chapter 8:

1676 Words
Roose fuming mad, kaya naman pagkaahon ay sinuntok niya agad si Hel, binalaan niya na ito pero hindi ito nakinig sa kanyang paki-usap. "I told you to leave her alone." Sigaw niya dito at muling sinugod, pero tinulak siya nito at hindi man lamang sumagot sa kanya. "Roose tama na!" it was Antonette. Yakap siya nito galing sa likuran, ramdam niya ang tensyon sa yapos nito. That's good thing about her, she care to all of them, ayaw niya silang nag-aaway, sila naman ay nadadala sa paki-usap nito, kapag may tampuhan silang mga lalake, si Antonette ang nagiging tuloy. But not this time, he cannot forgive Hel this time! Pinukpok pa nito ang ulo pa tagilid, mukhang may pumasok na tubig sa tainga ng gago. Wala siyang pakealam kung maging laman sila ng tsismis ng bawat estudyante na present sa party. "This is my last warning Hel, leave Venee alone or kung hindi kalilimutan ko ang pinagsamahan natin!" banta niya dito. A smirk was form in his face, nananakam siyang manuntok muli. "I will never leave your sister alone Roose, hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaisa sa kanya. " Roose hates it. Roose hates it when he's not listening to him, he hates that he's unstoppable and he hates it the most that he address Venee as his sister. fuck it. He never consider her as his sister dahil hindi naman talaga, he wanted her more than that. Kahit pa ganoon ang ugali nito, bata pa lamang sila at hindi pa siya nito nakikilala, gusto niya na ito. Ngayon pa ba? Ngayon pa ba? "Hel pwede ba tama na? Please huwag naman kayong mag away!" umiiyak na si Antonette na lumapit kay Hel, sina Jei naman ay lumapit sa kanya, asking him to cool down. Hindi siya sumagot bagkos ay tumalikod nagbabakasakaling maabutan niya pa si Venee sa labas, mabilis siyang tumakbo, pero likod na lang ng paalis na sasakyan nito ang kanyang naabutan. Muli siyang napamura saka tumungo sa kanyang sariling sasakyan. Sa bahay na lamang niya kakausapin si Venee. Nag aalala siya dito at higit sa lahat, nangngingitngit siya sa galit sa tagpo kanina, natatakot siya na makita ni Hel ang bagay na nakikita niya kay Venee. If that happens, it's impossible for them to be friends. Hindi siya naniniwala na pwedeng maging kaibigan ang magkaribal. ... "Damn that Lucifer!" usal ni Venee sa kanyang sarili, nakapatong sa kanyang balikat ang binigay ng tuwalya sa kanya ng mabait na lalake sa loob. Kung hindi baka nilalamig na siya ngayon, pero sa nararamdaman niyang inis sa mayabang na nasa loob, para napapaluwa ng apoy. Pumunta muna siya sa likod, kinuha niya ang bag doon na may lamang extra na damit. Tee shirt and short, buti na lamang at lagi siyang may baon na damit sa ng kanyang compartment. She wear it immediately, may narinig pa siyang sumipol sa kanyang likod, hindi niya iyon pinansin, pumasok na siya sa kanyang kotse para umalis sa likod na iyon. Bakit hindi kasi siya nakinig sa isang bahagi ng kanyang utak, sabi na nga ba na wrong idea ang pumunta sa nasabing party, bakit pa kasi siya na curious? Pero at least, hindi siya tuluyang napahiya sa huli, ang mahinang Hel pa rin na iyon ang naging katawa tawa. She has no idea what will be the outcome of tonights event but she's assured na hindi siya ang talunan doon. "Anong akala niya? Makakaisa siya?" mabilis naman din siyang nakauwi sa kanilang bahay, tumungo siya agad sa kanyang kwarto para maligo. Nag babad siya sa bathtub, kagaya ng nakaraan, nalulunod na naman siya sa malalim na pag iisip, pero mayroon nang nadagdag, ang nakakainis na mukha ni Hel na masarap tirisin. A loud knock on her door made her stop from assasinating Hel in her mind. Matapos noon ay boses ni Roose ang kanyang narinig. "Venee, open up please?" "Ano naman ang kailangan ng isang ito?" Wala sana siyang balak tumayo pero napakalakas ng boses nito, sabayan pa ng malakas na katok. Pakiramdam niya kahit kapitbahay mabubulahaw. Wala sa loob na kumuha siya ng roba para isuot ang kanyang basang buhok namay ay pinaluputan niya ng tuwalya at inayos ng tumpok sa kanyang ulo. Kunot ang noo ay lumapit siya sa pinto ng kanyang kwarto para pagalitan ang nakakabulahaw na si Roose. "Sisirain mo ba ang pinto ng kwarto ko?" maliit lamang ang pagkakabukas niya kaya lamang ay tinulak iyon ni Roose, hinawakan siya nito na magkabilang braso. "Are you okay, hindi ka ba nasaktan kanina?" tama ba ang nakikita niyang pag aalala sa mukha nito? Napakalapit nito sa kanya, tinignan pa siya mula ulo hanggang paa. She almost forgot that she's wearing nothing underneath her robe. Winasiwas niya ang kanyang kamay para makawala sa hawak nito. "I'm fine, pwede ba? Stop exaggerating." Inis niyang sabi dito. Bahagya na itong ngumiti sa kanya, hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Ang kanyang mukha ay kinulong sa mga kamay nito. "I can't help it baby, masyado kang importante sa akin para hindi ako mag-alala." Mabilis niyang inalis ang kamay ni Roose sa kanyang mukha pagkarinig sa mga salitang iyon. He called her baby? Since when? "I can take care of myself. " humakbang siyang paatras ditto, pero tuso si Roose, hindi nakakaramdam sa pagkailang na kanyang nararamdaman sa presenya nito. "I know, but still I want to take care of you and I won't let Hel touch you again." Nag tiim ang bagang nito pagkasambit sa mayabang na si Hel. So nagkaroon ng alitan ang dalawa na siya ang dahilan? Oh God, hindi naman niya ginusto na pumasok sa landan ng mga ito. Sila ang siyang lumalapit sa kanya. "He won't and please do me a favor, get out of my room. As you can see I am not properly dress." She rolled her eyes, ang kanyang kakaibang nararamdaman sa amusement na binibigay ni Roose ay nilakipan niya ng pagtataray. "You still look beautiful anyway, as always." Muli itong ngumiti sa kanya bago tumalikod, bago pa man nito sinara ang pinto ay nagpahabol pa ito ng isang malambing na goodnight. She's cursing him inside. She knows that there's something in him, something that she didn't like, at kung hindi niya gusto, mas lalong hindi gusto ng daddy at ng mommy nito. "That guy is crazy." Nagpatuloy ang kabaliwan ni Roose hanggang Lunes ng umaga. Buong weekend kasi ay nasa loob lamang siya ng kanyang silid, nagpapahatid lamang siya ng pagkain sa kanyang silid. Abala siya sa nalalapit na exam at pakikipag kuwentuhan kay Marinella online. Her best friend was asking for advices about sa lovelife nito. Sa kanya pa talaga humingi ng advice. Marinella wants to give her childhood friend a chance; kasi daw wala daw siya sa tabi nito kaya kailangan daw nito ng makakaramay and ka steady relationship. Hindi niya alam kung ginagawa lamang siyang dahilan nito para sagutin ang kababata na gusto rin naman o kinukunsensya lamang siya nito dahil iniwan niya ito? Sumabay siya sa breakfast, akala niya nakaalis na si Roose nagulat siya ng bigla itong dumating sa hapag at binate pa siya ng Good morning. Well he usually do, pero mas lively ito ngayon, to the point na nakaka bother. Kibit balikat lamang ang sagot niya ditto as usual. "Aalis na ako, thanks for the meal." She said to no one in particular. Nakatalikod na siya sa dining ng mag paalam din si Roose, to think na halos kauupo lamang nito. His mother tried to stop him pero masasaway niya ba ang malaki na? Nasipa niya ang gulong ng kanyang kotse ng mapansing malambot iyon. Hindi lamang ang nasa unahan, maging ang nasa likod. Umikot siya para makitang pati ang gulong sa unahan ng kanyang kotse ay malambot din, ang nasa likod lamang ang siyang matino. "Got a problem?" nakakalokong ngisi ni Roose ang sumalubong sa kanya. "None of your business." Kinuha niyang muli ang kanyang gamit sa passenger seat. Magtataxi na lamang siya today. Buti at maaga pa naman bago ang kanyang first subject. "You know, pwedeng pwede naman kitang isabay." Obviously, alok nito. "No thanks, can find my way to school...hindi naman ako ligawin." "Kaya nga liligawan kita." "What?" napasinghal siya dito. "Wala naisip ko lang, ligawin at ligawan, naisip ko lamang...parehas kasi ng meaning." Inirapan niya ito. Aalis na sana siya pero umaatake na naman ang sakit nito na paghawak sa kanyang braso. "Please don't be stubborn this time." Pag mamakaawa nito sa kanya, his eyes pleading. "And who are you to tell me about that-" may idudugtong pa sana siya kaya lamang napabaling sila parehas sa boses ng kanyang daddy sa kanilang likuran. "What's going on?" "Ano po sira ang gulong ng kotse ni Ven, inaalok ko siyang sumabay na sa akin kaysa mag taxi. Alam naman po natin na delikado sa panahon ngayon." Sagot nito sa kanyang ama. "Roose's right Venee, sumabay ka na sa kanya, ano na lamang ang sasabihin ng mommy mo kapag napahamak ka?" wala na siyang nagawa kung hindi ang mauna sa kotse ni Roose kaysa naman makinig sa mahabang lintanya ng kanyang ama. Pero imbes na sa harapan ay sa back seat siya naupo. She crosses her arms as she glare at the man in the driver seat. Nakangisi kasi ang loko. "You really treat me as your driver today." "Yeah, why not, sino ba naman kasi ang dahilan kung bakit hindi ko magamit ang kotse ko ngayon, at nagtira ka pa ng isa...bakit hindi mo pa sinama?" it was not an accusation, it was a statement from her. Hindi naman niya ginamit ang kotse niya nitong weekend, nakaparada lamang at safe siyang umuwi. So the culprit? None other than this annoying guy in front. "Need to find ways to be with you. Para hindi ka maagaw." He said as the car moved. Napasapo siya sa kanyang ulo. This is one hell of a headache. Wait did she mention that another annoying man's name? Para naming hindi pa pinapasakit ng isang ito ang ulo niya at naalala niya pa ang isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD