Pahapyaw na nakikinig lamang siya sa kanyang yaya habang nagkukuwento ito sa loob ng sasakyan, tatlo sila Roon. Si Roose ang nagmamaneho katabi ang matabil niya pa ring yaya sa pasenger seat. Siya naman ay mag-isa sa backseat, palinga- linga sa paligid. Malaki na ang pinagbago ng siyudad simula ng umalis silang mag-ina. Nothing’s permanent anyway. Hindi na rin siya nagtaka kung bakit hindi ang daddy niya ang sumundo sa kanya, kahit iyon pa ang sinabi ng kanyang mommy. Hindi niya talaga alam kung ano ang agreement ng dalawa at nagdesisyon parehas na pauwiin siya sa Pilipinas. Mamamatay na ba ang ama? Kailangan na bang isalin sa kanyang pangalan ang mga ari-arian? May bagong anak na naman ito, lalake pa, and she bet, her daddy’s more than willing to give his fortune to his so called son.
“Nagpaluto ang daddy mo ng mga paborito mong ulam noong bata ka, kaya pag-uwi mo mayroong handaan.” Excited pa na sabi ng kanyang yaya. Hindi naman niya maramdaman ni katiting ng excitement nito. She will live with people she doesn’t want to be with, what’s there to celebrate?
“What’s there to celebrate. He’s just wasting his time. Hindi naman ako magatagal dito.” Sagot niya rito, natahimik ang kanyang yaya, nahagip naman ng kanyang mata si Roose sa rearview mirror, salubong ang kilay nito. Ginantihan niya iyon ng parehas na tingin. Kung hindi ito masaya sa sagot niya o makasama siya, lalo naman siya. It’s good that earlier from now, makita na nito ang sungay niya, hindi niya kailangang magpanggap na natutuwa siyang makasama ito at ang nanay nito.
“Wala bang ibang driver sa bahay?” bumaling siya sa yaya niya na hindi malaman ang isasagot sa kanyang biglaang tanong, tumingin pa ito sa katabing tahimik na nagmamaneho.
“Mayroon naman sina Edgardo.”
“So, bakit siya pa ang sinama mo para sumundo sa akin?”
“Kasi , ano , sinabi ng daddy mo, pinakiusapan siya.” Turo nito kay Roose, she nod sarcastically, napaki-usapan pala. Tumahimik na lamang siya dahil kaya naman pala hindi maipinta ang histura, wala pala sa loob na sunduin siya, like she cared about that.
Nagkunwari siyang natutulog, pinapakinggan niya ang tahimik na pag-uusap ng dalawa sa harapan.Magalang naman si Roose sa pagsagot sa kanilang kasambahay, bagay na laging pinagkukumpara sa kanilang dalawa noon. Pinanganak na kasi siyang may mga sungay at buntot, mas lumaki at humaba pa iyon dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.
Mas lumaki ang mansyon, iba na ang pintura nito. Ang dating malawak na garden ay mayroon ng fountain, mayroong ding mga statue na nakalagay doon. Sa pintuan ay nakaabang na ang kanyang daddy katabi ang asawa nito, kapansin pansin ang hawak nitong tungkod.
“Venee,” tawag nito sa kanya. Hinubad niya ang suot na sunglass saka lumapit dito.
“Hi dad.” She kisses his cheek. Binati rin siya ng asawa nito, ngumiti siya sa kabila ng totoong nararamdaman, nasusuklam siyang makita ito. Kung hindi dahil dito, buo pa sana ang kanilang pamilya.
“Pumasok na tayo sa loob, Roose, pakidala mo na sa loob ang gamit ng kapatid mo.” Utos ng kanyang step mother sa anak, gusto niyang masuka. Kahit kailan talaga napaka assuming ng asawa ng daddy niya. Kailan niya inacknowledge na kapatid niya ang anak nito? Hindi kailanman.
“Let’s go, your tita prepared all your favorite.” Iginiya siya ng kanyang ama papunta sa kusina.Ibang -iba na talaga lalo na ang loob ng kanilang bahay, modern ang taste ng mommy niya sa mga nuwebles at furnitures ito naman ay makaluma, wala na ang mga painting at kung ano man na magpapaalala sa kanilang mag ina doon. Mga larawan nito, ng bagong pamilya nito ang nakita niyang nakadisplay. Lumapit siya sa familiar na frame, that ‘s a solo picture of her, nine years old sya sa larawan, kuha yun after ng kanyang piano recital. Naiiling na tinaob niya ang larawan.
“Venee, let’s eat.” Tawag sa kanya ng ama sa kusina, mabigat man sa kanyang loob ay sumunod siya rito. Nakaupo na ang mag -asawa, siya naman ay iginigiya sa upuan sa kaliwa ng kanyang ama, katapat ang kanyang madrasta. May isang plato sa tabi nito, doon malamang ang kanyang kapatid kuno.
“Magugustuhan mo ang lahat ng iyan iha, “ sabi pa nito habang inaabot sa kanya ang bowl ng kanin. She fakes a smile at tinanggihan ito.
“I’m sorry, but I am not actually hungry, can I just go to my room and sleep?” bumaling siya sa kanyang ama na halatang nasaktan sa pagbabalewala niya sa asawa nito. Pumikit ito saka huminga ng malalim bago sumagot sa kanya.
“Sige iha, marahil ay pagod ka na talaga.”
“Thanks dad, you’re the best.” Labas sa ilong na sabi niya, she even smirk bago tumayo at umalis palabas sa kusina bago iyon ay narinig niya pa ang sinasabi ng kanyang madrasta sa kanyang ama.
“Let her be.she’s tired ,I understand.”
She rolled her eyes, may nakasalubong siyang kasambahay na mabilis na nagyuko pagkakita sa kanya, mga bago, ang yaya niya lamang talaga ang kanyang kilala. Iyon pa rin daw ang kanyang kwarto, kaya naman tinungo niya ang dulong silid sa second floor, nakabukas iyon, nadatnan niya sa loob si Roose dala ang kanyang mga gamit papunta sa loob ng isang kwarto...sinilip niya iyon, it’s her closet, wala siyang ganoon dati. So lumaki din pala ang loob ng kanyang silid. Lumabas si Roose kaya naman nagkatinginan sila, siya ay nakapameywang habang sinasalubong ang tingin nito.
“I put your luggage inside.”
“I can see that, makakaalis ka na.” Mabilis niyang sagot, why stating the obvious.
“It’s that how you say thank you?” sarkastikong sagot nito.
“And what do you expect me to say to you? Do you want to hear that magic word so much?” her bitchy side is on...kapag napindot na ay mahirap na iyong maisara. Walang karapatan ito na sabihan siya o utusan, sampid lamang ito sa kanilang bahay, pinapahiram niya lamang ang mga bagay na dapat sa kanya.
“Iyan ba ang natutunan mo sa ibang bansa? Mas lalo kang lumala..” He laugh sarcastically, kaya naman ginaya niya ito, lumapit siya rito, tinitignan ito mula ulo hanggang paa, hindi naman ito tumitinag katulad niya, nakikipagsubukan din ng tingin.
Pinagpag niya ang dumi kuno sa magkabilang balikat nito, ito naman ay sinusundan ang kanyang mga ginagawa, hindi nagpapatinag, siya naman ay naaliw pa sa nakukuhang reaksyon, ang mga lalake talaga , pare parehas ng ugali....
“You had no idea, Roose, or you want to hear my pet name just for you? What is it again? Ah, gusgusing Roose?” tinapik niya pa ang pisngi nito. Matalim na itong tumingin sa kanya at hinawi ang kanyang kamay. Galit na ang mga mata nito...well, well, naguumpisa pa lamang siya. She will stay here, she might as well enjoy her stay, para mas maaga siyang masipa pabalik.
Humakbang siya patalikod, hinawakan niya ang dulo ng kanyang suot na pang itaas para hubarin habang nakangisi rito. May sasabihin sana ito pero hindi naituloy, tumalikod siya at tuluyang hinubad ang kanyang pang itaas, naka tube naman siya sa loob. Napatawa siya sa sarili ng marinig ang pagtikhim nito bago ang malakas na pagsara ng pinto.
Umalis na ito.
“Tsk.”
The next morning her father handed her some credit cards and car key. Isang bagong puting kotse ang ibinigay sa kanya. Hindi siya car lover pero okay na may sarili siya habang nandito siya sa bansa. Nagpa drive muna siya sa malapit na mall para sulitin ang mga cards na binigay sa kanya, it’s her time to spend her father’s money wisely and wisely means spending much on the things that makes her happy. Kasama niya rin ang kanyang yaya na tagabitbit ng kung anu-ano, hindi lingid sa kanya ang mga tingin na pinupukol sa kanya, she’s wearing a short skirt and a fitted blouse. Nextweek na siya mag eenroll kaya naman dadaaan din siya sa bookstore. Habang namimili sa isang botique ay may dalawang babae na lumapit sa kanya.
“Hi , ano we were wondering, kamukha mo kasi yung friend namin before...” nahihiyang approach ng isa sa kanya, mahaba ang buhok nito at morena. She eyes her from head to toe, pati ang kasama nito na hanggang balikat ang buhok, maputi ito at may nunal sa gilid ng kanang mata. She remember her...medyo di niya lang maalala ang pangalan, at kapag nandito ito, kilala niya na rin ang kasama nito, hindi niya lamang din maalala ang pangalan. It’s been too long.
“Venee, that’s my name,” sabi niya, lumapad nga ang ngiti ng dalawa.
“Ikaw nga si Venee Calaguas! Oh God kailan ka pa bumalik? Remember me? I am Arlene and this is Eloisa, do you remember us?” she nodded, she remembered them being her classmates but she can’t remember them being her friends. Hindi na siya nakipagtalo pa, she pretended that she’s happy knowing them, she found out that they will be going to the same university. BS Tourism ang course ng dalawa while BSA naman ang sa kanya.
“Wow, ang talino mo pa rin talaga.” Nasa isang pizza parlor siya sa kasama ang mga ito, her treat, she figured she can use them, pwede nang pagtiyagaan since kailangan niya sila kahit paano.
“Hel is here with Antonette.” Narinig niyang bulong ni Eloisa kay Arlene, pagkarinig naman sa pangalan na Hel ay nagningning ang mata ni Arlene, napatingin tuloy siya sa isang pares na nasa counter, the girl look oddly familiar while the guy beside her, hindi niya kilala...he looks like a badboy beside a prim and proper lady. Napapapaltak siya sa sarili, lumingon ang dalawa , mukhang naghahanap ng mauupuan. Si Arlene naman ay sinigaw ang pangalan na Antonette. Nakita naman sila nito kaya lumapit sa kanilang table, habang lumalapit ay nagiging pamilyar sa kanya ang mukha ng babae.
The girl that she pushed in their school garden, ang babaeng binuhusan niya ng milk sa ulo... ang babaeng laging umiiyak , ang babaeng laging may dumadating para magtanggol...
“Hi Antonette,”
“Hi!” nakangiting bati nito, pero nawala iyon ng mabanggit ni Arlene ang kanyang pangalan.
“Nagkita na ba kayo ni Venee? She’s back in town and same course pa pala kayo.” Patuloy ni Arlene, she can tell her color disappear as she looks at her. Natakot agad samantalang nakatingin lamang siya.
“Hi?” nakakalokong bati niya, might as well she enjoy this sight.
“So you’re that b***h huh?” nagulat siya doon, itinago si Antonette sa likod ng badboy looking na Hel daw ang pangalan, what a coincidence for a name huh?
“Proudly, nice meeting you.” Mayabang niyang bati pabalik, his jaw clenched, oh well , kinawiwilihan niya ito. So hindi na lamang pala si Gusgusing Roose ang tagapagtanggol ni Antonette ngayon?