Kabanata 1

2271 Words
“Hello, Ma’am! What’s your order?” malalaking ngiting sabi ng cashier. “Cheesecake and pearl milk tea lang. Take out.” Tumango ang kahera at agad na pinindot ang order ko. Binuksan ko ang aking bag at hinanap ang wallet ko. “Upgrade na po ba natin into maior?” I nodded to her. Maya-maya ay sinabi na nito kung magkano ang babayaran ko.  Kaagad na nagsalubong ang kilay ko nang hindi mahanap ang wallet ko. Alanganin akong ngumiti sa cashier na mukhang nagtataka na sa ginagawa ko. “Wait lang ha. I can’t find my wallet.” Isa-isa kong nilabas ang mga gamit ko at bago ko pa man maubos ang laman niyon ay nakita ko ang malaking butas sa gilid ng bag ko.  From there, I also noticed that aside from my wallet, my phone is also nowhere to be found! Nakaramdam ako ng kaba saka tumingin sa cashier. Lumingon ako sa likod ko at nakita ang isang lalaki na nakatingala sa menu na mukhang naghahanap ng order niya.  Kaagad na bumaba ang tingin nito sa akin. Mabilis akong bumaling sa kahera para ipa-cancel na lang ang order ko. I can’t do anything about it. Nadukutan ako! “I’m sorry, cancel na lang. Nakuha kasi ang wallet at phone ko. Pasensya na talaga,” nahihiyang sabi ko dito.  Alanganin itong ngumiti saka tinawag ang kanyang manager upang ma-void ang order ko.  The manager was about to swipe the card when the man from behind stood beside me. Ipinatong niya ang 200 pesos sa lagayan ng bayad. “Ito na ang bayad niya.” Nagulat ako sa ginawa ng lalaki. Ngumiti nang matamis ang cashier, ganoon din ang manager. Pareho kasi silang babae at sa mga pagpapa-cute pa lang nila na ganyan ay tiyak kong nagpapansin sila sa lalaki dahil medyo may itsura ito.  Isinabay na rin ng cashier ang order ng lalaki doon para sabay na mai-serve ang inumin namin.  Nahihiya akong sumunod sa kanya. He chose a two-seater round table. Nag-aalangan pa nga ako kung talagang uupo ako sa harap niya o magpapasalamat lang at maghihintay na kung saan sa order ko. “Please take a seat,” magaang sabi nito. He was smiling at me. Hindi ko alam kung wala bang bahid ng pang-aasar iyon o talagang mukha lang siyang inosente at mabait. Dahan-dahan akong naupo at nagpasalamat sa kanya. “Thank you ha,” mahinang wika ko. Napadako ang tingin ko sa kanyang suot. Magkapareho kami ng uniform kaya alam kong kahit papaano ay nasa iisang mundo lang kaming dalawa. I can ask for his details para mabayaran ko siya bukas.  “No worries, hindi mo naman kasalanan na nadukutan ka.” Dumating ang order namin. Mismong ang manager pa nga ang naghatid niyon sa table namin at maharot pang ngumiti sa lalaki. Hindi na nahiya ang mga ito.  “Pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Or even your course and building kung nasaan ka bukas? I will pay for this.” Umiling ito at nagsimulang humigop sa kanyang milk tea. “Huwag mo na akong bayaran. Pampalubag loob ko na sa iyo ‘yan dahil nanakawan ka. I’m Kervy by the way. Business Management major, ikaw?” maligayang sabi nito. His voice was so calm and he looked very friendly to me. Mahahalata mo sa kanyang casual lang talaga itong nakikipag-usap sa akin o walang ibang balak kundi makipagkilala lang talaga.  “Suzetthe, Management Accounting major.” Nanlaki ang mata nito. “Wow, so you’re good in math?” Napangiwi ako. Kapag talaga may nakakarinig ng course ko ay iyan palagi ang tinatanong sa akin. Hindi ba pwedeng masipag lang mag-aral? Lahat naman nadadaan sa sipag at tiyaga. Some even graduated in a more complicated course kahit na hindi naman sila sobrang magagaling sa bagay na iyon. Lahat naman ng bagay ay natutunan. “Hindi naman. Sakto lang.” Ngumiti ito nang malaki kung kaya’t halos mawala na ang dalawang mata nito. Mukha siyang Chinese dahil sa pagiging chinito nito. Dagdag pa na ang puti ng kutis niya. Napakalinis niya pang tignan dahil sa maayos nitong buhok. Lalo pa itong nagiging gwapo dahil palangiti siya at ang liwanag ng aura niya. Mukha pang mabait.  I bet everybody has a crush on him. Dito pa nga lang sa shop ay marami na ang mga tumitingin sa kanya. Paano pa kaya sa mga ka-block niya or even sa building nila.  “Business course ka rin pala ‘no pero ngayon lang kita nakita. I’m sure naman na nakakapunta ka sa MNH Building hindi ba? May mga klase ka rin doon kaya bakit parang hindi pa tayo nagkasalubungan?” Medyo nailang ako sa tanong niya. We were strangers to each other. Hindi naman siguro kailangan na nakita na niya ako somewhere. Babayaran ko lang siya sa utang ko tapos kahit hindi ko na siya makita ulit. Kahit ayaw niyang magpabayad, susubukan ko na lang abangan siya sa building nila. Madali namang magtanong sa mga tao kung saan ang room na ginagamit ng mga Business Management students. “Baka naman nangyari na iyon, hindi lang natin namalayan pareho kasi hindi naman tayo magkakakilala,” matipid kong sagot dito. “I doubt it. Sigurado naman akong matatandaan ko ang mukha mo.” Natahimik ako sa sinabi niya. I don’t want to think anything about what he said. Hindi ko kilala ang lalaking ito. Anong malay ko kung may hidden agenda pala ito? Kahit hindi halata sa mukha niya ay ayoko pa ring magtiwala. A stranger is still a stranger.  Inayos ko ang gamit ko. Pasimple kong sinilip ang butas at ginawang pantakip doon ang mga notebook na meron ako para walang mahulog doon. Pagkatapos ay tumayo na ako at tinitigan ang lalaki. “Aalis na ako. Salamat talaga dito. I will pay for this kahit ayaw mo.” Ngumuso ito at walang nagawa kundi tumango.  “Alright, ikaw bahala. Bye, Suzetthe. See you around.” Ngumiti ito nang matamis sa akin at kumaway. Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tumango saka siya tinalikuran.  Kaagad akong umuwi sa apartment ko. Napapikit ako nang makita ang kalat doon. Masyado akong naging abala sa pag-aaral kaya napabayaan ko na ang apartment ko.  Hindi na ako nag-abalang magbihis. Kaagad kong sinimulan ang pagliligpit ng kalat. Halos mapuno ko ang basurahan dahil sa mga nagkalat na papel. Kahit ang mga plastic ng mga take out na pagkain ay kung saan-saan din nagsuot.  Nilinis ko rin ang maalikabok na pader at winalisan ang sahig. Halos dalawang oras ding tumagal ang paglilinis ko sa sala at sa kwarto ko. Sunod ko namang inasikaso ang naiwan kong hugasin mula pa kagabi hanggang kaninang umaga. Pambihira talaga, kung nandito lang si Mama ay malamang napagalitan na ako. Pagsasabihan nanaman ako niyon na kesyo ka-babae kong tao ay napakaburara ko at napakakalat sa bahay. Mabuti na lang talaga at naiwan sila doon sa Cebu. Sa Cebu talaga ako lumaki. Lumuwas lang naman ako dito para makapag-aral ng kolehiyo. Hindi kami mayaman na pamilya pero hindi rin naman mahirap. Katamtaman lang.  Hindi kami nagagahol sa pagkain at sa tuwing may mga emergency ay may nakatabing pera naman sila Mama. May maayos kaming tirahan at napag-aaral kaming magkakapatid ng maayos at kuntento na ako doon.  May dalawa pa akong kapatid at doon sila nag-aaral sa Cebu. Ang isa ay nasa high school at ang bunso ay nasa elementary pa. Medyo mabigat pa ang responsibilidad na nakaatang sa akin kaya naman nagpupursigi ako sa pag-aaral ngayon.  Kahit mahirap dahil hindi naman ako sanay na nahihiwalay kila Mama, okay lang. Tutal ay nasanay naman na ako. Halos tatlong taon na ako dito sa Manila at isang taon na lang ay makakapagtapos na ako.  Dito ko na rin balak sa Maynila na magtrabaho. Tiyak kasi na mas maraming opportunity dito kaysa sa probinsya. Kailangan ko pang makaipon ng pera dahil ang pangalawa ko namang kapatid ang pupunta dito sa susunod para makapag-aral ng kolehiyo.  Nang matapos akong makapaghugas ay naligo na ako. Sinilip ko ang oras at pasado alasingko na ng hapon nang matapos ako. Kaagad akong nagbihis ng pang-alis at kumuha ng pera na nakatago sa cabinet ko. Mabuti na lang talaga at hindi ko dinadala lahat ng pera ko. Kahit ang mga atm card ko ay narito rin in case na kailanganin ko ng pera. Kailangan kong bumili ng bagong phone kahit mga halagang lima o anim na libo lang.  Baka kasi biglang lumipad dito si Papa dahil hindi nila ako ma-contact. Saka kakailanganin ko rin ng cellphone habang nag-aaral. Sa ngayon kasi ay wala pa akong laptop. Pinag-iipunan ko pa iyon at malapit ko nang makumpleto iyon para makabili. Third year na kasi ako ngayon at next year ay magsisimula na ang thesis namin. Kakailanganin ko na niyon.  Nang matapos akong mag-ayos ay nagtungo na ako sa pinakamalapit na mall. Nagpasya akong dito na rin maghapunan para hindi na ako mag-uuwi pa ng hugasin at panibagong kalat sa apartment. Dumiretso ako sa mga bilihan ng phone. Mabuti na lang at may mga tao doon na pwedeng mag-guide sa akin kung ano ang magandang bilhin. Nakakatuwa nga na sa halagang anim na libo ay may magandang klase na ng cellphone. Hindi na talaga lugi. Bumili na rin ako ng simcard. Kabisado ko ang numero nila Mama kaya agad ko silang tinawagan nang makauwi ako.  “Diyos ko! Akala namin at napano ka na. Hindi ka naman kasi sumasagot sa tawag namin, Suzetthe! Muntik na ngang mag-book ng flight ang Papa mo.” Natawa ako kay Mama.  Sinabi ko sa kanila ang nangyari at laking pasasalamat ng mga ito na wala namang nangyaring masama sa akin. Mas okay na daw na manakawan kaysa mapatay.  Grabe kasi ang takot nila. Iyon ang isa sa mga napagdiskusyunan namin noon nang sabihin kong gusto ko sa Manila mag-aral. We were all aware of the crime rates here in Manila and they were so scared for me. Mag-isa lang ako tapos babae pa. Hindi ko na nga rin maalala kung ilang araw ko ba silang kinausap nang matiwasay para mapayagan nila ako. “Mag-iingat ka palagi riyan, Suzetthe ha! Kapag may problema, tumawag ka agad sa amin. Kapag kinulang ka na sa pera, sabihan mo lang kami para mapadalhan ka namin diyan.” Hindi mawala ang ngiti ko habang nakikinig kay Mama. Minsan ay naririnig ko ang boses ng mga kapatid ko sa background na nag-uusap at nagtatawanan. Bigla ay nakaramdam ako nang inggit. Gusto ko tuloy umuwi muna kahit saglit.  “Kayo rin diyan, Ma. Palagi niyo pong inumin ang mga maintenance niyo ni Papa. Huwag po kayong masyadong mag-alala dahil okay lang ako dito.” Binaba ko na ang tawag pagkatapos niyon. Kinabukasan ay sapat na pera lang ang dala ko, kasama na doon ang utang ko kay Kervy. Nagdesisyon na rin akong pumasok ng mas maaga kaysa sa normal kong pasok para mahanap siya. Sana pala hiningi ko na pati ang schedule niya ngayong araw para hindi ako mahirapan. Sa dami ba naman ng estudyante sa MNH Building, anong kasiguraduhan ko na makikita ko siya kaagad bago magsimula ang klase ko? Nang makarating sa building ay nakakita ako ng ilang kakilala. Ang iba sa kanila ay mga naging kaklase ko o kagrupo sa ibang subject. Sila ang napagtanungan ko kung saan ang room na maaaring ginagamit ngayon ng mga kakurso ni Kervy.  Nakangiti akong nagpasalamat sa mga iyon saka pasimpleng sumisilip sa bintana ng rooms na binanggit ng mga kakilala ko. Mabuti na lang din at magkakatabi lang ang room kaya pwede akong mag-abang sa labas hanggang sa matapos ang klase nila.  Ilang minuto akong naghintay sa labas. Panay ang silip ko sa relo ko para mabantayan ang oras at kung dapat na ba akong magtungo sa room ko. Dumaan pa ang ilang minuto at nakahinga ako nang maluwag nang magsilabasan na ang mga tao sa room. Hindi rin nagtagal ang pagiging kampante ko dahil sobrang dami naman ng tao ngayon. Sunod-sunod ang mga taong lumalabas at hindi ko na napapansin ang lahat ng tao doon. Nako, baka nakalagpas na si Kervy o sa ibang direksyon dumaan.  Bumaba muli ang tingin ko sa relo at nakitang ten minutes na lang bago magsimula ang klase ko. Siguro sa susunod ko na lang siya aabangan dito.  Akmang lalakad na ako paalis nang may mahinang kumalabit sa balikat ko. Nagtataka akong lumingon at doon ay nakita ko si Kervy na maaliwalas na nakangiti sa akin. Medyo singkit pa ang mata nito at basa pa ang buhok. Mukhang kakapasok lang din. “Hello, Suzetthe.” He showed me his handsome smile at halos mapatulala ako doon. Parang ngayong lang nag-sink in sa akin na gwapo nga ito. Bakit kahapon parang wala lang naman sa akin ang itsura niya? Napaiwas ako ng tingin nang tumikhim ito at napakamot sa batok. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa pagkatulala sa kanya. “Ah, Kervy, ito na ang bayad ko. Maraming salamat talaga kahapon ha?” Pinigilan ko ang reaskyon sa mukha ko nang magdikit ang kamay namin. Hindi ko malaman kung bakit bigla akong nagkakaganito ngayon samantalang normal naman ako kahapon nang makaharap siya. “Hindi ka na sana nag-abala pero salamat pa rin.” Tumango ako sa kanya at tatalikuran na sana siya nang magsalita nanaman ito. “Suzetthe, anong oras ang lunch mo?” Saglit na nagsalubong ang kilay ko. “Alas-onse ng tanghali hanggang alauna ng hapon, bakit?” He smiled widely and nodded. Nahihiya itong tumingin sa akin saka nagsalita. “Sabay tayong mag-lunch.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD