Hindi ko sila sinagot at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay ngunit galit na sumunod si Mama at hinablot ang aking braso upang makaharap ako sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na mariing nakahawak sa akin. “Ma, masakit…” nanginginig kong sabi. My heart was beating faster and faster each second that is passing by. “Talagang masasaktan ka kapag hindi mo sinagot ang sinasabi ko! Buntis ka ba!?” sigaw nito. “Oo! Nakita niyo na nga yung sonogram ‘di ba?!” galit kong sagot. Napabitaw siya sa akin. Napahawak nito sa kanyang noo at gulong-gulong napatingin sa akin. “Eh bakit ka pa nakipaghiwalay kay Kervy kung buntis ka na pala!? Anong kaartehan itong ginagawa mo?!” bulyaw ni Mama. Sa likod niya ay nakita ko si Papa. “Ma, hindi ako aabot sa puntong ito, at pipiliing masakta

