chapter 4

1927 Words
Nakadapa si Hel sa kanyang kama habang abala naman ang kanyang pinsan sa paglalagay ng salonpas sa kanyang likod. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya. Hindi siya makapaniwala na naibalibag siya ng isang babae? Dagdagan pa ng pagtawa ng kanyang pinsan. "Shut up! Kasalanan mo kung bakit masakit ang likod ko." Hindi naman ito nakinig, tuloy ito sa pagbungisngis. "Ikaw naman kasi kuya, sino ba kasi ang nagsabi na halikan mo yung babae? Hindi mo alam amazona pala iyon. Tignan mo , knockdown ka." Tuya nito. Tumihaya na si Hel dahil tapos na rin naman ito, sinuot niya na rin ang kanyang red jersey. s**t! Dapat may laro sila ngayon nina Roose, pero dahil sa sakit ng kanyang likod ay hindi siya makakasama. Nakakagigil talaga ang babae na iyon. "Pero in fairness kuya, napakaganda niya. Siya yung tipo ng babae na palaban, na hindi mo na maiisip na tumingin sa iba." Mukhang nag dadaydream pa ito kaya naman kinuha niya ang katabing unan at binato sa mukha nito. "Kuya naman!" reklamo nito, makapaglekramo lamag akala mo sobrang sakit na. "Tumigil ka nga, yung mga ganoong babae, hindi pinapansin, hindi pinag aaksayahan ng panahon, saka malay mo hindi pala lalake ang hanap noon, baka babae rin. Naalala mo ba iyong kilos niya? Mukha siyang tomboy!" diin niya dito. Pailing iling naman ito sa kanyang sagot. "Sira na ba yung mata mo kuya? Sa bagay , isang babae lamang kasi ang nakikita mo. Yung babae kanina, mukha siyang dyosa, parang goddess of war ang datingan. Tignan mo napatumba ka!" tudyo pa nito. Gusto niya ng masapak ang pinsan, kasalanan ito noong babaeng iyon, nang step sister ni Roose, tama ang naririnig niya bad news ang babae na iyon. "Tumigil ka nga, nagulat lamang ako!" kinuha niya na lamang ang remote para buksan ang television, manonood na lamang siya kaysa makipagkulitan kay Kiko. "Sa bagay, you deserved that, hinalikan mo ba naman eh, hokage ka rin eh!"babatuhin niya sana ito ng hawak na remote kaya lamang ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang isang tao na ayaw niyang marinig ang sinabi ni Kiko. "Sinong hinalikan?" si Antonette na kunot ang noo na nakatingin sa kanya. "Kiko!" he warned , kaya lamang manhid ang kanyang pinsan. "Ah, yung babae lamang ate, nainis kay kuya kasi bigla naman nanghahalik, ayun , binalibag si kuya, plakda!" with action pa ang kwento nito. Mukha namang hindi natuwa o hindi naintindihan ni Antonette ang narinig, nagtatanong ang matang bumaling ito sa kanya. "Sinong babae ang hinalikan mo?" nalunok niya yata ang kanyang dila sa tanong ni Tonette, lalo na at nakita niya rin ang pagpasok ni Roose sa kanyang kwarto. Kahit hindi close ang dalawa, may nag uugnay pa rin sa kaibigan niyang si Roose at sa babeng amazona na iyon. "Oo nga kuya , mukhang kilala mo iyong babae eh." Patuloy pa rin si Kiko sa panggigisa sa kanya, kundi niya lamang ito kadugo, ginilitan niya na ito sa leeg. ... First day of school. Venee got everything ready, nagtext pa si Eloisa na hihintayin daw siya nito sa gate, kasama si Arlene. She replied there's no need but they insisted. Hinayaan niya na lamang kaysa makipagtalo pa sa maliit na bagay. "Be good okay." Bilin pa sa kanya ng kanyang daddy bago siya pumasok, sinabihan pa nito si Roose na ito na daw ang bahala sa kanya. Like what the f^ck! Ginagawa naman siyang six years old lamang at first time papasok sa school. She can't feel her father sincerity back there, maliban doon sa pag -aalala na dapat daw magpakabait siya. Hindi niya lamang sinabi na hindi naman siya gagawa ng di maganda kung hindi siya ipoprovoke. Good girl kaya siya, at least that's what she believes. "Can I see your schedule." Sinundan siya ni Roose, kinausap siya nito bago pa man siya makapasok sa kanyang kotse. Walang -wala ang kotse niya sa minamaneho nito, BMW latest model, nasabi niya lamang, she's not into these stuff anyway. "Don't take what dad said so seriously, I can handle myself." She shrugged him off, hindi niya na ito hinintay na magsalita pa, pumasok na siya sa kanyang kotse at nagmaneho patungo sa University. Paglabas niya ng kotse ay nasa harapan niya na sina Arlene at Eloisa, may dalawa pang kasama ang mga ito...just like them. May dala pang pompom's at welcome banner ang mga ito. Like what the hell, sounds like the guy who pissed her few days ago. Seriously, this is so embarrassing, so not her. "Thank you, pero hindi na sana kayo nag abala... this is too much." She said with a force smile, awkward sana ang sasabihin niya dahil pinagtitingin na sila ng ibang estudyante. She wanted a low profile in this university but she guess that wouldn't happen. "No, we're just so happy that you're here finally!" umangkla pa sa kanyang braso si Eloisa. Feels like kailangan niya munang sakyan ang trip nito, something is off and she's feeling that. Iti -nour pa siya ng mga ito , mahaba pa naman ang oras bago ang kanyang klase, iyon ay kung mag uumpisa na talaga. She doubt it. May ipinakilala sa kanyang mga popular guys and girl daw sa kanilang university, popular maybe, pero wala siyang oras para intindihin pa ang kanilang mga pangalan. She nods at them, baka kapag ngumiti siya ay mahalata pa nang mga ito na peke naman ang kanyang ngiti, kaya hindi iyon ang kanyang ginawa. Nakatakas naman siya sa mga ito after an hour, she went to her room, marami na rin ang mga estudyante ang nasa loob. Mukhang napagkasunduan nang lahat na lumingon sa kanya pagkapasok niya pa lamang, maging ang pagpunta niya sa bakanteng upuan sa likod ay sinundan pa ng mga ito. She heaved a sighed, inilapag niya ang kanyang shoulder bag at lumingon sa lahat. "It's not rude too stare, it will only be rude if your are all staring too much." Mukha namang nahiya ang ilan at nag iwas ng tingin , may iba na tinaasan siya ng kilay. She scanned the crowed and notice Antonette, napapaligiran ito ng limang kababaihan. Ito naman ang nagyuko ng tingin. Nagkibit balikat na lamang siya at umayos ng upo. Minutes later may pumasok na professor sa kanilang kwarto, taliwas sa alam ng iba, umpisa na ng kanilang klase sa kanilang major subject...well more on discussion about sa syllabus. Block section ang napasukan niya kaya di kataka taka na magkakilala ang lahat, para nga lamang siya naligaw na d**o. Wala man lamang nag abala na kumausap sa kanya, not like she's looking for anyone who will approach her. She's used to it anyway. Sumunod lamang siya sa mga ito sa susunod na dalawa pang klase. Lunch time ay inabangan siya nina Eloisa, she wanted to eat outside kaya lamang gusto raw ng mga ito na maranasang kumain muna sa kanilang pinagmamalaking canteen. She didn't say no, at least not now. Hindi naman siya binigo ng mga ito, maganda, napalaki at malinis ang kanilang canteen. Mukhang masasarap at malinis din ang mga lutong pagkain. Malilinis at maaayos din kasi ang mga nagseserve. Dapat lamang dahil mahal ang tution at de kalibre ang university na ito. "What do you want my treat." Sabi pa ni Eloisa na hindi yata nagsasawang ngumiti sa kanya. "No need, I can pay for my own." Tanggi niya dito. "Don't be shy Venee, you're part of our group." Segunda pa nito. Wait lamang, hindi niya yata matandaan na nagpamember siya sa grupo, hindi siya na inform , hindi siya na orient. Arlene eyes twinkled, may hawak itong inumin sa kanang kamay, salad naman ang nasa kaliwa, tumunog ang phone nito kaya naman bumaling sa kanya. "Can you please hold this Venee, I just need to take this call." Utos nito sa kanya, tinaasan niya ito ng kilay, talagang inutusan pa siya nitong hawakan iyon. Well , it's just a small favor, kukunin niya na sana ito kaya lamang bigla iyon natapon sa katabi nila. Hiyawan ang kanyang narinig saka siya lumingon sa babaeng natapunan. There she saw Antonette , basa ang dibdib nito kaya naman naging visible ang suot nitong puting b*a. Nagtama ang kanilang mga mata at nakita niya ang matinding takot sa mata nito. Pinagkrus nito ang kamay sa dibdib. She's close to crying, lumingon naman siya kay Arlene na mukhang natutuwa, pero nang nakita yata siyang nakatingin ay naging balisa. "Are you okay?" boses iyon ni Roose na lumapit kay Antonette, hinubad nito ang suot na polo, saka binalot kay Antonette, mayroon pa naman itong suot na tee shirt sa ilalim noon. Masama ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Tinaasan niya rin iyon ng kilay...Sinisisi siya nito? Crazy , stupid guy. "At least you have to say sorry, hindi yung nakatayo ka lamang diyan." Malamig ang tono nito...kasing lamig ng pakikitungo niya rito. "It wasn't my fault." She said dryly. Kikibot pa sana si Roose kaya lamang binalingan ito ni Antonette. "Please, take me away from here." Nagsusumamo ang boses nito...na kung sino mang lalaki ay hindi magagawang tumanggi. Tsk, pathetic. Aalis na rin sana siya sa scene na iyon, sa labas na lamang siya kakain , mag isa, pero may kamay na madiin na kumapit sa kanyang braso at hinila siya sa kung saan, palabas sa canteen. "Let me go bastard!" binitawan naman siya nito, hinawakan niya ang kanyang braso na namumula. "You're really doing great on making Tonette's life miserable huh?" patuyang sabi nito, matalim niyang tinignan ang lalaking kaharap. Just great ang isa pang tagapagtanggol ni Antonette, nakahubad naman ang leather jacket nito, may tee shirt din sa loob, she bet, tatakbo din to para sagipin ang inaaping prinsesa, kaya lamang nauna si Roose...kawawa naman, kaya ito ngayon ang kawawang knight, sa kanya ibubunton ang galit, ang sisi, kahit wala siyang kasalanan. She's a victim as well. "You were few steps late." She said dryly. Hindi siya papasindak sa bad boy image nito. "What do you mean?" mabagal talaga, hindi lamang sa kilos, pati sa pick up. "Naunahan ka ni Roose. He saved your beloved princess, am I right? Are you hurt and hoping that you're with her right now? Hindi si Roose...too bad, nandito ka, you're dealing with me." She mocked at him...nagpantay ang labi nito, namumula ang mga tainga na halatang galit na galit sa kanyang sinabi. Napakadali namang asarin ng lalaking kaharap, basang basa niya,walang ka effort effort. "What if , I just chose to be with you para turuuang ka ng leksyon?" mukha naman itong naging palaban, nakabawi sa kanyang sinabi. " Alam na alam ko, dahil ang mga selfish, spoiled brat na katulad mo ay dapat turuan ng leksyon. Kaya ka pinadala rito, kaya ka tinatapon, kasi , iyang ugali mo, patapon na rin." Tumawa pa ito sa kanya." Did I just hit your weakest spot?" patuya pa nito. "Pasalamat ka at babae ka, kung hindi binalibag na kita , mas grabe doon sa ginawa mo." Banta nito. Pinagsiklop niya ang kamay sa likod at pinatunog. "May nakalimutan kang bagay tungkol sa akin..."nakangiti siyang humakbang papunta dito. Nagtataka man, pero nakatingin pa rin ito sa kanya." Actually, malakas din akong sumuntok." In one swift move, sinuntok niya ito sa kanang pisngi. Napatumba ito sa lakas ng kanyang suntok, nanlaki ang mata habang nakaupo sa semento. Hindi makapaniwala. Now she thank heaven , binigyan kasi siya ng langit ng matigas na kamay. Inirapan niya si Hel saka umalis. Dapat lamang lagi itong bumabagsak, dahil sa lupa naman talaga ito bagay...just like his name, Hel, as in what the hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD