bc

Her Deepest Secret

book_age18+
7.3K
FOLLOW
62.5K
READ
love-triangle
sex
second chance
drama
twisted
bxg
heavy
betrayal
cheating
secrets
like
intro-logo
Blurb

SPG/R-18: Read at your own risk. This story doesn't promote cheating or any way related to that. If you find some chapters disturbing/stressful then please skip those parts or better yet unfollow this story.

Sa loob ng pitong taon bilang magkasintahan nila Suzetthe at Kervy ay masasabi ng lahat na subok na ng panahon ang kanilang pagmamahalan. Sa tagal niyon ay hindi naiwasan ni Suzetthe na makaramdam ng pagod at pagkasawa sa relasyon nilang dalawa. Everything is good with Kervy. He is everything she could ask for but everyday in their lives seemed so predictable. She wanted to feel something and do more new things with excitement but Kervy was too busy to give it to her. Kaya naman nang dumating ang matalik na kaibigan ni Kervy na si Bench ay mabilis itong nahulog sa bitag ng lalaki. The guy is playful and willing to explore new things which she had longed to do with Kervy.

Handa ka bang bitawan ang pitong taon na pagmamahal sa isang tao para muli mong mahanap ang sarili mo? Are you willing to take the risk to enjoy the borrowed time that had been given to you? How long can you keep your deepest secret?

chap-preview
Free preview
Simula
Halos tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ang kamay ni Bench sa ilalim ng lamesa. Kasalukuyan kaming nasa restaurant. Simula kasi nang makauwi ang matalik na kaibigan ni Kervy ay napapadalas na ulit ang labas namin. Wala naman sanang problema iyon kung kaming dalawa lang pero lagi talagang kasama si Bench sa amin.  Minsan iniisip ko kung sila ba ang magkarelasyon dahil pakiramdam ko ako ang third wheel sa kanilang dalawa. I was always quiet whenever they were talking about business and some random stuff. Minsan ay nakikitawa rin ako sa kanila pero iyon lang iyon.  Hindi kasi ako kumportable kay Bench. I know, he is my boyfriend’s best friend and I must be comfortable around him pero hindi ko iyon magawa dahil hindi ko gusto ang ugali niya, lalo na ang paraan ng pagtitig at pakikipag-usap niya sa akin sa tuwing napag-iisa kaming dalawa. “Excuse me, I’ll just go to the bathroom,” wika ni Kervy. Alanganin akong ngumiti sa kanya at tumango.  Naramdaman ko ang matinding kaba sa akin habang pinagmamasdan ang likod ni Kervy na naglalakad palayo sa lamesa namin. Unti-unting umaangat ang kamay ni Bench sa hita ko hanggang sa makapasok na iyon sa loob ng aking dress.  Mariin kong hinawakan ang kanyang kamay at sinamaan siya ng tingin. Napangisi ito at pinagsalikop ang aming kamay. “Stop it, Bench.” His brows wiggled and there was this playful glint in his eyes. “Stop what, Zetthe? Wala naman akong ginagawang hindi mo gusto.” Nakaramdam ako nang kakaiba dahil sa sinabi niyang iyon.  Hindi ko alam kung kailan nagsimula na parang kontrolado niya ang emosyon ko. Ang alam ko lang ay ginagawa ko naman ang lahat para layuan siya dahil sa tuwing nararamdaman kong malapit na akong magpadala sa apoy ay pumapasok sa utak ko ang nakangiting mukha ni Kervy. Kervy and I were already on our seventh year of being in a relationship. Sobrang dami na naming napagdaanan. We were with each other through our ups and downs and we were already seeing the future of us being together. Siya na ang lalaking pakakasalan ko.  We have known each other for so long at hindi ko maisip na sasayangin ko ang pitong taon ng buhay ko para lang kay Bench. Alam ko sa sarili ko kung ano ang tama. Hindi porket nakakaramdam ako ng pagod at pagkasawa sa relasyon namin ni Kervy ay susukuan ko siya at lolokohin.  Mahal ko si Kervy pero ang hirap labanan ng tukso. Ang hirap labanan ni Bench.  “Stop this, Bench. I already told you. Kung gusto mo ng babaeng makakalaro, huwag ako. I’m already with Kervy. He is your best friend!” mariin kong sabi. Lalong lumapad ang ngiti nito. Hindi ko na maintindihan kung ano ba ang nakakatuwa sa pinag-uusapan namin. Hirap na hirap na akong pigilan ang sarili ko sa kanya. All he could do is to help the both of us and spare our lives from being a cheater.  Sana iniisip niya ang magiging epekto nito kay Kervy. Malaki ang tiwala ni Kervy sa kanya, lalo na sa akin at alam kong hindi nito iisipin na lolokohin namin siya.  “You can’t dictate who I want to play with, Zetthe. If I said that I want you, then it’s you and nobody else. Aren’t you flattered? Kaya kong patusin si Kervy para sa iyo.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. He is definitely an assh*le! I really can’t believe how he became friends with Kervy. Napakalayo ng ugali nilang dalawa! My boyfriend doesn’t deserve a friend like him. Napakabait ni Kervy sa kanya tapos ganito ang igaganti niya? Ganito siya mag-isip at parang wala lang sa kanya ang thought na lolokohin niya ang best friend niya? He’s insane! Binitiwan niya ang kamay ko at pinaglandas ang kanyang daliri sa labas ng panty ko. Napasinghap ako at napaupo nang tuwid. Sh*t! My body already knew how to react with his touches! I hated it pero hindi ko mapigilan. Kaagad kong tinanggal ang kamay ni Bench sa akin nang makita sa malayo ang pagbalik ni Kervy. I focused my eyes on my plate and continued eating. I can’t look at Kervy without feeling my conscience attacking me. Wala pa mang ganap na nangyayari sa pagitan namin ni Bench pero pakiramdam ko ay nagkakasala na ako ngayon pa lang. I should only be attracted to Kervy. Sa kanya lang dapat ako nakakaramdam ng pagnanasa. Wala dapat ibang lalaking nakakahawak sa akin pero nagagawa na iyon sa akin ni Bench. Kahit maliliit na bagay pa lang ang mga iyon, I already felt like I was cheating on him.  “How’s your vacation here in the Philippines, Bench? Are you having fun yet?” magaang tanong ni Kervy. Napaangat ang tingin ko kay Bench ngunit agad ko ring iniwas iyon nang magtama ang tingin naming dalawa. I heard his deep laugh before answering. “Yes, of course. Iba pa rin talaga dito sa Pilipinas. Iba ang kamandag ng mga Pinay kaysa sa mga Amerikana.” They both laugh at his remark samantalang ako ay kinakabahan na. Ni hindi ko magawang makitawa sa kanila dahil alam kong may laman ang sinasabi ni Bench. “You still didn’t change. I already told you to go and find a decent girl. Hindi ka na bata, Bench. Hindi na tayo bata. Actually, Zetthe and I are already planning about marriage. Siguro kapag natapos lang ang deal ko sa China, papakasalan ko itong girlfriend ko.” Halos napaigtad ako nang maramdaman ang kamay ni Kervy sa hita ko. The familiarity was there but the chills that it gave me was far from Bench’s touch. Mukhang nahalata ni Kervy ang gulat ko kaya nag-aalala itong tumingin sa akin. “What’s wrong, Zetthe?” Umiling ako sa kanya at ngumiti. I just hope that it won’t look like a forced smile.  “Bakit parang gulat na gulat ka, Zetthe? Don’t tell me ayaw mo pang pakasalan itong best friend ko?” pabirong sabi ni Bench. Tumikhim ako at nagsalita. “No, of course I will marry Kervy. I love him that’s why I want to spend the rest of my life with him. Ikaw, bakit nga ba hindi ka na magtino? Gayahin mo itong best friend mo para hindi ka nalulungkot na mag-isa riyan.” Humalakhak si Bench at tinitigan ako nang maigi. “Who told you that I’m sad? I am having fun! Hindi naman porket single ako at hindi pa nakakahanap ng pakakasalan ay malungkot na ako. Good for the both of you. I can clearly see that you love Kervy and I hope that it stays that way,” mapang-asar na sabi nito.  Kuhang-kuha ko ang pinaparating niya sa mga sinabi niya. Nang marinig ko ang pagtawa ni Kervy ay nakahinga ako nang maluwag dahil mabuti na lang at hindi ito nakaramdam ng kakaiba sa sinabi ni Bench. Tulala ako habang nasa biyahe kami ni Kervy sa condo naming dalawa. Hindi pa man kami kasal ay alam na rin naman ng lahat, especially our family both sides and friends, na kami rin ang magkakatuluyan sa huli kaya naman sila pa mismo ang nag-push sa amin na magsama na sa iisang lugar para mas makilala ang isa’t-isa. It was fun at first, having to live alone with your boyfriend. Pakiramdam namin noon ay bagong kasal kami but as time goes by, napansin ko na paulit-ulit na lang ang nangyayari sa aming dalawa. Lalo pa ngayon that he got busy with the deal in China kaya madalas ay late na ito kung umuuwi at nawawalan ng oras sa akin.  Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito dahil wala namang nagbago sa tungo sa akin ni Kervy. He was always sweet and caring to me. Napakabait niya rin at lagi niyang inuuna ang lahat ng gusto ko. He always prioritized me above anything else.  That seemed perfect for everyone pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkasawa sa ganoon. I felt like it was too perfect. Our relationship is too good to be true to the point that it got me so worn out. Nakakapagod. Paulit-ulit lang. I want something exciting. I want something new in our relationship. Napalingon ako kay Kervy nang kinuha niya ang kamay ko at marahang hinalikan. “What are you thinking?” malambing na sabi nito. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. He is driving kaya ang gilid lang ng mukha nito ang nakikita ko. This is the first man that I have loved this way. I know deep within me that he is still one holding my heart.  Siguro ay pagsubok lang ito para sa akin. Maybe God was challenging my faith in Kervy. Baka kailangan ay mas magkaroon ako ng time para makapag-isip upang malinawan sa nararamdaman ko. I know I could surpass this emotional turmoil that I was having right now. “Kervy, are you still busy? Can we have some time alone? Can we have a rest or vacation, maybe?” mahina kong tanong dito. Pansamantalang huminto ang sasakyan dahil sa stop light. He glanced at me. “Why, Suzetthe?” kalmadong tanong nito sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto kong mag-open sa kanya sa nararamdaman ko. Palagi naman akong nagsasabi sa kanya ng mga nararamdaman ko lalo na kapag masaya ako o kapag may mga nalalaman ako. He is my best friend after all pero may mga bagay pa rin akong hindi nasasabi sa kanya lalo na kapag tungkol na sa relasyon naming dalawa.  “Napapagod kasi ako, Kervy. I don’t know if it’s just me pero gusto ko talaga na makapag-isip at magkaroon ng oras para mas makasama ka. You have been busy for the past weeks or months. Na-mi-miss na kita...” nanginginig kong sabi. He looked at me worriedly. Tila nagugulat ito sa sinasabi ko but I saw him took a deep breath na para bang napapanatag ito dahil nagsasabi ako sa kanya ng problema sa aming dalawa. “Let’s talk about it once we get home, Zetthe. You can tell me everything. Sabihin mo ang mga nararamdaman mo. Kung napapagod ka na ba sa atin, kung nagsasawa ka na ba so that I could do something for it. I appreciate that you’re telling this to me now.” Tumango ako sa kanya at nanatili na kaming tahimik hanggang sa makauwi ng condo. When we reached our unit ay agad niya akong niyakap nang mahigpit. From there, I started crying. Naghalo-halo na ang emosyon ko. Pagod, pagkasawa, konsensya at lungkot. I felt like I was slowly losing myself. Gusto ko ng makabalik sa dati. ‘Yong Suzetthe na masaya at walang inaalala. ‘Yong Suzetthe na mahal na mahal si Kervy at walang ibang iniisip noon kundi ang buhay namin sa hinaharap.  “I’m sorry, Kervy. I’m sorry kung napapagod na ako. Please know that this is not your fault. Ako ang may mali sa ating dalawa kasi ako ang nagbabago. You... you never changed. Ikaw pa rin ang Kervy na minahal ko at patuloy kong mamahalin.” Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. “You don’t have to say sorry to me, Suzetthe. It was perfectly normal. Sa totoo lang, magaan sa loob ko na sinasabi mo ito sa akin ngayon instead of doing something that could affect our relationship. Ayos lang na mapagod sa relasyon, Suzetthe, atleast you tell it to me and we can talk about it now.” Hinalikan niya ang noo ko at hinayaan niya akong ilabas ang lahat ng gusto kong sabihin. He stood there, patiently listening to me as he silently comforted me. Ni isang beses ay hindi ito nagsalita para putulin ako o kwestiyunin ako sa mga sinasabi ko. He respected everything that I told him as if acknowledging my feelings and accepted where we both go wrong in our relationship for me to feel this.  “Gusto mo ba munang umuwi sa inyo, Suzetthe? Do you want to take a rest without me?  Do you want to look for yourself alone? Whatever you want, Zetthe, I will respect it and will wait for you to come back to me.” He said while looking at me lovingly.  Pakiramdam ko ay lalo akong maiiyak. Napakabait niya sa akin at kahit nakangiti siya sa akin ngayon ay alam kong masakit para sa kanya na ganito ang nararamdaman ko sa relasyon namin. I bet he was already questioning himself kahit wala naman talaga itong ginawang hindi maganda sa pitong taon na relasyon namin.  “Gusto kong makasama ka, Kervy. I want to spend more time with you.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook