Roose walked out. Tumingin sa kanyang gawi si Antonette, nilahad niya ang kanyang kamay para abutin ito, pero umiling lamang ito bago sumunod sa daan na tinahak ni Roose.
"f**k!" mura niya habang nakasabunot sa sarili. Talo talaga pagdating kay Roose, kayang kaya siyang iwan ni Antonette para ito ang madamayan. Lalong nabubuhay ang inis niya , hindi niya susundin ang pakiusap ni Roose, kailangan niya rin na gumanti sa Venee na iyon. Tatanggalin niya ito sa landas ni Antonette.
"What were you thinking?" tinapik siya ni Jei, hindi naman din niya ito sinagot. Wala siyang balak sumunod sa sinabi ni Roose kaya naman patuloy na kumukuha siya ng impormasyon sa kanyang mga tauhan patungkol sa pinagkakaabalahan ni Venee, nalaman niya rin na may isang gym na itong pinupuntahan dalawang beses sa isang linggo, kung saan itong cafe madalas magpalipas ng oras at kung anong araw ito pumupuntang mag isa sa mall.
May araw din ito sa kanya.
...
"Venee." Tumingala siya at pansamantalang inalis ang kanyang mata sa binabasang libro , sina Eloisa ito. Umiwas ito sa kanya noong mga nagdaan. Hindi niya alam kung ano na namang masamang hangin ang nagdala sa mga ito sa kanyang harapan para muli na naman siyang kausapin.
"We're very sorry sa nagawa namin noon. We admit our mistake, galit talaga kami kay Antonette sorry dahil nadamay ka." Sabay sabay na nagsitanguan ang apat. Siya naman ay kinikilatis ang mukha ng bawat isa. It's 30/70...30 percent sincerity yung 70 filled with lies and crap. Nahahawa na siya sa kanyang kaibigan na si Marinella, ugali nito a kilatisin ang sinseredad ng isang tao kapag nanghihingi ng sorry.
Pero ano nga ba ang makukuha niya kapag naniwala siya o hindi?
She nodded na ikinasiya nang apat. It's not as if she accepted their apology, pero ganoon na nga ang lumabas. Wala naman siyang mapapala kung iignorahin niya ang mga ito. She just have to be careful, people like them uses her to get what they want. Inggit kasi ang umiiral sa mga ito. They wanted to be Antonette para mapaligiran ng mga lalaking gusto nila. That she can't understand, who likes to be a coward girl?
Hindi niya na pala kailangan pang tanungin, nasa harap niya na pala ang apat na sagot.
"VMC." Nataas ang kanyang kilay, Eloisa called her with her initials, but whatever she find it interesting, somehow astig. " CBA will have a party this Friday, ang venue ay sa isang hotel na pag aari ng kaibigan namin kaya naman we will go defenitely. Ikaw bilang CBA student, dapat nandoon ka rin." Excited na sabi nito. She heard about that upcoming party, bumakbibig iyon ng kanyang mga kaklase sa Accountancy. She had no plans to and these girls are planning to gatecrush dahil hindi naman sila CBA students.
"I won't go." Sagot niya na tinitiklop na ang libro, ang mga babae sa kanyang harapan ay inimbitahan na ang sarili na mag siupo. Sobrang daldal ng mga ito kaya naman sa huli, she change her mind, hindi na rin siguro masama kung subukan niya. Alam naman niya ang kanyang limitasyon. It will be the first time na aattend siya ng partyna hindi sila magkasama ni Marinella.
"Where are you going?" tanong ni Roose bago pa man siya makalabas ng bahay, katulad niya ay nakabihis na ito. Mula nang huli nilang usap sa kanyang kwarto ay ngayon lang siya muli nito kinausap. Naisip niya na baka nakapag isip na at nahimasmasan na ang isip ng loko.
"None of your business." She flatly asnwered, tumalikod na siya para pumunta sa garahe. Buti at wala ang kanyang ama at asawa nito , ayon sa mga maids ay nagpunta daw sa isang charity ball. Pagkabukas pa lamang niya ng pinto ng kotse ay pinigil na siya ni Roose.
"You have the habit of grabing my arm." Bago siya nito pinakawalan ay hinagod pa siya ng tingin nito mula ulo hanggang pababa. She's wearing a short white lace dress with boots.
"Sorry." Mukhang may sasabihin pa sana ito kaya lamang ay mabilis na siyang pumasok sa kotse. Alam naman niya ang village na pagdadausan, imbes na hotel ay sa isang mansion na daw magaganap. Rich kids and their caprices. Ilang minuto rin lamang at narating na niya iyon. Hindi naman kalayuan sa kanilang lugar kaya hindi niya kailangang sumuong sa mahabang daloy ng trapiko ng Metro. Tinignan niya ang mensahe nina Arlene sa kanyang phone. She has two choice tonight, una makiblend kina Eloisa pangalawa ang umalis mag isa kapag na bore siya sa party. Sa labas ng malaking bahay ay maraming sasakyan ang nakapark.
"Thank God nandito ka na!" sinalubong siya nina Eloisa at Arlene, nakipag beso ito sa kanya. Giniya siya nito sa loob ng bahay, maraming mga bisita na ang nasa loob, may mga nakikita siyang naka swimwear din.Pool party ang theme? Marahil ay ganoon nga dahil pumasok sila sa isang pinto na nagdala sa kanila sa isang malawak na garden na may pang olympic size na pool, mas maraming tao dito, may naka set up na stage at mga tables and chairs, umuulan din ng pagkain sa bawat mesa. Just like any other parties.
Sumama sina Eloisa sa lupon ng mga kakilala nito. Some have partner clinging with each other, ipinakilala siya sa mga ito. She has no interest memorizing their names. hindi nakaligtas sa kaniya ang kakaibang hagod ng tingin sa kanya ng dalawang lalake. Boys. Kahit pa may kayakap ng babae hindi pa rin makuntento.
"Nandyan na ang grupo nina Roose!" hiyaw ng isang babae sa kanilang mesa. Napagawi rin ang tingin niya sa pinto kung saan nakatayo ang grupo nina Roose. Nakakapit sa braso nito si Antonette na malapad na nakangiti, sa gilid naman ni Antonette ay nakatayo ang mayabang na si Hel, naka sando itong puti na pang itaas. May cap na nakabaliktad. Ang braso nito ay may tattoo. Gangster talaga. Nasa likod naman ang dalawa pang kaibigan na lalake ng mga ito. Para bang nahipnotismo ang mga kababaihan sa pagdating ng lima, partikular sa apat na lalake.
"Sana ako na lamang si Antonette!" pangarap nang isa sa kanilang mesa. Nakakaawa.
"Mag uumpisa na ang party!" hiyaw ng lahat, lampas na sa nakatakdang oras. Siguro hinintay lamang ang mga espesyal na tao. Napailing na lamang siya, pasimple siyang umalis sa maingay na lupon nina Eloisa para tumungo sa bartender.
Nagorder siya ng kanyang drink, a loud music is playing in the background, mayroon din namang sumasayaw. Mayroon ding magkakapareha na nasa pool na't nagbababad.
"Hi." Bati ng isang baritonong tinig sa kanyang gilid.
"I'm not interested." Sagot niya agad. Maganda na habang maaga pa lamang alam ng mga lalake kung hanggang saan lamang sila. Hindi lahat madadala kapag nagsabi sila ng Hi, ano kung masabihan kang suplada o masungit.
"Sungit mo naman, masyado ka bang maganda?" panunuya nito. Sa irita niya ay hinarap niya ito. Tinaasan niya ang kilay, malaki ang pangangatawan ng lalake pero hindi siya nasisindak doon. Ilang sandali pa ay nagtaas ito ng kamay.
"Oops sorry, off limits ka pala. Someone's after you? Maybe after him i can make my move again." Naguguluhan siya sa sinabi nito, kaya naman ng tumalikod ay sinundan niya ito. Ano ang ibig nitong sabihin? Sinong someone ang tinutukoy nito.
"Sandali!"
....
"There she is boss." Napangiti si Hel ng malaman niya na pumunta sa party ang kanyang target. Umiinom ito malapit sa bartender. Dito niya ito balak ipahiya sa harap ng maraming tao, wala si Roose, abala ito sa company ni Antonette. Dito niya ito balak turuan ng leksyon.
Aaminin niya maganda si Venee, pero hindi ito ang tipo ng babaeng gugustuhin niya. Siguro dahil palaban ito o dahil ilang beses na nitongnatapakan ang kanyang ego.
May lumapit na lalaki dito , he knew that asshole, pinanood niya kung paano ito tanggihan ni Venee, pero sa huli nagtataka siya ng sinundan ito ni Venee.
Doon na siya lumapit. Hinapit niya ang beywang nito na kinagulat nito.
"Hi." Hel seductively smile at her. Mas pinaglapit niya pa ang katawan nila, dahilan para makakuha sila ng atensyon.
"You look so lovely tonight...hindi ko alam kung bakit hindi ko ito agad nakita, I may have a poor eyesight to ignore such beauty." Hinagod niya pa ng daliri ang mukha nito. Sinamantala niya ang pagkakatulala nito kaya naman nilapit niya ang kanyang mukha...napapaikit ito, gotcha! Nahulog ito sa kanyang bitag. Kinuha niya sa nakaabang na waiter ang isang baso ng inumin at binuhos sa ulo nito. Napadilat ito sa kanyang ginawa. Siya naman ay tawang tawa sa histura nito. Nakikita niya na ang pag usok ng galit sa ilong nito, ang mga tao sa paligid nila ay nag umpisa nang iumang ang kanilang mga cellphone para kuhanan ang eksena.
"Itong bagay sa'yo!" isang babae ang lumapit para itulak si Venee sa pool. Hindi niya inaasahan iyon, kung sila lang kanina ang nakasaksi sa eksena ngayon ay lahat na ang nakapansin. Naka flash na rin kasi sa naka set up na screen ang basang basang si Venee.
This is more than fun. Punong puno ng tawanan ang buong venue, ang babaeng tumulak kay Venee ay kaibigan ni Antonette. Malamang galit din sa ego ng babae na ito.
"That's what you get for acting so arrogant." He flash her a develious smile. " You never said that you wanted to be kissed, sana nakipag bargain ka na lamang sa akin...baka sakaling nagbago pa ang isip ko." Tuya niya pa dito. Pumikit ito sandali, maya maya pa ay hinuhubad na nito ang suot na boots at binato sa kanya. Buti na lamang at hindi ito asintado. Hindi niya nga lamang inaasahan ang sunod nitong ginawa. Ang damit na puti naman nito ang hinubad.
Nababaliw na ba ito? Maghuhubad ito sa harapan ng lahat?
Pero umahon ito at ang tawanan kanina ay napalitan ng sipol at paghangga ng mga kalalakihan. Venee's walking towards him, wet all over with her red two piece. Ilang beses siyang napalunok habang nakatingin sa maganda nitong katawan. Nag gygym nga pala ito. How can that witch be this sexy, hot and gorgeous.
She smirked at him.
Basta nakita niya na lamang ang sarili na basang basa at nahulog na sa pool , si Venee naman ngayon ang nakapameywang at may ngiting tagumpay na nakamasid sa kanya.
Hindi ito dapat nag popose ng ganoon? Hindi ba nito alam na mas sumesexy ito?
Nakakainis!
"FYI Mr. I was not thinking about kissing you...Iniisip ko kung paano ka pababagsakin in the most brilliant way. Naunahan mo lamang ako, but that was the first and the last. Loser."
"Ms. Venee, towel?" lumingon ito sa isang nerd na lalake na may inaabot na towel. Ngumiti ito doon at kinuha ang towel. "Thank you." Hindi lamang iyon hinalikan pa nito sa pisngi ang nerd na iyon.
So ganoon ang mga tipo niya? Baliw na babae.
Pagkaahon niya naman ay suntok mula kay Roose ang sumalubong sa kanya.
"I told you to leave her alone!" singhal nito. Hindi siya umimik, tinulak niya ito ng muli siya nitong sinugod.
Leave her alone?
Imposible na ngayon.