Kabanata 2

2523 Words
Just as what Maria thought, umaga pa lang ay naroon na sa Hacienda De Luna ang ama. Sa lakas ng busina nito, maging ang pagkahihimbing niya sa pagtulog ay biglang nabulabog. Pupungas-pungas na napabalikwas siya ng bangon. Kinapa ang noo na may sugat na ginamot kagabi ng isa sa katiwala nila. Hindi pa man siya nakahihikab, isang malakas na kalampag mula sa kabubukas na pinto ang kumuha sa buong atensiyon niya. Standing next to the doorway was her father. By the looks of it, he obviously isn't happy seeing her. Sino ba naman ang matutuwa? Nagkalat ang itim niyang make-up. Sabog ang buhok na halos takpan na rin ang buo niyang mukha. Suot pa rin niya ang halter na nakalaylay ang strap, sumisilip ang itim niyang bra. Ang bangles at earrings at naroon pa rin. Ni hindi na niya nagawang hubarin nang nagdaang gabi dahil sa pagod, sakit ng ulo, at antok. "What?" tanong niya sa ama. Humugot ito ng malalim na paghinga. Pinipigilan ang pag-alpas ng galit na nadarama. "What have you done again, Mary?" tanong nito gamit ang palayaw niya. Lumapit ito patungo sa kama na kinahihigaan niya. Governor Arturo De Luna, the incumbent governor of Leyte, and was on his last term, was on his sixties. Mataas ito at may katabaan. Medyo napapanot na ang ulo at kita na rin ang uban nito sa buhok. Ngunit matikas pa rin kung titingnan. Kagalang-galang sa suot na Barong Tagalog at itim na slacks. Makabayan ngunit hindi maka-Diyos para kay Maria. Sa nasasakupan, isa itong ehemplo ng lahat. Ginagalang at hinahangaan. Batas ang bawat salita nito sa mga mamamayan. Walang bahid ng anomalya o káimoralan. Ngunit sa mga mata ni Maria, kabaliktaran niyon ang ama. Sa katunayan, isa siya sa patunay na taliwas ito sa pinaniniwalaan ng lahat. Anak siya sa labas—itinago sa madla ang katotohanang iyon. Isang katulong ang ina niya na nabuntis ng ama. Sa kasalukuyan, nasa malayo ang totoo niyang ina. Ang akala ng lahat, si Maria Corazon, ang butihing maybahay ng gobernador, ang kaniyang tunay na ina. "Kung nandito lang kayo para pagalitan ako, nagsasayang ka lang ng oras, dad. Sayang naman ang pinapasahod sa inyo ng taumbayan. Tungkol naman kagabi, alam kong alam niyo na ang nangyari, mahabang wika niya. Maria was eager to send her father out. Wala naman kasing bago sa pagpunta nito. Pagagalitan siya. Pagsasabihan. Narinig na niya lahat ng sentimiyento nito, at walang bumago sa paniniwala niya at sariling gusto. Dahil kahit minsan, hindi rin naman nakinig ang ama sa hinaing niya. She remembered those times on how she begged, knelt, cried, and almost took her life just so she could have the freedom she wanted. Gusto niyang makapiling ang ina at maging malaya. Mamuhay malayo sa gusto ng ama. Malayo sa mata ng kritiko nito, dahil hindi naman talaga siya perpekto. But her father wanted differently. Ayaw nitong malaman ng lahat ang tinatago nitong sekreto. Ayaw siyang pagbigyan na maging malaya. Pinapasunod siya sa lahat ng gusto nito. At habang ginagawa nito iyon, mas lalo siyang nagrerebelde. Mas ninanais niyang bigyan ito ng sakit ng ulo—na para sa kaniyang ama, kulang lamang siya sa pansin. "Kailan ka ba titino? Aren't you tired of your s**t, Mary? Sumasakit ang ulo ko sa 'yo. Daig mo pa ang mga kapatid mong lalaki! Grow up, you brat!" "Yeah, yeah, the comparison." Napahawak siya nang mahigpit sa puting kumot dahil sa sinabi ng ama. She hated it. She hated to be compared to her siblings. Dahil hindi naman sila pareho. Hindi siya katulad ng mga ito na sunod-sunuran sa ama sa kahit na anong bagay. Napabuntonghininga, sinubukan niyang tumayo at umalis sa kama. Nakatayo pa rin ang ama niya sa paanan niyon. Naghihintay kung kailan siya hihingi ng tawad dito dahil sa nagawa. Alam na alam na niya iyon. At napaiiling na lamang siya sahil umaasa pa rin ito sa isang bagay na imposible niyang gawin. "Wala ka na po bang ibang sasabihin, daddy? Kung tapos na kayo, puwede na kayong umalis." Sinulyapan niya ito. "By the way, walang silbi ang mga bodyguard mo, dad, sisantihin mo na sila. Sayang ang pera." She smirked. Napapunas sa noo nito si Arturo. Sa isip, hindi na nito alam ang gagawin sa anak. Nagkulang ba siya bilang ama? Sumubra? Gusto lang naman niyang mapabuti ito. He wanted the best for her. Unica hija niya ito at gusto niyang protektahan. Bakit hindi nito iyon nakikita bilang anak niya? Napabuntonghininga ang matanda. "Hindi ka na bata, Mary. Act like your age. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo." Halatang problemado ang boses nito. "'Di sumuko na kayo. Gusto kong makita at makasama ang nanay ko. 'Yung totoo kong nanay—" "Hindi ba sapat sa 'yo si Maria? Nanay mo rin naman siya. She raised you like her own. Tinanggap ka niya bilang anak ko." Napatigil si Maria sa ginagawa. May parte sa kaniya na nasaktan, ngunit mas nanaig ang inis. Hindi naman niya pinilit ang sarili na tanggapin ng tunay na asawa ng ama. In fact, pinapakitaan niya ito ng hindi maganda para magsawa ito sa pangungulit sa kaniya. Naiinis siya kapag sinasabi nitong mabait at masunurin siyang bata, kapag naglalambing ito, at inaalagaan siya. Alam niyang napipilitan lang ito. That she did not have a choice but to accept her because her father said so. Na kailangan tanggapin din siya nito bilang anak ng asawa kahit dahil sa pagkakamali at panloloko. Her pride was telling her that her stepmother's gestures were hoax to what she really wanted. Kahit ang totoo, minsan, gusto niya rin ang pag-aalaga nito sa kaniya. "Sumuko ka na lang, dad. You can't control my life over me. May isip ako at may gusto. Pasensya na, pero hindi niyo po ako mapasusunod." Iniwan niya ang ama at nagtungo sa banyo na kanugnog lamang ng kwartong ginagamit. Naghilamos at nagsipilyo. Inayos ang sarili at lumabas. "Please, dad. Not now. Never," wika niya nang maabutan ang ama sa kwarto. Naroon pa rin ito. Hinihintay siya. Nagmamatigas na tulad niya. Hindi pinansin ni Maria ang ama. Tinungo niya ang bedside table kung nasaan naroon ang clutch bag na may lamang cell phone. Kinuha niya iyon. Nag-dial. Ilang ring pa lang ay sinagot na kaagad siya ng nasa kabilang linya. Si Mia, paos pa ang boses nito nang magsalita, "Hello? Ano'ng meron?" "b***h!" Napatikhim ang ama kaya napasulyap siya dito. She jokingly zippered her mouth. Nang umiling ito at umalis ay saka niya ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Nahiga habang hinihintay na marinig ang pag-alis ng sasakyan ng ama. "Hello, Mary, are you there? Disturbo ka, ah. Natutulog ang tao, eh." Si Mia na halatang aburido na rin sa kaibigan. Nang marinig ang palayong makina ng sasakyan, saka pa lamang niya sinagot ang kaibigan, "Yes, I'm here. Sorry, nandito kasi si papa." "Pinagalitan ka?" "Sort of." Nilaro niya ang buhok na nagkalat sa kama. Nag-isip. Nang mapagtanto ang mga bagay, nagtanong siyang muli, "You know the owner of the bar we went last night, right? Friends ba kayo?" Natawa si Mia sa kabilang linya. "We're more than that, babe." Napatango siya. Well, hindi na bago iyon. "Can you ask him if I could see the CCTV videos last night in the parking area? Kailangan ko lang kasi." Naalala niya ang sasakyan at ang lalaking kasayaw. Posibleng may kinalaman ito sa nangyari sa kaniya. "Wait, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Himala na naghahanap ka ng lalaki ngayon. Come on, tell me." Nasa boses ng kaibigan ang kuryusidad. Maria rolled her eyes. Wala siya sa mood mag-explain. "I will tell you next time. Now, can you do my favor, please. . ." Nilambingan niya ang tinig para hindi na ito magtanong. Napangiti siya nang sumang-ayon ito. Ilang sandali ay hawak na ni Maria ang video footage nang nagdaang gabi sa parking lot ng bar. Tulad ng hinala niya, ang lalaking kasayaw ang sumabotahe sa brake ng kaniyang kotse. Hindi ito nag-iisa; apat sila at mukhang gangster sa kanto. Habang pinapanood ang ginagawa ng mga ito, nagngingitngit ang kalooban niya. There's no way she would let them pass. She has to do something. Kailangan niyang turuan ng leksyon ang pangahas. "Hello?" Boses sa kabilang linya na halatang kagigising lamang ang bumungad kay Maria nang tawagan ang isa pang kaibigan. "Brad, I need your help. Can you trace someone for me?" pakiusap ni Maria. Si Brad, anak ng isang kilalang negosyante sa probinsiya nila. Kaklase niya noon sa college. Magaling ito sa kahit anong bagay tungkol sa teknolohiya. He was a well known programmer in town. But he has secret too, he's a hacker. Sariling virus. Sariling ayos. More money. "Hey, ano na naman ito. Isturbo ka sa trip ko, ah." Halata sa boses ni Brad ang pagkabagot. Ngunit hindi iyon pansin ni Maria, sanay na siya sa ugali ng kaibigan. "Basta, gawin mo na lang. I will send the details. Ikaw na ang bahala, Brad. Mwah!" Pinatay niya kaagad ang tawag kahit hindi pa ito nakasasagot. Hindi rin naman ito tatanggi. Maria sent the details to Brad's email. Ang picture ng lalaki sa bar at ang mga kasama nito. Mabuti na lang maliwanag ang CCTV footage. Klaro ang mukha ng apat. Habang naghihintay, inayos na rin niya ang sarili. May nakahanda ng damit para sa kaniya nang lumabas pagkatapos maligo sa banyo. Isang itim na fitted jeans at puting top na labas ang pusod. May sexy underwear na rin at bra na may tiger print. Heels na itim at itim ding beanie hat. Saktong tapos na siya sa lahat nang ipadala ni Brad ang pangalan ng hinahanap niya at kung nasaan ito. Bingo! sa isip niya. Buong araw naglagi sa Hacienda De Luna si Maria. Hinihintay niyang gumabi para sa gagawing rebat sa lalaking nanggago sa kaniya. Nang mag-alas-sais ay saka pa lamang siya lumabas ng silid. Tahimik na ang buong kabahayan. May iilang kasambahay na nanonood ng telebisyon sa sala at binata siya. Tinanguan niya lang ang mga ito at dumeretso sa kusina. Doon, kumuha lamang siya ng bread at butter, kinain, at uminom lang ng tubig para magkalaman ang sikmura. Saktong madilim na ang kalangitan nang napagpasyahan niyang ng hacienda. Lulan ng lumang Range Rover ay binaybay niyang muli ang mahabang daan patungo sa syudad. Iniwan na lamang niya ang sariling kotse sa katiwala at ipaaayos na lang. Nagsabi na rin siyang babalik kapag kukunin na ang sasakyan. Sa daan napangingiti si Maria sa pinaplano. Alam na alam niya ang gagawin, at sigurado siyang mahuhulog sa patibong niya ang walanghiyang lalaki. Kahit kailan, hindi siya nagpatalo kanino man. Never. She always play fair, but overstepping boundaries is another story; lalo na at muntik na siyang mapahamak dahil doon. Itinigil niya ang sasakyan sa isang madilim na highway. Kinuha ang cellphone sa compartment at nag-scroll ng email mula kay Brad. Napaiiling na lamang siya habang binabasa ang profile ng lalaking hinahanap. Isa itong soiled brat at anak ng isang politician sa karatig probinsiya. Night life was his hobby. Tulad niya ay mahilig din ito sa bar. He's a fuckboy. Delinquent. Magkapareho sila sa ilang aspeto. But she never dared to hurt anyone. Malas lang ng lalaki at siya ang binangga nito. "Good evening, ma'am. Enjoy the night," bati ng bouncer kay Maria. Kinindatan niya ito. "Of course, I will." At sisiguraduhin niyang hindi lamang siya ang mag-e-enjoy. Hinanap kaagad ni Maria ang lalaki. Ang sabi ni Brad, kasama nito ang mga kaibigan at may group celebration. Ukupado nito ang isa sa VIP room ng bar. Ganoon kágaling ang kaibigan na halos alam nito ang lahat ng kahit sinong gusto nitong alamin. Nagpalinga-linga siya. Hindi nagtagal ay napangiti. Umaayon sa kaniya ang lahat. Sa gilid, natatakpan ng glass wall, naroon ang lalaki. Hindi ito nag-iisa. May mga lalaking kaniya-kaniyang hawak ng baso katabi ng mga babaeng kung makalinggis at dinaig pa ang ahas. Maaga pa lang ngunit tila lasing na ang mga ito. At ang kaniyang target, nasa gitna ng lahat. Umiinom nang mag-isa. Nakatungo. Walang sinayang na sandali si Maria. She gatecrashed the place. Tumabi kay Gio, ang lalaking kasayaw kagabi. Ang kaniyang target. Wala siyang pakialam kung nakatingin sa kaniya ang lahat. Napanganga. Sino ba naman ang hindi kung inagaw ba naman niya ang baso na hawak ng isa sa mga lalaking naroon. Ininom at nginitian ang lahat nang pagkatamis-tamis. "Hello, everyone," bati niya, gamit ang malanding boses. Maarte niyang hinawi ang buhok na tumabing sa mukha. Mas nagsinghapan ang lahat. Ganoon siya káganda, kahit ang mga babae ay humahanga sa kaniya. "Sino ka?" tanong ng isa sa mga lalaki. "Hi! Kitty, by the way." Si Gio ang binalingan niya. "Long time no see." Halata kay Gio ang pagkagulat. Ganoon ang gusto niya. Alam niyang nagtataka ang lalaki kung bakit siya naroon. Tinaasan niya ito ng kilay. She's good at acting. Alam niyang sasakay din ito sa pambobola niya. "You're not happy to see me." Pinalungkot niya ang boses. Tila naman natauhan si Gio. Umiling. "N-No! Of course not. H-Hindi. . ." Nagkandautal pa ang gago. hiyaw ng utak niya. But she did otherwise. Ikiniskis niya ang katawan sa lalaki. Sa parteng dibdib, mas mariin. She felt him stiffen. Mas lalo siyang nagdiwang sa kaniyang kalooban. "Wanna have some fun with me," bulong niya. "Y-Yes! Oh, s**t! Is it for real?" Hala, ang gago, umasa. "Oo, naman." Tila sila may sariling mundo. Akala ni Maria magiging hard to get ba ito. But she celebrated when he stood up. Kinuha nito ang kamay niya at ginaya siya kung saan. Nagpatiuna siya. It was all part of her plan. Ibibigay niya ang bagay na hinahanap nito. Sa isang private room siya ng bar dinala ni Gio. Mas mabilis pa sa kidlat na inangkin nito ang labi niya, niyapos sa beywang, at pinasandal sa nakasaradong pinto. Sinibasib siya nito ng halik, na kaniya namang tinugon. Why not, he's a damn good kisser. Hindi naman siguro kalabisan kung paglalaruan na muna niya ito. "Oh, hubad ka na," wika ni Maria nang matapos ang halik. Ngumiti. "Let's play. Ikaw ang taya. Gusto mo ba 'yun?" Parang aso itong napatatango. Mas lalo siyang nagdiwang. "Undress me." The go signal begins. "You'll gonna love this, babe." Hindi lang hubad ang ginawa ni Maria sa lalaki, itinali niya rin ang dalawang kamay nito sa magkabilang bahagi ng headboard ng kama, at piniringan sa mga mata. Tunay mang may maipagmamalaki ito sa hinaharap, walang appeal sa kaniya ang mga lalaking hindi marunong maglaro nang patas, at hindi tumatanggap ng pagkatalo. Red flag. Magiging salot lang ito ng lipunan. "Are you ready, babe?" Kinuha niya ang camera. Itinutok sa lalaking nasa ibabaw ng kama, walang saplot, at walang kamalay-malay sa ginagawa niya. "I'm going to suck your d**k. Can you moan for me?" Umungol naman ito. Ulol! "Come on! I want more." He wiggled. He moaned. He bit his lips as if he was reaching his climax. Habang si Maria, pigil na pigil ang sarili na matawa. ”Eres un idiota. Ahora somos justos," (You're an idiot. Now we are fair) she said before storming out of the room. @sheinAlthea

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD