•FIFTH CHAPTER•

3351 Words
Tangina mo David!!!! Kasalanan nya to. Kanina pa ako pabalik balik ng CR dahil sa kagagawan nya!!. Inakit ba naman ako ng milktea. Edi 4 liters ng milktea nainom ko!. Tangina kasi eh bakit ba ako naakit ng milktea na yon? Edi nagtae ako ngayon!. Ilang beses na akong nakabalik ng CR para mag banyo. Pinauwi na rin ako ng mga sumunod na teacher dahil kanina pa nga daw ako pabalik balik sa CR namin. Baka daw lagnatin ako kaya pinauwi na nila ako ng maaga. Tapos ang kumag na si David, ayon nagawa pang humalakhak sa tawa ang gago. Kahit kailan talaga napaka bobo ko!! Nakauwi narin ako ng bahay kanina pa. At eto ako ngayon nagkukulong sa kwarto. Inaalala ko yung kahihiyan ko kanina sa classroom namin, napahiya talaga ako!. Halos isang oras na akong nakahilata sa kama ko, nang may maalala ako. Kailangan ko pa palang bumili ng school supplies. Binigyan na din ako ni lola ng dagdag na pera para pambili. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 1pm na pala. Halos isang oras na akong nakahilata rito sa kama simula nung 12:58. Nakainom na rin ako ng gamot para sa pagtatae. Hindi na rin ako nakabalik pa ng banyo para tumae. Tumayo ako sa kama at naglakad papuntang aparador. Magbibihis muna ako ng damit bago lumabas. Naka-uniform parin kase ako simula nung pagkauwi ko, humilata na agad ako sa kama. Kumuha ako ng red hoodie na sobrang laki, daig pa dress ng hoodie na to, abot hanggang ibabaw ng tuhod. Nagsuot lang ako ng short dahil oversize din naman tong hoodie na to. Pagkatapos magbihis lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ng hagdan. Wala si mama dahil bumalik sya ng Maynila para makapag apply sa trabaho, sabi ko na eh iniwan ako ni mama dito para mahiwalay ako sa mga kaibigan ko. Pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng chichirya sa pantry. Pagkatapos, lumabas na ako ng bahay at kinuha ang bike ko palabas ng gate. Walang masyadong batang naglalaro sa kalye dahil umuulan ulan dito. Dahil nga umuulan, bumalik ako sa bahay at binalik yung bike ko sa bakuran. Kumuha ako ng payong sa loob ng bahay. Maglalakad na lang ako. Hindi ko naman kasi kayang mag-bike na May hawak na payong sa kabilang kamay. Mamaya maaksidente pa ako. Nagsimula akong maglakad sa kalye. Medyo mahaba ang kalye dito kila lola. Halos lahat ng bahay sa kalye na to ay makaluma. Parang sa Vigan lang. Kaso dito hindi dikit dikit ang bahay. Sa sobrang lakas ng ulan, hindi ko na sigurado kung tama ba itong dinaraanan ko. Wala na rin kasing masyadong bahay sa gawi ng kalyeng ito. May nadaanan akong malaking bahay, na para bang mansyon sa sobrang laki. Hindi ko naman nadadaanan to tuwing pumupunta ako sa bayan. Ngayon ko lang nakita ang bahay na to rito at sobrang lawak pa ng bakuran. May malaking gate din papasok ng mansyon. Tumigil muna ako sa paglalakad para makita ng maayos ang bahay. May Victoriano fountain sa gitna papasok ng mismong pinto. Parang Roman o Greek style yung bahay. May matatas at makakapal na bakod na bato sa magkabilang gilid ng gate. Anlaki at ang taas din ng gate ng bahay na para bang higante ang nakatira rito, pa arko style rin ang gate. Sana magkaroon rin ako ng ganito kalaking bahay sa future. May nakita akong signage na nakalagay sa arko ng gate sa bandang taas. Hacienda De la fuente.... Parang familiar yung De la Fuente sakin. Hindi ko masabi nasa dulo na ng dila ko eh. Nakatayo padin ako sa harapan ng gate ng bahay. Napakalaki kasi nito kaya namamangha ako. Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang ulan. Dahilan para maipon ang tubig sa kalye, in short may baha. Pero hindi naman gaanong kataas ang baha. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng may dumaang kotse sa harap ko, dahilan para matalsikan ako ng tubig baha. Hindi ako nakaiwas kaagad kaya, eto ako ngayon basang basa dahil natalsikan ng baha. Napaka-malas ko talaga!!. Hindi ako naka-galaw sa kinatatayuan ko, basang basa na ngayon ang hoodie ko with matching putik pa. Nagulat ako ng hindi umalis ang sasakyan sa harapan ko. Mula sa kotse, lumabas ang lalaking nakapayong at nakasuot ng americana'ng suit, matangkad at medyo matabang lalaki na nasa mid 40s ang edad. Lumapit sya sakin na ikinagulat ko. Muka syang nag-alala. "Okay ka lang ba? Akala ko nasagasaan kita!. Anlakas mo kasing sumigaw!." Tanong niya. Sumigaw pala ako ng malakas kanina, paano kasi natalsikan ako ng baha. "Okay lang po ako!." Sagot ko. Tumikhim sya ng mahina. "Medyo nabasa lang dahil natalsikan ng baha dahil sa kotse nyo" Sarcastic kong dagdag. Lumingon lingon sya sa paligid bago ako balikan ng tingin. "Kung gusto mo pumasok ka muna sa loob para maasikaso at mapalitan ka ng damit." Presinta niya. Medyo nag-aalangan ako, kasi nga hindi ko pa sya kilala. Tatanggihan ko sana kaso inunahan nya na akong magsalita. "Don't worry, wala akong balak na masama sayo!" Sabi nya, habang nakangiti. Nakaramdam siguro sya na hindi ako nagtitiwala sakanya. Naningkit ang mga mata ko, parang pamilyar ang ngiti nya. "Kung ayaw mo-" hindi nya na nasabi dahil naunahan ko na sya. "Sige!" Pagsang-ayon ko sabay ngiti. Gusto ko rin kasing makita ang loob ng mansyon na to. Hindi naman masama kung sumama ako sakanya. Sigurado akong negosyante tong tao na to, kaya hindi sya gagawa ng kung anong makakasira sa reputasyon nya. Bago sya sumakay sa kotse nya, ay may tinawagan sya sa cellphone nya. Pagkababa ng cellphone, may dalawang babaeng tumatakbo papalapit sa gate ng mansyon. Nakauniporme sila na pang katulong at may hawak na payong. Binuksan nila yung gate at pumasok ang kotse ng lalaki. Pagkapasok ng kotse sa loob ng gate, huminto ito at may sinabi sa mga babaeng katulong. Pagkatapos ng bulungan nila, ay pumasok na ang kotse sa mismong loob. Lumapit sakin ang mga katulong at hinawakan ako sa balikat. "Pasok po kayo miss" Hindi pa ako sumagot pero agad agad akong pumasok. Sinundan naman ako ng mga babaeng katulong. Pagkarating sa tapat na bahay, agad kong pinagmasdan ang Victorian fountain. Napaka ganda ng bahay. At may malawak at magandang garden sa paligid ng bahay. May hagdan na paakyat para makapasok sa pinto ng mansyon. Nakasarado ang pinto ng mansyon. Bubuksan ko na sana nang sumingit yung dalawang babaeng katulong. "Kami na po miss" Hindi na ako nagsalita pa kaya binuksan na ng dalawang katulong ang pinto. Nahirapan pa silang buksan dahil napakataas nga naman ng pintong ito, baka hingante nakatira dito?. Pagkabukas ng pinto, bumungad sakin ang napakataas na ceiling at may chandelier pa! Andaming paintings sa dingding. Sa harap ng pinto isang malaking grandstaircase. Napakaganda ng bahay na ito!. "Dito po tayo miss!" Sabi nung isa sa mga katulong. Sinundan ko sila. Papunta kami ngayon sa hagdan. Kung hindi ako nagkakamali aakyat kami sa taas. May red carpet na nakalatag sa hagdan. Pag-akyat namin sa taas, may dalawang corridor na magkaharap. Dumaan kami sa kaliwang bahagi ng corridor. Ang ganda ng corridor na to! Andaming paintings sa dingding. Antaas rin ng ceiling. Huminto kami ng mga katulong sa tapat ng isang pinto. Binuksan nila ang pinto at pumasok. "Tara po miss" aya niya. Naiilang na ako sa pagtawag nila sakin ng miss. "Elise na lang po ang itawag ninyo sakin!" Sabi ko. Tumango lang sila at lalabas na sana nang huminto sila at humarap ulit sa akin. "Ah, Elise?, Sa aparador nakalagay ang damit. Pwede mo yun gamitin kahit hindi mo na ibalik!" Sabi niya at nagpatuloy na sila ng kasama niyang lumabas. Ang ganda ng kwartong ito! Grabe nanliliit tuloy yung kwarto ko rito. Umikot ako para ilibot Ang mata sa buong kwarto. Mataas din ang ceiling at may medium size ng chandelier. May malaking kama at meron na ring kasamang unan at kumot na kulay puti. Sa tabi ng kama may kurtinang malaki at medyo naka-uwang ito kaya kita mo ang malaking glass door at may balcony sa labas. Humarap ako sa pinto at may sulat na nakalagay. Parang label siya. Guests room... Tangina!! Guests room ba to? Parang ito na nga yung kwarto ng may ari ng bahay eh!. Kagaya nga ng sinabi nung dalawang katulong, pumunta ako sa aparador na may kalakihang sukat. Pagbukas ko ng aparador bumungad sa akin ang napakaraming damit. May pang bahay na damit at meron ding pangformal attire. Grabe ang may-ari ng bahay na ito. Milyonaryo siguro sya, ay hindi milyonaryo, baka bilyonaryo ang may-ari ng mansyong to!. Kumuha ako ng damit na pang bahay lang at may bigla akong naalala. Sabi nung babaeng katulong kanina, kahit hindi ko na raw ibalik ang damit na ito. So pwede akong kumuha ng damit na gusto ko!. Kaso parang sobrang kapal na ng muka ko kung ganun ang gagawin ko!. Pumasok na ako sa CR para mag-shower na. Pagkapasok bumungad sakin ang magandang banyo basta hindi ko ma-explain kung gaano ka-ganda, may bathtub din. Hindi ko na pinansin kung gaano kaganda basta naligo na lang ako. Natapos akong naligo at nagbihis. Oversize Ang kinuha kong damit kaya muka akong posteng dinamitan. Napakalaki naman kasi nitong damit na to!. Lumabas na ako ng banyo at umupo muna sa kama nang pumasok ang isa sa mga naghatid sakin kanina dito. Lumapit sya sakin "Ahh Elise? Pinapatawad po kayo ng amo namin" Kinunotan ko sya ng noo. "Bakit daw po?" Nagtataka kong tanong. "Hindi po sinabi" Mabilis nyang sabi. "Hali na po kayo sa baba!" Sabi nya. Naglakad na sya papuntang pinto, sumunod naman ako. Nakababa na kami sa hagdan at dumiretso sa sala. Magkabukod kasi ang sala kaya medyo malayo ito. Nang makapasok kami ng sala, bumungad sakin si... "David?" "Eto na po si Elise sir!" Sabi nung katulong bago tuluyang lumabas sa sala. "Anong ginagawa mo rito David?" Nag-aalangang tanong ko. Ngumiti sya ng malawak yung common na ngiti nya, lumapit sya sakin, Naka-uniform parin siya, "Ako dapat ang magtanong nyan sayo!" Sagot nya at pinitik nya yung noo ko. "Hindi nga ako nagkakamali!, Ikaw nga ang tinutukoy ni dad!" Dagdag nya pa. Ha? Sinong dad? Ah? Yung lalaki kanina? Tangina tatay nya yon? Kaya pala familiar sakin yung De la Fuente na yan. Kaya pala hawig sila nung lalaking yon! Tatay niya pala!. Tangina lang! "Ha? Eh.. napadaan lang ako dito n-naligaw kasi ako." Dipensa ko habang nagkakamot ng batok. Totoo naman eh hindi naman talaga familiar sakin ang lugar na to, kaya sure akong naligaw ako! Lumapit sya sakin at bumulong "Talaga ba? O hindi kaya na-miss mo agad ako!" Tinulak ko sya palayo. Tumawa sya ng malakas. Ngumiti siya ng malapad pero hindi sya nakatingin sakin. Sinundan ko yung tinitignan nya. Napagtanto kong nakatingin sya sa dibdib ko. "BASTOS!" agad kong tinakpan ang dibdib ko. Nabasa rin kase ang b*a ko kaya wala akong ma-suot. Actually meron talagang b*a dun sa aparador kasi nga lang nakalimutan kong isuot. Tumawa sya ng malakas. "Uuwi na ako!" Sabi ko bago lumabas ng sala "BASTOS!" pandagdag na sigaw ko. Bago pa man ako tuluyang makalayo, hinabol agad ako ni David kumag. "Elise wait lang!" Natatawang sabi nya, habang tumatakbo. Huminto ako para makaharap sa kanya. Tinakpan ko yung dibdib ko nang makaharap na sya sakin. "Hahatid na kita!" Presinta niya. "Kaya ko na mag-isa" sagot ko. Wehh kaya nga ba? Naligaw nga ako eh... "Malakas yung ulan oh" sabi nya sabay turo sa bintana kung saan tanaw ang malakas na ulan. Tumingin muna ako sa bintana bago humarap sa kanya. "May bibilhin pa kase ako" "Samahan na kita!" Presinta nya ulit. Tinaasan ko sya ng kilay. "Saan tayo? Maglalakad? Sasakay ulit sa bike?" Tanong ko. "No.. sa kotse tayo sasakay!" Sagot niya "wait kukunin ko yung susi ng car ko sa kwarto, hintayin mo muna ako sa hagdan." Dagdag nya pa. "Pakikuha na rin ng naiwan kong red hoodie at pakikuha nadin ako ng b*a sa aparador dun sa guests room." Pahabol ko sa kanya. Tumango nalang sya at naglakad na kami papuntang hagdan. Naiwan ako sa hagdan para maghintay. Hindi naman ako naghintay pa ng matagal dahil nakababa nadin ang kumag na si David. May dala syang plastic bag kung saan nakalagay yung red hoodie ko. May dala rin syang b*a at syempre yung susi ng kotse... Niya?? Inabot nya sakin yung b*a. "Magsuot ka muna nito" kinuha ko yon. Nag-aalangan ako, saan ko to isusuot sa harapan niya? Parang binenta ko na din ang sarili ko sakanya kapag ginawa ko yun. Napansin nya siguro na hindi ko alam kung saan ako magsusuot ng b*a. "Dun ka na lang sa comfort room malapit sa kitchen" suggestion nya. Tinaasan ko sya ng kilay bago magsalita. "Kabisado ko nga bahay nyo eh" sarcastic na sagot ko. Hindi na sya nagsalita at naglakad palayo. Sinundan ko sya hanggang makarating kami sa sinasabi nya. "I'll wait you here" Sabi niya at umupo sa silya sa gilid ng pintuan. Hindi ko sya pinansin at pumasok na sa loob. Pagpasok sa loob namangha nanaman ako. Ang ganda ng banyong ito! Parang banyo sa mga malls. Pagkatapos magpalit ng b*a lumabas agad ako. Nadatnan ko ang bored na si David habang hinihintay ako. "Ang tagal mo naman, ano bang ginawa mo?" Reklamo nya. "Baka tumae ako" sarcastic na sagot ko bago sya talikuran. Wait.... Speaking of tumae..... Hinarap ko ulit si David na kasalukuyang naglalakad at napahinto sya ng makita akong nakaharap sa kanya. "Hoy Dabid, kasalanan mo pala kung bakit ako napahiya kanina!" Sabi ko habang dinuduro sya. "Ikaw kaya ang uminom nun, bakit ako sisisihin mo?" Natatawang dipensa nya. Napabuntong hininga na lang ako bago bumalik ulit sa paglalakad. Nakarating kami sa pinto nang huminto ako. Hindi ko kasi kayang buksan to kaya huminto nalang ako. Napansin kong natatawa ng mahina si David kumag "hindi tayo dyan dadaan!" Sabi nya at tumalikod para umiba ng direksyon sa paglalakad. Malay ko bang may backdoor tong mansyon na to!. Nakarating kami sa isang pintuan. Normal na pintuan lang siya hindi malaki, sakto lang ang sukat nito. Lumabas kami dun at tumambad sa amin ang napakalawak na garahe, pero kakaiba ang garahing ito, dahil may bubong!. Puro sasakyang mamahalin ang nakaparada. Sakanila kaya lahat to?. Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto si David sa tapat ng kotse na maganda. Mamahalin siguro to! Tiningnan ko yung brand ng kotse. Tesla? Ngayon ko lang narinig ang ganyan klaseng pangalan ng brand! May kinuha si David mula sa kanyang bulsa. Isang laruang kotse ang kinuha nya sa bulsa. Napakunot ang noo ko. "Hoy David Wala ng oras para maglaro!" Sita ko sa kanya. Tumawa sya ng mahina at hinawakan ang ulo ko. "Napaka-inosente mo talaga!" Sabi nya at binaba ang kamay mula sa ulo ko. Tinarayan ko sya. May pinindot sya sa laruang kotse, at ganun ganun na lang ang pagkagulat ko nang unti unting bumukas ang pinto ng kotse na para bang pakpak ng ibon.. Napahiya ako. Hindi lang pala basta bastang laruan ang maliit na kotse kotsihang iyon, dahil yun pala ang susi ng sasakyan na to. "Now you know!" Pagmamayabang nya sakin. "Now you know" panggagaya ko sakanya. Tumawa sya ng mahina at pumasok na sa kotse pumasok na rin ako sa kotse. Pero hindi ito karaniwang kotse na nasakyan ko. Iba tong kotse na to!. Parang may maliit na tv sa tabi ng manibela. May pinindot na kung ano ano si David dun. Akala ko tv yon, ayun pala napipindot! Iba na talaga ang technology sa panahong ito!. Humarap sakin si David. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong nya. "Ahh kung may mall dito... Eh sa mall sana" sagot ko. Hindi na sya kumibo at pinaandar na ang kotse. Nakalabas na kami ng garahe at ng mansyon nila. Ngayon ko lang talaga naisip na mali nga talaga ako ng nadaanan, imbes sa kaliwa ako lumiko kanina, eh sa kanan ako naka-liko. Hindi kami nagkibuan ni David. Nakaharap lang ako sa bintana ng kotse. Kitang kita ko sa labas ang mga bahay. Puro makaluma nga talaga ang mga bahay sa bayan na ito. Nabalot kami ng katahimikan kaya binasag ito ni David. "Gusto mong makakita ng tricks?" Tanong nya sakin ng hindi humaharap. "Sige kahit ano, wag lang kalokohan!" Bored kong sagot. Humarap ako sa kanya at ganun na lang ang gulat ko nang bitawan nya ang manibela at sinampay nya ang paa sa upuan ng driver's seat. Nakangiti sya habang tumitingin sakin "HOY PUTANGINA MO BA DABID? GAGO KA!" Sigaw ko habang hinahampas sya. "TANGINA MO DABID! KUNG GUSTO MONG MAMATAY WAG MO AKONG ISAMA!" dagdag ko, pero hindi sya sumunod at tumawa pa ng malakas. Ang pinagtataka ko lang kung bakit umaandar parin ang kotse kahit hindi na tinatapakan yung gasolina? Nanlaki ang mga mata ko ng huminto ang sasakyan sa harapan namin. "HOY DABID IHINTO MO NA! AYOKO PANG MAMATAY!" sigaw ko ulit. Hindi parin sya nakinig at tumatawa pa ng malakas. Tinakpan ko na lang yung ulo ko, at inangat ang mga paa sa upuan. Para bang pinoprotektahan ko ang sarili ko sa pagtama ng sasakyan namin sa kaharap na kotse. Nakaharap parin ako kay David na tawa parin ng tawa. Putangina mo David pag ako namatay rito, ikaw isusunod kong tangina ka!. "TAWA KA PA NG TAWA, GUSTO MO BANG MAMATAY NG MASAYA?" Humarap muli ako sa kalsada kung saan nakahinto sa tapat namin ang kotseng nakahinto. Ilang dipa na lang ang layo nun at konting segundo na lang masasangga na namin yon. Nako, diyos ko ayoko pang mamatay. Hindi pa ako nagiging archeologist, tangina mo David ikaw sisira ng pangarap ko! "HINDI PA AKO READY'NG MAMATAY! TANGINA KANG DABID KA!!!!AHHHHHH" Ganun na lang ang saya ko ng huminto ang kotse ni David kumag nung malapit na kaming sumangga sa kotseng kasunod. Hinarap ko si David na hindi parin tumitigil sa pagtawa. Nakaangat padin ang Paa nya at nakapatong naman dito ang mga kamay nya. "Ha? Panong?. Niligtas tayo ng diyos David niligtas tayo!!" Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya habang niyuyugyog ang katawan nya. Tangina ng taong to! May saltik ba ang kumag na to? Muntikan na nga kaming mamatay kanina tapos nagawa pang tumawa ng malakas ng gago!. Huminto sya sa pagtawa at binaba na ang Paa para apakan ulit yung gasolina, binalik nya na rin ang kamay sa pagkakahawak sa manibela. Humarap sya sakin at ngumiti na para bang nang-aasar. "You don't have to worry Elise" Sabi nya. Eh tangina pala nitong taong to eh. Wag daw akong mag-alala! Eh halos mamatay na nga kami kung nagkataon.. "Tangina mo bakit hindi ako mag-aalala? Gago ka ba? Syempre mamatay na tayo nagawa mo pang tumawa!" Singhal ko. Tumawa ulit sya ng malakas. Pinandilatan ko sya ng mata. "Hindi mo kailangang sumigaw-sigaw dyan. Ano ka ba high tech kaya tong kotseng to! Kaya nitong magdrive kahit walang driver!" Umiwas ako ng tingin, at humarap ulit sa bintana ng kotse. Halos mapahiya nanaman ako dun! Paano naman kasi ngayon ko lang nalaman na may ganitong klase ng kotse sa mundo. Nagpatuloy na mag-drive si David dahil binubusinahan na kami ng kotse sa likod namin. Sinusulyapan ko paminsan si David na nakangiti parin. Hindi kaya nabagok ang ulo nito at nabaliw?... Nakarating kami ng mall. Medyo natagalan kami dahil sa kabilang bayan merong mall. Nag-park sya sa basement ng mall kung nasaan ang parking lot. Napagod ako, ewan ko kung bakit. Hinarap ko si David. "Hoy David kumag ikaw nalang bumili para sakin. Napagod ako kaya magpapahinga muna ako dito saglit!" Inabot ko sakanya yung listahan na ibinigay sakin ng adviser namin kanina. Kung ano yung mga bibilhin. Tumango sya at kinuha sa kamay ko yung listahan. As usual nakangiti parin ang kumag. Tiningnan nya yung listahan "Sige.. bibili na rin ako ng saakin." Lumabas na sya sa kotse at natanaw kong pumasok sya sa isang elevator paakyat sa ground floor ng mall. Binaba ko konti ang sandalan ng passenger seat para makatulog saglit. Ewan ko ba bigla na lang akong napagod. Dahil na rin siguro sa pagsigaw ko kay David kumag. Pumikit na ako at wala pang ilang minuto at nakatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD