Walang halong pagpapanggap Ang balitang naging mabait siya ay naglaho rin na parang bula. Bumalik siya sa dating siya. Kitang kita ko ang pagbabago na 'yon. Ang nakasanayan ko. Ang tunay na Seth. Kinakatakutan na ulit siya. Parang isang panaginip lang ang araw na 'yon sa school na naging mabait sandali ang isang Seth Aeshiteru Marquez. Hindi naman siya sobrang sama. Pero yung tipong matatakot kanang lapitan siya. Na pansinin siya. Na wala nang nangangahas na mga babaeng sadyain siyang banggain dahil sa oras na binangga siya pinagsasalitaan niya ng masama. "Masyado kang papansin. Kahit banggain mo ako ng ilang beses walang sparks na mangyayari sa ating dalawa. Hindi ako meralco na pag idinikit mo ang sarili mo sakin ay may dadaloy nang kuryente sa pagitan natin. Pader ako na pag binangg

