"Aray! ansakit ng balakang ko"
Sino ba kasi yung nag-mop dun eh hindi man lang naglagay ng sign na wet floor. Mangiyak-ngiyak ako kanina dun. Nadulas pa ako yung balakang ko tuloy ansakit!!
kainis!
Naglalakad kaming dalawa ni David ngayon dito sa corridor wait... si David lang ang naglalakad. oo si dabid lang ang naglalakad! nakapasan kasi ako sa kanya!.
Buti na lang at kasunod ko si David. Sya kasi ang unang tumulong sakin nung nadulas ako. pero alam mo kung ano ang mas inuna nyang gawin?
ang tumawa!
Kanina pa din kami-- este si David naglalakad dito sa corridor na to eh. dahil nga daw pang 10th yung classroom namin sa third floor, lower section daw kasi kami.
lower section pero section 1 nakalagay
Daig pa España boulevard sa haba ng corridor na to nakakairita na!
"Yan kasi katangahan mo" Ayan isa pa yan kanina pa yan, kanina pa sya ganyan kanina pa kaming nagtatalo dahil sa katangahan ko.
kung sino mang nag-mop dun lamunin ka sana ng lupa!
charot!
"Tumahimik ka na nga dyan, nadulas na nga ako eh" Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. Imbes na patigilin nya ako sa pag-iyak kanina. oo umiyak ako kanina sa sobrang sakit ng balakang ko! Nagawa pa nyang tumawa at punahin yung katangahan ko
Nakakainis naman tong eskwelahan na to. Ang haba ng corridor! wala pa kami sa pang 7 na room. napaka haba talaga feeling ko araw-araw ko ng magiging exercise ang corridor na to.
Wala pa kami sa pintuan ng classroom namin pero dinig ko na ang boses ng teacher na nagtuturo na. At parang pamilyar ang boses?
Nako wag naman sana!
Patay kami nito. First day of school naming dalawa. dahil pareho kami ni Dabid kumag ang transferee. at late pa kaming makakapasok ngayon.
nakapamalas ko talaga!
Nakarating agad kami ni David sa pintuan ng classroom. air contained kasi ang classroom kaya nakasarado lahat. sliding mirror naman ang bintana.
Kumatok agad si David sa pinto. dinig ko pa ang footsteps nung teacher na papalapit para buksan ang pinto. hindi ko na rin narinig na nagsasalita sya.
Pagbukas ng pinto agad na bumungad samin ang teacher na si.....
Lola!!.
Sinasabi ko na eh si lola ang teacher namin. pamilyar din ang boses nya.
Nagtatakang tumingin sakin at kay Dabid si lola. nako baka kung anong isipin ng matandang to. kanina tinatanggi ko pa si David na pinaghinalaan nyang boyfriend ko kuno.
bahala na si Batman!
"Elise?" Mahinahon pero ma-otoridad na sabi ni lola na para bang nagtatanong kung bakit ako nakapasan sa lalaking hunghang na to.
Umalis si lola sa dadaanan namin para makapasok kami sa loob. ang lamig sa loob ng room namin air conditioned nga talaga!
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng classroom, bumungad samin ang mga kaklase naming nagbubulungan .
"Hala sanaol may jowa!"
"Hala diba yan yung poging lalaki kanina? May jowa na pala siya!"
"Apo ni Mrs De Muerte yang babaeng yan. kaya tingnan mo magkamukha sila."
sige lang bulungan pa!
Nakita ko yung kasama ko kanina na si Maris. Bakas sa muka nya ang pagtataka at pag-aalala.
"Elise?" tawag ni Maris sakin, pero hindi ko na sya pinapansin kasi patuloy lang si David sa paglalakad papunta sa likod kung saan may bakanteng dalawang upuan.
Napaka-malas ko talaga. katabi ko pa tong kumag na to!
Wala na akong magagawa pa dahil yun lang ang bakanteng pwedeng upuan sa buong classroom.
Maingat akong binaba ni David sa upuan ko. lumuhod sya para hilot hilutin and binti kong sumakit kanina. yung binti ko kasi yung naunang tumama sa pader dun sa pinagdulasan ko kanina eh.
"Masakit ba baby?" tanong ni David habang hinihilot yung binti ko.
Wait... what? tinawag akong baby ng kumag na to??
Sakyan ko na lang trip ng gagong to?. tutal chismis, isyu nadin naman. kami sa loob ng classroom eh.tinignan ko sya na hinihilot padin yung binti ko.
Hindi rin nakatakas sakin yung mga bulungan ng mga hampas lupa kong classmates.
"Uy baby daw! sabi sayo mag-jowa yan eh"
"Ay malandi!"
"Sanaol!"
Sasakyan ko na lang tong kumag na to! "Oum baby. hilutin mo mamaya ah, may klase pa kase tayo eh." Tumingala sakin si David na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko!
Haha.
Ano akala mo hindi ko sasakyan mga jokes mong corny? ulowl !
Namumula pa yung muka nya na parang kinilig sa sinabi ko.
Tumayo na si David at nakayuko sya sakin ngayon. Tumingala ako para makita ko sya!
"Sa susunod kasi mag-iingat ka! i love you baby!" Banat nanaman nya.
Eto ang hindi mo inaasahan na mangyayari. Hinalikan niya yung pisngi ko. Nanlaki yung mata ko sa gulat. Narinig ko rin ang ilang Bulungan ng walang kwenta kong classmates.
aba'y sumusobra ka na yatang Dabid kumag ka! mamaya ka sakin!
Lumakad na siya papunta sa katabi kong upuan kung saan may bakante. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ng kumag na to. Sinakyan ko na nga yung walang kwenta nyang jokes tapos nagnakaw pa ng halik sa akin.
talipandas!
Ang ingay ng buong classroom dahil sa mga bulungan ng mga classmate kong kumag din.
Chismosa!
Humarap si lola sa amin, at hinampas hampas yung table nya para makakuha ng atensyon sa mga estudyante. ,"Okay go back to our lesson."
Humarap si lola sa white board.
Nag-umpisa nang magsulat ng kung ano ano. Siguro mga mathematics problem yung sinusulat nya.
Sabi daw nila si lola daw yung nangunguna sa pinakamagaling magturo ng mathematics sa campus na ito. Hindi rin halata na 60 years old na sya. Sabi nya ayaw nya pa raw magretiro sa pagtuturo
Balita ko nga daw lima ang naging anak nitong si lola. Si tito Jun, si mama Karen at tita Lina. ewan ko lang kung anong pangalan nung dalawa nya pang nauna. pero sabi ni tito Jun mas matanda daw sila mama sakanila dahil triplets daw sila mama at yung dalawa. Sabi din daw ni tito Jun namatay daw yun nung hindi pa ako pinapanganak.
Nagbigay samin si lola ng tig-isang copy ng lectures nila nung nakaraan.
Tinignan ko si David na inaaral yung nasa copy na binigay kanina nakapangalum-baba ako habang tinitigan yung muka ni David.
Kahit pala tarantado tong si David ay panalo parin ang pagmumukha sa kagwapuhan. Ang tangos ng ilong. Makinis na balat, kissable na lips, magagandang at mapupungay na mata, matangkad din sya, sakto lang din yung haba ng buhok nya. hindi rin kalakihan ang katawan, pero pasok na pangmodel ng boxer !
Sa pagtitig ko sa tarantadong si David, hindi ko namalayan na nakatingin na rin sya sakin.
omg.
Agad akong umiwas ng tingin, hinarap ko yung copy ng lecture, at nagkunwaring binabasa ko yung lectures na binigay samin.
Nagulat ako nang ilapit niya yung muka nya sakin at tinapat sa tenga ko yung bunganga nya. Ramdam ko ang hininga nya tenga ko. Nanginginig naman yung katawan ko sa ginagawa nitong kumag na to.
"Sa susunod kapag tinitigan mo ko, make sure hindi kita mahuhuli!" Bulong nya sa tenga ko. bumalik na sya sa pwesto nya at hinarap ko pa ang gago nakatingin parin sakin.
As usual nakangiti na naman ang kumag. Tinignan ko sya ng masama. "Ang kapal ng muka mo!" Pagtataray ko sakanya
Humarap na ulit ako sa copy ng lecture na binigay saamin ni lola kanina. Sinusulyapan ko pa minsan si David na seryosong nagaaral.
Matalino kaya tong hunghang na to?
Natapos ang klase ni lola, at may pumalit na teacher. Lalaki yung teacher, sabi nila Filipino teacher daw siya. Medyo matanda na rin syang tingnan mga nasa late 40s na sya.
Humarap sya sa aming lahat. binaba nya muna saglit yung mga hawak nya kanina sa table. "Magandang umaga" Bati nya na nakangiti.
"Magandang umaga rin Mr. Chicas"
Bati ng mga kaklase namin. hindi kami nakasabay sa pagbati sa kanya kasi nga hindi pa namin alam yung name nya.
Tumingin si Mr chicas saaming dalawa ni David. "May transferee pala tayo!" tinuro nya kaming dalawa.
Nagkatinginan kami ni David. "Magpakilala kayo rito sa harap!" Dagdag pa ni sir.
Nagkatinginan ulit kami ni David. sinubukan kong umiwas ng tingin sa kanya, nang-aasar lang naman yan pag-titingin sakin eh.
Hindi pa ako nakakapagsalita nang buhatin ako ni David kumag pa bridal style pa. Masakit pa rin kasi ang binti ko at balakang dahil sa pagkadulas ko kanina.
Sinubukan kong pumalag pero hindi sapat ang lakas ko sa kanya.
"Hoy David ibaba mo nga ko!" Protesta ko. hindi sya nakinig sa sinasabi ko.
Yung mga kaklase kong hampas lupa naman nagbubulungan nanaman. Sira na kaagad image ko dito sa section na to!
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni sir chicas. Pero may himala! hindi nakangiti si David! naka-poker face naman sya ngayon. walang reaksyon sa muka nya hanggang makarating kami ng harapan.
Maingat nya akong binaba sa table ng teacher. Nakita ko yung buong klase na para bang kinikilig, meron namang hindi natuwa sa inasta ni David.
"Bakit kailangan pang buhatin?" Natatawang tanong ni sir chicas kay David.
"Injured po kasi. dahil sa katangahan." Sagot ni David. narinig ko ang mahinang pagtawa ng klase at ni sir chicas.
Tiningnan ko lang naman sya ng masama. This time nakangiti na naman ang gago. Gustong gusto nya talaga na makita akong parang gago sa harapan nya.
Talipandas!
"Okay pakilala na kayo!" Agaw ni sir sa atensyon namin.
Humarap si David sa buong klase
"Hello everyone I'm David De la Fuente, i'm already 17 years old, I'm a transferee from Academia de Immaculada Concepcion de Manila. " Pakilala nya. Andaming sinabi, pero isa lang ang naintindihan ko, sa Immaculada Concepcion sya galing na eskwelahan?
So... sinusundan ba ako ng kumag na to?
Immaculada Concepcion din kaya yung former school ko!. Kaya pala pamilyar tong gunggong na to sakin. Sinusundan niya talaga ako!
Humarap sakin si David na nakangiti parin. "Your turn!" Sabi ng talipandas!.
Tumingin muna ako ng masama sa kanya bago humarap ako sa klase at kay sir. "Hello everyone, Ako si Elise De Muerte" Panimula ko. " I'm already 16 years old I'm a transferee from Academia de Immaculada Concepcion de Manila" Pagpapakilala ko.
Halos nanlaki pa ang mata nila dahil hindi sila makapaniwalang galing kaming dalawa ng kumag na to sa iisang school.
Hinarap kami ni sir chicas na nakangiti. "Ahh so galing kayo sa iisang school?" Tanong nya.
"At ikaw yung apo ni Mrs De Muerte?" Itinuro nya ako.
"Ako nga po" Sagot ko. tumango lang naman sya bilang sang-ayon sa sinabi ko.
"Okay bumalik na kayo sa pwesto nyo!" Sabi ni sir.
Eto nanaman yung kumag na si David. hindi pa ako nagsasalita, binuhat na naman nya ako.
sige pag nalaman to ng jowa ko!
Hindi na ako nakapalag sa ginawa niya dahil nakarating kaagad kami sa upuan namin.. Maingat nya akong nilapag sa upuan ko.
Pagkaupo ko ng maayos hinarap ko na agad si David kumag. kinalabit ko sya ng padabog.
"Hoy David" tawag ko sakanya.
Sumimangot ako.
"Hoy Dabid bakit kaba sunod ng sunod sakin?" Napabuntong hininga ako. "Siguro ikaw yung stalker ko dun sa Immaculada Concepcion no?"
"Maybe not" Tanging sagot nya sakin. Hindi din sya humarap sakin dahil busy daw kuno sa pagaaral.
Malaman ko lang talaga!
Hindi ko na sya pinansin dahil nagtuturo narin si sir chicas samin. Katulad kanina binigyan nya rin kami ng copy ng lectures nila nung nakaraan.
Hindi parin kami nagkikibuan ni David hanggang sa matapos ang klase ni Mr Chicas.
Hanggang sa tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay lunch na.
Niligpit ko muna yung mga copy ng lecture na binigay samin ng teacher kanina. Balak ko sanang bumaba para bumili ng pagkain sa cafeteria kaso nga lang medyo masakit parin yung binti ko.
Pinilit ko na lang maglakad. Papalabas na sana ako ng pinto nang biglang....
"BULAGA!"
"TANGINA MO DABID!"
Kahit kailan walang dulot to sa lipunan tong lalaking to. Sinakyan ko na nga yung jokes nya kanina. baby daw!
Ginulat ba naman ako. Ayos yan David konti na lang masasapak ko na yang pagmumukha mo!
Akala nya siguro nakakatuwa yung ginawa nya. Halos maaning ako sa gulat. Nakakagulat pa naman pagmumukha nitong kumag na'to. Kung saan saan na lang sumusulpot ang gago.
"Hindi ka makalakad?" Natatawa nyang tanong.
Tanginang tanong yan.
Tinignan ko sya ng masama. "Obvious ba?" Naiirita kong sagot.
Tumawa sya ng mahina. "Pasan ulit kita?" Tanong nya may pataas baba pa ng kilay.
"Mas mabuti pa.... ah wait" May naisip akong paraan! Kusa kong tinanggal ang polo nya. Nagtataka pa sya sa ginagawa ko.
"Elise wag dito" Sabi niya with matching nakakalokong ngiti.
Nakatanggap sya ng mahinang paltok mula sakin. "Ang dumi ng utak mo!" Naiiritang sabi ko.
Nang matanggal na ang polo. Tinali ko naman yung polo sa bewang ko patalikod sa pwet, kasi nga fitted skirt yung suot ko ngayon mahirap na, baka masilip nila yung V ko. hehe
May patong naman si David na sando kaya okay lang kahit kuhanin ko tong polo nya. Ibabalik ko rin naman to pagkatapos bumili.
Nang maitali ko na ang polo sa bewang, pumasan na ako kay David kumag.
"Aray ko naman. nasasakal kaya ako!." Reklamo ni kupal. Hindi ko sya pinansin. Bahala kang mamatay sa sakal! tangina mo!
"Hoy David May itatanong ako sayo mamaya" Sabi ko-
"Kahit ngayon mo na itanong sasagutin ko" Sabi nya-
Ngayon may oras na ako para tanungin tong kumag na to. andami kong itatanong sayo ihanda mo na yang tenga mo!
"Bakit mo ba ako sinusundan David?. saka bakit? paano galing ka rin ng Immaculada Concepcion? sinusundan mo ba talaga ako?" Sunod sunod na tanong ko.
Nagpapatuloy syang maglakad hanggang makarating kami sa hagdan ng building.
Narinig ko ang mahina nya pagtawa. tangina mo David! anong nakakatawa?
"Napakaasumera mo naman. Hindi kita sinusundan. nagkataon lang na kailangan rin naming umuwi dito ni papa dahil kailangan naming patakbuhin ang hacienda ng namatay kong lolo!" Paliwanag nya.
Wow... haciendero pala tong kumag na to eh. mayaman pala!
"Eh bakit mo ko pinagtitripan dun sa simbahan kahapon? saka bakit mo ko sinusundan kagabi?" Tanong ko ulit.
"Naalala kasi kita. ikaw yung babaeng laging kasama ni Julie sa school natin dati diba?" Paliwanag nya ulit.
Wait.... what? si Julie? kilala nya si Julie?!
"Kilala mo si Julie?" Tanong ko.
Tumango sya ng tipid. "Oo, crush ko kasi dati si Julie."
Haha.. sya pala yung nagpapadala ng corny'ng love letter kay Julie dati. Hindi naman binabasa ni Julie yon kaya ako nalang ang bumabasa.
Tumawa ako ng mahina. "Ikaw pala yung nagbibigay ng mga corny'ng love letter kay Julie!" Tumawa ulit ako
"Hindi naman binabasa ni Julie yung mga love letters mo. Kaya madalas ako ang bumabasa non." Dagdag ko pa.
Hindi na sya kumibo kaya Nakababa na kami at nakalabas na kami ng building. andaming estudyante na nagkalat. syempre lunch time ngayon!.
Pinagtitinginan pa kami dahil nga nakapasan ako kay David kumag
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy si Dabid sa paglalakad papuntang cafeteria.
Na-miss ko tuloy si Justin jowa ko yun!
Lagi nya kasi akong binubuhat at pinapasan dati. Kamusta na kaya sya ngayon? Hindi ko na din kasi sya natatawagan o ma-chat sa Messenger. Sa weekend nga bibisitahin ko sya.
Hindi naman gaano kalayo ang Maynila dito. 3hours lang naman ang biyahe.
Mapayapa kaming nakarating ni David sa cafeteria. merong nagtataka at nagbubulungan dahil nakapasan nga ako sa kumag na to!
"David baba mo muna ako dun sa upuan" Mahinahon kong bulong sa kanya sabay turo sa upuang bakante.
Binaba ako ni David sa upuan. at hinarap ako. pawis na pawis ang gago. Siguro mabigat na talaga ako. Kailangan ko na yatang mag bawas ng timbang.
Kinuha ko yung panyo sa bulsa. "Oh" binigay ko sakanya yung panyo para pamunas sa pawis nya.
"Ano nga palang papabili mo?" Tanong nya sakin.
Hinimas himas ko muna yung baba ko para magisip ng kakainin. "Chicken wings at fried rice. Dalawa o tatlong order" Sabi ko. kumuha ako ng pera mula sa bulsa ko.
Iniabot ko sakanya yung pera. "Ako na magbabayad" Presinta nya.
"Sige!" Mabilis kong sagot. Ngumiti naman sya ng nakakaloko at umalis na
Syempre ako pa ba? Tatanggihan ko ba? libre yan eh. Natanaw ko pa si David na nakapila para bumili.
"Hi Elise" Bati nung kung sino. Humarap ako sa kanya para makita ko kung sino sya. familiar din kase yung boses nya.
Si Maris!.
"Hi Maris" Sabi ko habang kumakaway sa kanya. May dala syang tray ng pagkain.
"Sino yung guy na pinapasan ka kanina?" Tanong nya.
"Sino? si David?" sagot ko habang nanlalaki ang mata.
"Oum yung classmate din natin! Jowa mo ba?" Tanong ulit nyang tanong sabay subo ng pagkain.
Hindi ko na nasagot ang tanong nya dahil dumating na si David kumag, inabot nya sakin yung meal na pinabili ko at umupo sya sa tabi ko. Nakita ko pang nakangiti si Maris habang nakatingin saamin ni David kumag.
yuck kinikilig ka dito sa kumag na to?
"Do you want some drinks?" Tanong ni David habang nakatingin sakin.
Tinginan ko sya ng masama. "Nakabili ka na lahat lahat tapos hindi ka man lang nakabili ng inumin?" Iritang tanong ko sakanya.
Tumayo sya agad para pumila ulit at bumili ng inumin. "Lola mo pala si ma'am de muerte?" Tanong ni Maris na nasa harapan ko parin.
Tumango lang ako at nag-umpisa ng kumain. Nakabalik na si David na may dalang milktea?
To be continued................