Chapter Four: Center Of Attention
Iris' POV
"Excuse me." Sabi ko sa isang grupo ng mga estudyante na nakaharang sa labas ng girl's comfort room.
Mabuti na lamang ay hindi na sila nagtanong pa at umalis na lang.
Pagkapasok ko sa cr ay agad akong naghanap ng bakanteng cubicle. Mabilis akong pumasok doon at ni-lock ang pinto.
"Where's that girl? Nandito lang iyon kanina ah." Rinig kong tanong ng babae sa kasama niya.
Nag-usap pa sila ng kanilang mga planong gagawin sa akin kapag nakita nila ako. I even heard them saying na dapat sa kanila lang daw si Darien.
Lintek na lalaking iyon. Sa sobrang dami ng mga babaeng may gusto sa kaniya sa buong campus, ako pa talaga na walang pake sa kaniya ang pinagsigawan niyang girlfriend niya.
Ngayon, lagi na akong hinahabol ng mga paranoid na fangirls niya.
Napatingin ako sa relo ko and I was stunned when I saw that I only have a few minutes left bago magsimula and second class ko. Sana naman walang naka-abang na ambush sa akin sa room namin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung nandoon pa ba ang tatlong fangirls ni Darien na nakasunod sa akin.
I sighed in relief when I learned na wala na sila.
Pagkalabas ko ng pinto, agad akong naglakad papunta sa klase ko.
"Sabi na nga iba ikaw yung pinag-uusapan ng nga tao ngayon." Sabi ng isang pamilyar na boses sa tabi ko.
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanan ko. "Jasper?"
Natatawang tumango naman siya sa akin. "Nice. Natandaan mo yung pangalan ko."
Naguguluhang tinignan ko siya. "Paano mo nalamang nandito ako?"
"Gusto mo talagang mag-usap ngayon? Wala ka bang klase?"
Napasapok naman ako sa noo ko nang maalala ko na may klase nga pala ako. "Oo nga pala, sorry mamaya na lang."
Tumakbo ako papunta sa room ko pagkatapos kong magpaalam sa kaniya.
Pagkapasok ko, puro mga titig na naman ang natanggap ko sa mga kaklase ko.
I looked at Ynna's seat but I didn't see her or even her bag.
Magtatanong pa sana ako ngunit bigla ng nagsalita ang lalaking nasa tapat ko lang. He is Casimir Jace Luna, a very weird guy.
"Nagdrop out na daw si Ynna. Kanina nakasalubong ko siya paalis ng campus."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Drop out? Parang kahapon lang kadaldalan ko iyon ah. Bakit daw? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya pero hindi na siya sumagot sa akin at binalik na lamang ang tingin sa harapan.
Bakit nagdrop out si Ynna? She is doing just fine yesterday. Sa pagkakaalam ko rin ay hindi magiging dahilan ang financial status nila dahil mayaman siya. She is also one o the dean's lister in our batch. Paanong nahantong siya sa pagddrop out?
Dahil ba ito sa nangyari noong nakaraan? The one about his soulmate?
Kahit anong gawin kong pagtatanong dito sa isipan ko, alam ko namang walang makakasagot noon kundi siya lang. But the thing is, she never even answered my text to her since yesterday evening. Kahit seen nga ay wala man lang akong natanggap.
"Goodmorning class!" Masiglang bati ng professor namin.
Napapikit ako ng mariin bago binalik ang atensyon ko sa harapan ng klase.
•~•
NAGLAKAD ako papunta sa field at umupo sa damuhan. I then placed a signage in my side and put a scissor and cutter beside it bago itinuon ang paningin ko sa mga sinulat kong notes kanina para sa thesis na gagawin ko.
Naramdaman ko ang grupo ng mga kababaihan na naglalakad papalapit sa akin ngunit napahinto sila nang mabasa ang nakasulat sa karatula na nasa tabi ko.
I gave them a fake smile before they hurriedly step back and pretend they didn't see me.
Nakasulat lang naman sa karatula ang mga salitang "Don't or else..." na mayroong kulay pula na pintura na nagmimistulang dugo sa malayuan.
Hindi ko alam na effective pala na takutin itong mga babaeng ito.
"Nice signage." Rinig ko ulit na sabi ng pamilyar na boses.
Napatingala ako at agad kong nakita si Jasper na sobrang tangkad na nakapamulsang nakatingin sa akin.
I don't know why pero ang hot niyang tignan dito sa pwesto ko—
"Hey, ayos ka lang?"
Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano at binalik ang tingin sa kaniya. "Y-yes, I'm fine... I think."
Narinig ko naman siyang natawa sa naging sagot ko.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Darien is really an impulsive person. Pagpasensyahan mo na."
My eyes widened when I heard what he said. "Wait, wait, wait, magkakilala kayo nung empaktong iyon?"
Tumango siya sa akin. "Technically, we're bestfriends. We spend most of our times in this world playing and sneaking kaya naging malapit na kami sa isa't isa."
"If you really knew him that well, pwede bang sabihan mo siya na 'wag na siyang maging peste sa buhay ko? Sa dami-dami ng nagkakagusto sa kaniya ako pa talaga napagtripan." Irita kong kwento sa kaniya.
He just chuckled. "Pwede namang sabihin mo na lang sa lahat na hindi talaga kayo."
Binigyan ko siya ng 'seryoso-ka-ba-dyan' look. "Akala mo hindi ko triny? Pinagsigawan ko na sa lahat-lahat na hindi kami. Yawa, ayaw talagang maniwala eh."
"Alangan namang hindi ka papasok sa klase?"
I sighed deeply. "Kahapon ko pa din pinoproblema iyan. Every class that I am in is in a huge mess. Ikaw ba naman, maraming nakabantay na mga babae sa labas na gusto kang sabunutan, sakalin, at pahirapan. Buti na lang talaga nakakatakas ako."
Dahan-dahang humilata si Jasper sa damuhan while listening to my rants. I don't know why but I felt like we had met before and also, sobrang gwapo niya sa paningin ko. Hindi tulad ni Darien. Normal lang na na makaramdam ako nito? Or not?
"Huy! Ayos ka lang?"
Napabalik ako sa realidad nang kinumpas ni Jasper ang mga kamay niya sa harapan ko.
"S-Sorry, medyo natulala lang saglit." Nauutal kong sagot.
Tumango siya sa akin. "Sabagay, nakakatulala nga ang mga nangyari sa iyo. Do you want me to help you? Like, me as your bodyguard, ganun?"
Mabilis akong umiling sa kaniya. "No, ayos lang ako. Nakakahiya naman sa iyo. Tsaka may mga klase ka pa, baka makaabala lang ako sa iyo."
A smile formed in his lips. "No, I insist. Wala naman akong masyadong ginagawa these past few days because of the preparation for the foundation month."
Wala na akong magawa kundi ang sumang-ayon na lang sa kaniya at tanggapin ang alok niya.
Maganda din naman na magkaroon ng bodyguard pero ang nakakaba lang dito, si Jasper ang magiging bodyguard ko. For sure marami na namang magagalit na mga babaeng patay na patay sa kaniya. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil may kagwapuhan at mabait naman itong si Jasper.
Ang pinagtataka ko lang ay kung anong nagustuhan ng ibang mga kababaihan kay Darien. May itsura siya...yes, gwapo siya. But that's it. Hindi naman ito matalino at sobrang hindi kagandahan ang ugali nito. Anong nakita noong mga babaeng iyon sa lalaking iyon? Eh walking red flag iyon.
"By the way, hindi pa ba kayo nagpprepare for the foundation month?" Tanong ni Jasper na ikina-iling ko.
"They say magpapaseminar na lang kami like how to do first aid ganun. Kahit sila walang maisip eh. Malapit na kasi ang finals kaya hindi masyadong tutok sa foundation month ang mga utak namin." Pagkukwento ko.
Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Jas!"
Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang lalaking kinaiinisan ko.
"Darien..."