PROLOGUE

723 Words
Bakit hindi sinabi sa kanya ni Wayne ang tungkol kay Lana? May itinatago ba ito sa kanya? Maraming katanungan sa kanyang isipan na kailangang masagot. Kung isipin pa lang niya'y may karelasyon itong iba, nasasaktan na siya, at ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Kailangan niyang makausap si Wayne, ayaw niyang maniwala sa mga usap-usapan ng mga kasamahan niya. Paano kung totoo? Ipinilig niya ang kanyang ulo para mawala ang pagdududa niya kay Wayne. Huminga siya ng malalim, bago napagdesisyonang buksan ang pintuan ng opisina nito. Naitulos siya sa kanyang kinatatayuan sa nadatnan niya sa loob. Hindi niya inaasahan na makita sila sa ganoong posisyon. Nakapatong ang babae dito kay Wayne, na nakabukas ang blusa nito at nakakalat ang lipstick sa labi. "Ano ito, Wayne?" Salamat, hindi pumiyok ang boses niya. Pero sa naramdaman niya ngayon, parang hinati sa dalawa ang puso niya sa sakit. Napatayo ito mula sa pagkakaupo at gulat na napatingin sa kanya. "Z-Zia, bakit naparito ka?" gulat na tanong nito. Napasinghap siya sa tanong ni Wayne. Masakit pa lang pinagsinungalingan ka ng taong mahal mo na buong-buo at pinagkakatiwalaan. Ibig sabihin ba nito na ang importanteng taong kakausapin ni Wayne ay babaeng kasama nito ngayon? "Bakit ayaw mo ba akong makitang nandito ngayon? Dahil ba nasa ibang kandungan ka at ayaw ninyong magpadisturbo sa kung anumang kababalaghan gagawin ninyo dito sa loob mismo ng opisina mo?!" bigla itong namutla sa sigaw niya. "Bakit hindi na ba pwedeng pumunta dito ang girlfriend mo huh?!" Napansin niyang tinaasan siya ng kilay ng babae. "Girlfriend?" pagak na natawa si Lana dahil sa narinig at bumaling ito kay Wayne. "Sabihin mo nga sa akin, Wayne, kung sino ang totoong girlfriend mo dito." Bago siya nito tiningnan ng masama. "Kung makaasta ka, parang ikaw ang totoong girlfriend ni Wayne. Hoy babae, ako ang totoong syota ng lalaking katabi ko. 4 yrs. anniversary, namin ngayon. Kaya nga nandito ako para supresahin siya. Ito nga oh, may ginagawa kami dito, pero disturbo ka! Kung girlfriend ka niya, hindi sana hindi na siya nasa kandungan ng iba." Naluluha siyang napaharap kay Wayne. "Wayne, totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito?!" sigaw niya rito habang nakaturo ang daliri niya sa babae. "Sabihin mo sa akin, Wayne. Sabihin mo sa akin ang totoo, huwag mo naman akong gawing tanga." Nagmamakaawang tiningnan niya ito. Ayaw niya munang maniwala sa mga sinasabi ng mga kasamahan niya at sa babaeng nagngangalang Lana. Kahit alam niyang may malaking posibilidad na totoo ang sinasabi ng iba sa kanya. Dahil hindi niya pa lubos na kilala ang boyfriend o matatawag pa ba niyang boyfriend ito, kung malalaman niya ang totoo. Kailangan sa bibig mismo ni Wayne, lumabas ang katotohanan kahit masakit tatanggapin niya. "Hon, tell her!" utos nito kay Wayne. "Tell her that I am your girlfriend, not that woman! " Dumagundong ang sigaw ng kaharap. "I'm sorry," nakayukong sabi ni Wayne sa kanya. Doon na bumagsak ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa niya pinipigilan. "Sorry?" Pagak siyang natawa. "Iyan lang ba ang sasabihin mo sa akin?! Simula noon, sana sinabi mo sa akin na may girlfriend ka na. Ginawa mo akong tanga sa harapan ng ibang tao Wayne!" Magsasalita pa sana ito, pero hindi na niya ito hinintay sumagot dahil lumabas na siya sa opisina nito. Sobrang sakit nang malaman ng dalaga na simula’t-sapol ay niloko siya ng taong akala niya ay mahal talaga siya. Parang ginamit lang ang kanyang katawan na para siyang isang parausan. Ano iyon? Na para lang siyang isang laruan na kayang itapon kapag hindi na mapakinabangan? Na para bang kapag napagsawaan na ay para ka ng basura at kaya kang itapon ng basta-basta? Sana pala noong una pa lang na may motibo sa kanya si Wayne at inaakit siya, ay 'di sana umiwas na siya. Hindi nagpadala ng init ng katawan o 'di kaya bugso ng damdamin. Ito siya, isang babaeng patapon kapag tapos ng pagsawaan. Iyon ang pakiramdam niya sa oras na iyon, nang makita niya sa akto kasama ang babaeng nagngangalang Lana, na palagi niyang naririnig sa mga nagtatrabaho sa binata. Para siyang nawalan ng lakas, hindi siya makahinga sa sobrang sakit ng naramdaman. Paano nito nagawa sa kanya na lokohin siya? Paano nito nagawang saktan siya? Wala naman siyang masamang ginawa kung 'di ibuhos ang pagmamahal sa binata. Ganoon na ba siya kadaling saktan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD