Kabanata 1

1691 Words
Alternative rock na tugtugin, maingay na paligid, amoy sigarilyo ang bawat sulok, at ilaw na patay-sindi. Pakiramdam ni Maria isa siyang Diyos na kayang gawin at kontrolin ang lahat habang umiindayog at minsan pa’y nakiki-headbang sa musika na pumapailanlang sa buong lugar. She was a good dancer. She owned the stage once she started her rhythm. Ito ang dahilan kung bakit marami ang humahanga at nanonood sa kaniyang bawat galaw nang gabing iyon. Bukod pa sa katotohanang nakaaakit ang kaniyang ganda at alindog sa suot na halter top at leather skirt na pinaresan ng itim na boots na hanggang tuhod ang haba. She looked wild on her dark make-up, matched with her big earrings and huge bangles. Itim din ang kaniyang gamit na lipstick na ibinagay niya sa kulay ng kuko. While her hair was purposely curled to highten her messy look. Sino ang mag-aakala na ang isang katulad niya, na may kakaibang fashion, ay anak ng isang gobernador sa lugar nila? None! Hindi naman kasi siya ganito mag-ayos kapag ordinaryong araw. Sa mata ng ina niya, isa siyang anghel na 'di makabasag-pinggan. Kabaligtaran naman noon ang tingin ng ama sa kaniya. Alam kasi nito ang lahat ng kalokohan niya. At para mabantayan siya, hindi lang isa, kundi sampung bodyguard ang kinuha nito. Mautak nga lamang siya dahil nalulusutan niya ang mga ito nang walang kahirap-hirap. Napangisi siya nang maalala kung paano nalusutan ang mga bantay habang iginigiling ang katawan sa kasayaw na lalaking mukha palang ay alam nang fuckboy. Tila nagustuhan naman nito ang kaniyang ginawa. Mas lalong ikiniskis nito ang katawan sa kaniya, sapat para maramdaman niya ang umbok nito sa kaniyang likuran. She knew exactly what he want. He wanted her. Kanina pa ito bumubulong at nag-aaya. "Hey, Mary, Alex is back. Nagkita na ba kayo ulit?" Si Mia, isa sa kaibigan niya mula pa hayskul. Anak ng isang Mayor sa probinsiya nila. Sumasayaw din ito na katulad niya. "In fairness, nag-improve sa performance ang ex mo." Sinabayan nito ng tawa ang huling sinabi. "Who the hell is he? Are you talking about some alien?" sagot niya, medyo pasigaw dahil sa ingay ng lugar. Ngumisi si Mia. Alam niya ang klase ng ngiti nitong iyon. She's up to no good. "He's the basketball player, b***h! The one you dumped after he won a game for you." An image popped up her head. Bigla niyang naalala ang lalaki. It was Alex Montealegre, the varsity player. "Ah, si daks." Daks ang tawag niya sa lalaki dahil tunay na may maipagmamalaki ito. "So, you had s*x with him." Naalala niyang minsan ay naging FuBu rin nito ang kaibigan. Alam na niya ang bagay na iyon nang magkarelasyon pa lamang sila ng lalaki. Pero dahil hindi naman talaga niya ito gusto, friendship over fake relationship ang peg niya. Natawa si Mia. Confirmed. "Whore." Inikutan niya ito ng mga mata. Mas lalo namang naging mapang-akit ang galaw nito. Sanay na sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Another toy?" she asked. "Another flavor of the month." Nilapitan siya ng kaibigan at hinalikan sa labi. Normal na iyon sa kanila. Something they called special gesture. "The guy is obviously hitting on you. Come on, have some fun. s*x is the best, you know," bulong nito. Ang tinutukoy ay ang lalaki na nasa kaniyang likuran. ”Except for me." "Kill joy." Inikutan din siya nito ng mga mata. Nag-walk out. Tinanaw na lamang ni Maria ang papalayong kaibigan. Naiiling. Kakaiba talaga ito. Wild but kind. Sa likod ng makapal nitong make-up at kakaibang fashion ay mahilig naman ito sa charity works. Active rin sa mga aktibidad ng simbahan—kasama siya. Devil Angel nga kung tawagin nila ang sarili. At ang kanilang motto, Don't judge the book by it's cover. Isa sa dahilan kung bakit hindi kaagad siya naniniwala sa mga bait-baitan at santa-santahan. "Want to go to my place tonight?" Maria got startled when someone whispered from her behind. Nang lingunin niya ang lalaking kasayaw, halos dangkal na lang ang layo ng labi nito sa labi niya. She saw his adam's apple move while his eyes roamed all over her face. Nagagandahan ba ito sa kaniya? How ironic. Ginamit na niya ang lahat ng nalalaman para lang gawing below standard ang mukha. Kung tutuusin, ilang oras ang inabot niya sa deformation na ginawa sa sarili. And yet, she still could capture anyone's attention. 'Tang*na namang kagandahan ito,' wika niya sa sarili. She smiled at the man. What was his name again? s**t! Sa sobrang occupied niya kanina, hindi man lamang niya natanong ang pangalan nito. Pinoproblema niya tuloy kung paano niya ito i-a-address. Sa kasamaang palad, hindi pasado ang lalaki sa kaniyang social experiment, ang jojowain o totropahin. Masyado itong agresibo, minus point iyon. Masyadong demanding. Masyadong feeling close. Possessive agad-agad. She mentally note "X" to this man for her jojowain list. "Gonna call you next time, babe. Unfortunately, I'm not feeling well tonight." Nilandian niya ang boses. Ngumiti nang pagkatamis-tamis. That was her way of turning someone in her most subtle way. Umangkla rin siya sa leeg nito. Hindi kataasan ang lalaki kaya halos magpantay lang din sila. Napangiti naman ito sa ginawa niya. Bingo. Alam niyang gumana na naman ang charm niya. "So, you'll give me your number?" paniniguro nito. Mas lalo siyang hinapit. Mas lalong idiniin ang umbok sa pagitan ng hita nito sa kaniyang puson. "Of course." Pinapungay niya ang mga mata. 'Maniwala ka, please!' sigaw ng isip niya. "Can I have it now?" "Tell me the magic word, babe, and my number is all yours," hamon niya. Iniisip kung ano ang number ng katulong nila na laging gamit niya sa kalokohan. "Daks ako." 'Ow, talaga?' "I can make you scream in bed." ''Di nga.' "I am a vampire. Kumakain ako ng dinuguan. I can eat you if you want." Bigla siyang nandiri sa huling sinabi nito. Itinulak niya ito nang bahagya. "You spill the wrong word." Pinalungkot niya ang mukha. Umiling. "Sorry, no number from me for tonight, babe. Better luck next time." At kumindat. "Hey, wait." Pinigilan siya ng lalaki. Hinawakan siya sa braso. "Gano'n na lang 'yun?" Tumaas ang kilay niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Nag-expect ito dahil sa gesture na ipinakita niya. Too bad, mukhang amateur pa ang lalaki sa ganoong bagay. "Take that hand off me. Ayaw ko sa lalaking hindi nakaiintindi." She dropped those words in her most cruel way. Kung ayaw nitong tantanan siya, dadaanin na lamang niya ito sa gulat. Nagtagumpay naman siya dahil binitiwan siya nito. Ngunit nag-iwan ito ng babala, na para sa kaniya ay common na mula sa mga lalaking hindi matanggap ang kabiguan na makuha siya. f**k those bastards who only wants to take off her panties! Nagsimulang maglakad si Maria sa magulong podium. Naghahanap ng bagong puwedeng maging target sa gabing iyon. Ang usok mula sa sigarilyo ay hindi niya alintana. Sanay na ang baga niya dahil patay-sindi ang mga kuya at ama sa nasabing bisyo. Nang magsawa sa kalilibot, nagpasya na lamang si Maria na umuwi. Tapos na siya sa gabing iyon. Pagod na siya at ubos na rin ang oras niya. Hindi na rin niya nakita si Mia, alam niyang sumama na rin ito kung kanino. Iniwan na siya ng bruha nang hindi man lamang nagsasabi. What did she expect? Habbit na ng kaibigan iyon kapag kasama ang bagong boyfriend kuno nito. Sa saliw ng kanta ng singer na si Madonna, maingay na binaybay ni Maria ang daan patungo sa maliit nilang hacienda. She would spend the night in the place. Wala na rin naman siyang ibang pagpipilian dahil malayo ang syudad kung nasaan ang mansion nila. Mas mainam na rin iyon dahil tiyak na sasabunin siya ng ama kapag nalaman na naman nito ang pinaggagawa niya. Better be safe than sorry, 'ika nga ng kaniyang book of logic. Like a virgin... Touched for the very first time... Like a virgin... When your heart beats... Next to mine... Sinabayan niya ang kanta. May pa-headbang pa. She was definitely enjoying the night, the time, the atmosphere, the freedom she felt, and the happiness filled inside her heart. Isa iyong bagay na nagpapatunay na patuloy na umiinog ang buhay para sa kaniya. "Ah! Heaven!" sigaw niya sabay pindot ng busina ng kotse. Umalingawngaw ang tunog niyon sa buong paligid. Napangiti siya. Binuksan ang convertible para lumanghap ng sariwang hangin. She even extended one of her arm to feel the coldness of the night. Maayos na sana ang lahat. Ngunit nang kumambyo siya at tapakan ang accelerator, doon niya napagtantong pabilis nang pabilis ang takbo niya kahit sinusubukan na mapahinto ang kotse. "s**t! Tang*na!" mura niya habang sumusulyap kung nasaan na siya. Tahimik na ang lahat. Wala na ring kabahayan sa paligid, malamang malapit na siya sa destinasyon. Ang ilaw na nagmumula sa sasakyan ang siyang pag-asa niya upang makita ang tinatahak. Ayaw niyang magkamali. Ayaw niyang maulit ang nangyari noon. Never. Kaya lahat ay ginawa niya huwag lamang bumangga kung saan. Luckily, she saw some light in front of her. Kumambyo muli siya at nang makita ang malaking puno na siyang tanda na nasa Hacienda De Luna na siya, walang agam-agam na pinindot niya ang busina nang paulit-ulit bago binangga ang kotse roon. The impact was strong and sudden. Bumulabog sa buong kabahayan na siyang nakarinig ng ingay; maging sa iilang trabahador na gising pa sa oras na iyon. For Maria who was inside the car and bleeding, it was something she could consider as another miracle. Hindi na bago iyon. In fact, while she touched her aching head and saw the blood on it, she smiled bitterly. Takot pa rin pala siyang mamatay. So, why the hell she was feeling like she wanted to everyday? "Putang*na! Ang sakit!" she murmured. She felt her head was spinning that she wanted to p**e. Ngunit mas lamang ang antok na nadarama, ang hapdi ng sugat dahil sa impact ng kaniyang pagkabagok, at ang sugat sa puso na kaniyang iniinda. Naghalo-halo na ang lahat. The reality; that behind all her smile, she was f****d up inside. Kulang sa aruga. Kulang sa pansin. Kulang sa pagmamahal. @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD