SIMULA

2077 Words
"Verra Quinn Perez" rinig niyang tawag sa kaniya ng kaniyang Daddy. What now? Matataas naman ang grade niya,all her subjects were all passed. Hindi kaya... No, of course her dad wouldn't know about that, hindi siya mabubuking. Hindi hanggang makagraduate siya. Umupo siya ng maayos sa puting sofa na nasa study room nila. Nasa kaniyang harapan ang kaniyang ama na seryoso lamang na nakatingin sa kaniya. Gusto pa naman niyang umalis kasama si Landon, her 2 years boyfriend, kasintahan na niya ito mula grade 8 hanggang sa naging grade ten na siya. Dalawang taon na silang hindi nabubuking don't tell her na ngayon pa sila mabubuking ni Landon. "What is it,Dad?" Pinilit niyang tanungin ito pero isang buntong hininga lang ang isinagot ng kaniyang ama. "Dad?" Tawag niya ulit dito, nagbabakasaling sasagutin na siya. Gosh, hindi siya isang manghuhula para hulaan kung bakit siya pinatawag ng kaniyang ama. Sa totoo lang, kanina pa kating-kati ang mga paa niya na umalis doon. Her Dad is really ridiculous, mapapatanga nalang siya kapag bubuka ang bibig nito. Sa sobrang kaba niya, hindi niya na napigilang pangunahan ito. "Look sorry, I'm not supposed to hide it from you but Daddy, knowing you and mom, you'll—" "What are you talking about?" Kunot noong tanong nito sa kaniya. Napasapo nalang siya sa kaniyang noo. Seriously? "N-nothing" medyo kinabahan pa siya dahil nga muntik na niyang maisiwalat ang tungkol sa kanila ni Landon. "Okay" her dad smiled na siyang lalong ikinainis niya,"We're planning to migrate but—" "What?!" Nakanganga siyang nakatingin sa kaniyan ama. "Dad naman! No way! I won't leave this town!" She groaned when she saw her father smiled more. "Sabi na nga ba" iiling-iling na sabi nito. "Okay, I just asked you, ikaw parin naman ang masusunod,e" Tumingin siya sa kaniyang ama na hindi makapaniwala. Seryoso ba 'to? Tinawag niya ito habang kausap niya pa si Landon sa telepono para lang sa walang kwentang bagay na 'to tapos ilang minuto pa ang nasayang sa kaniya para lang dito? Gusto niyang manapak ngayon. Seryoso siya. But she would not punch his dad baka mawalan siya ng allowance pagnagkataon. She rolled her eyes before leaving her father, nakangiti pa ito na parang tuwang-tuwa dahil nabwisit na naman siya nito. Kinuha niya ang kaniyang wallet at cellphone sa kwarto bago umalis ng bahay. She badly wanted to see Landon and hug him tight. Ilang araw na nga ba silang hindi nagkikitang dalawa? Tatlong araw o pang-apat na ngayon? Oh, she have to see him to keep herself sane. She tried to call him pero hindi nito sinasagot. Ilang beses niya itong tinawagan at nang sa ikasampung tawag niya'y sumagot naman ito. "Where are you?" Bungad niya agad sa kasintahan. She heard him groaned in the other line. "Nasa bar ako, busy ako,Verraline, saka ka na tumawag" halata sa tono nito ang pagkairita. "But I want to—" the call ended and she just looked in her phone dumbfounded. Ni minsan ay hindi siya binabaan ng telepono ni Landon. Is he that busy kaya nagawa niya 'yon? Inintindi nalang niya ito. Imbis na kulitin si Landon, nagpasya nalang siyang mamasyal ng mall. She texted her friend Lucy, her bff from Manila, kasabay niya itong lumaki kaya parehong-pareho sila ng galawan ni Lucy. Verra: Let's shop, my treat. Agad naman itong nagreply. Lucy: Hindi ako tumatanggi sa grasya, Ok! Let's meet in SB,bilhan mo'ko ng makakain. Nagugutom ako :( Natawa siya sa text nito. Pagdating talaga sa pagkain unang-una si Lucy. Nakarating siya sa mall sakay ang puting Limo niya, na kabibili lang ng kaniyang ama. Regalo ito sa kaniya ng kaniyang ama dahil nakakuha siya ng mataas na grade sa Calculus, ganoon kaadvance ang utak niya. But she wanted to enjoy her life, take it smoothly. Agad na naglipatan ang mga tingin sa kaniya nang pumasok siya sa SB, sikat na cafe sa mall na iyon. She's a regular customer kaya agad na may lumapit sa kaniyang waiter, ngumiti ito ng napakatamis. Plastic. "Can I take your order,Ma'am?" Anito habang nakatayo sa gilid ng kaniyang mesa. She's not hungry but her BFF is hungry, she's 100% sure of that. Knowing Lucy, meron yata itong bodega sa loob ng tiyan. Kahit kain ng kain ito,e hindi naman tumataba. Tumingin muna siya sa kaniyang cellphone kung may text ba doon ni Landon bago sabihin ang order niya, "Can I get one Americano, one latte and two slice of strawberry pie" Tumango naman ang waiter at isinulat na ang order niya. Binigyan siya nito ng isang pabilog na bagay, iilaw ito kapag handa na ang order niya, 'yon ang ikinahanga niya sa cafe na 'to lalo na at masasarap pa ang mga pagkain at kape nila dito. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Lucy kasama si Mylene, her second BFF, nakilala niya naman si Mylene sa isang bar. Kilala rin ito ng pinsan niyang si Kyro. "Hey Pats!" Bati sa kan'ya ni Lucy, nakipagbeso muna ito sa kan'ya bago tuluyang umupo sa tabing upuan niya. Pats ang tawag nito sa kaniya, habang si Lucy naman ay tinatawag niyang babs. Pats and babs, payatot at baboy. "Hello,Verra" ngiti sa kaniya ni Mylene bago s'ya nito halikan sa pisngi. "So, how are you,guys?" Tanong niya sa mga ito. Ilang araw din kasi niyang 'di nakikita ang mga ito lalo na si Mylene, naging busy silang tatlo lalo na at summer vacation nila. It was Mylene who talked. "Busy sa Restau ni Mommy, Kailangan kong tumulong kaya hindi ako makasama sa mga ibang gala niyo, buti na nga lang at nakasama ako ngayon" Tumango-tango naman silang dalawa ni Lucy. Lucy sighed, "Ako naman sa bahay lang, kung hindi ako tatawagin ni Tita para magbantay sa mga pinsan ko, wala na akong alam gawin" Ngumuso naman siya. "Buti pa nga kayo may ginagawa. Ako nga, kung hindi ko kasama si Landon which is busy nanaman ngayon ay wala na akong gagawin" naalala niya nanaman tuloy si Landon, busy ito sa bar at tumutulong kahit na panggabi naman nagbubukas ang bar nito, doon siya naiinis but she have to understand him. Mahal niya,e. Umorder pa sila ng isa at nagkwentuhan nalang habang kumakain. Paalis na sila para mamili ng damit sa F21 nang magpaalam si Mylene na kailangan ng umalis. Tumawag raw kasi ang mama nito kaya silang dalawa nalang ni Lucy ang nagshopping. They just picked everything they want. Pasado alas dos na nang matapos silang mamili saka naman naisipan ni Verra na icheck ang cellphone niya. Halos mapamura siya ng makita ang messages galing kay Landon. Binasa niya ang mga 'yon at halos masabunutan niya si Lucy na tahimik lang sa tabi niya habang inaayos nito ang mga pinamili nila. Landon: I'll pick you up at 12, we'll have a date. Landon: Hey, where are you? Bakit wala ka sa condo mo? Landon: Where the hell are you?! Pinaghintay mo'ko sa wala. Bahala ka nga sa buhay mo! She immediately typed a reply, Verra: I'm sorry, nasa mall parin kami when you texted, I forgot to checked my phone. Ilang minuto na pero hindi parin ito nagtetext. Hindi na siya nakatiis, tinawagan na niya ito. Ilang rings lang ay sumagot na ito pero laking ikinagulat niya ang ibinungad nito sa kaniya. "Let's break up" Halos nagpanting ang tainga niya sa narinig. She stiffened. Hindi siya nakabawi agad. "W-what?" Tila isa lamang 'yong bulong dahil maging ang dila niya ay tila naumid. Rinig niya ang kakaibang paghinga nito. Tila pagod, tila kakagaling lang sa malayong pagtakbo. Is he serious? Seryoso ba talaga si Landon o isa lang ito sa mga surpresa nito. No, alam niyang hindi mahilig sa surprises ang kasintahan kaya paanong magsosurpresa ito? She heard Landon sighed. "Let's end this, I'm tired..."he paused. "Of you...pagod na ako sa'yo." She sniffed and tears scaped her eyes. She started to cry. "Wait, No way! You're being irrational! This is ridiculous,Landon!No" puno ng pagmamakaawa ang boses niya. "Let's meet, let's talk about this in person. No,baby, hindi pwede. Hindi mo pwedeng iwan ako dahil lang hindi ko nasagot ang call mo at napaghintay kita...No,Landon. You love me,right? I love you too. Please baby, don't do this" Wala na siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya. Maging si Lucy ay hindi na niya napansin na kanina pa alalang-alala sa kaniya. All her attentions were on Landon. He can't do this. Hindi siya papayag. Mahal niya si Landon. Halos sa binata na umikot ang mundo niya. Mula grade 8 na naging kasintahan niya ito ay halos ito na ang sinamba niya. She love him so much kahit pa papiliin siya kung sa sarili niya o si Landon, si Landon ang pipiliin niya. Ganoon siya katanga. Gagawin niya ang lahat huwag lang siyang iwan nito. Kung kailangan niyang lumuhod gagawin niya. Hindi niya kaya, hindi niya kayang iwan siya ni Landon. Patuloy siya sa pag-iyak. Hawak niya ng mahigpit ang cellphone niya. "Landon, please, bawiin mo ang sinabi mo" "No, I'm serious,Verra" ang boses nito ngayo'y puno na ng iritasyon. Nakiusap parin siya. "You love me, baka galit ka lang. Paupahin muna natin ang galit mo,Landon. Let's meet...yeah ,let's meet..ahhm" nanginig siya habang nag-iisip. "Sa Haven nalang, doon tayo—" "I fell out of love" Tuluyang bumagsak ang lahat sa kaniya. His words sent daggers to her heart and it brokes into million pieces. Maging ang kaniyang tuhod ay bumigay, tuluyan siyang napaluhod sa malamig na sahig ng mall. She just kneeled there, crying and broken. What did she done? May pagkakamali ba siya bukod sa hindi niya pagsagot sa mga texts nito at sa pagpapahintay niya rito? Ito pa nga ang laging may kasalanan sa kaniya. He didn't gave her any presence in her birthday, ni ang magpakita sa kaniya nang nakaraang birthday niya ay hindi nito nagawa. Inintindi niya 'yon, because she love him. Ang madala na hindi pagsagot nito sa mga tawag niya, inintindi niya rin 'yon, because he loves him. Ngayon,hindi ba nito kayang siya naman ang intindihin? Ganoon agad ito bibigay. Oo nga pala,He fell out of love. Ang tanga niya, ang tanga-tanga niya nga, mahal niya,e. Ganoon na ba ang magmahal? Magiging tanga ka tapos ikaw lang din ang masasaktan? Ang sakit, sobra siyang nasasaktan. She don't think people would understand how difficult it is to explain what's going on in her heart when she don't even understand in herself. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya. Oh dam.n! Why did she have to fall inlove with such a person! Wala ngang pinipili ang pag-ibig, tama nga ang iba. Kapag nagmahal ka wala ka ng magagawa. Doon niya lang napansin ang mga katarantaduhang ginagawa sa kaniya ni Landon,sa tuwing magsasabi ito ng I love you na nasa telepono lang nito nasasabi. She noticed everything, she just acted like she don't. Ginawa niyang gaga ang sarili niya. Tanga nga siyang maituturing. "Hey,pats. What's happening?" Lucy was so worried to her. Umiyak nanaman siya ng maalala ang nangyari. "We broke up" Kumunot muna ang noo nito bago ito nagtanong. "Nino?" Parang tangang tanong nito. Gusto niyang sabunutan ito. "Natural! Si Landon!" She cried again. Wala na yatang iuubos ang mga luha niya. Shocked was written in Lucy's soft face,but when Lucy realize it natawa nalang ang kaibigan niya. "'Ku! Okay lang yan. Buti nga wala na kayo ng damuhong 'yon,e" "Seriously? Kaibigan ba talaga kita?" Umiiyak na tanong niya rito bago siya tumayo at umupo sa malapit na bench. Sumeryoso bigla ang kaibigan bago siya nito niyakap. "It's okay. Some people were meant to fell in love with each other,but not really meant to be in love with each other forever" hinaplos nito ang likod niya. "Hush, tahan na. You need to accept the truth,pats. Gag* ang isang 'yon dahil pinakawalan ka niya. He didn't cherish a gem, instead, he cherish a trash" may kung ano sa boses nito. "What do you mean?" Humiwalay siya sa yakap nito at tumingala para makita niya ang mukha ni Lucy. Her eyes look so serious, na madalang lang niyang nakikita sa kaibigan. "Tanga siya,'yon na 'yon!" Umiyak nanaman siya. Mali ang kaniyang kaibigan, dahil hindi si Landon ang tanga kundi siya. Siya ang tanga, pero mahal niya,e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD