?
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil naisipan kong magluto ng breakfast para saming dalawa ni Mokong Russel.
Laughtrip ang naging senaryo namin kagabi dahil hindi talaga siya makapaniwala na marunong ako ng salitang korean at nakakaintindi ako ng salita nila.
Matapos makapag luto ay inilagay ko na sa tupper wear na dala nito kagabi ang mga naluto ko saka na ako bumalik sa kwarto ko para makapag ligo at magbihis.
Nang masiguro na ayos na ako ay lumabas na ako ng bahay at bitbit ang mga gamit ko kasama ang isang paper bag na naglalaman ng niluto kong breakfast.
Paglabas ko ng bahay ay nasalubong ko si Russel na napangiwi ng makita din ako.
Problema nito?
"Koreanang hilaw" Tawag nito sakin kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Ano kamo!?" Singhal ko dito ngunit tinawanan lang ako.
"Nagsusungit nanaman ang koreanang hilaw" Natatawa nanaman nitong turan.
"Hindi ko na ibibigay sayo ito!" Irap kong sabi dito saka ko itinaas ang hawak na paper bag na naglalaman ng breakfast na niluto ko para makita nya.
Kunot noo siyang tumingin doon. Nagtataka kung anong laman non bago binaling muli ang tingin sakin na nagtatanong ang mga mga.
"Breakfast to! Niluto ko kanina. Ibibigay ko nalang sa mga ka officemate ko" Ngising sabi ko dito na kina bagsak ng panga nya at dali daling lumapit sakin ng may pagmamaka awang itsura.
"Para sakin yan? Sorry na di na kita aasarin" Pagpapa cute nito kaya natawa ako.
Para na itong maamong pusa na nagpapaka goodboy dahil napagalitan na nagtakas ng ulam sa may lamesa.
"Hindi na! Dadalhin ko nalang sa trabaho ito" Sagot ko dito saka siya nilagpasan at lumabas na ng compound.
"Uy teka Angel!" Habol na tawag nito sakin ngunit hindi ko siya pinansin at binilisan ang lakad ko.
Pagdating sa may kanto ay may lalakeng lumabas sa site na pinag tatrabahuhan ni Russel. Nakatitig lang ito sa lalakeng naka sunod sa likuran ko habang tinatawag ang pangalan ko.
"Angel! Akin na kase yan. Para sakin yan diba?" Nagsusumamo na ang boses na sabi ni Russel sakin kaya binalingan ko ito ng matalim na tingin.
"Neknek mo! Bahala kang magutom!" Singhal ko dito saka ko hinarap yung lalakeng lumabas sa site.
Natatawa ito sa itsura ni Russel ng mabalingan ko siya ng tingin ngunit mabilis na itinikom ang bibig ng makita akong nakatitig sakanya.
"Ikaw! Anong pangalan mo?" Tanong ko dito.
"Samuel po Maam" Agarang sagot nito sabay ayos ng tayo.
"Oh ito! Kunin mo sayo na iyan. Wag na wag mong ibibigay sa mokong na iyon yan kundi lagot ka sakin" Sabi ko dito sabay lahad ng paper bag na dala ko sa harapan nya.
Napabaling siya sa kinaroroonan ni Russel na nakita kong sinenyasan nyang kunin ang inaalok ko dito.
Nanginginig ang mga kamay nitong tinanggap ang binibigay ko.
"S-salamat Maam" Pasasalamat nito na tinanguan ko nalang saka inismiran si Russel bago pinara ang paparating na jeep sa gawi namin.
"Susunduin kita mamaya ah. Salamat sa breakfast!" Dinig kong habol na sigaw ni Russel sakin ng makasakay na ako sa jeep.
Natampal ko nalang ang sarili kong noo dahil sa lakas ng boses nito. Nahiya dahil lahat ng mga kasama ko sa jeep ay nangingiti sakin dahil sa ginawa ng mokong na iyon.
"Ang sweet naman nila" Dinig ko pang bulong ng katabi kong babae na mukhang sales lady sa isang mall base sa suot nitong uniform.
Pagdating sa opisina ay isinubsob ko agad ang sarili sa trabaho. Gaya kahapon ay may dumating nanaman na delivery ng pack lunch ngunit ngayon ay lantaran na ang pangalan ni Russel sa delivery boy.
Hindi ko kinain ang pinadala nito dahil may usapan kami ni Eric na sabay na magla-lunch ngayon.
"Ate Mina! Sayong sayo ang pack lunch na iyan ngayon dahil sa labas ako kakain" Sabi ko kay Ate Mina ng mailapag ko sa mesa nito ang isang paper bag na may lamang tatlong tupper wear.
"Hala! Hindi ko mauubos lahat ito uy! Pinapa taba mo ako ah" Natatawa nitong sabi na kina tawa ko din.
"Itabi mo nalang sa ref yung sobra para mai uwi mo mamaya sa bahay nyo" Suhestyon ko dito na mabilis nyang tinanguan.
Kahit wala akong idea sa totoong buhay nito ay alam kong hirap si Ate Mina sa buhay lalo na at may dalawa itong anak na binubuhay.
Kaya nga ayoko pang pumasok sa pakikipag relasyon lalo na sa pagpapamilya ay gusto kong ma secure na may maipambubuhay ako sa mga magiging anak ko sa future.
Ayaw ko din na humanap ng mayaman lang at walang love na namamagitan samin dahil alam kong hiwalayan lang ang mangyayari sa huli dahil maghahanap ng iba ang isa dahil doon nya naramdaman ang tinatawag na pagmamahal.
Gusto ko ay mahal ako ng buo at ganon din ako sa taong makakatuluyan at makakasama ko habang buhay kaya kahit bente sais anyos na ako ay wala pa sa isip ko ang pagkikipag relasyon o pagpapamilya.
"Hi! how's your day?" Pagkuwan ay bati at tanong ni Eric ng makita ako nito sa lobby.
Dinaluhan ako nito at hinalikan sa pisngi bago ako nito inalalayan palabas ng building.
"As usual. Tiring day! Madaming projects" Sagot ko dito na tinanguan nalang niya saka ako pinag buksan ng pinto sa kotse nito sa may passenger seat.
Bago ako makapasok ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na itim na kotse sa may likuran lang ng kotse ni Eric. Pinagmasdam ko pa ito sandali para kumpirmahin kung kay Russel nga ba iyon bago tuluyang pumasok sa kotse ni Eric.
Anong ginagawa nya dito?
Dinala ako ni Eric sa isang sikat na restaurant malapit sa building nila. Nandoon na daw sina Ella at Eunice na hindi ko alam na kasabay pala naming kakain ngayon.
"Aba! Anong meron?" Bungad ko sa mga ito ng makalapit sa inookopa nilang mesa.
"Hays! Namimiss na namin yung mahaderang Roxy kaya gusto namin na kahit tayong apat lang ay sabay sabay tayong kumain ngayon" Sagot ni Eunice na kina tawa namin lahat dahil sa itinawag nito sa isa pa naming kaibigan.
"Hoy! Narinig kita!" Bulyaw na sabi ni Roxy na nasa screen pala ng laptop ni Ella naka video call.
"O eh! ano ngayon ah? May magagawa ka?" Pang aasar at pang hahamon pa ni Eunice dito dahil alam niyang hindi siya mababatukan ni Roxy ngayon dahil nasa malayo nga ito.
"Ede utang na munang batok ngayon. malapit na akong umuwi huh!" Mataray na sagot naman ni Roxy na kina ngiwi naman ni Eunice.
"Lagot!" Sabi naman ni Eric sa nang aasar na tono kaya sinamaan siya ng tingin ni Eunice na kinatawa naming lahat.
"Groupy naman dyan kahit nasa screen lang ako. Pang myday" Pagkuwan ay sabi ni Roxy.
Iiling na sumunod si Eric dito. Tinawag ni Eric ang isang crew sa restaurant saka ito nagpakuha ng shot ng picture saming lima. Tatlong kuha iyon. Isang Wacky, isang serious pose at isang stolen pose base na din sa request ni Roxy.
Pagkatapos na magpicture ay dumating na ang inorder na pagkain ni Eric para saming lahat kaya nag umpisa na kaming kumain habang nag kukwentuhan. May sarili ding pagkain ang loka lokang Roxy na sa tingin ko ay nasa isang restaurant din ito sa new york.
"So anong ganap sa birthday mo Gel?" Pagkuwan ay tanong ni Ella sakin kaya napa tingin lahat sila sakin maging si Roxy na busy kakakalikot sa cellphone nito.
"Oo nga! Sa susunod na linggo na iyon ah?" Segunda naman ni Eunice dito.
Seryoso akong tinignan ni Eric na siyang katabi ko at hinihintay ang sagot ko.
"Tss! anong bago? itutulog ko nalang" Sagot ko sakanila na kina ngiwi at laglag ng mga pang nila.
"How about beach? It's already summer there no!" Suhestyon ni Roxy na kina taas ng mga kilay ng dalawa pa naming kaibigan.
Parang nagningning ang mga mata nila sa kaalamang maibabalandra nanaman nila ang mga katawan nila sa beach.
"I think thats a good idea" Sabi naman ni Eric na pagsang ayon sa suhestyon ni Roxy.
"Yeah!" Si Ella
"Oo nga!" Si Eunice.
"What do you think Angel?" Tanong naman ni Eric sakin.
"Wala akong pera!" Tanging nasagot ko nalang na kina ngiwi ng tatlong babae kong kaibigan.
"Tss! kelan kaba nagkaroon?" Sarkastikong tanong ni Roxy sakin.
"Totoo ang sinasabi ko" Sagot ko dito.
"Hoy Angelica Mendez! Wala kang kasama para buhayin. Wala ka ring jowa na gagastusan. Bayad din ang upa ng bahay mo ng limang buwan at lalong wala kang nilalabas na pera para sa pang grocery mo dahil alam kong binilhan ka ni Eric nung nakaraang linggo so tell us! Saan napupunta ang mga pera mo aber?"
Mahabang lintaya ni Roxy sakin na kina ngiwi ko nalang sabay kamot ng ulo bilang sagot.
Tama ang sinabi nito na hindi ako gumagastos dahil nga sagot nilang lahat. Lihim kase akong nag iipon para sa dream house ko na ginawa ko. May sketch na ako pera nalang pampagawa ang kailangan ko kaya nag iipon ako.
Hindi ko sinabi sakanila dahil ayokong problemahin pa nila iyon. Alam ko kase na gagawa sila ng paraan para matulungan ako sa gusto kong makamit sa buhay ko.
Ayoko na din kase na habang buhay na umuupa dahil sayang din ang bayad sa apartment. Malaking tulong na ang 6000 a month na pwede mo ng ipandagdag sa savings mo kesa ipambayad lang ng upa no.
"So final desicion is Beach party!" Pagkuwan ay pinalidad na sabi ni Roxy.
Nagdiwang naman sina Ella at Eunice habang si Eric ay nakatingin lang sakin habang inaalala kung okay lang ba sakin ang napag usapan.
Tinanguan ko nalang ito bilang sagot sa patanong na titig nito sakin dahil wala din naman akong magagawa pag nakapag desisyon na sila.
Ilang usapan at chikahan pa ang ginawa namin bago kami nagkanya kanya ng balik sa mga trabaho. Tulad kanina ay hinatid ako ni Eric sa building namin.
Pagbaba ko ng kotse nito ay napabaling ako sa kinaroroonan ng kotse ni Russel kanina ngunit wala na ito ngayon doon kaya minabuti ko nalang na pumasok na para maipagpatuloy ang naiwang trabaho.
Maaga ang uwi ko ngayon dahil natapos ko lahat ng plot na naka deadline sakin hanggang bukas. Tanging sketch ko lang para sa dream house ko ang bitbit ko lumabas ako ng building.
Mukha ni Russel ang bumungad sakin paglabas ko sa may entrance door kaya nagulat ako dito at napalo ko siya sa may balikat kaya napa himas sya doon.
"Punyeta! Bat kaba nang gugulat?" Singhal ko dito na kina tawa niya saka nito kinuha ang mga dala ko.
Aapela pa sana ako kaso ay dali dali siyang lumapit sa kotse nya at ipinasok ang mga iyon sa back seat ng kotse saka binuksan ang passenger seat para sakin.
"Ano nanaman ba ito Mr.Curter?" Maldita kong tanong dito saka namaywang sa harapan nya.
"I told you earlier na susunduin kita ngayon" Tumataas kilay nitong sabi sabay aya sakin na pumasok na sa kotse nito.
Pagkasakay ko ay nalanghap ko ang napaka bangong amoy ng kotse nito na nanunuot sa lalamunan ko. Hindi ito matapang na amoy gaya ng iba at napaka sarap sa ilong ang amoy nito.
Pagkasakay ni Russel ay mabilis nyang pinaandar ang kotse nito ngunit ibang daan ang tinahak nya kaya medyo kinabahan ako.
"Hoy! saan mo ako dadalhin?" Tanong ko dito.
"Relax! Sa mall lang tayo pupunta para bumili ng groceries" Natatawang sagot nito ng makita ang itsura ko.
Sinamaan ko siya ng tingin kahit na nasa daan ang tingin nito.
Hindi nalang ako umimik at humalukipkip na sumandal sa sandalan hanggang sa makarating kami sa isang malaking mall malapit sa builing office nila Eunice.
Pagkapark nito sa kotse nya ay mabilis nya akong pinagbuksan ng pinto saka inalalayan na makalabas. Kukunin ko sana ang bag ko sa likod ngunit hindi na nya ako pinayagan at hinatak nalang sa loob ng mall.
"Anong ipambabayad ko kung hindi ko dala ang bag ko?" Inis na tanong ko dito ng makarating kami sa loob ng super market.
"Ako ng bahala! Basta ipagluluto mo ako ngayon. Masarap ang breakfast ko kanina" Masayang sabi nito kaya kumunot ang noo kong tumingin sakanya.
"Don't tell me kinuha mo yung binigay ko doon sa lalake?" Di makapaniwalang tanong ko dito na agad nyang tinanguan bilang sagot.
"Don't worry binili ko sakanya iyon para may ipambili siya ng kanya. Special ang gawa mo e" Ngisi nitong sabi na kina iling ko nalang saka na itinulak ang kinuha nitong push cart.
Hinayaan ko siyang kumuha ng kung anu ano. Tutal ay siya ang magbabayad kaya bahala siya. May mga ilan ilan akong kinuha para sa mga gusto ko ngunit kada dampot ko ng isa ay dadamihan naman niya ang kuha kaya hindi nalang ako ulit kumuha.
"Mukhang mahilig ka sa mga sweets" Pagkuwan ay sabi nito habang namimili ng mga karne sa meat section.
"Yeah!" Tipid kong sagot dito saka itinuro ang isang karne ng baboy na maganda ang part na agad nyang binili.
Pagka kuha namin sa lahat ng bibilhin ay sinabihan na akong pumila sa may counter dahil may kukunin pa daw siya.
Nagtungo agad ako sa may pila na dalawa lang ang costumer para mabilis na makapagbayad. Saktong ako na ang nasa counter ng dumating si Russel tulak ang isang pang malaking cart na may laman na dalawang sako ng bigas at iba't ibang klase ng alak at softfrinks.
"Tss! Don't tell me maglalasing ka?" Mataray kong tanong dito ng makalapit na sakin.
"Ididisplay ko lang sa bahay dahil walang laman bahay ko" Kamot ulo nitong sagot na kina tawa ko.
"Paanong wala?" Tanong ko muli dito.
"Dalawang maleta lang dala ko tapos wala na" Sagot nito na kina ngiwi ko.
"As in wala na like furnitures and appliances?" Pangungumpirma ko na agad nyang tinanguan bilang sagot.
"15,756 pesos po maam" Pagkuwan ay sabi ng Kahera sakin.
Napanga nga akong tumingin sa screen ng counter para tignan nga kung tama ang sinabi nitong halaga sa pinamili namin.
Mabilis na inabot ni Russel ang ATM card nito na kinikilig naman na inabot ng babaeng kahera.
"May advantage card po ba kayo Sir?" Malanding tanong ng kahera kay Russel kaya napataas ang kilay ko dito.
Tinignan ako ni Russel kaya nakita nya ang napapa irap kong tingin sa kareha na todo kung maka ipit ng buhok sa tenga habang nakatitig sakanya.
"Baby do you have an advantage card?" Bigla ay tanong ni Russel sakin kaya nalaglag ang panga ko sa itinawag nito sakin.
Namumula ang mukha kong umiling dahil kahit meron ako ay nasa bag ko iyon sa may wallet at hindi ko iyon dala ngayon.
"Nasa bag ko na naiwan sa kotse mo" Sagot ko dito na tinanguan nalang niya saka binalingan ang kahera at sinabi ditong wala.
Pagka balot lahat ng mga pinamili namin ay hinapit ako sa bewang ni Russel saka ito nag salita.
"Samahan mo akong mamili ng mga appliances ko Baby" Muling sabi nito kaya sinamaan ko na siya ng tingin ngunit naka tingin siya doon sa babaeng kahera na mahaba na ang nguso dahil sa narinig nitong itinawag sakin ni Russel.
Lihim akong napa ngiti dahil alam kong naiingit ang babaeng iyon sakin pero naiinis parin ako dahil pina ngangalandakan ng lalakeng ito na parang Nobya nya ako na wala namang katotohanan.
Baby mo mukha mo! Ulol!.....