CHAPTER 1

2105 Words
Nagbabasa siya ngayon ng dyaryo para maghanap na naman ng ibang trabaho. Nag-resigned na kasi siya sa dating trabaho niya bilang secretary dahil napakamanyak ng dating boss niya. Okay na sana kung gwapo, hindi naman. Kaya sobra namang bastos ang mukha. Nakakaimbyerna sa sobrang kamanyakan, ang sarap ingudngod dito ang p*ke ng babae. Buwisit, sa kaganda-ganda pa naman ng sahod, iyong boss mo naman sobrang manyak, huwag nalang. Kabago-bago pa niya minamanyak na siya? Inalok pa talaga siyang makipags*x dito at babayaran siya ng malaking halaga?! Huwag na oy! Mas mabuting mag-resigned na lang kaysa manatali sa boss na ubod ng bastos ang mukha, ubod sa laki ng tiyan, ubod sa kamanyakan. Ewan ko na lang nasa ex-boss na lahat ang kapangitan. "Diba naghahanap ka ng bagong trabaho, Ate?" tanong ng kanyang kapatid na si Zandro. Napabaling siya rito at nakita rin niyang busy din ito sa kakabasa sa dyaryo. "Oo, bakit mo naitanong?" Kunot-noong tiningnan niya ang kapatid. "Subukan mo kayang mag-apply dito bilang Personal Assistant kay Mr. Cordova?" Nilapag nito sa mesa ang dyaryo at takang tiningnan ito. "Sino naman iyang Mr. Cordova na iyan? Baka naman katulad iyan ng dati kong boss?" nagtatakang tanong niya rito. "Huwag na oy, takot na ako sa ganiyan. Na-trauma na ako." Natatawa ito sa kanya kaya sinimangutan niya ito. Tumikhim ang kapatid. "Ate, saang planeta ka ba nanggaling? Kilalang tao iyan. " Na-weweirdohang tiningnan siya ng kapatid. "Sa earth, saan pa ba? " pabalang niyang sagot kay Zandro. Paano niya malalaman kung hindi nga siya taga Manila, diba? "Patingin nga niyan." Kinuha niya sa mesa ang dyaryo at binasa kung saan ang hiring na sinasabi nito. HIRING: THE CEO OF CORDOVA's FURNITURE COMPANY NEED A PERSONAL ASSISTANT. WHEN: FEB. 25,20** 3 p.m. WHERE: CORDOVA's FURNITURE COMPANY "What? Sa makalawa agad ang interview?! " gulat na sambit niya. Napakamot siya ng ulo dahil malayo pa naman sa kanila ang Manila. "Aalis muna ako. Hihiram ako ng pera pambili ng ticket." Sa totoo lang, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Natataranta siya. Kaunti na lang ang pera niya dahil nasa gamot ng kanyang ama, at ang mahal pa ng ticket. Sino kaya ang magpapahiram sa kanya ng pera? "Good luck, Ate!" Tinalikuran na niya ito para lumabas na ng bahay umutang ng pera. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng biglang bumukas ito, at nakita niya ang Nanay Esmeralda pala. "Saan ka pupunta, nak?" nagtatakang tanong nito. "Nay, lalabas muna ako. Pupunta ako sa kaibigan ko para mangutang ng pera. Mag-aapply po ako bilang P.A sa Manila, sa isang CEO ng Cordova's furniture company. Hihiram ako ng pera para pambili ng ticket tapos babayaran ko rin kapag may pera na ako." " Ganoon ba, anak? " Napakunot ang noo nito at taka siyang tiningnan. "Paano iyan kung wala kang ticket? Sa makalawa na ba ang interview? " pag-alalang tanong nito, pero biglang lumiwanag ang mukha ng ina. "Akong bahala, anak. Wait lang, babalik ako may tatawagan ako sandali. Naalala ko kasi na nagtatrabaho pala ang anak ni Nena, sa pacific airline." Nagmadali-dali itong lumabas sa silid niya. "Hihiram muna ako ng pera sa kapitbahay natin tapos babayaran din natin kapag may pera na." Nakita niya sa mga mata ng inay na sobrang saya. Mas masaya pa nga ito sa kanya, siya heto, kinakabahan sa kanyang sitwasyon. "Ang problema po natin ay baka hindi tayo makakuha ngayon dahil fully book na." "Magpupumilit akong makakuha ng ticket sa anak ni Nena, para sa'yo anak. Tamang-tama din anak, may kakilala rin ako doon na si Ising at asawa niyang si Dante, sila ang makakatulong sa'yo. Tatawagin ko rin siya na hanapan ka ng matutuluyan doon sa Manila. Kapag makausap mo siya baka ikaw ang mapapagod dahil sa kadaldalan niya. Sige, aalis na muna ako anak." Mga halos dalawang oras na wala ang inay niya sa bahay dahil kumuha ng airline ticket. Hindi pa siya sigurado kung makakuha ba sila. Maya't-maya nakita niyang pumasok ang kanyang Nanay na may malaking ngiti sa labi at may iwinawagayway na ticket. Nanlaki ang mga mata niya at napatakbo siya rito. Niyakap niya ang kanyang ina sa sobrang saya. "Nak, tumawag ang anak ni Nena. May isang slot pa sila