Chapter Two

1310 Words
Chapter Two: Faded Napatingin ang lahat kay Ynna nang bigla itong sumigaw. Kahit ang professor nila ay napahinto din sa pagdidiscuss dahil sa narinig. “Miss Veniegas, kung ayaw mong makinig sa klase ko, you can go out, now!” Tumayo si Ynna at nagsorry sa professor bago bumalik sa pagkaka-upo. The professor then continued her lesson at pinalagpas na lamang ang nangyari. Ynna poked at Iris to get her attention. Napatingin naman sa kaniya ang dalaga. “Ano yun?”, bulong nito para hindi marinig ng professor nila. Ynna glanced at the professor first before she pass her phone to Iris. Kahit naguguluhan man ay tinignan ni Iris ang nilalaman ng phone niya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa nakita. “Mark is in the hospital now”, sabi ni Ynna sa kaniya. “I think we should visit him.” Hindi umimik si Iris. Napako ang tingin niya sa cellphone ni Ynna. ‘So, this explains the fading name. Ibig sabihin ba nito mamamatay siya?’, tanong ni Iris sa sarili. Nagpatuloy ang buong klase na walang naintindihan ang dalawa. Lutang sila sa buong dalawang oras na iyon, lalo na si Iris. Gustong-gusto na nilang umalis para pumunta sa ospital. Pagkatapos na pagkatapos magpaalam ng professor nila ay dali-dali silang tumakbo palabas ng university. “We should get a taxi”, Ynna suggested. Sumang-ayon naman si Iris at naghanap ng taxi. Thankfully, they found one. Mabilis na pumasok ang dalawa sa loob. “Manong sa Deltran Hospital po.” Tumango ang driver at nagdrive sa Deltran. Iris took Ynna’s palm again and she saw that Mark’s name is almost gone. “Andito na—” “Manong, thank you po”, pinutol ni Iris ang sasabihin ng driver at mabilis na nagbayad bago lumabas ng taxi. “So, where is he?”, tanong ni Ynna. Lumapit ang dalawa sa isang nurse. “Hello po. Nasaan po yung kwarto ni Mark Cerilo?” “Mark Cerilo? Sandali lang.” Kinuha ng nurse ang records ng hospital at hinanap ang pangalan na sinabi ni Ynna. “Nasa third floor siya, second room to the left”, sagot ng nurse sa kanila. Mabilis na nagpasalamat ang dalawa bago dumaan sa hagdan papuntang third floor. Agad nilang napansin na nagkakagulo ang mga tao na nasa kwarto na sinabi ng nurse sa kanila. Nakita din nila ang mga umiiyak na mga kaanak ng lalaki. “Time of death, 4:46 pm.” Ynna hold at Iris firmly when she heard those words. “H-He’s dead?” Tinignan ulit ni Iris ang mga palad ni Ynna at nakita niyang pangalan na lamang ng dalaga ang naroon. Lumabas ang doctor at humingi ng patawad sa mga kamag-anak ng lalaki na naghihintay sa labas ng kwarto. “Sayang, malaki pa sana ang tyansa niyang mabuhay kung hindi niya lang tinanggal ang oxygen support niya.” Napatingin si Iris sa dalawang nurse na nag-uusap sa gilid. Nakatingin sila sa kwarto ni Mark habang nag-aayos ng mga gamit nila sa isang storage room. Mahina lamang ang bulungan ng dalawa kaya lumapit ng kaunti si Iris sa kanila para marinig ang kanilang pinag-uusapan. “Sayang talaga. Sa pagkaka-alam ko depressed din daw yung lalaki.” Iris is sure that the person they are talking about is Mark. Lumayo na siya sa pwesto na iyon at hindi na nakinig sa tsismisan ng dalawang nurse. Lumapit sa kaniya si Ynna. “So, anong mangyayari na ngayon?” “Pangalan mo na lang ang nakalagay sa palad mo. I don’t know what will happen next”, sagot ni Iris sa kaniya. Malalim na napabuntong-hininga si Ynna. “Alis na ako. Masyadong magulo ang araw na ito.” Tumango si Iris at sumunod sa kaniya pababa sa ground floor. Iris felt sorry for Ynna. Kapag nalaman mo kung sino ang nakatadhana sa iyo ay paniguradong ma-e-excite ka talaga ngunit ‘pag nalaman mong patay na siya, paghihinayang naman ang mararamdaman mo. Sumakay ng taxi si Ynna at umuwi na. Habang si Iris naman ay malalim pa rin na nag-iisip dahil sa nangyari. Marahil ang mga kaganapan na ito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng kaguluhan sa mundo. Hindi lahat ng tao nakakatuluyan ang nakatadhana sa kanila. Swerte na lamang kung kahit hindi kayo nakatadhana ay mahal niyo pa rin ang isa’t isa. “Hey, lady! Watch out!” Napalingon si Iris sa nagsalita at laking gulat niya nang makita ang kotseng papalapit sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan sa kaba at takot. Mabuti na lamang at may humila sa kaniya papalayo sa kalsada. “Are you alright?” Lumingon si Iris sa pinanggalingan ng boses. Mabilis naman niyang napansin na nakayakap siya sa lalaki. Agad siyang humiwalay at yumuko. “Sorry. Sorry talaga.” Natatawang ngumiti naman ang lalaki sa kaniya. ‘Shocks, bakit parang ang gwapo niya?’, tanong ni Iris sa sarili. “Hey, ayos ka lang?” Napabalik sa realidad si Iris nang magsalita ang lalaki. “Huh? Ah, oo.” “Next time, you should pay attention to your surroundings. Muntik ka ng masagasaan”, sabi ng lalaki sa kaniya. Tumango naman si Iris. Napatingin siya sa suot ng uniform na lalaki. Ito ang uniform ng mga taga-business management sa kanilang university. “Taga-St. Claire ka din?”, tanong niya dito. “Yep. At mukhang ikaw din. I am Jasper, by the way.” Inilahad ni Jasper ang mga kamay niya sa dalaga. Ngumiti naman si Iris at nakipagkamay dito. “Iris Mendez. But Iris na lang.” “Iris? Sounds familiar”, sabi ni Jasper sa kaniya. “Are you the famous matchmaker?” Natatawang tumango naman si Iris sa kaniya. “Oo, ako nga ‘yon. Hindi ko alam na ganu’n pala ako kasikat.” “Well, I don’t know about anyone but I knew you because of my friends. You know Lara and Troy?” “Yes, of course. I am the one who introduced them with each other. Hindi ko alam na kilala mo pala sila.” Ngumiti ang lalaki sa kaniya. Iris can’t help but to be mesmerized by his face. He is exactly the epitome of her ideal guy. “By the way, I need to do some important things”, pagpapaalam ng lalaki pagkatapos tumingin sa relo nito. “Sure. See you at the school na lang.” Jasper waved goodbye at him bago bumalik sa ospital. Napa-isip naman si Iris kung bakit nasa ospital ang lalaki. Marami siyang mga posibleng dahilan na nabuo sa isipan niya ngunit isinawalang bahala na lamang niya ang mga iyon. Hindi dapat siya nakiki-alam sa buhay ng ibang tao. Tinahak ni Iris ang daan papunta sa bahay niya. Nagsisimula ng dumilim ang kalangitan kaya’t minabuti na lamang ni Iris na sumakay sa taxi papunta sa subdivision. Pagkahinto ng taxi sa tapat ng gate, nagbayad agad si Iris at bumaba sa kotse. Papasok na sana siya sa loob nang makarinig ng mga ingay na nanggagaling sa maliit na eskinita, ilang metro ang layo sa gate ng subdivision. Lumingon siya sa buong paligid at napansin niya na kakaunti na lamang ang mga tao na naglalakad. Habang ang mga tindero naman ay nagsisi-alisan na rin sa lugar. Dahil sa kuryosidad, nilapitan ni Iris ang eskinita at dahan-dahang sinilip ang kaganapan sa loob. “Eh kung sirain ko kaya iyang mukha mo nang hindi mo na mapakinabangan iyan?!”, sigaw ng isang lalaki. Lumapit pa siya para makita ang kaganapan. Nakatalikod ang lalaki sa pwesto niya, kasama ang ibang mga kabarkada nito. Napagtanto agad ni Iris na isang lalaki lamang ang pinagsusuntok nila. “Edi inamin mo din na inggit ka lang sa kagwapuhan ko.” Nanlaki ang mga mata ni Iris nang marinig ang boses na iyon, kasabay ng pagkita niya sa mukha ng lalaki. ‘Darien?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD