"Miss , nasa langit na ba ako?" mahinang palo sa braso ang nakuha niya kay Antonette sa kanyang sinabi.
"Salamat at gising ka na!" hikbi nito saka yumakap sa kanya, ginalaw niya rin ang kanyang kanang braso para mayakap ito, masakit pero matitiis naman.
"Syempre... hindi naman ako adik sa pagtulog di gaya ng uba diyan." Lumapit si Surao sa kanya at nakipag fistbump ng marahan. Ito ang pinaparinggan niya na mahilig matulog, nandoon din si Jei and Roose, ang parents niya na nakaupo sa couch ay tumayo. Lumapit ang kanyang mommy at yumakap sa kanya, she's crying too like Venee. His dad look disappointed though, pero salamat at mukhang nagkokontrol itong pagalitan siya. sobrang sakit pa ng kanyang katawan .
"Son, I'm glad you're awake!" hinalikan pa siya ng kanyang mommy sa ulo, his dad gave him an assuring smile.
Dumating ang tinawag na doctor para tignan ang kalagayan niya, unfortunately may pilay ang kanyang papa, kaya sinemento...
Kinuwento niya ang buong pangyayari, kung paano siya kinorner at pinagtalungan... kung paano siya nakaligtas,pinutol niya ang kanyang pagkukuwento para itanong kung sino ang may magandang loob na tumulong sa kanya.
"Who sent me to the hospital?"
"Si Venee, luckily nandoon siya sa area para humingi ng tulong." It was Antonette who answered.
"Talaga? She helped me? Ang huli kung natatandaan ay tinuro niya ako sa mga kaaway kung saan ako nagtatago." Kay Roose siya nakatingin habang sinasabi, he wants to see how he will react, ang kanyang mommy naman ay nilabas ang pagkadisgusto sa pangyayari.
"Then she should be jailed too!" sabi nito, nahuli na kasi ang ibang nambugbog kay Hel.
"Or maybe, dalawa na po silang nasa hospital ni Venee tita, what matter is that, it was also Venee who saved him." Roose have a point, wala naman siyang balak isangkot si Venee sa mga gagong bumugbog sa kanya, after all may kasalanan din naman siya sa matigas na babae na iyon. Napatingin naman siya kay Antonette sa kanyang gilid, nakayuko lamang ito at nanatili sa kanyang tabi, not her usual self na mas pinipili na laging nasa gilid ni Roose. Hindi naman nagtagal si Roose, nag-paalam na si Roose, sinabihan siya nito na mag pagaling, pero bakit pakiramdaman niya labas iyon sa ilong? Ang mga mata ni Antonette ay sumunod sa nagsaradong pinto. Something was off, may hindi pa sinasabi ang kanyang kaibigan. She looks so upset because of their bastard of a friend. Araw-araw ay bisita niya si Antonette, which is good in his part, nakakasama niya ito, pakiramdam niya bibilis din ang kanyang paggaling. He should take this opportunity to confess his feelings for her.
Tulak tulak ni Antonette ang wheelchair niya linggo ng umaga, katatapos lamang ng mass sa chapel ng hospital, nextweek ay makakalabas na siya. Ito na ang napili niyang araw para magtapat sa kanyang kababata.
"Thanks for being with me." Umpisa niya, nakaupo ito sa bench, hindi na ito kalungkot di gaya ng huli, hindi rin ito nagkukwento ng kung ano.
"No problem. "She said sweetly. Inikot niya ang kanyang wheelchair para tumapat sa harapan nito. Tumikhim muna siya saka kinuha ang kamay nito. Halata ang pagkalito sa mukha nito.
"Antonette, I know we've been friends for years now. Alam mong may hindi ako magandang reputasyon, nasasangkot din sa g**o just like lately... but you now that I really care about you, so much. "
"Hercules?"
"Let me finish first...noon pa man special ka na sa akin, ikaw nag dahilan kung bakit ko nakilala sina Roose. I wanted to know you more and the people around you; I just want you to know that I more than like you. I love you Antonette, can you give me a chance?"
"Hel." Masakit na hindi ito ang inaasahan niyang magiging reaksyon ni Antonette. Hindi man lamang ito natuwa, bagkus ay binabawi nito ang kamay na hawak niya. Saka nito sinabi ang mga salitang mas nagdagdag ng sakit sa puso niya.
"I'm sorry, may mahal na akong iba."
"Si Roose." Hindi iyon tanong. Alam niya naman na talo siya ng lalake na iyon, nakakainis na kahit wala pa man itong ginagawa ito na ang pinipili ng babaeng pinili niyang mahalin.
"I understand your feelings Hel," ang malambot nitong kamay ay nakahaplos na ngayon sa kanyang pisngi, inuutusan siya ng boses nito na tignan ito at makinig sa gusto nitong sabihin..." I confessed my feelings for him too, but rejected. Ano ba ang kulang sa akin Hel? Am I not enough?"
"No you're not, bulag at gago lamang si Roose, bakit hindi na lamang ako?" sumama niya dito , mabilis itong umiling. She's fully determined. Alam niya na kung ano ang sasabihin nito.
"I want him Hel, please tulungan mo ako? Please respect my feelings for him, minsan lamang akong mag wi-wish and this is my wish Hel, can you helped me with this one?" kahit hindi niya gusto ay nagawa siya nitong mapatango... ganoon nga ba talaga? Minsan na nga lamang magmamahal ng totoo, ganito pa ang kinahinatnan? Antonette's heartless, she wants his help, na para bang hindi siya masasaktan sa proseso na iyon.
...
Roose getting on her nerves, sobrang kinaiinisan niya ang pagsulpot nito kung nasaan siya. Paglabas niya sa klase ay nakaabang na ito, patay malisya ito sa mga mapanghusgang tingin na binibigay sa kanila ng mga tao, lalo na ng grupo ni Antonette. That girl can't even look at her. Ang mga kaibigan nito ang siyang may lakas ng loob na tawagin siya ng kung ano anong hindi magandang salita.
Slut. w***e. b***h. Mang-aagaw.
Hindi niya rin maiintindihan kung bakit ang haba yata ng pasensya niya ngayon, siguro dahil napagod na rin siya at nasanay na.
She's having an early lunch when Antonette's friends surround her table.
"Look at her, parang hindi siya nagdala ng problema. If I know, kasabwat niya ang mga nambugbog kay Hel. Imagine that, she's allied with those gangsters."
"Kaya siya binabantayan siguro ni Roose para hindi na siya gumawa ng masama. "
Binitawan niya ang kanyang kinakain. Ang buong atensyon ng lahat ng nasa canteen ay nasa kanila na. She's waiting for them to lose it. The first hit will not come from her, hindi rin naman niya paiisahin ang mga ito.
"And she has the guts to look at us. Hindi na nahiya. Ngayon mo ipakita ang yabang mo." Tumayo siya, umatras naman ang mga ito. Pero kunwari'y hindi nasindak ang limang babae.
"Aleya!" Boses iyon ni Roose na agad pumunta sa kanyang gilid. "Okay ka lang Venee." Nag-aalala ang boses nito, kahit hindi naman niya kailangan. She didn't enjoy her food, nadatnan pa siya ni Roose.
Inaalis niya ang braso niya na hinahawakan ni Roose.
"Nandyan na ang lifesaver mo, pity you. " napakagat siya sa kanyang labi, nangigigil na siya sa daldal ng babae na ito.
"Venee, calm down." Bulong sa kanya ni Roose, kahit bawalan kasi nito ang madaldal na babae na ang pangalan ay Aleya ay hindi pa rin ito tumitigil.
"I am calm." Sabi niya sa lalake, labas sa ilong.
"Let's go." Giya sa kanya ni Roose. Hinila na siya nito palabas. "Calm down Venee."
"See the b***h is running away?" halakhak ni Aleya na sinundan pa ng iba. Tumigil siya sa paglalakad ay lumingon kay Roose.
"You know Roose; I might join you to watch a movie tonight if you just let me slap her face." Sa sinabi niyang iyon ay mabili siyang binitawan ni Roose.
"Thank you."
"You're welcome."
Mabilis na hakbang na tinungo niya si Aleya...nabigla ito at hindi agad nakapalag ng sinampal niya ng malakas ang kanang pisngi nito, sa sobrang lakas ay napahiga ito sa sahig. Nawala ang daldal nito, ang apat na kasama naman ay napaatras.
"Darling Aleya, you forgot to add that I am a face wrecker, "pag ikot niya ay napa-atras din ang ibang mga nakiusyoso. She walked to the door kung nasaan, maging si Roose ay nilampasan niya rin. Ilang sandali pa ay nakahabol na ito sa kanya, nasa kanyang gilid at nangungulit.
"The date that you promised." Pangungulit nito.
"I didn't promise anything."
"But you just said-"
"I said I might, I did not said I promise that's two different things, moron." Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa doon at tawa ito ng tawa, hinawakan rin nito ang kamay niya na ginamit niyang panampal.
"Kawawang kamay, namamaga tuloy... hindi kasi marunong kumalma ang amo mo."
"Bitiw nga." Imbis na bitawan ay pinagsiklop nito ang kamay nila. Ngingiti ngiti pa ang loko.
"Itanan na kaya kita." And there she thought immune na siya sa mga pasaring ni Roose na mga walang katuturan.
She have to looked down on her feet.
Something fell.