Chapter Three

1404 Words
Chapter Three: In A Relationship ‘Darien?’ “Alam mo, dapat sa mga katulad mong mga lalaki, binubugbog hanggang sa magmakaawa.” Naglabas ng isang patalim ang lalaki. Takot ang naramdaman ni Iris sa mga sandaling iyon, hindi para sa kaniya kung ‘di para kay Darien na ngayo’y nakangisi pa rin kahit na puno na ng mga pasa ang buong mukha niya. ‘Mamatay na nga siya nang-aasar pa rin’, ani ni Iris sa kaniyang isip habang nakatingin kay Darien. Nilibot ulit niya ang paningin niya sa buong paligid—nagbabasakaling mayroong mahingan ng tulong ngunit wala siyang makitang kahit na sinong pwedeng matawag. Tanging mga bata na naglalaro lamang ng piko ang nakikita niya. ‘Kung minamalas ka nga naman.’ Binalik ulit ni Iris ang tingin niya sa mga lalaki na ngayon ay tinututok ang kutsilyo sa leeg ni Darien. Nanginginig na kinuha ni Iris ang cellphone niya para tumawag ng pulis. Ngunit napahinto siya nang maalala na malayo ang police station sa lugar nila at kung magsasalita siya sa pwesto niya ay maaaring marinig siya ng mga lalaki. Malalim na nag-isip si Iris ng ibang paraan. Agad naman niyang naalala ang senaryong napanood niya noon sa telebisyon. Mabilis siyang nag-search ng police siren sounds sa YouTube at dali-daling pinindot ang unang lumabas na video. Pikit-matang humiling siya na sana’y walang advertisement na lumabas para hindi siya mabuking. “G*g* may pulis!” Binuksan ni Iris ang mga mata niya at sinilip ulit ang kinalalagyan ni Darien. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala na ang mga lalaki kanina. Hininto niya ang video at agad na nilapitan ang lalaki. “Ayos ka lang?”, tanong ni Iris habang naghahanap ng panyo sa kaniyang bag. Tinaasan siya ng kilay ni Darien. Napangisi naman ang lalaki nang maalala ang siren kanina. “So, ikaw ang nagplay no’n?” Dahan-dahang tumango si Iris bago inabot kay Darien ang panyo. “Aanhin ko ‘yan?” Tinuro ni Iris ang duguang kamay nito. “Mahirap magsulat ng lectures kapag may sugat ang kamay mo.” Kinuha ni Darien ang panyo at pinangbalot sa sugat niya. “Never akong nagsulat ng notes. Marami namang nagbibigay sa akin no’n.” Iris rolled her eyes from what she heard. ‘Ang hangin’, sabi nito sa kaniyang isip. Napangiti si Darien nang mapansin ang uniform ni Iris. “From St. Claire University, huh? So we’re schoolmates then.” Alam na ni Iris ang patutunguhan nito. Sikat si Darien sa university nila dahil sa pagiging flirty at playboy nito. Sa isip-isip niya’y alam niyang kailangan na niyang umalis sa harapan ng lalaki bago pa siya nito maisama sa mga women collection niya. “Kailangan ko ng umalis”, pagpapaalam niya dito bago nagsimulang maglakad ngunit hindi pa siya nakaka-isang hakbang nang bigla siyang hilahin ni Darien. “Why are you leaving? I am sure you know something about me. Are you also one of my admirers?” Nilapit ni Darien ang mukha nito kay Iris habang pinipilit naman ni Iris na umiwas sa titig nito. “Pwede ba? I am not, okay? A guy like you isn’t my type.” Darien looks at her lips seductively. “Really? What if I kiss you, hindi ka ba papalag?” Mabilis na sinampal ni Iris si Darien nang marinig niya iyon. Napahawak naman si Darien sa pisngi nito. Napahawak naman si Iris sa kamay niya. Doon lamang niya naalala na may sugat pala ang lalaki sa pisngi nito. Kahit nagguilty man siya sa ginawa niya, mas nanaig pa din ang pagka-inis niya dito. Dali-daling tumakbo papa-alis si Iris sa harapan ng lalaki nang hindi na nagpapa-alam. “Hey! What’s your name?!”, rinig niyang sigaw ni Darien sa kaniya. Hindi siya sumagot o ‘di kaya’y lumingon man lang bago pumasok sa subdivision. *~* Kinabukasan, maagang pumasok si Iris para sa morning class nito. “Si Iris ba talaga ‘yong minention niya?” “Siya na ba yung bagong girlfriend?” Kunot-noong naglakad si Iris papunta sa loob ng university. Rinig na rinig niya ang bulungan ng mga estudyante sa paligid niya. Laking pagtataka niya nang mamention ang pangalan niya sa pinag-uusapan nito. Pagkapasok na pagpasok pa lang ni Iris sa loob ng classroom, sinalubong agad siya ng mga nakakamatay na tingin ng mga kaklase niya—mostly women. Umupo siya sa tabi ni Ynna na nakatutok na naman sa cellphone nito. “Anong ganap? Bakit mukhang pinag-uusapan ako ng lahat?”, bulong niya sa kaibigan. “Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan eh.” Inabot ni Ynna kay Iris ang cellphone nito. “WHAT THE?!”, sigaw ni Iris pagkakita sa nilalaman ng post ni Darien. Unexpectedly meeting a memorable person. By the way, thank you for the handkerchief @Iris Mendez. Ps. You still need to compensate me. “Huy, yung boses mo, ang lakas”, saway sa kaniya ni Ynna. Inis na napa-upo si Iris sa tabi ng kaibigan at ibinalik ang cellphone nito sa kaniya. “He should be thankful for me because I just saved his life. Pero bakit parang pinaparusahan niya yata ako?”, bulong niya. “Why? Ano ba talagang nangyari?” Maingat na ikinuwento ni Iris kay Ynna ang naging tagpo ng pagkikita nila ni Darien. Mahina lamang ang boses nila, sapat na magkarinigan silang dalawa. “Now I know why some people really hate Darien. He’s like a jerk”, komento ni Ynna pagkatapos marinig ang buong kwento. Sumang-ayon naman si Iris sa kaniya. ‘He is really a jerk. A very terrible one.’ “Iris Mendez! May naghahanap sa iyo!” Napatingin si Iris sa pinto nang tawagin siya ng class president nila. Tatayo na sana siya para lumapit dito nang makita niya si Darien na pumasok sa loob ng classroom nila, dala ang isang bouquet ng roses. Rinig ang mga tili ng ilan habang ramdam naman ni Iris ang mga nakakamatay na tingin ng ilang kababaihan sa kaniya, including Farra, Darien’s girlfriend yesterday. “What the hell are you doing here?”, mataray na tanong ni Iris sa lalaki. Binigyan siya ni Darien ng nakakalokong ngiti bago ibinaba sa desk nito ang mga bulaklak. “I told you, I don’t like you”, may diing sabi ni Iris sa kaniya bago inalis ang bulaklak sa desk niya. “Oh really? Sorry but I don’t take people’s opinions.” Kinuha ulit ni Darien ang mga bulaklak at binigay kay Ynna. “Can you please give this to her? Masyadong nagiging pa-hard-to-get si Miss Mataray.” Wala sa sariling tumango si Ynna. Iris looked at her friend. “Parang kanina lang kasama pa kitang laitin siya. What are you doing now?” Tumingin sa kaniya si Ynna at yumuko. “Sorry, friend. Ang gwapo niya talaga eh.” Napangisi si Darien sa narinig at kumindat kay Ynna na nagpakilig naman sa dalaga. Iris rolled her eyes at pinagtutulak ang lalaki paalis sa classroom. “Leave. Now.” Agad siyang pinigilan ni Darien. “I will leave but I still need to announce something.” Mabilis na umiling si Iris. She have a negative feelings about it. “No, don’t. Umalis ka na lang.” Kumuha si Darien ng upuan at tumayo doon. Hinawakan naman ni Iris ang mga braso ni Darien para hilahin ito pababa ngunit mas nanaig pa din ang lakas ni Darien. “Everyone! I have an announcement to make!” “Baba dyan! Ngayon na!”, sigaw ni Iris ngunit tila walang narinig ang lalaki. Tumingin si Iris sa paligid at nakita niyang lahat ng mga estudyante ay nakatingin ngayon kay Darien, naghihintay sa sasabihin nito. Pinagsisipa niya ang upuan na tinutungtungan ni Darien ngunit lumilipat lamang ito sa iba pang upuan. Darien immediately pointed at her. “This woman. She’s Iris Mendez…” Napapikit si Iris sa inis. She’s deeply wishing na sana walang masabi si Darien na magpapagulo ng buhay niya. But then, maybe no one heard her wish. “And she’s mine.” Nagkagulo ang lahat ng estudyante at pinuno ng sigawan at tilian ang buong hallway at classroom. “No, that’s not true. Bawiin mo ‘yung sinabi mo!” Darien went down the chair and wink at her. “Sorry but, I don’t take back what I just said.” And then he left the room, leaving Iris with all the mess he made.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD