Lilingon na sana si Iris sa pinanggalingan ng boses ngunit bago pa man siya gumalaw ay may humatak na sa kaniya papa-alis sa pwesto nito.
Nagpasalamat siya sa mga kaklase niya na kasabay niyang naglalakad. Buti na lamang marami siyang mga kaibigan at kakilala. Ngumiti naman sa kaniya ang mga ito bago umalis.
She then looked at the pothole. Muntik na siyang mahulog dito. Kung hindi lang siya nahila ni...
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na dapat nakatingin ka lagi sa dinadaanan mo? Minsan hindi ko alam kung bulag ka ba o nagbubulag-bulagan ka lang. Can you please take care of yourself?"
And that's him. Darien Joaquin, ang lalaking walang ginawa kung 'di ang sigawan at pangaralan siya.
Iris teasingly smiled at him. "Alam ko, okay? Malay ko bang hanggang ngayon hindi pa din naaayos ang daanan na 'to."
Darien deeply sighed. Gusto na niyang sukuan ang dalaga dahil sa ilang ulit na pagpapa-alala niya dito, lagi pa rin itong habulin ng aksidente.
Inakbayan ni Iris si Darien habang nagpatuloy sila sa paglalakad. "Bati na tayo, please?"
Binigyan ng malawak na ngiti ni Iris si Darien. Napa-iling na lamang ang lalaki at tumango. "Next time, be mindful of the steps you make."
"Oo na po, tatang Darien. Kung makapagsalita ka parang ang tanda mo na ah. Maaga ka lang nag-mature, ganun?"
"I am already much older than you thought", bulong ni Darien.
Napakunot ang noo ni Iris. "Anong binubulong-bulong mo dyan? Nababaliw ka na ba?"
Tinignan siya ng masama ni Darien bago tinanggal ang kamay ni Iris sa pagkaka-akbay sa kaniya.
"Ang sungit ha."
Hindi kumibo si Darien kahit na narinig niya ang sinabi ni Iris sa kaniya. Dahil alam niyang kung magsasalita siya ay mapupunta na naman iyon sa asaran at ang unang mapipikon ay siya lang din.
Bumalik ang tingin niya kay Iris na ngayon ay nakaharap naman sa libro habang naglalakad.
Mabilis na hinablot ni Darien ang libro mula sa kaniya. "What did I told you before?"
"Oo, alam ko. Natatandaan ko pa noh. Pero akin na muna iyan. Nasa part na ako na magb-break sila eh."
Inikot ni Darien ang mga mata niya sa buong lugar upang makahanap ng mauupuan. And there he saw a vacant bench in front of a small store.
"Tapusin mo muna iyan at ng maka-uwi na tayo."
Hinila ni Darien si Iris at pina-upo sa upuan. Ang dalaga naman ay walang kibo dahil nakatutok lamang ang atensyon nito sa binabasang libro.
Darien immediately thought that this is the moment he'd been waiting for. Mabilis niyang hinanap ang maliit na box na naglalaman ng kwintas na binili niya lamang kahapon.
Binuksan niya lahat ng compartments ng bag niya ngunit hindi niya ito makita.
"Anong ginagawa mo?", tanong ni Iris sa lalaki. "Kanina ka pa paikot-ikot ng bag mo dyan. May hinahanap ka ba?"
Hindi sinagot ni Darien ang tanong ni Iris. Tumayo ito at iniwan ang bag sa tabi ng dalaga. "Maybe naiwan ko lang sa school. Dito ka muna at huwag kang aalis dyan", bilin niya dito.
Sumaludo naman sa kaniya si Iris. "Yes, sir."
Naglakad pabalik si Darien sa eskwelahan para kunin ang naiwang gamit. Si Iris naman ay naiwang naka-upo sa bench habang nakaharap pa rin sa libro nito.
Napatigil lamang si Iris nang makarinig siya ng huni ng munting pusa.
Binaba niya ang libro at sumalubong sa kaniya ang isang pusa na nasa gitna ng kalsada.
"Hello, mingming", pagtawag niya dito.
Tumingin siya sa magkabilang direksyon bago naglakad sa gitna ng kalsada at dahang-dahang binuhat ang kuting.
Tumayo siya at nagsimulang maglakad pabalik sa kina-uupuan ngunit bago pa man mangyari iyon ay nakarinig siya ng isang malakas na pag-preno ng sasakyan.
Lumingon siya dito kasabay ng pagbangga nito sa kaniya.
"Iris!", rinig niyang malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses.
Bumagsak si Iris sa kalsada kasama ang pusa na hawak niya kanina.
Mabilis na lumapit si Darien sa kaniya. "Iris! Iris! Look at me."
Agad na bumaba ang driver ng sasakyan at mabilis na tumawag ng ambulansya pagkakita niya sa lagay ni Iris.
“Don’t do anything stupid. Don’t close your eyes.”
Ngumiti ng mapait ang dalaga kay Darien bago unti-unting pumikit.
*~*
Present Day...
"Taxi po!", sigaw ng isang hinihingal na dalaga habang pumapara ng isang taxi.
Napangiti siya nang may tumigil na taxi sa harapan niya. Wala naman na siyang sinayang na oras at pumasok agad sa loob.
"Kuya, sa St. Claire University po."
Agad namang tumalima ang driver at nagdrive papunta sa lokasyon na sinabi niya.
Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang USB habang minu-minutong tumitingin sa kaniyang relo. Five minutes late at hindi na tatanggap pa ang professor niya ng project. Hindi pwedeng masayang ang pagpupuyat niya dahil lamang late siya sa pagpasa.
Nagbayad si Iris sa driver bago mabilis na lumabas ng taxi at naglakad ng mabilis papasok sa gate. Ipinakita niya lamang sa guard ang I.D. nito at tumakbo na ulit siya papunta sa room ng professor niya.
"Iris!"
Mabilis siyang napahinto nang bigla siyang harangan ng isang kaklase.
"Ynna, I already told you. Mamaya na yan, kailangan ko munang ipasa ito", sabi ni Iris sa kaniya at ipinakita ang USB.
"But you told me you will tell me my destined one when you enter the university."
"Oo nga pero ipapasa ko muna ito", sagot ni Iris sa kaniya bago tumakbo ulit at iniwan ang kaklase.
Hingal na hingal na pumasok si Iris sa room ng professor niya. Nakita naman niya agad ito na nag-aayos ng mga files.
"Sir! Ito na po", tawag niya dito at ibinaba ang USB sa mesa nito.
Tumingin muna ang professor niya sa orasan bago siya binigyan ng tingin. "Four minutes and forty seconds past deadline."
Napakagat labi ni Iris sa kaba.
"Still in", nakangiting dagdag ng professor niya at kinuha ang USB.
Isang malaking ngiti at pasasalamat ang binigay ni Iris dito bago lumabas.
Pagkalabas niya sa room ay may tumatakbong pumasok naman dito.
"Five minutes and twelve seconds past deadline. You're late."
"But sir! Twelve seconds lang!"
"Still late."
Napapikit si Iris nang marinig iyon sa professor niya. Mabuti na lamang ay naka-abot siya.
Naglakad-lakad siya sa field habang hinihintay ang susunod na klase. Maya-maya lamang ay nakarinig na naman siya ng sigaw.
"Iris!'
Napayuko siya nang marinig si Ynna.
Lumapit ang dalaga sa kaniya at masayang umupo sa tapat nito. Wala ng nagawa si Iris kung 'di ang umupo na lamang din.
"How about now? Pwede na ba?", tanong ni Ynna habang inaabot ang palad nito sa kaniya.