bc

The Good Side of Evil

book_age12+
2.7K
FOLLOW
10.3K
READ
badboy
goodgirl
aloof
drama
comedy
bxg
bully
campus
coming of age
first love
like
intro-logo
Blurb

You're the only good side of this evil Phoebe. You're the only good side of me.

- Seth Aishiteru Marquez

chap-preview
Free preview
Prologue
Dear Phoebe:  Umalis si ate at iniwan ka, hindi dahil hindi kana niya mahal kundi dahil kailangan ko lang talagang maranasan ang isang bagay na hindi ko na ata mararanasan pag nanatili ako diyan sa bahay. Please take good care of yourself. Mahal na mahal ka ni Ate. See you soon.  Hindi pa lang ako nangangalahati ng pagbasa ay napahagulhol na ako sa iyak dahil sa iniwang letter ni ate dito sa bedside table ko. Ang malinaw lang sakin ay umalis siya pero hindi ko alam kung anong dahilan. Dahil ba kinukulong kami ng mga magulang namin dito? Dahil ba ang raming rules ng bahay na 'to kaya hindi nakayanan ni ate? Pero ba't hindi niya ako isinama? Ba't kailangang mag-isa lang siya?  Alam narin pala 'yon ng parents namin. Ang ipinagtataka ko lang ay mukhang wala naman silang pakialam kahit na mag-isa lang si ate sa labas. Saan siya tumitira? May pera ba siya? Kinakain? Ngayon na pasukan na nakakapag-aral ba siya? Umiiyak rin ba siya? Kumusta na siya?  Yan ang mga katanungang hindi ko talaga nahahanapan ng sagot. Nag-aral ako pero bawat gabi ay iniiyakan ko siya. Napakaclose namin sa isa't isa. Siya na yung naging bestfriend ko at tanging kakampi dito sa bahay pero ngayon ay iniwan niya na ako. Sobrang sakit sa pakiramdam. Sobrang sakit ng maiwan kang mag-isa at hindi mo alam kung anong rason kung ba't kailangan kang iwanan.  "Phoeb. Maga na naman ang mga mata mo. Hon, are you crying all night? Ilang araw ko na yang napapansin?" sabi ni Mommy sakin nang magbreakfast kami.  Napayuko lang ako. Pag sinabi ko sa kanila ang dahilan may gagawin ba sila? Papayagan ba nila akong umalis dito sa bahay at hanapin si ate?  "Klarissa, she missed her sister. Ngayon lang sila nagkalayo nang ganito." sabi ni Dad. Napatingin ako sa kanya. May alam ba sila kung nasaan si Ate?  "Snow is fine baby don't worry. She's doing great. Nagtatrabaho siya sa Restaurant. Nakaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. You should be proud on your ate."  Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. She's working?! P-Pero hindi siya marunong nun. Paano niya nakaya?  "Dad, please. I wanna see her." Nag-unahang tumulo ang luha sa mga mata ko. Mas gusto kong si Daddy ang kumbinsihin ko kaysa si Mommy. Si Dad lang naman ang nakakakumbinsi sa kanya.  "Klarissa. Payagan mo na. Ayokong malayo ang loob nila sa isa't isa." Namungay ang mga mata ni Daddy.  "Alright. Itatransfer kita doon sa school na pinapasukan niya. Pero sa highschool building ka. Pwede mo siyang puntahan tuwing lunch."  Tinransfer nga nila ako doon sa BTS University. Maganda yung school. Kaso wala akong kakilala. Tuwing lunch ay sinusubukan kong lumabas kaso hindi naman ako pinapayagan. Kaya nagmumukmok nalang ako sa loob ng classroom.  Umupo ako sa upuan nung seatmate ko total mag-isa naman ako. Tulala lang ako at iniisip si ate nang may biglang humalik sa pisngi ko. Gulat ang buo kong mukha nang tumambad rin sakin ang isang lalaking nakangisi at lumabas yung dimple niya. Kaso nang makita niya ako ay unti unting nawala ang ngiti niya. Namula ang mukha ko. Ang gwapo niya. Para siyang isang prinsepe. Yung sa mga disney princess na pinapanood namin ni ate. Ba't niya ako hinalikan sa pisngi?  "I'm sorry Miss." Nasuklay niya ang buhok at naiiling na tumalikod. Ako naman ay naiwang tulala at gulat sa pangyayari. Kasabay ng pag-alis niya ay ang paghuramintado ng sistema ko na pati ang puso ko ay rinig na rinig ko narin. Ba't ang lakas ng pintig ng puso ko? Ba't ganito nalang ang epekto sakin ng halik ng lalaking 'yon? Ang init pa ng pisngi ko! Hindi kaya crush ko siya?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.0K
bc

The Professor's Wife

read
450.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

He's Cold Hearted

read
160.7K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook