Inalis ni Venee ang kamay ni Roose na nakahawak sa kanya.
"Is that all you've got Roose? Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig mong sabihin. Sa bagay , si daddy lang naman ang naniniwala na anak ka niya dahil sa kasinungalingan nyo ng iyong ina. Not me Roose, una pa lamang, alam ko na kung gaano kayo kasinungaling." Namutla naman ang kanyang kaharap. Totoo ang kanyang sinabi. Hindi niya alam na ganito pa rin pala kalala ang epekto ng katotohanan na iyon kay Roose, next time, sasabihin naman niya iyon kaharap ang ina nito.
"Roose , anak?" parehas silang napalingon sa mommy nito na ilang hakbang ang layo sa kanila. Nakikita ni Venee ang pag alala sa mukha ng babae, kanina lamang naisip niya na iparinig dito ang sinabi niya kay Roose, ngayon hindi pa rin nagbabago ang kanyang isip. Bahala silang mag-ina. Bastos na kung bastos pero sinara niya ang pinto ng kanyang kwarto upang hindi na makita ang mukha ng dalawang taong kinasusuklaman niya.
Ang mga sugat nang nakaraan ay nananariwa kapag kaharap niya ang dalawa. Parang kailan lamang, nagigising siya sa gitna ng gabi dahil sa lakas nang pagtatalo ng kanyang mga magulang.
"Talagang binahay mo na ang iyong kabit! Hindi ka na nahiya sa iyong pamilya!" boses iyon ng kanyang ina na nakainom na naman, simula nang mabunyag ang pambabae ng kanyang ama, walang patid na gabi na hindi umiimon ang kanyang ina.
"Hindi ko siya kayang pabayaan." Hindi niya makita kung ano ang reaksyon na binibigay ng kanyang daddy dahil likod lamang nito ang nakikita niya sa maliit na siwang ng pinto. Umiiyak na pala siya habang nakamasid sa mga ito.
"Hayop ka! Mahiwalay na tayo!" hiyaw ng kanyang ina, siguro dahil sa sobrang sakit, sinusuntok na nito sa dibdib ang kanyang daddy pero hindi naman kumikilos ang kanyang ama.
"Hindi tayo maghihiwalay, may anak tayo." Sagot pabalik ng kanyang ama dapat niya bang ikatuwa, sa kanyang murang edad, nakikita niya na ang relasyon na ganito ay walang patutunguhan kung hindi sakitan lamang.
"Dahil may anak tayo? Sawang sawa na ako sa sakit! Paano kung hindi mo siya anak? Tiyak na babalik ka sa unang babaeng mahal mo! Kasi umaasa ka na anak mo ang anak niya!Tama ba? O ganoon nga!" akusa ng kanyang ina.
"Ano bang sinasabi mo?" lumakas na ang sigaw ng kanyang ama dahilan para mabuksan niya ng todo ang pinto. Parehas na tumingin sa kanya ang dalawang pares ng mata.
"Venee!" ang kanyang ina iyon na susuray suray na lumapit sa kanya, lumuhod ito at yumakap sa kanya.
"Aalis na tayo Venee, aalis na tayo anak, ipapakilala na kita sa tunay mong ama." Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa kanyang ama na punong -puno ng galit. Kinabig ng kanyang ina ang kanyang mukha para makuha ang kanyang atensyon.
"I'm all that you need Venee, hindi natin kailangan ang daddy mo dahil hindi naman siya ang tunay mong ama, I'm sorry. Mommy lied."
...
"Anong ginagawa mo Roose!" pigil ang galit ng kanyang ina, hinila siya nito papunta sa kanyang silid, base sa reakyson nito ay nakita nito at narinig ang usapan nila ni Venee.
"Gu-gusto ko si Venee, alam mong matagal na diba?." Sagot nya sa ina. Hinila siya nito paupo sa kanyang kama. Bakas ang takot sa maamong mukha ng kanyang ina. Hanggang ngayon hindi niya pa rin matanggap kung paano nagawa nitong magsinungaling para matakasan ang mga taong nang api sa kanila at ang kahirapan. Takot kasi ang kanyang ina na mabuhay ng mag –isa. Gusto nito nang may karamay at ng masasandalan at hindi siya naging sapat sa ganoong aspeto. Kaya ng matagpuan nito ang tito Vermie niya, ang daddy ni Venee, hindi na ito bumitiw. Pumayag ito sa kasunduan sa isang taong pinaka hindi niya inaasahan.
"Alam mong hindi pwede!"
"Alam mong pwede mama, alam mong puwede." Giit niya ngunit sarado na ang isip ng kanyang ina. Pinaninindigan talaga nito ang kasalanan hanggang sa huli. Darating ang panahon, itatama niya rin ang lahat, sana pag dumating ang panahon na iyon, mapatawad siya ni Venee.
"Anak pa rin ang turing ni Vermie kay Venee."
"Ma! How can you say that?!"
"Dahil iyon ang totoo, anak siya ng kanyang ina sa ibang lalake. Kailan mo ba isasaksak yan sa isip mo. Ikaw ang totoo, ikaw ang kanyang anak, kaya dapat Roose, umayon ka sa lahat ng kanyang gusto. Saka nakikiusap ako sa iyo anak, huwag na si Venee, nandiyan naman si Antonette. Napakabait niyang bata, galing sa magandang pamilya. Siya ang nararapat para sa'yo." Sumuko si Roose sa pakikipagtalo sa kanyang ina. Inalala niya na kapag bumuka pa ang kanyang bibig ay baka makapagsalita na siya ng hindi maganda.
Malayo ito sa kanyang payak at mabait na ina noon. Hindi na nito kayang bitawan ang lahat ng kayaman na inagaw nito sa unang asawa ng kanyang tito Vermie.
Nakakalungkot.
...
"What happened to your face?" kahit medyo may kirot ay nagawang ngumiti ni Hel sa pagaalala sa boses ni Antonette. Pinuntahan niya ito dahil nadaan siya sa paborito nitong ice cream parlor. Binilhan niya si Tonette ng paborito nitong Taro flavor. Ngayon nga ay pinagsasaluhan nila iyon sa gilid ng pool.
"May amazona lamang akong nakabangga kanina. She will pay for it." He smirked at that.
"Hel, hayaan mo na siya." Bakas ang lungkot sa boses nito. Dahil ba sa takot? Nagkulang siya ngayon, pero sa susunod mas pagbubutihin niya pa ang pag protekta rito.
"May ginawa ba siyang masama bukod kanina?" hindi niya maiwasan na tanong, kahit nakarating na sa kanya ang paghaharap ni amazona at ng mga kaklase ni Antonette. Maraming nagsasabi na talaga naman daw napakatapang at mataray nito. Pinagbigyan niya lamang, hindi pa naman talaga siya kumikilos. Iiyak din ito sa huli at siya ang dahilan.
"Wala." Mapaklang sagot nito. Hindi siya kumbinsido, alam niyang mayroong dahilan at hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon malalaman.
"I know meron, come tell me. Good listener ako diba? At ikaw lamang ang nakakaalam noon!" diin niya. Hel just want to see her smile at hindi naman siya binigo ni Antonette.
"Salamat dito, kahit paano gumaan ang pakiramdam ko." Ngumiti ito. Pangako talaga gagawin niya ang lahat para mapasaya si Antonette.
Kaya naman kinabukasan kumilos na siya para pagbayarin ang amazonang babae. Hindi siya papayag na nakadalawa na ito tapos siya ay zero pa rin. Nag utos siya para pasundan ito sa araw- araw na gawain sa school. Nag iisip siya ng bagay na ikakapahiya nito, tuwing makakasalubong naman niya ito sa school at tinatarayan siya nito o minsan hindi talaga tinatapunan ng tingin. Hindi niya alam kung nababastos siya doon o sadyang mainit lamang ang dugo niya sa babae. Hindi niya lamang talaga inasahan na kokomprontahin siya ni Roose sa kanyang mga plano sa step-sister nito.
"Leave Venee alone." Utos nito, he smirked and face him. Kuyang kuya talaga ang kilos ng loko.
"Paano kung ayoko." Giit niya. Hindi ang mala presidente nitong utos ang magpapahinto sa kanyang plano. Marahas na hinawakan ni Roose ang kanyang polo dahilan upang mag alala ang kanilang tatlong kaibigan. Sige lamang, nakalimutan niya na rin ang huling beses na nag one on one sila ni Roose. Iyon ang mga panahon na hindi pa sila mag kaibigan. Sooner or later hahantong din naman sila sa ganito.
"Tama na please," si Antonette iyon na kumapit sa mga braso ni Roose para kumalma ito. Ito ang bagay na hindi maiiwasan sa hinaharap, magkakasalungat din sila ni Roose at iyon ay para sa pag ibig ni Antonette, at hinding hindi siya papatalo pag nagkataon.