Chapter Five: Naomi Sanchez
"Magkakilala pala kayo?", Tanong ni Darien sa aming dalawa ni Jasper habang naglalakad ito papalapit sa amin.
"Uhm...yes? Hindi ba obvious?" Sarkastikong sagot ko.
He intensely looked at Jasper and I and the space between us. Masyado kasi kaming malapit ni Jasper since magkatabi kami kanina.
Binalik ko ang tingin ko kay Darien pero parang wala lang ulit sa kaniya iyon. He seems to not care about anyone who wants to be close to me or those guys who I already been friends with. Hindi ba dapat nagseselos siya?
Wait...why am I thinking that? Wala akong pake kung magselos siya o hindi. Wala namang kami. It was just a prank of him para makaganti sa pagsampal ko sa kaniya.
Narinig kong tumikhim si Jasper. "May klase pa ako and I really need to go." Pagpuputol niya sa katahimikang namamayani sa amin.
Inayos niya ang gamit at ang sarili niya bago siya nagpaalam sa akin. "Iyong pinag-usapan natin. I'll still do it." Huli niyang sabi bago tumakbo papalayo.
Tumingin ako kay Darien and I immediately looked away. Paano ba naman, nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. He seems to be trying to see through me. Masyadong grabe ang titig niyang iyon.
"Pwede ba, 'wag mo kong titigan." Pagsasaway ko sa kaniya.
"Why? You're being shy?"
Matalim na tingin ang binigay ko sa kaniya. "I. Am. Not." I rolled my eyes at him bago hinablot ang bag ko na nasa damuhan.
"Aalis ka na agad? Shouldn't you be happy that your boyfriend is here?"
"Wala akong boyfriend. And you are not my boyfriend. Pwede ba pakitigilan ang pagi-ilusyon. Napeperwisyo ako dahil sayo eh." Mahabang lintanya ko bago humarap sa kaniya.
"Kung may gusto kang pagtripan, huwag ako. Maraming ibang babae dyan na head over heels sa'yo. Doon ka na lang." Dagdag ko bago naglakad papaalis sa kaniya at palabas ng campus.
I wore my mask para hindi ako makilala ng mga babaeng nakaabang sa gate. Matatalino naman pala itong mga babaeng ito. Akala ko puro landi lang ang inaatupag.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin kong walang nakahalata sa akin.
Naglakad ako pauwi sa bahay but I was stopped when I saw an unfamiliar café. Parang kahapon isang bakanteng lote lang ito and I don't remember that there's a construction going on in here.
I looked at my watch. It's almost three in the afternoon. Wala namang tao sa bahay ngayon so I think pwede siguro akong tumambay and have a drink muna.
Pagpasok ko sa café, I was immediately greeted by a young woman. Siguro mas bata lang siya sa akin ng kakaunti.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. She looked like she saw some ghosts.
Lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakitang ibang taong pumasok. Am I the ghost she is seeing?
"Hello?" Pagbati ko sa kaniya. Mukhang natauhan naman siya kaya mabilis siyang nag-ayos at ngumiting bumati sa akin.
"Hello po, m-ma'am. Mayroon po kaming promo now kung gusto niyo po", pag-aalok niya.
Agad namang napukaw ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. Masyado pa naman akong ganid sa mga libre at discountable na mga bagay.
I took the brochure she gave me at umupo sa bakanteng upuan.
So, if I buy a coffee now, I can have a free dessert? But a regular coffee won't work for me. I hate the taste of a regular caffeine.
Lumapit ako sa counter at nakita ko na naman ang babae kanina. Mabilis na kumunot ang noo ko. Siya lang ba ang tao sa coffee shop na ito?
"What's your order po?", Tanong niya sa akin.
I looked up at their menu na nakapaskil lamang sa harapan ng counter. Iced coffee? I think much better iyon.
"Can I have an iced coffee, please? Pakidamihan sana yung cream since ayoko nung masyadong matabang." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Coming right up po." She said politely and took the money I put in the counter. Sakto lang naman ang pera na iyon so I didn't bother to wait for the change.
Bumalik agad ako sa inuupuan ko kanina and scroll down my news feed in my social media accounts.
Those silly women na head over heels kay Darien ang nagttroll sa account ko. They even shared different posts in my timeline para lamang maibsan ang mga inggit nila.
I immediately went to settings to change my accounts from public to private. Sayang at hindi na makikita ng buong mundo ang beauty ko sa mga pictures na ina-upload ko.
"Hello po, ito na po yung iced coffee niyo, ma'am." Saad ng babae pagkalapag ng in-order kong iced coffee sa table ko.
Tumingin ako sa pangalan niya na nakalagay sa name tag niya. Masyado naman sigurong weird kung tawagin ko lang siyang 'miss' or 'babae' since I think I will visit this café more often from now on para mabawasan ang stress ko sa mga ambisyosang mga babaeng iyon.
"Naomi, right?" Pagtatawag ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa akin at tumango. I don't know why but ever since I saw her kanina, I already felt a sense of familiarity with her pero hindi ko alam kung kailan, saan at paano kami nagkita noon. Is this what they call destined to meet?
"Yes po. Naomi Sanchez po." Sagot niya sa akin.
"Pwedeng 'wag mo na akong tawaging 'po'? Halos magka-edad lang naman tayo eh." Ani ko sa kaniya.
Masayang sumang-ayon naman siya sa sinabi ko.
Inikot niya ang paningin niya sa buong café bago siya umupo sa upuan na nasa tapat ko.
Maybe she is looking if there's someone else in the café but since bagong bukas lang sila at halos wala talagang nakakaalam na mayroon palang café dito, ako lang ang costumer niya.
"Do you own this coffee shop?" Tanong ko while sipping my drink.
Umiling siya sa akin. "No, I am not. I am just a part-time worker here. My uncle owns this place and since gusto kong magkaroon ng pagkakakitaan, nagtrabaho ako dito."
"How about school? Nag-aaral ka ba?"
"Yes, I still am. Senior High na ako, taking HUMSS, gusto ko kasi maging Psychologist. I just felt like I have this connection to people spiritually." Sagot niya sa akin habang nakatitig sa akin.
I don't know why but I felt like she is saying something related to me o nagooverthink lang ako?
"How about your parents? Alam ba nila na nagttrabaho ka?"
Umiling siya. "Umalis sila. And I don't know kung kailan ang balik nila." Sagot niya sa akin.
Mabilis akong naawa sa kaniya. Her parents isn't there for her kaya nasa uncle niya na lang muna siya nakikitira.
"Do you still have a contact with them? Maybe I can help you. My parents' friend is part of NBI, baka matrace nila kung nasaan mga magulang mo."
Ngumiti lang siya sa akin at umiling. "Ayos lang. Even though they aren't here and they also didn't seem to remember me, I know that somewhere in their hearts, they know that they still have a daughter. Maghihintay na lang siguro ako ng pagbalik nila."
Nanghinayang ako sa sinabi niya but I'll just respect her decision.
"Naomi!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.
Mabilis namang tumayo si Naomi at nagpaalam sa akin. Maybe that's her boss and uncle who's calling her.
Nang umalis siya ay inubos ko na rin ang iced coffee ko bago lumabas ng café.