THIRD PERSON POV
Napakagat-labi si Dale nang mabasa ang text message na ipinadala sa kanya ng babaeng pinsan ni Claudine. Hindi niya akalain na magpapadala kaagad ito ng mensahe sa kanya pagkatapos niyang makilala ito kahapon.
“Hey, stud. Wala ang parents ko sa house now. Baka libre ka? May ipapatikim lang ako sa iyo. Pagkaing hindi pa naihahanda ng pinsan ko for you.”
Iyon ang nilalaman ng message na natanggap ni Dale mula sa pinsan ng kanyang girlfriend. Pasimple niyang nilingon sa kanyang kanan si Claudine na kanina pa tahimik.
Ngumisi siya habang tumitipa ng reply sa kanyang phone.
“Expect me tonight, babe. Ihahatid ko lang ang pinsan mo pauwi.”
Pagkatapos niyang mai-send ang text message para sa pinsan ni Claudine ay ibinalik na niya sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon ang cellphone. Saka pa lamang niya kinausap ang kanyang girlfriend.
Dale: O, bakit kanina ka pa tahimik? Hindi ka na ba marunong magsalita ngayon?
Nilingon ni Dale ang paligid at nakitang kaunti lamang ang mga tao sa mga oras na iyon sa sikat na tambayan ng College students ng kanilang campus.
Napaliligiran iyon ng maraming mga malalaking puno at may wooden at stone benches para sa mga estudyante. Dito siya madalas nagpapahinga kapag walang babaeng kumukuha ng kanyang atensyon.
Ang nakayukong si Claudine ay nag-angat ng ulo nito at tumingin sa kawalan.
Dale: Ano na naman ang drama mo ngayon? Kahapon lang ay masaya ka noong ipakilala mo ako sa pinsan mo. Bakit ngayon parang pasan mo ang daigdig?
Napakunot ang noo ni Dale nang makitang nakatulala lang ang kanyang girlfriend na para bang hindi nito narinig ang kanyang sinabi.
Dale: Hoy, Claudine! Para ka nang natuklaw ng ahas diyan!
Sinadya ni Dale na lakasan ang tono ng kanyang boses pagkasabi ng mga salitang iyon para tuluyang makuha ang atensyon ng kanyang kasintahan.
Para pang naalimpungatan ito nang igala ang paningin sa buong paligid.
Claudine: K-kanina pa ba tayo rito, Dale?
Hindi alam ni Dale kung paanong magre-react sa sinabing iyon ng kanyang girlfriend.
Naguguluhan siya sa tanong nito gayong ito pa nga ang nagyaya sa kanya na pumunta sila roon sa paborito niyang pahingahan.
Dale: Anong pakulo iyan, Claudine? Audition piece mo ba iyan para sa Drama Club? Kung oo, kalimutan mo na. Hindi ka convincing.
Sinundan pa ng tawa na may kasamang iling ni Dale ang kanyang sinabi ngunit nang hindi man lamang nagbago ang naguguluhang ekspresyon sa mukha ng kanyang girlfriend ay unti-unti nahinto ang kanyang paghalakhak.
Dale: Ano ba ang nangyayari sa iyo? Kanina, sobrang tahimik mo. Ngayon naman, parang gusto mong gumanap na Sisa. Pinagti-trip-an mo ba ako?
Nang humarap si Claudine sa kanya ay parang nagtatanong ang mga mata nito.
Hindi alam ni Dale kung ano ang kanyang sasabihin kaya iniwasan niya ang mga titig ng kasintahan.
Claudine: Dale?
Hinintay niya kung may kasunod pang sasabihin ang kanyang kasintahan matapos nitong tawagin ang kanyang pangalan. Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.
Muling hinarap ni Dale si Claudine at nagulat siya nang makitang parang nangingilid ang mga luha sa mga mata nito.
Dale: Umiiyak ka ba?
Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Claudine nang itanong niya iyon.
Claudine: Ha? Ako? Umiiyak? Hindi, ah!
Pagkasabi niyon ay kaagad na umangat ang mga kamay ni Claudine at pinahid ang pamamasa ng mga mata nito.
Ilang sandaling pinagmasdan ni Dale ang ginawang pagpupunas ni Claudine sa mga mata nito.
Claudine: Bakit naman ako iiyak?
Narinig niya ang mga mahinang pagtawa ni Claudine habang patuloy pa rin nitong pinapahid ang dalawang mata.
Nagulat na lamang si Dale nang biglang yumakap sa kanyang baywang si Claudine at isinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib.
Gusto niyang maasiwa sa ginawa nito dahil may ibang mga estudyante sa paligid ngunit hindi niya gustong makaagaw ng atensyon kung susubukan niyang tanggalin ang mga bisig ni Claudine mula sa pagkakayakap sa kanyang baywang.
Claudine: Dale, huwag mo akong iiwan, ha? Ikaw na lang ang mayroon ako ngayon. Kapag iniwan mo ko, b-baka hindi ko kayanin?
Sandaling natigilan si Dale sa sinabing iyon ni Claudine.
Ilang beses na siyang nahuhuli nitong may kasamang ibang babae ngunit kahit kailan ay wala siyang narinig mula rito. Palagi lamang nitong sinasabi na pinapatawad na siya nito.
Sa katunayan ay mas naging maasikaso pa ito sa kanya nitong mga nakalipas na linggo at ipinakilala pa siya sa kanyang pinsan bilang boyfriend nito. Hindi alam ni Dale kung bakit patuloy na nagpapaka-martyr para sa kanya si Claudine.
May hinala siya na kaya nasabi ng kanyang girlfriend ang bagay na iyon ay dahil iniisip nitong iiwan niya ito para sa ibang babae. Gusto nitong manatili siya sa tabi nito kahit masaktan pa ito nang ilang beses dahil sa kanyang paulit-ulit na pagtataksil.
Ilang beses nang pumasok sa isipan ni Dale na hiwalayan ang kanyang girlfriend dahil para sa kanya ay nawawala na ang thrill ng cheating kapag natutuklasan na ng isang tao ang pangangaliwa ng kanyang partner.
Ngunit naisip niyang mas mabuti na ang ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon kay Claudine na handang kunsintihin ang kanyang pangangaliwa kaysa naman ang maghanap ng bagong girlfriend na alam niyang pasasakitin lang ang kanyang ulo kapag nahuli nitong nambababae siya.
Dale: Ano ba iyang sinasabi mo? Nandiyan ang friends mo, hindi ba? Kahit masasama ang mga ugali nila, totoong kaibigan naman ang turing nila sa iyo.
Pakiramdam ni Dale ay parang lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Claudine nang sabihin niya iyon ngunit wala namang lumalabas na mga salita mula sa bibig nito.
Dale: Nakasalubong ko pala si Xiomara kanina. Parang payaso na naman. Putok na putok ang blush on.
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Dale sa tambayang iyon habang inaalala ang mukha ng isa sa mga kaibigan ni Claudine.
Dale: Wala namang problema kung gusto niyang umastang parang babae pero sana naman ilagay niya sa lugar. Tapos magagalit siya kapag binabastos siya ng ibang estudyante. Eh, mukha siyang timang sa mga ginagawa niya.
Tumatawa-tawa pa rin si Dale habang nagsasalita ngunit si Claudine ay nanatiling tahimik habang nakasandal sa kanyang dibdib.
Dale: Saan nga pala kayo kumain kanina? Nag-inarte na naman ba ang mga kaibigan mo?
Sinadyang itanong ni Dale iyon para malaman kung sasagot si Claudine
Kakaiba ang ikinikilos ng kanyang girlfriend nang mga oras na iyon kaya sa tingin niya ay may problema ito. Kung ano iyon ay wala siyang ideya.
Claudine: S-sa bahay ni Cyrill. Wala naman silang reklamo sa pagkain ngayon dahil si Fami ang nagluto.
Tumango-tango si Dale nang mapansin niya ang parang pasa sa kaliwang bisig ng kanyang kasintahan.
Kumunot ang kanyang noo at nakita na lamang niya ang kanyang sarili na nakapalibot na sa kaliwang bisig ni Claudine ang kanyang kanang kamay.
Dale: Anong nangyari rito?
Isang malakas na pagsinghap ang narinig ni Dale mula kay Claudine at mabilis nitong hinatak mula sa kanyang pagkakahawak ang kaliwang bisig nito. Lumayo rin ito mula sa kanya.
Nagdududang tiningnan ni Dale ang babae sa kanyang harapan nang itago nito sa likuran nito ang bisig na may pasa.
Dale: Bakit may pasa ka, Claudine? May nanakit ba sa iyo?
Seryosong tinitigan niya ang kanyang girlfriend at nakita niya sa mga mata nito ang takot.
Umiling si Claudine sa kanyang harapan at pagkatapos ay inilibot ang paningin nito sa paligid. Nang muli itong humarap sa kanya ay para na naman itong maiiyak.
Claudine: B-bumunggo lang iyong bisig ko sa doorknob ng isa sa classrooms. Huwag mo itong alalahanin. Gagamutin ko na lang mamaya.
Malakas ang pakiramdam ni Dale na hindi sinasabi ng kanyang girlfriend ang totoong dahilan kung bakit nito nakuha ang pasang iyon.
Dale: Sigurado ka ba sa sinasabi mong iyan, Claudine? Kasi para sa akin hindi---
Napahinto sa pagsasalita si Dale nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang isa sa mga kaibigan ni Claudine, si Karimei.
Isang masamang tingin ang isinalubong niya sa bagong dating dahil may pakiramdam siyang makaririnig na naman siya ng hindi magandang salita mula rito katulad nang madalas na ginagawa nito at ng iba pa nitong mga kaibigan sa tuwing nakikita siya.
Karimei: Oh, did I just interrupt your lovey-dovey moment? Sana naman ay hindi mo inuuto ang kaibigan ko sa mga kasinungalingan mo, Dale. Because that’s what cheaters always do. To lie.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ng gay friend ni Karimei ngunit ang tono ng pananalita nito ay puno ng sarkasmo.
Dale: Huwag kang mag-alala, Mei-Mei.
Napangisi siya nang makitang napanganga si Karimei dahil tinawag niya ito sa palayaw na hindi nito gustong ikabit dito.
Dale: Hindi ko na kailangang magsinungaling sa kaibigan mo dahil wala naman na akong kailangang itago. Alam naman ni Claudine kung ano ang totoo at mahal pa rin niya ako kahit ganoon.
Maangas na tiningnan ni Dale si Karimei nang magtaas ito ng isang kilay at huminga nang malalim sa kanyang harapan.
Karimei: Wow. At talagang proud ka pa sa pagiging cheater mo. Napaka-cheap mong lalaki ka. I don’t even know why women still find you charming when, obviously, you are rotting to the core.
Nag-igting ang panga ni Dale at akmang tatayo nang pigilan ni Claudine ang kanyang kaliwang bisig.
Nanlilisik ang mga matang nilingon ni Dale ang kanyang girlfriend at marahas na binawi ang kanyang bisig mula sa pagkakahawak nito.
Claudine: Huwag mo nang patulan, Dale. Please. May ibang tao sa paligid.
Nagpupuyos ang kaloobang tinitigan ni Dale ang kanyang nakayukong girlfriend at makalipas ang ilang sandali ay malalim siyang nagbuntung-hininga.
Nang muli niyang tingnan ang kaibigan ni Claudine ay nakahalukipkip na ito habang nakataas ang kanang kilay sa kanya.
Karimei: Seriously? You’re gonna hurt me in front of our schoolmates? Cheater na, basagulero pa? I swear, there’s no redeeming factor in that little brain of yours.
Kumuyom ang kaliwang kamao ni Dale kasabay nang paniningkit ng kanyang mga mata ngunit bago pa ito makakilos ay tumayo na si Claudine mula sa pagkakaupo at iniharang ang katawan nito sa kanyang harapan.
Idinipa pa ng babae ang mga braso nito para ipakitang handa itong protektahan ang kaibigan nito.
Claudine: Huwag, Dale. Please.
Gustong mainis ni Dale sa ginagawang pagtatanggol ng kanyang girlfriend sa kaibigan nitong may matalas na dila ngunit nakikita niya sa mga mata ng kasintahan ang desperasyon.
Mariin siyang pumikit at humugot ng sunud-sunod na malalim na paghinga. Nang pakiramdam niya ay unti-unti na siyang kumakalma ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
Nakatayo pa rin sa kanyang harapan si Claudine at kitang-kita sa mga mata nito ang pagmamakaawa sa kanya. Napailing na lamang si Dale.
Karimei: Gosh, Clau. You really need to find a new beau. Sticking with a trash makes you one.
Tumingala sa kalangitan si Dale at muling pumikit. Matinding pagpipigil sa sarili ang kanyang ginagawa para hindi makapanakit ng tao sa pisikal na paraan.
Habang nakapikit at nakakuyom ang kanyang dalawang kamao ay narinig niya ang tinig ng boses ng kanyang kasintahan.
Claudine: A-ano ba ang ginagawa mo rito, Karim? May kailangan ka ba sa akin? Ginawa ko na iyong ipinapagawa ninyo sa akin kanina, hindi ba?
Pinili ni Dale na manatiling nakapikit habang pinapakinggan ang pag-uusap ng magkaibigan.
Karimei: Kailangan kang pumunta sa bahay ni Tristan tonight. Doon na lang tayo magkita.
Napakunot ang noo ni Dale dahil sa narinig niyang iyon.
Wala siyang tiwala kay Tristan lalo pa nga at nabalitaan niyang sinisisi nito ang kanyang kasintahan sa pakikipaghiwalay dito ng dati nitong kasintahan na si Famicel na isa rin sa mga kaibigan ni Claudine.
Sa puntong iyon ay iminulat na ni Dale ang kanyang mga mata para sabihan si Claudine na huwag pumunta sa bahay ni Tristan. Ngunit nang akma na siyang magsasalita ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang phone sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.
Bigla niyang naalala ang pinsan ni Claudine.
Karimei: If you really want to make it up with Xiomara, you---
Hindi na naiintindihan ni Dale ang mga sinasabi ng magkaibigan dahil nakatuon na ang kanyang atensyon sa pagbasa ng latest text message na ipinadala ng pinsan ng kanyang girlfriend.
“What? Ihahatid mo pa si Claudine? Sige ka. Kapag nagtagal ka, baka hindi mo na abutang basa ang pagkain.”
Sa mensaheng iyon ay tuluyang nawala ang init ng ulo ni Dale para kay Karimei at lumukob sa kanyang sistema ang matinding kagustuhan na magparaos kasama ang pinsan ni Claudine.
Naglandas sa harap ng mga ngipin sa loob ng nakasarado niyang bibig ang dila ni Dale. Alam niya kung anong klase ng pagkain ang tinutukoy ng babaeng nagpadala ng mensahe.
Kaagad siyang tumipa sa kanyang phone at tuluyan nang hindi pinansin ang dalawang tao sa kanyang harapan.
“Get ready for me, babe. I’m gonna devour you tonight.”
Isang pilyong ngiti ang naglalaro sa mukha ni Dale habang ibinabalik sa loob ng bulsa ng pantalon ang kanyang phone. Ngunit nabawi ang kanyang atensyon nang marinig niya ang pagdating ng isa pang kaibigan ni Claudine sa lugar na iyon.
Nagkatinginan sina Dale at Famicel bago nito ibinaling ang tingin sa kanyang kasintahan.
Famicel: Clau, kay Larafaye ka na lang sumabay mamaya. May night class pa ako today. Hahabol na lang ako.
Tumayo na si Dale mula sa pagkakaupo at inakbayan ang kanyang girlfriend.
Dale: Hindi sasama si Claudine sa inyo. May plano akong dinner para sa aming dalawa mamaya.
Nakita ni Dale ang pagtataka sa mga mata ng kanyang kasintahan ngunit matiim lang siyang tumitig dito.
Nang tingnan niya sina Famicel at Karimei ay nakita niya ang pagkagulat sa kanilang mga mukha.
Dale: We’re gonna celebrate our engagement.
Isang malakas na eksaheradong pagsinghap ang narinig ni Dale mula kay Karimei.
Karimei: No, tell me you’re joking, Dale. You’re kidding, right?
Ilang segundong nagtagis ang mga mata nina Dale at Karimei bago niya muling nilingon ang kanyang kasintahan.
Puno ng pagkabigla ang mukha ni Claudine ngunit si Dale ay seryosong nakatitig lamang dito. Ilang sandali pa ay napansin niya ang pagkislap ng mga mata ng kasintahan at kasabay niyon ay ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.
Tumigil sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan si Dale nang marinig niyang tumunog ang elevator. Hudyat na naroon na siya sa palapag ng condominium unit nilang dalawa ng kanyang live-in partner na si Famicel.
Hindi niya akalain na ang araw ng pag-uusap nilang iyon ng kanyang dating kasintahan ay ang huling araw na makakasama niya ito nang buhay.
Nang pumasok siya sa loob ng kanilang condominium unit ay nakita niyang naghahanda na para sa hapunan si Famicel. Kaagad siyang lumapit dito para yumakap at humalik.
Nang sakupin ng kanyang bibig ang mga labi ng Famicel ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Nawala ang bigat ng tensyon na dinadala niya sa kanyang dibdib dulot nang unang araw na nakasama niya sa trabaho ang mga kaibigan ng kanyang nobyo.
Natatawang inilayo ni Famicel mula sa kanyang mukha ang mga labi nito.
Famicel: Kumain muna tayo, baby. Kapag hindi tayo huminto sa paghahalikan, baka ibang klase ng hapunan ang kahantungan nating dalawa.
Pilyong tumawa si Dale at mariing pinisil ang kaliwang pang-upo ng kanyang live-in partner.
Umalingawngaw sa loob ng kusina ang maharot na tawa ni Famicel.
Famicel: Napakapilyo mo talaga, baby. Mukhang naging maayos ang first day mo sa Luminare Valley.
Sandaling natigilan si Dale sa sinabi ni Famicel ngunit kaagad din naman siyang nakabawi.
Dale: Oo naman, baby. Tingin ko nga ay favorite na ako ng friends mo.
Alam ni Dale na hindi maniniwala si Famicel sa kanyang sinabi ngunit hindi niya gustong mag-alala pa ito.
Famicel: Talaga? Then that’s good. Sawa na rin akong pakinggan ang mga reklamo nila tungkol sa iyo.
Tumalikod ang kanyang kasintahan at ipinagpatuloy ang paghahanda nito para sa kanilang hapunan. Napansin niyang maraming inihandang pagkain ang kanyang live-in partner.
Dale: Wow. Creamy chicken pastel at honey garlic pork ribs. What’s the occasion, baby?
Nang lumingon sa kanya ang kanyang nobyo ay nakangiti ito.
Famicel: Gusto kong pasayahin ka by preparing your favorite foods. Alam kong ngayon ang parehong date na iniwan tayo ni Clau. At kahit hindi mo sabihin, alam kong taun-taon mong dinadala sa dibdib mo ang lungkot.
Hindi alam ni Dale kung ano ang kanyang mararamdaman sa sinabing iyon ng kasintahan.
Hindi niya inakalang napapansin ng kanyang nobyo ang kalungkutang iniinda niya sa nakalipas na mga taon.
Lumapit siya kay Famicel at niyakap ito mula sa likuran. Inilapit niya ang mga labi sa kanang tainga nito at bumulong.
Dale: Salamat, baby. Maraming, maraming salamat.
Nang gabing iyon ay hindi kaagad dinalaw ng antok si Dale habang ang katabi niyang si Famicel ay mahimbing nang natutulog.
Hindi niya inakalang ang petsa kung kailan kinitil ng dati niyang kasintahan ang buhay nito ay ang parehong petsa na pumasok siya sa maliit na mundo ng mga taong sumisisi sa kanya sa pagkawala ni Claudine.
November 18.
Napailing na lamang si Dale bago naagaw ang kanyang atensyon ng tunog ng notification sa kanyang phone na nakapatong sa bedside table.
Kunot-noong inabot niya ang aparato at tiningnan kung para saan ang notification. Kaagad siyang napangisi nang makitang kasama na siya sa group chat ng kanyang mga bagong katrabaho.
Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.
Ilang minuto pa ay naipadala na niya sa group chat ang bagong kuha na larawan nilang dalawa ni Famicel. Nakahalik siya sa kanang pisngi ng kanyang nobyo habang ang kanyang mata ay pasimpleng nakatingin sa lens ng camera.
Kung ano ang mensahe ng larawang iyon ay nakadepende sa taong titingin nito at sa mababasang caption kasama niyon.
“Thank you for making Famicel happy.”
----------
to be continued...