil yon sa mga kaibigan ko na naghahati hati sa pambayad. Madalas din akong makalibre ng groceries dahil pag may bumibisita ay siguradong may dala para ipagluto sila. Ni isa kase sakanila ay hindi marunong magsi luto. Pagka tapos kong makagawa ng kape ay siyang dating naman ni Russel. Kumatok pa ito sa may mesa para iparating na nandito na ito. "Black coffee or with creamy?" Tanong ko dito ng maisalin sa isang tasa ang black coffee na gawa ko. "Black lang. Hindi ako mahilig sa sweets" Sagot nito kaya binuhat ko na ang platito at tasa para ilapag sa harapan nya. "Ikaw na maglagay ng sugar na gusto mo" Sabi ko dito sabay lapag din sa garapon ng asukal sa harap nya at isang kutsarita. Tumango lang ito saka naglagay ng kaunting asukal sa kape nito at hinalo. Naglikot ang mga mata nito na para bang may hinahanap kay kumunot ang noo kong tumingin sakanya. "What are you looking for?" Takang tanong ko dito. "Asan ang coffee mo?" Tanong din nito kaya napa "Ah" ako. "Hindi ako mahilig sa coffee, Water lang okay na ako" Sagot ko dito na kina tango tango nya saka humigop sa kape nito. Nagpaalam ako dito na magpapalit lang na agad niyang tinanguan kaya dali dali ko ng kinuha ang mga gamit ko sa sala at nagtungo sa kwarto ko para makapag palit ng damit. Nagpalit lang ako ng isang cotton short shorts at plan white shirt na fitted sa katawan ko. Halos ganito kase lahat ng pambahay ko kaya wala akong ibang maisusuot kundi ganito. Lumabas na agad ako ng kwarto at baka mainip na yung buysita ko. Nadatnan ko ito na nasa sala na at walang dalang tasa kaya sa tingin ko ay naubos na nito ang kapeng inihanda ko sakanya. "Ang cute ng pagkaka costumize ng bahay mo" Pagkuwan ay komento nito sa ayos ng bahay ko. Lumapit pa ito sa mga stante para tignan isa isa ang mga picture frame na naka display doon. "So sumasali ka pala sa mga pagents" Tanong nito ng makita ang isang malaking frame na naka sabit sa dingding. Yun yung isang pagent na sinalihan ko noon nung collage pa ako. Ako ang nanalo bilang Ms.Eastern University. "Ah Oo pero hindi madalas" Tipid na sagot ko dito na tinanguan nya saka muling nagtingin sa mga litrato. Meron akong picture doon na kasama ang mga adopted parents ko at si Ate Eicie. Meron din akong picture doon na kasama sina Roxy simula highschool, collage hanggang sa mga panahon ngayon. Yung latest ay nung birthday ni Eric na ginawa namin sa isang beach resort. Naka swimsuit kaming apat na babae habang naka swimtrunks lang si Eric na nasa pinaka gitna namin. "Boyfriend mo siya?" Pagkuwan ay tanong nito sabay turo sa isang picture namin ni Eric na kami lang ang magkasama. Kung titignan nga doon ay para kaming mag nobyo dahil nasa likuran ko si Eric habang nakayakap sya sakin sa may likuran ko at masaya kaming kinuhanan ng litrato. "No! His my bestfriend since we're high school" Sagot ko dito. Kita ko ang pagliwanag ng mukha nya dahil sa nalaman kaya kumunot ang noo ko. "Why?" Tanong ko dito. "Hmm nothing.. He looks like your boyfriend because you are so close to each other." Sagot nito na kina tawa ko. "Yeah! That's really how we are. I consider him as if I were a brother and sister" Sagot ko dito na kina tango tango nya at may sumilip na ngiti sa labi nya. May sasabihin pa sana ito sakin ng biglang tumunog ang cellphone nito sa bulsa. Nagpaalam na itong aalis bago nito sinagot ang tawag sa cellphone nito na tinanguan ko nalang. Feeling close yun huh? Nagkibit balikat nalang ako sa inasta nito kanina. Kahit mukhang okay naman siyang kausap ay hindi parin maganda ang nafe-feel ko dito. Bad vibes parin siya sakin kahit na wala naman itong ginagawang kalokohan sa harap ko. Feeling ko ay na pepreskuhan parin ako sakanya sa hindi ko malaman na dahilan. Nagtungo ako sa kusina para makapag handa ng makakain ko. Pasado alas syete na din kase ng gabi kaya nakakaramdam na ako ng gutom. Matakaw ako sa matakaw pero kahit anong lakas kong kumain ay hindi naman nagbabago ang pigura ng katawan ko. Hindi ako katangkaran, Saaming magkakaibigan ay ako ang pinaka maliit. Nasa 5'4 lang ang height ko habang sina Roxy, Ella at Eunice ay nasa 5'7 ata or higit. Si Eric naman ay 6ft na para bang basketball player kaya hanggang dibdib lang nya ako. Matangkad din si Russel na sa tingin ko ay nasa 5'8 or 6ft din pero kung titignan ay mas matangkad si Eric dito dahil siguro medyo payat si Eric habang si Russel ay maskulado base sa lapad ng balikat nito. Pagkatapos kong mailuto at mailapag ang adobong niluto ko ay kakain na sana ako ng may marinig na kumakatok sa pintuan. Inis akong tumayo sa kina uupuan ko at tinungo agad ang pinto para pagbuksan ang kung sino man ang kumatok doon. "Ano nanaman?" Inis kong tanong kay Russel ng mabungaran ko ito sa pinto. Itinaas nito sa harapan ko ang dalawang topper wear na naglalaman ng ulam na parang galing sa restaurant. "Kain tayo! Malungkot pag mag isa lang kumain e" Sagot nito sabay pacute pa ng mga mata kaya napa irap nalang ako saka siya pinapasok ng bahay. "Bumili kapa nyan. Nagluto ako. Kakain na sana istorbo kalang" Mataray kong sabi dito saka siya pinaupo sa katapat kong upuan. Kumuha ako ng dalawang mangkok para isalin doon ang dala nitong ulam at isang plato para sakanya. "Adobo ba to? Uy! Favorite ko ito e" Masayang sabi nito ng makita ang niluto kong adobo na naka hain sa mesa. "Tss! sige na kumain kana" Tangin nasabi ko nalang saka na ako nag umpisang kumain ng hindi na siya kinakausap. Nakangiti itong sumandok ng adobo sa plato nya. Tinikman muna nya iyon para alamin kung pasado ba sa panlasa nya bago siya nagsimulang kumain. Siya lang ang nakaubos ng adobong niluto ko habang yung binili nya ay hindi man niya ginalaw. Ako nalang tuloy ang tumikim non dahil nagsasawa na din ako sa mga niluluto ko na parang kabaliktaran ko naman siya. "Hindi kaba nagluluto?" Pagkuwan ay tanong ko dito ng matapos kami sa pagkain pero nanatiling naka upo parin sa hapag para makapag pahinga. "I don't know how to cook. Kaya bahala na si Restaurant at mga fast food" Sagot nito na kina ngiwi ko. "Tss! Mas masarap parin ang lutong bahay" Iiling kong sabi dito na agad nyang sinang ayunan. "Oo nga kaso paano ako kakain ng lutong bahay e hindi naman ako marunong magluto" Sagot nito. "Para kang mga kaibigan ko. Pero mautak ang mga iyon dahil ang ginagawa nila ay bibilhan ako ng napakaraming groceries para maipagluto ko sila" Mahabang lintaya ko dito na kina ngiti nya ng malawak na para bang may magandang idea na pumasok sa isip nya. "Hhmm Angel?" Pagkuwan ay tawag nito sakin. "What?" Mataray kong tanong dito dahil hindi maganda ang na sesense ko sa sasabihin nya. "Pwede bang ipagluto mo rin ako?" Ngiting aso nitong tanong na mabilis kong inilingan. "No way!" Mariing pag tanggi ko dito na kina nguso nya. "Bibilhan din kita ng groceries and i'll pay you in every dish that you cook for me" Makaawa nito sabay paawa effect pa na mabenta talaga dahil ang cute nya pero dapat hindi ipahalata na naapektuhan ako. "Still no! May trabaho ako Mr.Curter" Sagot ko dito saka siya inismiran habang naka halukipkip sa kina uupuan. "Breakfast and Dinner lang okay na. Please!" Pangungulit nito na inilingan ko parin. Gusto ko ng pumayag dahil mukha siyang nakaka awa. Mukhang magana itong kumain kapag lutong bahay ang kinakain nya gaya kanina dahil naubos nya ang sinaing kong kanin. Kung ako lang mag isa ang kakain ay baka mapanis nanaman iyon kinabukasan. "Please!" Muli ay makaawa nito kaya tinitigan ko siya ng masama na kina suko nya sabay bagsak ng mga balikat. "Pag iisapan ko!" sabi ko dito sabay tayo para iligpit na ang mga pinagkainan namin. "Really?" Bigla ay masigla nitong tanong dahil sa sinabi ko. Tanging pagtango nalang ang isinagot ko dito saka na inilapag sa sink ang mga platong pinaggamitan namin. Bigla itong lumapit sakin at itinulak ako paalis sa pwesto ko saka siya ang pumwesto doon at nag umpisang maghugas ng mga plato. "Sipag!" Buyo ko dito saka ko nalang kinuha ang basahan at pinunasan ang mesa. "Para pumayag ka" Natatawa nitong sabi na kina iling ko nalang. Kulit! Pagkatapos kong makapag linis sa kusina ay iniwan kona siya doon at nagtungo sa sala para ma iset na ang kdramang pinapanood ko gabi gabi. Mahilig ako sa mga korean movies lalo na sa mga movie ni Song-jung-ki. Minsan nga naiisip ko ng mag ipon para mapuntahan ito sa south korea para alukin na ng kasal lalo na't hiwalay na sila ng asawa nyang si Song-Hye-Kyo. Hahaha Charr "So you're a kdrama lover" Pagkuwan ay sabi ng boritong boses ni Russel kaya napa baling ako sa gawi nito. Kita kong may dala nanaman itong tasa na alam kong kape ang laman non. At home na at home ang mokong! "Something like that" Tipid kong sagot saka na itinutok ang atensyon sa pinapanood. Dinig ko ang mahina nyang tawa ng magsalita na si Vicenzo sa TV. Sa wari ko ay natatawa ito dahil sa lengguwahe nila na hindi nya maintindihan. Bigla akong nangingiti lalo na ng nasa sweet moment na ang mga bida ngunit mabilis ding mainis ng marinig nanaman ang tawa ng Russel. "Ano ba!" Bulyaw ko dito dahil hindi ko na eenjoy ang pinapanood ko sakanya. "Kinilig ka sa sinabi ng lead actor kahit hindi mo alam ang sinabi nya? Ni hindi ko nga nabasa ng maayos sa sub-tittle yung sinabi nya dahil ang bilis mapalitan" Natatawa nitong sabi na kina tawa ko na din. Hindi pala nito alam na marunong akong magsalita ng hangol languege at nakakaintindi din ako kahit hindi basahin ang sub-tittle sa ibaba ng screen. "geogie mueos-i issneunji saeng-gaghaneun geos-eun dangsin-ege dallyeo issseubnida" Sabi ko dito na kina tanga nya bigla habang naka titig sakin. ( Meaning: Bahala ka mag isip ng kung ano ano dyan ) Natawa ako sa naging reaksyon nito ng marinig akong magsalita ng korean languege. Naka awang kase ang bibig nito habang nakatitig sakin. "Nabaliw na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD