Sa kanyang panghapon na subjects ay dama niya ang malalamig na pakikitungo ng kanyang mga kaklase. Nandito na rin si Antonette na takot na sumulyap sa kanya. Ang mga kaibigan nito ang siyang matalim na tumitingin sa kanyang direksyon. Kung mahina lamang siya at walang alam, marahil ay maiintimidate na siya sa mga ito, pero nagkamali ang mga babaeng ito. Kung ayaw niya sa mga taong duwag, mas galit siya sa mga taong maling humusga. Yung wala ka pa mang sinasabi pero nakabuo na sila ng isang konklusyon, kasama na ang ending. Nagkalat ang mga taong ganyan , saan mang panig ng mundo, lalo na sa social media. Katulad na rin ng gagong si Hel, kaya naman nakatikim sa kanya.
"Sorry ha, haharang harang ka kasi." Tapos na ang kanyang last class, papunta siya sa pintuan pero binangga siya ng kung sino. She dangerously looked at her, katabi nito si Antonette na pinipigil ito sa ginawa sa kanya. So now may ibang kakampi? Hindi talaga nauubusan? She picked up her bag, first day pa lamang niya sa kanyang klase pero ganito na agad? Mukhang mapapadali ang pagpapauwi sa kanya kapag araw- araw siyang hinahabol ng g**o.
"Weak ka naman pala, no wonder sumisiksik ka sa mga bitches na sina Eloisa." Pati ang source nito ay mali rin, hindi niya sinisiksik ang sarili niya kahit kanino.
"And that makes me wonder why you're not in their circle." She said dryly, tatalikod na siya kaya lang pinigil siya nito sa braso kaya naman napaharap siya. Umuusok na ang ilong nito sa galit dahil sa kanyang sinabi, napaksimple lamang noon, nagsasabi lamang siya ng totoo. Minasama?
"Ang yabang mo!" Iigkas na ang kamay nito kaya lamang mabilis niyang nasangga. Nababakas naman ang takot sa mata nito ng diinan niya pa ang paghawak sa pulso nito. Sasabihin niya ba nasi Hel dalawang beses niya nang napabagsak, ito pa kayang puro daldal na babae na ito?
"Let me go!" the girl shouted, nakakuha na nga sila ng atensyon, buti ay lumabas na ang kanilang professor.
"Venee please, ako na ang humihingi ng sorry para kay Aleya." Si Antonette iyon.
"Bakit ka manghihingi ng sorry? Siya ang may kasanalan sa'yo!" sumagot pa talaga ang babaeng hawak niya. Patuloy na nagpupumiglas ito sa kanyang hawak. Mas diniinan niya pa ang hawak dito na nagpangiwi rito, doon na ito nabakasan ng takot sa mukha.
"Venee." Boses iyon ni Roose, kahit hindi niya lingunin. Hindi niya alam kung paano iyon napunta doon but his words gave her warning. Ano naman ngayon kung hindi niya ito sundin. The more she break the rule, the faster she will leave this country. Iyon naman talaga ang gagawin niya.
"If you wanted to start a fight with me, make sure that you know how to end it. Ako? Hindi ako magpapatalo sa katulad mo na walang laman ang utak." Binitawan niya ito at hinawakan ang pisngi." Mukha mo na lamang ang mayroon ka, don't made me lose my temper or else...you will say goodbye in this pretty face of yours." She menacingly said putting sarcastic remarked on the word pretty face. Inirapan niya si Antonette pati ang iba pa na nanonood sa kanila, tinapunan niya lamang ng tingin si Roose saka siya lumabas ng silid. Mukhang nakasunod ito sa kanya dahil sa malalakas na yabag sa kanyang likod.
Pagdating niya sa kanyang sasakyan ay naka abang naman doon sina Eloisa. She rolled her eyes, another set of bitches. Tuwang -tuwa pa ang mga ito, lalo na si Arlene pagkakita sa kanya. As if she's not fully aware.
"Hi Ven, we were thinking since first day naman, what if we go clubbing? You know to celebrate our friendship?" Pinasok niya na sa passenger seat ang kanyang bag.
"No. I have better things to do." She said dismissing them, pero mukhang manhid ang mga ito dahil hindi makahalata.
"Ven, you will surely enjoy it. Marami kaming kakilala na popular at guwapo. It will be interesting!" kilig na kilig pa ang mga ito habang nagkukwento. Hindi niya alam kung ano ang nakakatuwa doon? Siguro nga yung mga lalaki na makakalandian ng mga ito. Girls and their stupid fascinations towards handsome and popular boys. So not her.
"No." Paikot na sana siya sa driver seat nang pigilan siya ni Arlene, pangalawa na ito. Hindi niya pa napapalampas ang ginawa nito sa kanya.
"You should come. We will celebrate Antonette's downfall. Her face kanina? Really epic!" Tuwang tuwa pa ito na sinabayan ni Eloisa at yung dalawang kasama, she forgot their names. hinawakan niya ang kamay nito at sinandal sa kanyang kotse. Nagulat naman ito sa kanyang ginawa. As early as now, she wanted them to know that she's not someone that they can be use. Hindi ibig sabihin na hindi siya tumatanggi ay aprub sa kanya ang lahat.
No, no girl.
"Venee?" Nanlaki ang mata ni Arlene, habang nakatingin sa labi niyang nakangisi.
"I know what you did back there?" Iniangat niya ang kanang kamay para hawakan ang baba nito patingala sa kanya. She's taller at nakasandig ito sa kanyang kotse kaya nanliliit ito lalo.
"What do you mean Venee?" kunwaring sambit nito, nauutal.
"Do I need to repeat every scene?" sarkastikong sabi niya rito." Diniianan niya ang hawak sa baba nito. "Just so you know, I am not stupid. If you remembered me as that war freak or naughty kid back then, I'm telling you I am much worst now most specially when someone provokes me. Do I made myself clear?" Sunod- sunod na tango naman ang sagot nito sa kanya. Binitawan niya ito at mabilis naman itong lumapit kay Eloisa, nawala na ang ngiti sa mga labi ng apat.
Tinapunan niya muli ng tingin ang mga ito bago sumakay sa kanyang kotse. Ano ngayon kung wala siyang kaibigan?
Nakalabas na siya ng university nang mag ring ang kanyang phone, wala sana siyang balak itong sagutin kung hindi niya lamang nakita ang caller.
"What do you want."
"Aloha! Is that how you greet your greatest friend?" maarteng sabi ng nasa kabilang linya.
"I'm fine Marinella if that's what you want to hear." She said smiling, alam niya kasi na nag iinarte niya ang kaibigan sa kabilang linya. Marinella Carillo, half Filipino, half Mexican. Kung ano ano pang pag- iinarte ang sinabi nito, saying how she misses her. Sa pakikipag usap dito kahit paano ay nabawasan ang kanyang inis.
Kasabay niya sa dinner ang pamilya ng daddy nya kaya wala siyang lusot. Kinumusta siya ng kanyang daddy sa kanyang unang araw. She answered fine. Inasahan niya na rin na tatanungin nito si Roose kaya naman napatingin siya rito, katabi nito ang ina nito na nasa kanyang tapat. Nasa kabisera naman ang kanilang daddy.
"It was okay po." She pressed her lips in a thin line. Nakatingin pa rin sa kanya si Roose. Matutuwa ba siya kung pinagtakpan siya nito? Maybe she will appreciate it more if he told them the truth.
"That's good to hear. You matured." Sabi pa ng kanyang ama, hindi na siya sumagot, sinikap niya na lamang ubusin ang pagkain na nasa kanyang plato. Natapos ang dinner ay dumiretso na siya sa kanyang silid, ilang minuto lamang ang mayroong kumakatok, si Roose.
"What do you want?" Nakatingin ito sa kanya, seryoso. Kaya na nitong tumingin sa kanyang mga mata. She cross her arms while staring at him, baka may hinihintay ito sa kanya." You wanted me to say thank you for earlier? Ano naman kung sinumbong mo ako? I think that's much better." Sabi niya rito.
Umiling ito sa kanya.
"That's not it. Gusto ko lang sabihin na mag ingat ka kay Hel, galit na galit siya sa ginawa mo." She smirk at that, nagpapaka kuya talaga si Roose , sorry pero hindi niya naman na aapreciate iyon. Hindi niya kailangan ng tagapagtanggol.
"What a caring step brother I have, pero di ko kailangan ng kapatid." Isasara niya na sana ang pinto ng pigilan nito. Hindi lamang iyon ang kamay ni Roose ay mabilis nang nakahawak sa kanyang kanang kamay.
Bakit ba ang hilig ng mga taong hawakan siya today?
"Paano kung hindi ko rin ibig maging kapatid ka lang? What will you do Venee?"