"Ms., Paki -fill up po itong form." Binigyan siya ng nurse ng form, she was told to fill up Hel's information form. Paano niya gagawin kung Hel lang ang alam niyang pangalan nito, aside from they're going on the same university. So she just put his name...iyon na lamang.
She looks at Hel's state, he's unconscious, his wounds can tell that he was badly beaten by those gangsters, idagdag pa na tinuro niya talaga kung saan ito nagtago. Well hindi naman siya ganoon kasama dahil siya din ang nagreport sa police ng kaguluhan at tumawag ng ambulansya. Pasalamat ito at naisipan niyang umuwi na, binilin niya na lamang ang nalasing na si Erwin sa pinsan nito, mahina pala uminom iyon, sinubukang makipagsabayan sa kanya kaya nakatulog kaagad.
She handed the form back to the nurse, nagtataka ito sa kapirasong laman ng papel na pinafill up sa kanya.
"I don't really know him." She reasoned out, ginagamot na ng doctor katulong ang ilang nurse ang sugat ni Hel.
"Kung ganoon po, tignan ko na lamang po ang ID niya sa wallet, wala po kasi siyang phone ng dala rito." Sagot nito, she looks at her ringing phone, hindi na kailangan, papuntahin niya na lamang si Roose.
"Hello." She answered.
"Thank God, sumagot ka rin? Where are you bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi mo ba alam kung anong oras na?" lintanya ni Roose sa kabilang linya.
"Will you stop nagging at me?"
"Sorry." Hingi nito agad ng paumanhin, "Nasaan ka ba? I will fetch you."
"Nandito ako sa St. Anne Hospital." Agad naman nagwala ang nasa kabilang linya.
"What happened? Bakit ka nasa hospital? Are you okay?" she rolled her eyes, kung makapag alala sa kanya...
"It's not me, it's your friend Hel, he's hurt." Tumahimik ang nasa kabilang linya, akala niya nga pinatayan na siya nito. Papatayin niya na sana ang tawag ng magsalita ito.
"You were together? Kanina pa ba siya ang kasama mo?" bitterness was evident in his voice, as if she can name that. She rolled her eyes kahit hindi naman nito nakita.
"Can you just get in here, they were asking about Hel's whereabouts. " Iyon na lamang ang kanyang sinagot, before she turned the call off, she overheard a female voice asking what happened and she knew exactly who that voice belongs to.
She choose to stay for a while, hintayin niya na lamang dumating ang relatives o kaibigan ni Hel bago siya umuwi. Ginawan ito ng test ng mga doctor and after that he was transferred in a private room. Sabi ng doctor na kausap niya ay bali daw ang kanang paa nito. Too bad, lampa na nga , mas lalo pang magiging lampa. She listened to Hel's doctor, ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, pumasok doon si Roose at si Antonette, mabilis na lumapit si Antonette sa gilid ni Hel, she's crying ...she looks so pathetic , mukhang tanga na hindi mo alam kung hahawakan ba si Hel o ano.
"Oh my God Hel, does it hurt?" napairap siya sa kawalan, syempre naman masakit? Did she really have to ask that? Thank God she's not thinking aloud. "Who did this to her Venee?" bumaling ito sa kanya.
"Save that question for him when he wakes up." Si Roose na nasa kanyang gilid , nakahawak sa kanyang braso ay inexamine ang kanyang katawan.
"Are you all right? Sinaktan ka rin ba nila?" iniwas niya ang braso niya dito , ang mga mata kasi ni Antonette ay nasa kanila ni Roose.
"I'm okay, uuwi na ako." Sabi niya saka nilampasan ito pero hinawakan nito ang kanyang kamay.
"Okay , ihahatid na kita." She was about to say no nang sumabat naman si Antonette.
"Huwag mo akong iwan dito Roose, I can't handle him alone, sina tita ay nasa byahe pa lamang." Apologetic na tumingin naman sa kanya si Roose.
"Can we stay a little longer hanggang sa may makasama si Antonette." She removed her hands from him, bakit kailangan niyang maghintay? Bakit kailangan ang mga ito ang magdecide kung uuwi siya or hindi.
"Well fortunately Roose, I can handle myself, hindi mo ako kailangang ihatid." Muli nitong ginagap ang kanyang kamay. Napakakulit talaga.
"I know, but I insist, ayoko na nawawala ka sa paningin ko. You had no idea how crazy that feels." Sabi nito na akala mo silang dalawa lamang ang nandoon. In her peripheral vision, she can see how badly those words hurt Antonette. Wala naman siya dapat pakealam pero siya ang naiipit dahil siya ang kinukulit ni Roose. Buti at bumukas ang pinto, magkasunod ang dalawa pa nilang kaibigan. They looks so worried to, nakausap na rin ng mga ito ang police sa labas, they said that they were doing everything to gather evidences.
"Guys, iiuwi ko muna si Venee, kayo na ang bahala kay Antonette at Hel." Hindi na hinintay ni Roose ang sagot ng mga kaibigan. Hinila niya na si Venee palabas ng kwarto.
***
"Bitaw na nga." Kanina pa nagrereklamo si Venee sa kanyang hawak pero ayaw niyang makinig, she was damned worried, mas nadagdagan pa ng finally sumagot ito para lamang sabihin na nasa hospital. Series of worst scenarios run in his head, buti na lamang at hindi ito napano. He was with Antonette earlier, she confessed to him but he said that his heart belongs to someone else. Ngayong gabi ay malinaw na malinaw na rito kung sino ang kanyang gusto. He need not to pretend, alam naman nila na kahit mag asawa ang mother niya at father ni Venee ay hindi sila magkadugo. His friend knew his secrets, kaya hindi niya kailangang magpanggap.
Maging sa pagsakay sa kanyang kotse ay nakaalalay siya. Siya din ang naglagay ng seatbelt nito, he can tell that he is more than irritated. She's not Venee if she wasn't .
"Pwede ba, hindi ako baldado, I can do that on my own." Huminga siya ng malalim , nakayuko ka at konting lapit niya na lamang ay magtatama na ang kanilang mukha.
"Can you my pretty, feisty Venee shut your mouth for a while, hindi pa rin napapwi ang galit ko na tinatakasan mo ako kanina. What will I do with your stubbornness?" she's one really feisty woman; she can look at him straight in the eyes without even blinking.
"Wala, dahil hindi mo ako utusan." He chuckle, kailangan niyang i-distract ang sarili dahil lubhang nakakaakit ang labi nito, pero sabi nga, tao lamang siya, may taglay din na karupukan, pagbabayaran niya na lamang ang magiging bunga noon.
You're not my slave....it's the other way around.. baka pag nalaman nito ang bagay na iyon ay mas lalo siyang malubog sa pagkagusto dito. He needs to find a way for her to like him back.
"You're really stubborn." Tinawid niya ang distansya ng labi nito..sandali itong natigilin bago siya tinulak nito saka nakaramdan ng sampal.
"How dare you! Bastos ka at baliw ! Gawin mo ulit iyon at hindi lamang yan ang makikita mo?" banta nito. Gusto niyang malaman kung ano pa muli ang pwede nitong gawin kaya naman muli niya itong hinalikan, matapos ang ilang segundong saya ay mag –asawang sampal naman ang binigay ni Venee sa kanya.
"Iyon na ba iyon ha Venee?" Roose was sure kahit gaano pa kasakit kaya niyang tanggapin para kay Venee. Natigilan ito , malinaw na siguro ang gusto niyang iparating na wala siyang balka tumigil sa kanyang kabaliwan. Kinuha niya ang kamay nito para dalhin sa kanyang dibdib. He stares at her beautiful eyes, mga mata nito na lagging nagpapakita ng katapangan, her eyes that rarely smile, her eyes that captivates him even more.
"Can you feel this Venee?" ramdam niya ang panlalamig nito. "This crazy thing here can do more crazy stunts to get you. "Wala akong pakealam sa mommy ko or sa daddy mo....all I care about is you Venee, I stayed in your house becaue I was waiting for you...kaya ngayon nandito ka na, sa tingin mo wala akong gagawin?" He confessed, hindi niya alam kung natakot ito..pero wala naman iyon sa kanyang plano, he just want to open his heart. Umayos na siya ng tayo at umikot papunta sa driver seat.
It's been a long day. Napakahabang araw pero hindi naman niya na enjoy dahil hindi niya kasama si Venee, well anyway mayroon pa namang bukas and Hel's injure so it will be easier to get him out of his way.