Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko mula kay Kervy. Habang iniisip ko ang ginawa ni Bench noon para kay Kervy ay hindi ko maiwasang magtaka kung bakit hindi ko makita ang kabaitan na iyon kay Bench. It felt like the Bench that my boyfriend knew was far different from the Bench I met at this time. Kahit pa sabihing binago siya ng culture ng America, dapat, kahit papaano ay makikita ko pa rin sa kanya kung ano ang nakikita sa kanya ni Kervy. But because of what Kervy had said to me, naliwanagan ang isip ko kung bakit ganoon na lang kung pagbigyan nito si Bench. Tila naiintindihan ko na kung bakit ganoon kaimportante si Bench sa kanya dahil sa utang na loob nito sa kanya. Atleast, nakahinga ako nang maluwag at nawala na sa isip ko ang posibilidad na bakla silang dalawa. They are just reall