ng ticket kaya hindi na ako nagtumpik-tumpik. Sinunggaban ko na kaya nagmamadali akong pumunta doon para kuhanan ka ng ticket. Mamayang gabi na ang flight mo anak. Sana matanggap ka sa trabaho," masayang balita nito. Matapos na makipag-usap sa ina ay nag-impake agad siya ng mga damit at mga kakailanganin niya doon sa Maynila. Malapit ng mag-aalas -singko ng hapon ay nagmamadali siyang kinuha ang kanyang mga bag para aalis na. Hanggang ngayon, sobra pa ring kaba ang kanyang naramdaman at mga negatibong pumapasok sa kanyang isipan. Paano kung hindi siya pagpalain? Paano kung pagpunta roon, hindi siya qualified sa boss ng Cordova's Furniture? Napapikit siya at napahugot ng hininga. Nag-sign of the cross siya, at nanalangin na makapasok siya sa aapplyan niya. Napatigil siya nang bigla na lang may nagbusina sa labas ng bahay nila na agad naman niyang tiningnan. Pagkalabas niya, nakita niya ang kanyang Tito na kapatid ng mama niya, na naghihintay sa labas na nagmotorsiklo. "Saan na ang mga bagahe mo? Ilalagay na natin, para hindi tayo gahol sa oras." Hindi siya nagsayang ng oras, kaagad niyang kinuha ang bagahe niya sa loob ng kwarto. Tinulungan naman siya ng kanyang ama sa pagkarga ng kanyang bagahe. Ang bigat sa dibdib na umalis at malayo sa pamilya. Ilang ulit siyang napabuntong-hininga at namumuo ng luha ang gilid ng kanyang mga mata. Sobrang bigat na parang ayaw niyang lumayo rito. Gusto niyang manatili sa piling ng kanyang mga magulang pero kung hindi naman siya aalis mas lalo lang silang lugmok sa utang. Ang hirap maging ganito na sa malayo ka na nagtatrabaho, pero kakayanin niya para sa pamilya. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot nang hinagod ng kanyang ina ang kanyang likod at ang kanyang ama naman ay hinaplos ang kanyang ulo. Tumulo ang kanyang luha dahil ito ang unang beses na lumayo siya sa piling ng kanyang pamilya. Hindi pa nga siya umalis ay sobrang miss na miss na niya ang mga ito. Humiwalay na siya rito dahil kung hindi pa siya aalis baka hindi na siya tutuloy patungong Manila. Maghahanap nalang siya ng ibang mapapasukan rito sa probinsiya nila. Nagpaalam na siyang umalis na at pumasok na sa motorsiklo. Mabigat sa pakiramdam, pero kakayanin niya para lang sa mga ito para mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. 2 hours later, nakarating na rin siya sa NAIA. Bagong pagsubok ang tatahakin niya rito sa Manila.Alam niyang hindi madali makapasok ng trabaho rito. Sana pagpalain siya ng Diyos na makapasok siya sa mismong kompanya ng Cordova para magtrabaho bilang P. A. Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng NAIA. Nalula siya nang makita kung gaano kalaki ang airport na tinutungtungan niya ngayon. Sorry naman, kung ito ang una niyang pagtapak sa Manila para siyang nanliit sa sarili niya. Oo, inaamin niyang hindi pa siya nakapunta sa iba pang lugar, katulad na lang nitong Manila dahil sa probinsiya siya nagtatrabaho. Hindi man kalakihan ang perang sinasahuran niya, nakakatulong rin naman sa pamilya. Kahit papaano ay sa isang araw, tatlong beses naman silang nakakain. Ang problema lang kasi hindi sapat kung doon lang siya umaasa. May mga kakailanganin pa silang dapat bilhin, katulad na lang ng mga gamot o 'di kaya emergency. Sumabak siya na wala man lang kaalam-alam sa lugar na kanyang tinatahak. Pursigido siyang makahanap ng trabaho dito kaya sinunggaban na niya agad ang oportunidad na makatrabaho sa isang kompanya. Alam niya kapag makapasok na siya bilang Personal Assistant ng isang kompanyang kilalang-kilala ay may marami pa siyang matutunan sa mga ito. Nang makalabas na siya ng airport ay agad niyang inilibot ang kanyang paningin para makita ang kaibigan ng nanay niya. Buti na lang talaga may kakilala ang ina niya kung 'di mawawala siya rito. Nganga siya na walang kaalam-alam sa lugar na pinuntahan niya. Napangiti siya nang makitang may malaking pangalan niya sa papel na hawak ng ginang na may nakasulat rin sa gilid na Tiya Ising. Ito ang sinasabi sa kanya ng ina na may kaibigan itong nanunuluyan na sa Manila si Tiya Ising San Pedro. Naglalakad siya patungo rito at nagpakilala sa harapan nito. Kaagad namang lumaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Kinurot nito ang pisngi niya kaya napaaray siya sa ginawa nito. Agad naman itong humingi ng tawad sa ginawa sa kanya at tinapik ang nasaktang pisngi. "Sorry, Zia. Hindi ako makapaniwala na magandang dalaga ka na ngayon. Noon ay ang taba-taba mo pa, kaya nga kapag pumupunta ako sa bahay ninyo, ang matambok na pisngi mo ang uunahin kong kukurutin. Hanggang sa umiyak ka na lang sa ginawa ko. Ang taba mo kasi noon." Napangiwi siya sa sinabi nito. So, ibig sabihin nito ay pangit at tabachoy siya noong bata? Grabe ah, ang harsh nitong magsalita. Kung hindi lang ito kaibigan ng nanay niya, baka kanina niya pa ito pinilosopo. Unang kita pa lang, ganoon na kaagad ang bungad sa kanya. Hindi man lang yakap ang binigay nito kung 'di sakit. "Halika, naghihintay na ang asawa ko sa taxi. Para ihatid ka na sa tutuluyan mong uupahan." Sumunod siya rito, patungo sa kung saan naghihintay ang asawa nito. Nang makalapit na sila sa taxi na sinasabi ni Tiya ay agad namang kinuha sa kanya ang bag na dala niya na agad naman siyang nagpasalamat. Pumasok agad sila sa taxi at doon na siya inintriga ng Tiya na kung anu-ano. Kulang na lang masisira na ang tainga niya sa sobrang kadaldalan nito. Tama nga naman ang nanay niya, sobra talagang madaldal nito. Napabuntong-hininga na lang siyang napatingin sa bintana at tiningnan ang mga naglalakihang mga billboard. Tama nga naman ang mga sinasabi ng mga kapitbahay niya na sobrang magkaiba ang probinsiya at Manila. May mga malalaking building na makikita. Sa sobrang mataas na palapag sumakit tuloy ang leeg niya sa kakatingin sa building dahil sa nakakalula naman talaga ang laki. "Balita ko Zia, mag-aapply ka raw bilang Personal Assistant ng isang Cordova? Mag-ingat ka roon. Makamandag pa naman ang kagwapohan ng boss na nagmamay-ari ng kompanya na iyon." "Oo, Tiya kaya nga pumunta ako rito para mamasukan bilang P.A ng isang Cordova. Pero sa sinabi mong makamandag ang boss nila baka katulad na naman iyan sa dati kong boss na manyak. Kung ganoon, ibang trabaho na lang ang kukunin ko," habang sinasabi niya iyon ay maraming tumatakbo sa isipan niyang mga negatibo tungkol sa boss na sinasabi ng Tiya. Napatawa ang Tiya Ising sa pinagsasabi niya at napahampas pa ito sa braso niya na ikinangiwi niya. Napahawak siya doon dahil sa sakit. Pwede namang walang physical na magaganap, pero itong nangyayari ngayon baka pasa na aabutin niya rito. "Nagkakamali ka Zia, hindi siya manyak na katulad ng dati mong boss. Iba ito, mapapanganga ka talaga sa kagwapuhan ng CE-----ay nandito na pala tayo sa uupahan mo." Napabuga siya ng hininga. Buti naman ay nakalabas na rin siya sa taxi na sinasakyan nila. Grabe! iba talaga ang tiya niya sa isang kilig o tawa nito ay hinahampas siya. Binaba na niya ang kanyang mga gamit sa taxi at nagbayad na. Tumanggi naman ang asawa ni Tiya Ising na kung hindi siya nagkakamali ay si Tiyo Dante ito. "Huwag na Zia, anak ka ng kaibigan ng asawa ko kaya free ride lang iyon." "Maraming salamat po sa inyo, " nakangiting sabi niya rito. "Walang anuman. Oh sige, Zia, mauna na kami sa'yo. Iyang bahay na inuupahan mo ay sa kaibigan ko iyan. Kaya huwag kang mahiyang magsabi sa kanya kung ano ang kakailanganin mo. Diba bukas ka na mag-apply bilang P. A sa Cordova? Ihahatid na kita doon baka maligaw ka pa rito sa Manila." Umaaliwalas ang mukha niya sa kanyang nalaman. "Talaga po? " Natatawang tumango-tango ito sa kanya. "Oo naman! Kaya bukas na bukas pupuntahan kita rito ng maaga para hindi ka ma-late. Anong oras ba ang interview?" "Alas-tres ng hapon po." "Oh sige mga Ala-una, susunduin kita." Hanggang sa nagpaalam na ang mga itong aalis na dahil may pupuntahan pa raw, at siya naman ay pumasok na sa kanyang tinutuluyan. Bago umalis ang mga ito, binigay sa kanya ang susi ng bahay na inuupuhan niya. Kahit maliit ay saktong-sakto naman sa budget, at maaliwalas ang lugar. Napahiga agad siya sa kama dahil nakaramdam siya ng pagod sa biyahe. Bukas na magsisimula ang interview niya kaya pahinga muna siya ngayon. Napaisip siya sa kanyang pamilya, ano kaya ang pinaggagawa ng mga ito ngayon? Hanggang sa nakatulugan na lang niya ang kanyang pagka-miss sa pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD