Kabanata 2

2133 Words
Hindi ako mapakali habang nasa klase. Nabigla ako dahil sa naging pag-aya sa akin ni Kervy. At mas lalo akong nagulat nang mabilis akong pumayag. Mukha naman siyang harmless at napag-usapan namin na sa canteen na lang kami ng university kakain. I don’t know if I was anticipating for it pero panay talaga ang tingin ko sa relo ko noong malapit na ang lunch time. Parang halos thirty minutes pa bago matapos ang oras ng subject ko ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ‘to. Para akong batang excited na makita ang kung sino kaya ako nagkakaganito. Siguro dahil ito ang unang beses na may taong gusto akong makasabay sa pagkain. Lalo pa at gwapong lalaki. For the past years that I was studying here, nagkaroon naman ako ng mga kakilala. May mga naging kaibigan din naman ako kahit papaano pero hindi sila ‘yong mga tipo ng tao na talagang magiging constant friends ko. Marami akong kaibigan pero para lang sa specific na dahilan at panahon. I have no best friend or constant friend na nakakasama ko sa araw-araw. Wala akong kaibigan na kasama kong kumain kapag vacant time ko o maglakwatsa kung saan-saan kapag walang pasok. I have no one to talk with my secrets or some random stuff kaya naman naninibago talaga ako ngayong niyaya ako ni Kervy. I don’t know if it was just me being excited or something. Nang tumunog ang bell ay kaagad akong tumayo at lumabas ng room. Usapan kasi namin ni Kervy kanina ay pupuntahan na lang niya ako dito sa room ko para sabay na kaming pupuntang canteen. Madadaanan din naman niya ang room ko papunta doon. Inikot ko ang tingin ko sa hallway pero hindi ko siya makita. Dibale, medyo matao pa naman kasi labasan din ng mga estudyante sa katabing room namin. Baka hindi ko lang siya makita dahil sa dami ng tao. I waited for the students to disappear at nang makita kong iilan na lang ang tao sa hallway ay saka ko ulit inikot ang tingin ko sa paligid. I smiled sadly when I didn’t see him around. Tumingin ako sa relo ko at nakitang limang minuto pa lang naman ang lumilipas. Hihintayin ko pa siya kahit mga sampung minuto pa, o kung kaya, kahit thirty minutes. Baka nag-extend lang ang professor nila o baka may inasikaso. It’s okay, Suzetthe. Nilibang ko na lang muna ang sarili ko sa bagong phone na nabili ko kagabi. Mas maganda ito sa phone kong nadukot at hindi ko pa ito na-explore. Nakakatuwa at ang bilis ng internet dito at hindi ma-lag. Mukhang kailangan kong ingatan ito at itago sa kasuluk-sulukan ng bag ko para hindi na ulit manakaw. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa sa video na nakita ko sa f******k nang maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. Bumaling ako sa kanan ko at nakita doon si Kervy. Hinihingal ito at pawisan. “Ayos ka lang ba? Gusto mong tissue?” tanong ko dito. Mukha itong nakahinga nang maluwag dahil sa tanong ko. Kinuha ko ang tissue sa bag ko at inabot sa kanya. Lumitaw ang malaking ngiti sa kanya at tinanggap iyon. I waited for him fix himself and calm down. Ibinalik niya ang tissue pagkatapos saka nahihiyang tumingin sa akin. “Pasensya na, Suzetthe. Pinaghintay ba kita nang matagal? Sorry talaga, nakakahiya naman.” Unti-unti akong napangiti sa kanya. I’m actually happy dahil sumipot siya. Akala ko kasi ay hopia lang ang pag-aaya niya sa akin. Inaya ko na itong maglakad papunta sa canteen. “Wala iyon, Kervy. Hindi naman ako matagal na naghintay,” kalmadong sabi ko dito. “Buti na lang at hinintay mo ako. Nag-over time kasi ang professor namin. Lagi na lang siyang gano’n. Kaya nga nang mag-dismiss siya ay tumakbo na ako kaagad dito. Mamaya kasi umalis ka na.” Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Naisip ko rin iyon kasi nararanasan ko rin ‘yan kaya naiintindihan ko.” I said calmly. Nang dumating kami sa canteen ay kaagad siyang lumapit sa bakanteng lamesa na pang-dalawahan lang. “Anong gusto mong kainin? Sagot ko na,” nakangiting sabi nito. Kaagad akong umiling. Nilabas ko ang maliit na coin purse kung saan nakalagay ang pera ko. “Huwag na. May pera naman akong dala.” Umiling ito. “Nope. I insist. Pagbigyan mo na ako para makabawi sa paghihintay na ginawa mo sa akin,” wika nito. Wala akong nagawa kundi pumayag. Nararamdaman ko kasing medyo makulit siya at hindi siya papayag kapag tumanggi pa ako. Pabor rin naman sa akin dahil makakatipid ako. Siya na ang bumili ng pagkain namin habang ako ay pinapanood lang siya mula sa lamesa namin. Nakakatuwa, pakiramdam ko ay mayroon akong bagong kaibigan. Sana nga lang ay tumagal. Sana hindi lang pang-isang semester. Magaan ang loob ko kay Kervy kaya’t gugustuhin kong maging kaibigan talaga siya. Maliwanag ang mukha ni Kervy nang bumalik siya dala ang isang tray kung saan nakalagay ang pagkain naming dalawa. Kukunin ko na sana ang para sa akin nang unahan niya ako. Halos mapanganga pa ako nang ito na rin mismo ang nagpunas ng tissue sa kutsara’t tinidor ko. “Ako na sana doon...” gulat kong sabi. Ngumiti ito nang malapad at ibinigay sa akin ang kubyertos. “Okay lang. Kain ka na, Suzetthe.” I nodded on him and started eating. Maya-maya ay nagsalita ito ulit. “Mabuti na lang at pumayag kang sumabay sa akin. Wala naman bang sinabi ang mga kaibigan mo kung bakit hindi ka nakasama sa kanila ngayong lunch?” Napahinto ako sa pagsubo at tipid na ngumiti kay Kervy. “Wala naman din akong kasabay kumain,” mahina kong wika. Napatitig siya sa akin at nagtaka. “Ha? Bakit? Imposible naman atang wala kang kaibigan. Nasa third year na tayo ha? Transferee ka ba?” Natawa ako nang mahina pero siya ay nanatiling seryoso. “Wala talaga akong kaibigan. Dito ako nag-first year.” Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. “Bakit naman?” Nagkibit-balikat ako saka nagpatuloy sa pagkain. “May mga kaibigan naman ako, well, I consider them one pero hanggang sa room lang. Nakakausap ko sila tungkol sa subjects namin. Nag-ngi-ngitian kami kapag nasa hallway pero hanggang doon lang eh. Wala talaga akong friend na nakakasama sa mga ganitong bagay,” mahabang paliwanag ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya at mukhang gulat na gulat talaga ito. Hindi siya makapaniwala. Bakit? Ako lang ba ang ganoon dito sa university? Pakiramdam ko naman hindi ako nag-iisa na loner dito. “Don’t look at me like that, Kervy. Masaya naman ako sa ganoon saka sanay na ako doon. Baka iniisip mo na kawawa ako dahil wala akong kasama palagi pero hindi. Kaya ko naman mag-isa.” Bumuga ito nang marahas na hangin. “Hindi. Hindi ako papayag. Bakit ngayon lang kita nakilala? Edi sana ay dati pa kita naging kaibigan. I can’t understand why, Suzetthe. Ang bait mo kaya at mukha pang masaya kang kasama. Why would they not want you to be their friend?” Natawa na lang ako ulit sa kanya. Tanong ko rin ang mga iyan pero matagal ko ng hindi iniisip ang mga iyon. “Hindi ko rin alam, Kervy. Pero okay lang talaga. Huwag ka nang ma-stress sa bagay na iyon.” Umiling ito. “No, Suzetthe. From now on, I can be your friend. Medyo pareho tayo pero marami akong kaibigan. Hindi nga lang pare-pareho ang nakakasama ko. I also don’t have a constant friend with me but atleast, I still have few that I can trust.” Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi doon sa sinabi niyang pareho kami ng sitwasyon kundi doon sa sinabi niyang simula ngayon, magiging kaibigan ko na siya. I was asking for it but I was open for the possibility na hindi ko siya magiging kaibigan talaga at tinotoo niya nga iyon. Hiningi niya ang number ko. He even added me on f******k para mabilis niya akong mahagilap. Maski ang schedule ko ay hiningi niya at kahit hindi ko kinukuha ay binigay niya rin ang schedule at number niya. Talagang nabibigla ako dahil noong isang araw lang, strangers kaming dalawa. It just so happen that he helped me with my small problem. Pagtapos ay sinaulian ko lang siya tapos ‘yan na, friends na kami! Napangiti ako nang uwian na at nakaabang siya sa labas ng room ko. Nagliwanag ang mukha nito at ngumiti nang malaki sa akin. “Zetthe! Kain tayo sa labas,” pag-aaya niya sa akin. He even had a nickname on me. Siya lang ang nakaisip niyan. Medyo nahahabaan daw kasi siya sa Suzetthe. “Ang takaw mo talaga. Hilig mong mag-ayang kumain. Mauubos ang pera ko sa’yo eh...” pabiro kong sabi dito. Naging kumportable ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit magaan ang pakiramdam ko sa kanya. He was like a breathe of fresh air for me. Punong-puno siya ng kwento at lagi lang talaga akong tumatawa kapag kasama ko siya. Hindi ko akalain na magpapasalamat ako sa kumuha ng wallet at cellphone ko noon dahil kung hindi ako nawalan ng pera noong bumibili ako ng milktea, baka hindi kami magkakausap at hindi talaga kami magkakakilala. “Hindi mo naman kasi kailangang gumastos. Sabi ko nga sagot ko na lagi pero umaayaw ka. Kasalanan mo ‘yan.” Nagkunwari pa itong masama ang loob sa akin at nang tinawanan ko siya ay natawa na lang din ito. Pumunta kami sa sasakyan niya. Nakakabigla nga dahil mayaman kasi talaga siya. Totoo ang nasa isip ko noon tungkol sa pagiging chinito niya. May lahi pala talaga siyang Chinese. Kaya pala ang lakas ng loob laging ilibre ako. Dumiretso kami sa isang fast food restaurant. Pumayag akong ilibre niya ako ngayon dahil nakailang kain na kami ngayong linggo at malapit ko nang masagad ang allowance na nakalaan para sa linggong ito. “Ang dami mo namang binili sa akin. Hindi mo naman ako kasing takaw.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Hindi ako matakaw. Mabilis lang akong magutom kasi mabilis ang metabolism ko. Ikaw kasi ang tagal mong busog pero malakas ka rin namang kumain kapag gutom talaga,” dipensa niya sa sarili niya. “Bottomline is matakaw ka. Pinaligoy-ligoy mo lang. Pinabango mo lang pero ibig sabihin niyon matakaw ka...” Hindi ko natapos ang pagsasalita nang sinalpakan niya ng fries ang bibig ko. Ako naman ngayon ang sinamaan siya ng tingin. Napakakulit ng lalaking ito! “Ang daldal mo nanaman, Zetthe. Kumain ka na lang diyan,” tumatawang sabi nito. Kaagad akong dumampot ng burger at isiniksik sa iyon bibig niya bilang ganti. Halos masamid siya dahil sa ginawa ko kaya naman hindi ko napigilang mapahalakhak nang malakas. “Akala mo naman mananalo ka sa akin,” pang-aasar ko dito. Ilang minuto niyang nginuya ang ang burger at nang malunok iyon ay agad siyang uminom ng tubig. Dumighay pa nga ito kaya natawa na naman ako. “Hindi ka talaga nagpapatalo. Pambihira, nagulat mo ako doon ha!” Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto ang dumaan na naging abala kami sa kanya-kanyang pagkain nang maya-maya ay nagsalita itong muli. “May itatanong ako sa’yo. Matagal na akong curious tungkol sa bagay na ito.” Napahinto ako nang makitang naging seryoso ang mukha niya. “Ano iyon?” Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya. Para bang napakahalaga ng itatanong niya at baka wala akong maisasagot sa kanya. “Wala kang naging kaibigan simula nang lumuwas ka dito sa Manila hindi ba? Ibig sabihin wala ka ring naging manliligaw?” Napapikit ako at nakahinga nang maluwag. Akala ko naman kung ano ang itatanong niya! “Kinabahan pa naman ako sa sasabihin mo tapos iyan lang pala! Wala siyempre. Pinagloloko mo ata ako eh.” Kumalma ang mukha nito at tila nakahinga rin nang maluwag saka uminom ng tubig. Nagtaka ako sa kanya. “Bakit mo naman natanong ang tungkol sa bagay na ‘yan ha, Kervy?” nagdududa kong tanong dito. Napaubo ito at mukhang nasamid sa tanong ko. Nanliit ang mata ko sa kanya. “W-Wala! Bakit? Bawal na bang magtanong ngayon? Curious nga lang ako.” Hindi ako natinag sa pagtingin sa kanya. Ginawa nito ang lahat para makaiwas ng tingin sa akin pero sinusundan ko ang mukha niya kung saan siya lilingon. Nagpipigil ako ng ngiti habang tinitignan siyang hindi mapakali. “Bakit parang hindi naman ako naniniwala, Kervy? Nako, baka naman may gusto ka na sa akin ha! I-friend zone talaga kita!” pabiro kong sabi dito. Kaagad na nagseryoso ang mukha niya. He looked at me straight in the eyes before speaking. “Paano kung oo, Zetthe? Iiwasan mo ba ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD