Prize Naging busy ang lahat ng estudyante para sa gaganaping program. Kaya halos walang klase lahat ng classroom at gumagala sa bawat paligid para tumulong sa pagdedecorate. Kaming dalawa naman ni Yui ay naging busy rin sa paggugupit ng mga litterings. Dagdag grades rin kasi 'to kaya tumutulong rin kami. "Gosh! Si Seth!" Narinig ko ang impit ng tili ng mga estudyanteng nasa likuran ko. Nilingon ko sila na agad namang umirap. "Magfefeeling na naman ang isa diyan." sabi nung estudyante na nagawa pang igulong ang mga mata niya. Kahit hindi nila 'yon pangalanan halatang ako naman ang pinaparinggan nila. Hindi na ako lumingon pa kay Seth baka lagyan na naman nila ng malisya. Ganyan naman sila. Napadaan lang titili agad sila. Pero pag nasa harap nila wala silang imik. "May maitutulong b

