Ilang oras lang din ay dinala na sa akin ang anak ko. Pinad*de ito sa akin at hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ang sakit niyon. Nang medyo masanay na ako ay saka ko lang nagawang mapagmasdan siya nang sobra. Totoo nga ang sinabi ni Mama. Ni hindi ko makita ang bakas ng mukha ni Bench sa kanya. Hindi ko alam kung magandang senyales ba iyon dahil kuhang-kuha ng anak ko ang lahat sa akin. Kaya siguro ganoon na lang katuwa si Mama sa kanya. Tila nakalimutan niya na anak ko ito sa ibang lalaki at bunga siya ng kataksilan ko kay Bench. Nang makatulog siya ay inayos ko ang aking damit at taimtim lang na tinignan siya. Something in her is making me want to look for her more. Tila kinukuha niya ang lakas ko at nanghihina ako na makita siya, but in a good way. My heart started poundin

