*SCHOOL*
Elise's P.O.V
At eto na nga. Ang pinaka-iinis ko tuwing umaga. Ang maligo ng malamig na tubig.
Ang araw araw na hamon ng buhay ko. Simula sa Maynila. Ang sulusyon ng malamig na tubig ay magpakulo ng mainit na tubig.
At ito na ang kasalukuyan kong ginagawa. Naghihintay kumulo ang tubig. Medyo inaantok padin ako ngayon. 10pm na ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Buti na lang ginising ako ng mahiwagang bunganga ni mama. Alarm clock ko yan.
Hindi pa alam ni mama yung nangyari kagabi. Mas mabuti na ring hindi nya na malaman pa. Baka paliguan pa ako ng mura nun pagnagkataon.
Kumulo na sa wakas ang pesteng tubig na ihahalo ko sa ipapaligo ko ngayong bwisit na araw. Araw na kasi ngayon para maglampungan-- este mag-aral pala.
Oo eto na ang araw ng pagpasok sa bwisit na paaralan. Kung hindi nga lang kailangang mag-aral hindi na talaga ako mag-aaral. Puro kagaguhan lang naman matutunan ko dun. Lalo na sa mga kaklase ko.
Kinuha ko yung init tubig sa takure at umakyat na sa taas kung nasaang ang banyo ng kwarto ko. Inihalo ko na ang tubig na mainit sa balde ng tubig at nagsimula nang maligo.
Pagkatapos maligo nagsuot lang ako ng bestida dahil wala pa naman akong uniporme nag heels na lang ako, yung heel na sinuot ko kahapon sa simbahan. Yung kapartner ng white dress na sinuot ko din kahapon na sya ring sinipa ng kumag na lalaking naghahanap pa ng g**o kagabi.
Speeking of kumag na lalaki.... Bakit kaya nya ako sinusundan kagabi. Kapit bahay ko lang din siguro yung Hudas na yon. Pagkatapos magbihis bumaba na ako kaagad para kumain.
Nakita ko pa si mama na nagluluto padin ng almusal namin. Hinintay ko na lang maluto ang pagkain na niluto ni mama. Lugaw ang pagkain. Tamang tama sa malamig na umaga.
Pagkatapos kumain, binigyan ako ni mama ng pera na pang enroll. Oo tama pang enroll. Private kasi ang papasukan kong eskwelahan. Kung saan nagtuturo si lola. Mathematics teacher Kasi ang lola ko dun. Sa fourth year nagtuturo si lola at saktong sakto dahil fourth year na din ako.
Pero hindi ako sumabay kay lola dahil marami pa daw kasi syang gagawin sa school. Kaya ako nalang ang papasok magisa. Alam ko na din naman na yung daan papuntang school.
Lumabas na ako at kinuha na yung bike sa bakuran. Bike ang gagamitin ko araw araw para makapasok ng eskwelahan.
Paglabas ng gate sinara ko agad. Wala namang magnanakaw dito pero isara ko pa din wala namang masama. Nagpidal na ako papunta sa school.
"Elise!" sigaw ng kung sino sa likod. Pamilyar yung boses kaya huminto ako para tingnan kung sino.
"Elise hintay!"dagdag na sigaw nya ulit.
Parang alam ko na kung sino. Yung Hudas na kumag na punyeta at lahat na mura sa buong mundo. Yung lalaki kagabi at kahapon.
David .
Tumakbo sya papalapit sakin. Huminto sya sa mismong harapan ng bike ko. Hingal na hingal ang kumag.
"Problema mo?"Tanong ko, may halong pagtataray ang boses ko
"Saan ka pupunta?"Tanong nya.
"Sa eskwelahan bakit?"Sagot ko. Hindi pa rin nawawala yung pagtataray sa boses ko.
"Saang eskwelahan ba yan?" Tanong nya ulit.
Ako naiinis na ha. Baka ma-late ako nito eh. Mag-e-enroll pa nga lang ako tapos late na agad. Tangina lang.Sinagot ko na sya ng derechahan. Ayoko na ng mahabang usap.
"Sa Saint Guadalupe Academy, Bakit nanaman?"
"Sabay na tayo!"
Hindi pa ako nakakasagot pero ang hampas mukang lupang kumag na lalaking to sumakay agad sa bike ko. Hindi ko na nagawa pang magreklamo sa ginawa nya at umupo na sa backseat ng bike. At baka mahuli din ako patay ako nito kay lola. Sabi pa naman nya agahan ko daw.
"Yakap ka sakin!"sabi nya. Hindi ko man nakikita yung muka nitong gunggong na'to pero alam kong nakangiti sya ngayon.
"Yakapin mo gulong!"Pagtataray ko.
Tumawa lang sya ng mahina. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Wala yatang almusal tong gagong to eh.
Hindi ko sinunod yung gusto nyang yakapin ko sya. Ano ka hellow?. Kumapit lang ako kung saan pwedeng may makapitan.
Pero infairness, mabango din pala tong hudlong na to. amoy pabango ng lalaki! ughhh parang gusto ko na syang yakapin sa sobrang bango niya.
landi mo Elise!
Nagpipidal pa din sya sa bike. Hanggang makarating kami sa eskwelahan. Andaming estudyanteng Naka uniform.
Ako wala pa ding uniform. Mag-papa-enroll palang din kasi ako. Pero itong kumag na to, anong ginagawa nito dito?. Wala naman syang suot na uniform. Imposible namang dito sya nagaaral.
Bumaba kami ng bike at papasok na sana ng gate nang tanungin ko yung kumag na Dabid ang pangalan.
"Hoy Dabid!. bakit andito ka? mag-e-enroll ka rin ba?" Tanong ko.
huminto sya at hinarap ako.
"Oo sa ibang school sana ako mag-e-enroll eh kaso.. Dito ka eh kaya dito na rin ako!" Sabi nya. Tumataas baba pa yung kilay habang nakangiti ang gago. Tiningnan ko lang sya ng masama.
"Ahh transferee ka pala!" sabi ko. Hindi na kami nagsalita pa at pumasok na. Hinarang pa kami ng guard dahil hindi daw kami nakauniporme at wala rin kaming i.d. pero sinabi na namin sa kanya na mag-e-enroll kami kaya pinapasok na rin nya kami.
Pagpasok, agad kaming pumunta ng registration office para magpa register at enroll na din. Nadaanan pa namin yung ibang mga estudyante. andami naming nadaanan na kotse na pangmayaman sa parking lot. mayaman nga talaga mga estudyante rito.
Siguro mayaman rin tong si David. Trip nya lang sigurong mang-inis. Ako hindi naman ako mayaman. Si lola lang naman talaga magbabayad ng tuition fee ko dito. Pero syempre ngayon si mama muna magbabayad!.
Pagpunta namin ng registration office, bumungad si lola samin.
"Saan ka ba nanggaling? kanina pa ako naghihintay dito!"Bungad ni lola. Nakaupo sya sa maliit na sofa at nakauniporme pang teacher.
"Sumabay lang kasi sakin tong kumag na to eh" sagot ko habang tinuturo si David Hudas mula sa likod.
Nagtataka akong tinignan ni lola, pati si Dabid. Parang sinusuri nya ako pati si Dabid. Tinitigan nya ako na para bang pumatay ako ng tao.
"Sino sya?"Tanong ni lola habang nakatingin kay Dabid.
"Ahh!! ayan?" Tinuro ko si David."Si Dabid yan lola. yung kumag na sumabay sakin."
"Boyfriend mo?"
Tanginang tanong yan!. Ganoon ba ako ka-landi?. Kauuwi ko nga lang rito nung Sabado eh , may jowa na agad.
Si lola ang tunay na Marites!.
haha charot!
"Etong gagong to?" Tinuro ko ulit si Dabid. "Hindi ahh!. kasabay ko lang yang mag-enroll!.. Pagtanggi ko.
Hindi naman nakatakas yung malapad na ngiti ni Dabid sakin. Yung ngiting parang nang-aasar.
Kingina kang Dabid ka mamaya ka sakin!.
At kung minamalas malas ka nga naman oh. 4rth year narin pala tong kumag na to. Kaya pala ang lakas ng loob na sundan ako pati sa eskwelahan. At ang mas matindi pa kaklase ko sya.
Ang malas ko talaga....
Binigay na saamin yung uniporme na binili namin. Ang ganda ng uniporme. May mahabang manggas na blouse, may necktie na may nakalagay na logo ng school, at fitted na paldang kulay dark gray para sa mga babae.
Yung sa mga lalaki naman polo na may mahabang manggas, may necktie at logo din, at dark red na pants.
Mamayang 9 daw ang umpisa ng klase namin. Oo 9am, diba walang pahinga! Kahit isang araw man lang. 8:25am palang naman kaya meron pa akong oras para pumunta ng cafeteria.
Hindi ko na rin kasama si Dabid dahil humiwalay na ako sakanya.
Crush siguro ako nun ni Dabid,
Wehh asumerang Elise!
Pumunta muna ako ng cafeteria para kumain. Nagugutom na kase ako. Feeling ko kulang yung lugaw na kinain ko kanina. Pagpasok ng cafeteria, wala masyadong tao kase nasa room na nila yung ibang estudyante.
Bumili lang ako ng patay gutom meal. ahh este chicken wings with rice meal. Pagkakuha ko ng meal, naghanap ako ng bakanteng upuan para duon kumain.
Sa dami ng sinabi sakin ni lola kanina, hindi ko na rin nakita yung registration card ko. Dun kase nakalagay kung anong section ako.
Kinuha ko yung registration card na nakalagay sa brown envelope na nilagay nung registrar kanina.
Pagkakuha ng card, tiningnan ko agad kung anong section ako. Laking gulat ko sa nakita ko. Nasa 1st section ako. Hindi naman ako ganun kagaling sa katalinuhan. Pero bakit 1st section ako.
Sa sobrang saya ko, hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako magisa. Baka pagkamalan pa akong baliw, kaya nawala na yung ngiti sa labi ko.
"Hi!" bati ng kung sino. Tumingala ako para makita ko sya.
"Can I?" Panghihingi nya ng permiso para maki share ng table sakin. May dala rin syang pagkain.
"Sure" Sagot ko habang nakangiti. Umupo na sya sa upuan ng table sa harap ko.
Maganda syang babae. Maputi ang kutis, Matangos ang ilong. Perfect na jawline. May beauty mark o nunal rin sya sa pisngi na kina-a-attract ko, kahit Probinsyana at Probinsyano ang nagaaral dito mapuputi, magaganda, at ang gagwapo nila. Naka-uniform din sya kagaya ng uniform na binigay sakin kanina.
"I'm Maris Castro. You can call me Mars or Mary if you want." Pagpapakilala nya habang nakangiti. binuksan nya yung styro na lalagyan ng pagkain at kumain. Ngumiti ako bilang sukli. Mukang mabait naman sya.
Humarap ulit sya sakin "And you?" tanong nya.
Ngumiti ulit ako. "Ahh I'm Elise, Elise De Muerte. you can call me Lize or Lisa for short." Pagpapakilala ko
"Transferee?" tanong nya ulit habang ngumunguya ng kinakain.
Ayos to wag mo nalang akong pakainin tanungin mo na lang ako!!
Ngumiti ako ng tipid "Oum 4rth year highschool" sagot ko. This time binuksan ko na yung meal na binili ko para kumain. Tinabi ko muna yung registration card sa tabing upuan.
"Really?" huminto sya sa pagkain at nginitian ako. "Anong section mo?" siguro 4rth year highschool din to.
Tumigil muna ako sa pagkain at nilunok yung nginuya ko. Humarap sakanya "1st section" sagot ko sabay ngiti.
Bigla na lang syang tumayo at sumigaw "Omg another pretty to our section. We're classmates"
Bumalik na sya sa pagkakaupo. At binalikan yung pagkain nya. Habang ako nakangiti parin.
Nagkaroon ako ng tiyempo para magtanong kung matalino o higher section ba yung 1st sec, kasi naman napaka imposibleng mapunta ako dun.
"Maris" tawag ko sakanya. Huminto sya sa pagkain at tinignan ako.
"Higher section ba yung section 1?"
tanong ko.
" What do you think?" tanong nya.
"Ah higher section?" sagot ko. kitang kita ko sa mga mata nya na gusto nyang tumawa ng malakas.
"No!! 1st section is the lowest section here. unlike sa ibang school na yung 1st section ay yung pinakamataas pero ang higher section dito ay yung 10th section. sila kasi yung pinaka mataas." Pagpapaliwanag nya
Muntik na akong mapahiya grabe. Sobra naman sila kung ganon. Nilagay talaga nila ako sa lower section. Medyo matalino naman ako.
Siguro kaya nila ako nilagay sa lower section dahil narin siguro sa mga records ko sa dati kong school.
"Ahh.. kase napaka imposible naman kung mapupunta ako sa higher section. hindi naman ako ganun katalino." sabi ko.
Tapos na kaming dalawa kumain.
humarap ako sa kanya. "Maris" tawag ko sa kanya.
"Why?" bored nyang tanong.
"Classmates nadin naman tayo.. pwedeng sabay na tayo pumasok? mahihirapan kasi ako kung hahanapin ko pa yung building natin."
"Sure" mabilis nyang sagot.
"Ahh Maris meron pa pala. pwedeng samahan mo muna ako sa comfort room para magbihis ng uniform?" tanong ko.
"No problem." sagot nya.
Buti nalang at mabait tong si Maris. Nakahanap agad ako ng friend dito sa school na to. Sana yung iba friendly rin tulad ni Maris.
Lumabas na kami ng cafeteria para pumunta ng comfort room. Agad akong pumasok sa isang cubicle na bakante para magbihis. Habang si Maris naman ay nag-aayos ng sarili sa salamin.
Medyo nahirapan pa akong magbihis sa blouse dahil hindi nga ako pamilyar sa ganitong klase ng uniporme. Iba kase yung uniform sa dati kong school. Pero mas nahihirapan ako sa pagsuot ng fitted na palda, nasa likod kasi yung zipper.
Lumabas ako ng cubicle at tinawag si Maris. "Pssst. Maris" tawag ko sa kanya. Busy sya sa pagaayos sa sarili.
"Hmm?" Nakaharap parin sya sa salamin.
"Patulong naman ako dito." Panimula ko. "Nahihirapan kasi akong isara tong zipper sa likod eh" humarap sya sakin. Tumalikod ako para ipakita yung zipper na pinapasara ko sa kanya.
Sinara nya yung zipper ng walang kibo. Naka-tack-in yung blouse namin sa fitted skirt. Nilagay ko muna yung sinuot kong dress kanina sa paper bag na dinala ko kanina.
Wala pa akong mga school supplies kaya mamaya paguwi bibili na agad ako sa bayan.
Naghilamos muna ako at nag-ayos ng sarili. Para naman hindi ako magmukhang dugyot sa first day of class ko dito sa school na to.
Pagkatapos ng lahat lahat, lumabas na kami ni Maris para pumunta sa room namin. Medyo naiilang ako sa suot kong skirt. 15 minutes na lang tutunog na yung bell na ibig sabihin ay oras na ng klase.
Nakarating kami ni Maris sa tapat ng building. Huminto ako nang papasok na kami ng building.
Taka akong tinignan ni Maris "Any problem?" Tanong nya na nakakunot ang noo
"Mauna ka na muna siguro Maris. Alam ko kasing air-conditioned yung mga room dito kaya mag-es-stay muna ako dito para makalanghap ng fresh air" Pagpapaliwanag ko.
Sa totoo lang kinakabahan ako rito. Hindi naman ako ganto dati, pero feeling ko kinakabahan ako pag first day of school ko.
Nagtataka man si Maris, pero sinunod nya na lang ako. tumango lang sya bilang sagot, at umakyat na sa third floor. alam ko naman yung room number namin kaya hindi na ako maliligaw. nakasulat na sa registration card yung section, building, room no., teacher's name etc.
Umupo muna ako sa bleacher sa tapat nang building. Hihintayin ko nalang ang pag-ring ng bell para makaakyat na ako sa taas.
Anlaki pala ng eskwelahan na ito. andaming buildings at hallway. May soccer field at basketball court rin. Habang ginagala ko yung mga mata ko sa paligid, May nakakatawang umagaw ng atensyon ko.
Nakakatawa talaga as in. Si David kasi naliligaw. Naka uniform na din sya. Hindi nya ata mahanap yung building namin. Nagtanong sya sa mga kababaihang nakaupo sa bleacher hindi kalayuan mula dito.
Mukang nabigo ang Dabid makuha ang sagot sa tinatanong kaya umalis. Nakita ko pa yung ilang babaeng pinagtanungan nya na kilig na kilig kay Dabid.
Oo kinikilig sila kay Dabid. hindi ko naman maitatanggi kahit kumag na Hudas si David eh panalo parin sa muka.
Sa madaling sabi, pogi si David!!
Hindi na ako nakatiis dahil naawa naman ako kay David kaya nilapitan ko sya.
"Hoy Dabid!!" sigaw na tawag ko sakanya habang tumatakbo.
Lumingon sya sakin. napangiti naman ang gago nang makita ako.
Kinikilig na ako sa ngiti mo enebeyen-- hoy gaga ka malandi!!
Huminto ako ng makalapit sa kanya. Hiningal so sa pagtakbo kaya pinatong ko muna yung kamay ko sa tuhod para magpahinga muna.
Tumingin ako sakanya at tumawa. "Hahahahah... ano nahihirapan kang mahanap yung building ng room natin no?" Tumawa ako ng malakas. sumimangot sya at tumingin ng diretso sakin.
"Ikaw kasi eh!!. iniwan mo na kaagad ako." Pagdadrama ng gunggong habang nakayuko.
"Alangang isama kita sa banyo para magbihis!" sabi ko. ngumiti ng malapad ang gago kaya ako naman ang sumimangot sa kanya.
"Kung gusto mo.. bakit hindi" hirit nya sabay taas baba ng kilay at ngiting nakakaloko.
Tiningnan ko sya ng masama. "Sapakin ko kaya kaluluwa mo!" Pagbabanta ko sa kanya. Hindi parin nawawala yung nakakalokong ngiti ng gago.
Lumapit sya sakin. as in lapit talaga konti na lang mahahalikan nya na ako. "Eh kung halika--" hindi na nya natapos yung sasabihin nya nang tumunog yung bell.
"Sapakin ko muka ko mo eh, tara na nga" pagtataray ko sa kanya. hindi pa sya nakakasagot nang hatakin ko na sya papuntang building.
"Ikaw Elise ahh, halatang halata na, na may crush ka sakin!" sabi nya na nagpahinto sakin. humarap ako sa kanya at tinignan sya ng masama.
Habang sya sayang saya sa sinabi nya. Ako magkakagusto sayo? ulowl. gwapo ka lang.
sa gwapo ka nga nagkakagusto eh.
"Ha? ang kapal naman ng muka mo kung ganon." binitiwan ko yung kamay nya at nag cross arm.
"Gwapo ka lang" halos pabulong kong sabi. ngiting panalo naman ang gago sa sinabi ko.
omg Elise parang sinabi ko na ring may crush ako sa kanya. argghhh kahit kelan ambobo mo Elise.
"Edi type mo nga ako" banat nanaman nya. hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng building namin.
Nilingon ko saglit si Dabid kumag na nakangiti parin.
May saltik siguro tong lalaking to! ngiti ng ngiti. happy everyday? happy? happy? Pagkaakyat ko ng third floor hindi ko namalayang madulas yung sahig kaya...
kaya...
.
.
.
.
.
"AAARRGHHHHHH"