It was a quiet drive to their home; Venee's looking at the city lights, nakakaselos na mas interesado pa ito doon kaysa sa kanya. He wanted to open another conversation to ease the awkwardness that he pulled earlier, pero ayaw niya namana na maging paksa ng usapan nila si Hel. Kahit nabugbog na ang kanyang kaibigan, hindi niya pa rin mapigil na maghinanakit dito.
He turn on the radio, pinapatugtog sa isang istasyon ang sikat na kanta ni Bruno Mars. He imagines unwanted thought as he sings along, nasa kalagitnaan pa lamang ng kanta ng mamatay iyon. He looks at Venee, ang sama ng tingin nito sa kanya.
"This is not the time to listened to a lovesick love song." She even rolled her eyes to add more to her irritation. Hindi naman ganoon kapangit ang kanyang boses, he seldom sings but he's aware that he can make girls swoon over him once he did. Sa natatanging babae lamang talaga ito hindi umeepkto ang karismang iyon. Siguro marahil na rin sa ala-ala nito na isa siyang gusgusin na bata at mang-aagaw ng pamilya. Those memories will never be erased from Venee's childhood.
"Why are you wearing Versace?" he teased, mas lalo naman itong umirap. Hindi niya rin maipalwanag kung bakit adik sa sa kasungitan at pagmamaldita ni Venee, pakiramdam niya tuloy na baliw siya na tanggihan ang isang mabait na babeng katulad ni Antonette para piliin si Venee, but what can he do? It's the universe that pulls him with her, making him foolishly in love with this heartless flower.
"Or is it time for us to fall in love?" he added nang hindi pa ito sumagot, mukhang wala siyang makukuha na sagot dito, pero sabi nga , try harder.
"Definitely not, for it is the time for you to wake up from your reverie." Sabi nito bago bumaba sa sasakyan, nakarating na sila sa mansion. Hindi man lamang itong nag-abala na lingunin siya. Binilisan niya rin ang lakad lalo na ng marinig niya ang malakas na boses ng daddy nito. He's mad that Venee arrived so late in the evening.
"Where have you been? Are you hanging out with anyone? Sabihin mo nga Venee? Hindi ka pa nagtatagal dito pero kung anu-ano na ang ginagawa mo! Huwag mo akong talikuran!" papaakyat na si Venee sa taas, ang kanyang mommy naman ay pinipigil ang daddy nito sa akmang pagsugod. Tumingin ang kanyang mommy sa kanya.
"Tito, we were together, niyaya ko po siya sa birthday ng kaibigan naming ni Antonette , " tumigil ang kanyang tito sa matindi nitong galit, si Venee naman ay lumingon sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito. " Hindi niya po naitatanong, she's hanging with us lately, sa amin nina Antonette. " Antonette must never know that he's dragging her name.
"Really, you're friend with her again...well that's good to hear, sabi ko sa'yo ay good influence ang batang iyon. What's not to like on her? Mabait , magalang, obedient to her parents-" pinutol na ni Venee ang sinasabi ng ama, God, hindi na dapat ito nagsalita pa.
"Dad, I will never be obedient girl to you because you never been a good parent to me, goodnight." And she said it with a smile, as if it was a very ordinary thing to say. Umalis ito, nawalan naman ng kibo ang daddy nito na pilit pinapakalma ng kanyang mommy, tumalikod ito at umalis. Ang kanyang mommy naman ay lumapit sa kanya.
"What happened?"
"For some reason, magkasama sila ni Hel..si Hel ay nabugbog at naka confine sa hospital. He was cornered by a group of gangsters, mabuti at safe si Venee." Sabi niya sa kanyang ina.
"Hindi niya dapat sinasagot ang kanyang daddy ng ganoon."
"Mommy, we can never blame Venee, we took what's meant for her. Ipinagkait natin sa kanya ang buong pamilya. " hinampas siya sa braso ng kanyang ina, she hates it when he brought up those things. Insulto daw iyon para sa kanila, na siya naman talaga. Instead of working hard for them, his mother chose the easiest way; ang kumabit sa isang may asawa at paniwalaing anak siya nito. Nag- imbestiga siya, hindi niya akalain na mas marami pa pala siyang sikreto na malalaman. Lahat nang mayroon siya ngayon, hiram lahat nga ito.
....
She slammed the door and made sure to lock it. Tinungo niya ang banyo, hinubad ang kanyang suot saka tumapat sa shower. It was a very long day, parang noong umaga lamang ay siya ang sinubukang saktan ng mga lokong schoolmate niya, iniwan siya ni Hel at hindi man lamang tinulungan, bago matapos ang gabi ay ito naman ang humingi ng tulong. Hindi naman siya ganoon, kasama, she wish that he will be okay, pero sa hitsura nito, mukhang magtatagal ito sa hospital.
Hindi na siya nagtagal dahil pagod na rin ang kanyang katawan, gusto niya nang mahiga at matulog, she tired from stress and from her father's anger. Hindi niya lamang talaga napigil ang kanyang bibig, no matter how hard she controls it, her anger towards her father comes out as if those pains happened yesterday. Ang pangangaliwa nito ang sinisisi niya kung bakit nagalit at mas piniling makipaghiwalay ng kanyang mommy, kung bakit mas pinili nito na bumaling sa iba.... Kung bakit para mangyari iyon ay lumikha ng kasinungalingan ang kanyang ina para mapalaya....at kung bakit hanggang ngayon....
She wrapped a towel in her body, pati ang buhok niya ay sininop niya rin at inipit sa tuwalya. Paglabas niya ay nagulat siya ng makitang nakaupo si Roose doon. She remembered locking the door, lumingon siya sa veranda, hindi niya na kailangan pang, magtanong kung paano ito nakapasok.
"Leave, kung mahal mo pa ang buhay mo." Banta niya, tumungo siya sa kanyang closet. Kinakabahan siya pero hindi niya ito pinapakita...it was like he is seeing all of her. Kanina lamang ay para itong si Romeo na nagconfess sa kanya, and now he invited himself inside her room. Paano kung sumigaw siya at akusahan ng r**e ito? Everyone will surely believe her, but she will not do that.
"Hindi mo dapat sinagot ang daddy mo nang ganoon?" nakasuot na siya ng underwear, nilingon niya ito, sa iba ito nakatingin , hindi sa kanya. Well , may katiting din pa lamang manners ang loko, sa isip –isip niya.
"And how will I answer him? Le-lecturan mo ba ako?"
"Bihis ka na ba?" tanong nito, right, sinuot niya agad ang kanyang pajama terno saka nagtatungo sa harapan nito.
"Bihis ka na." he stated.
"Lumayas ka na, matutulog na ako." Taboy nya dito. Matigas ang ulo nito, hindi pa rin umalis bagkos ay humakbang palapit sa kanya.
"Don't sleep yet, basa pa ang buhok mo, sasakit ang ulo mo." Paalala nito, para namang hindi niya alam iyon?
"Wala kang pakealam." Kahit ano yatang kasungitan ang sabihin niya ay nginingitian nito.
"Where's your hair dryer? Mayroon ka noon diba? I'll dry it for you kung medyo tinatamad ka." Lumapit ito sa kanyang vanity mirror, sa kanyang inis ay hinawakan niya ito sa braso. Originally her plan was to dragged him outside her room, pero nawala siya sa kanyang balak gawin ng hawakan nito ang kanyang kamay na nasa braso nito at ikulong sa dalawang kamay.
"Roose." She hissed. Pipilit niyang kunin ang kamay para makawala dito, pero mukhang wala itong balak na pakawalan siya.
"It's the first time you initiate holding me." Ang mata nito ay naka-focus sa kanya, nandoon ang mapaglarong ngiti nito, at hindi nakakatuwa ang nararamdaman niya sa pagkakalapit nila ni Roose. He often says awful and nasty things, he makes her life harder.
"Kapag hindi ka pa umalis , malalaman ng lahat ang kalokohan mo? Do you want that? Do you want your mom to gol ballistic dahil mawawala sa kanya lahat? And my dad, I mean your dad will not let this off," she said with full sarcasm, pero imbes na matakot ay mas lalo pang na challenge ang kaharap...if she put his reaction in words.
"Okay, then, go ahead, para malamang sinasabi mong daddy ko... kung gaano ako naadik sa anak niya."
"Nababaliw ka na!" tinago nya ang kanyang kaba sa pamamagitan ng pagtawa. Of course, ayaw niya sa ganoong scandal. Hindi siya magtatagal sa Pilipinas pero ayaw niya naman ng ganoon...
"At alam mo kung ano pa ang malalaman niya? Malalaman niya na pwede pala tayo dahil hindi niya ako tunay na anak kaya hindi ko siya matawag tawag na daddy at ikaw ay-" she used her other hand to slapped his face...her own father failed to acknowledge it, paanong sa isang sabi lamang nito ay maniniwala na?
"You know, you should go to hell!" singhal niya dito. Napakawalan na siya nito, hawak nito ang nasampal na pisngi.
"Wala akong balak pumunta kay Hel, I chose to be by your side...kaya kung nasaan ka, nandoon din ako. Goodnight." Sabi nito bago umalis, kung saan ito dumaan ay doon ulit ito pumunta... isinarado niya ang veranda ng makaalis ito.
She can never tell if she's safe here or not...she unnoticeably touches her heart. It feels like she's in a warzone.