“Just what I thought, bad a*s attitude, no wonder sinipa ka pabalik sa Pilipinas.” Venee hates this man’s guts, pati ang sinabi nito, kanino pa ba manggagaling? Pwedeng sa babae na katabi nito o kay Roose mismo, either way, hindi niya hahayaan na magtagumpay ito sa pang- iinis sa kanya. Unang pagkikita pa lamang nila ng Hel na ito, hindi niya na gusto.
“Yeah, too bad nandito na ako, right Antonette?” she looks at Antonette na mukhang nagulat sa pagkakabigkas ng pangalan. Hel , as these girls called him protected Antonette from her, para namang mag -uumpisa siya ng cat fight? Bumabati lamang siya, masama kaya ang hindi bumati pabalik.
“Hi Venee, nakabalik ka na pala.” Nahihiyang sabi nito.
“Yeah, I doubt it na hindi mo pa nalaman kay Roose, well anyway we’ll see each other often soon. Dito na ako mag aaral eH.” Mukhang pilit ang ngiti nito sa kanya, bago pa man makahuma ng salita si Hel laban sa kanya ay naiisipan niya ng tumayo at kuhanin ang kanyang bag. She looked at her old friend daw, mukhang tuwang -tuwa ang dalawa sa uneasiness na nararamdaman ni Antonette sa kanya. She smirked at herself, these girls are definitely using her to pissed Antonette. She saw admiration in their eyes while looking at Hel, hindi naman kagwapuhan. She had seen better. Paano ba sila na attract sa mga ganyang lalaki? She can’t understand these women’s taste. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtiimbagang ng lalake, galit na galit? Wala pa naman siyang ginagawa.
She went to the massage parlor, she needs to relax. Her mother called but she refused to answer her. Matapos ang ilang oras ay bumalik na siya sa parking lot, nandoon ang kanyang yaya. Natapos na rin ito sa ginawang paglilibot.
“Let’s go yaya, kumain muna kaya tayo?”
“Sa bahay na lang Beney, malamang nagluto si Mommy mo.” sinamaan niya ito ng tingin, agad naman itong napatakip ng bibig.
“She’s not my mother yaya.”
“Sorry Beney,” hindi na lamang sila kakain sa labas, hindi rin naman siya ganoon kagutom. Pagkauwi nga ay nagdiretso siya sa kanyang silid, hindi siya lumabas kahit kinatok pa siya para maghapunan.
Hindi naman siya umuwi para makipagclose sa bagong pamilya ng daddy niya, she will live how she wanted. Hindi naman niya iniisip na magtatagal siya dito, maybe one semester? Matagal na siguro ang one year.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising para mag jogging, sanay kasi siya na ganito ang ginagawa abroad. Hindi lamang pala siya ang may balak ngayong umaga, paglabas nya ng kwarto ay kasabay niya rin si Roose, may dala itong duffel bag,nagkatinginan pa sila, tinaasan niya ang kilay ang paglakbay ng mata nito sa kanyang katawan.
What’s with him?
“Done checking me out?” tanong niya rito. Bumuka ang bibig nito pero pinili din na huwag magsalita. Always the same Roose, tahimik lamang kapag tinatarayan niya kahit noon. She’s wearing her usual jogging outfit. Gising na ang mga kasambahay pagkababa niya bumati nga ang mga ito sa kanya ng magandang umaga, tango lang naman ang sinagot niya sa mga ito. Nag stretching muna siya bago nag umpisang tumakbo sa neighboorhood. Kasabay na rin nito ang pamamasyal at pagtingintingin sa paligid, titignan niya kung marami nang nagbago sa lugar. Hindi lang din pala siya ang abala sa labas, sa park ng village ay may mga katulad niya na tumatakbo, mayroong quadrangle doon, mayroon ding basketball court sa kabilang gilid, tennis court at syempre ang playground. May mga babies doon kasama ang mga parents at mga yaya nila. Nakita niya na lamang ang sarili na nakaupo sa isang bench doon at nakatingin sa mga ito. Napakislot siya ng may tumamang bola sa kanyang tuhod.
“Miss, pakibato rito.” Sigaw sa kanya ng isang binatilyong lalaki. Hindi naman siya kumikilos , seryoso siyang tumingin sa binatilyong nakaputi na hindi naman nag abalang humingi sa kanya ng sorry. Nang mapansin siguro ng mga ito na hindi siya susunod sa utos ay lumapit na ito sa kanya, inapakan niya ng kanyang kaliwang paa ang bola habang hinihintay ang paglapit ng binatilyo na kakamot -kamot na rin ng ulo. Inaasar na nga ito ng mga kalaro sa basketball.
“Ah Miss yung bola namin, kukuhanin ko na.” Mukhang nakaramdam ito ng hiya paglapit sa kanya, namumula na ang pisngi nito. Siya naman ay hindi kumikibo, pero hinihintay niya ang paghingi ng sorry, pero mukhang hindi yata alam ng bata ang dapat sabihin.
“Bullying someone?” tinignan niya ang nagsalita sa kanyang gilid. Si Hel, nakasando lamang itong puti na pang itaas na puno ng pawis at grey na jogging pants. Her mood turn sour. Bakit ba sila nagkakasalubong ng demonyo na ito?
“Kuya.” Tawag nang binatilyo dito, siya naman ay inalis na ang pagkakaapak sa bola. Tumayo na siya para umalis kaya lamang ay tinawag siya ng lalakeng Hel ang pangalan.
“Walking away again? Kung natatakot sa’yo ang mga tao noon, iba na ngayon Miss, waka akong pakialam kahit stepsister ka pa ni Roose, kung ipapakita mo na masama ang ugali mo, dodoblehin ko iyon.” Banta nito sa kanya. Ang iniipon niyang timpi ay inuubos ng baliw na lalake na ito, gusto yata talagang makatikim ng sama ng attitude niya? Bigla bigla na lamang itong susulpot na parang siya ang nang aapi. Hinarap niya ito , ipinapakita niya pa rin na kalmado siya kahit nag iinit na ang kanyang ulo.
“Kuya, ako ang nakatama kay Miss, kaya siguro nagalit siya.” Finally, narinig niyang sabi ng binatilyo, pero hindi pa rin dahil hindi pa rin nito magawang magsorry sa kanya. Imbes na magsorry sa inasal ay nagkibit balikat lamang ang mayabang na lalaki.
“Serve her right, don’t feel so guilty, tama lamang yun sa may masamang ugali.” Ngisi pa nito.
“And how about you asshole?” sarkastikong sabi niya rito, mabilis na nawala ang ngiti nito at lumapit sa kanya. Hindi naman siya umatras nakipagsukatan siya ng tingin dito. Hindi ito ang tipo ng tao na aatrasan niya.
“Palaban?.” Usal nito habang titig na titig sa kanyang mukha. “If I know, you’re just another girl who can be tame by a kiss.” Nang- aakit na sabi nito.
Venee smirk at that....gusto lang ba siyang asarin nito? O gusto siyang mahalikan nito? Either way hindi nito magugustuhan ang gagawin niya kung sakali.
“Try then.” Matapang na hamon niya rito. Gumuhit ang pagkabigla sa mukha nito, hindi siguro inaasahan ang paglaban niya sa pang- aasar nito. Hinapit siya nito sa beywang saka mabilis na hinalikan. Tikom ang kanyang bibig, bumilang siya ng lima bago kumilos para ibalibag ito. Salamat sa pag aaral niya ng taekwondo. Lumagapak ito sa damuhan, salamat na lamang at damuhan ang kinabagsakan nito. Hindi pa siya nakuntento dahil inapakan niya ito sa dibdib. Gulat pa rin dahil hindi makakilos, nakatingin ito sa kanya, bakas ang pagkabigla sa nangyari at sa kanyang kakaibang lakas na ipinakita. Hindi nito inaasahan na kaya nyang lumaban kahit pa malaki ang katawan nito.
“You, b***h!”
“Sorry, I tend to go wild when an asshole touch my skin.” She glare at him bago umalis. Sinamaan niya rin ng tingin ang binatilyo na tulala sa sinapit ng tinawag nitong kuya.
Naapakan niya ang ego ng mayabang na iyon kaya naman sigurado siya na gaganti at gaganti ito. Well she must as well prepare herself.