Maaga akong nagising, dali-dali akong bumangon naalala ko yung sinabi niya kagabi na may pupuntahan daw kami tapos doon na magsisimula yung palabas namin. Pumasok ako sa banyo para maghimalos at naligo na rin ako. Subra kalahating oras ako natapos. Bagal ko 'no? Kayo rin naman e. Nagbihis na rin ako pero pambahay muna hindi ko pa alam anong oras kami lalakad wala siyang sinabi. Nagtaka akong walang kumatok sa pinto para sa agahan. Ay nasanay kasi ako sa province. Bumaba na rin ako ng tapos na akong mag ayos.
Pagbaba ko nakita ko si Draven sa may table, may dalawang plato na nakalagay doon at pagkain. Dalawang plato? para sa akin na yung isa? sasabay ba kaming kakain? Dere-deretso ako sa kanya at binati siya ng, "Good morning, Sir" anya ko. Sir daw tatawag sa kanya.
"Morning" sagot nito na hindi man lang tumingin sa akin. "let's eat masamang pinaghihintay ang pagkain." tumango lang ako at umupo sa harap niya. Nagsimula na itong kumain ako naman ay nahihiya at medyo nakaramdam ng awkward. Tinitignan ko bawat pagsubo niya. Walang ibang tunog kundi ang mga kutsara lang. "staring at me, again?" tanong niya, ngunit hindi pa rin nito inalis ang tingin sa pagkain niya.
Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong kinabahan at nahiya, takteee paano niya nalaman hindi naman siya nakatingin ah? Bigla itong tumayo, ha? tapos na siyang kumain bilis naman samantalang ako hindi ko pa nagagalaw yung pagkain ko.
"I have to go, may aasikasuhin pa ako." wika nito at tumalikod na. "by the way, may lakad tayo mamaya, magpapadala ako ng tao para mag-ayos sayo para magmukha ka namang tao" dagdag pa nito. Teka anong sabi mo? bakit ano ba itsura ko? maganda ako period.
Wala na ito sa harapan ko, tinapos ko na yung kinakain ko, nagmadali na rin ako. Yung asungot na yun hindi man lang sinabi kung anong oras.
Hinugasan ko yung pinagkainan namin, nagtataka ako bakit walang mga maids, ngayun nasaan kaya sila. Kaya siguro walang kumatok. Kung wala yung mga maids? ibig sabihin siya yung magluto ngayun agahan namin? impossible! baka nag-order lang ito. Sa itsura niyang yun, malabong magluluto yun. Subrang boss kasi ng dating niya.
Tapos na akong maghugas ng pinggan, wala akong ibang magawa kaya naglinis linis na rin ako maliligo na lang ulit ako mamaya kapag aayusan na nila ako nakakahiya namang galing ka sa pawis. Nagpunas ako ng mga vase, mga picture frame, and mga alikabok pero sa totoo lang walang dumi, o alikabok, ang linis ng bawat sulok nito. Nang wala na akong magawa ay naisip ko na manood na lang ako ng tv, ayy teka wala rin mga bodyguards ngayun, ano kaya kung lalabas ako? want kong bumili ng kahit ano, binigyan ako ni Draven ng blackcard pero hindi ko ito gagamitin may sarili naman akong para, yun ang gagamitin ko.
Lalabas na muna ako, I'm sure naman na walang makakapasok na taga labas sa mansion na ito dadaan muna sila sa napakaraming bodyguards at sa gate na yun. Secure naman sila kaya kampante ako, yung mga papasok lang ang binantayan nila hindi yung mga lalabas. Kaya malaya akong makakalabas. Kinuha ko yung susi ng kotse ko sa kwarto. kotse ko? yup, binigay niya ito.
Madali akong nakalabas at gaya ng inaasahan ko, secure lang sila sa mga pumapasok hindi sa mga lumalabas. Nagtungo ako sa isang mall na malapit doon sa mansion. Naglibot-libot ako, hindi ko alam kong ano ang bibilhin ko, wala naman talaga akong planong bilhin depende kung may magustuhan ako. Subra isang oras na akong naglilibot at nakaramdam ako ng gutom, palagi naman akong gutom. Nakita ko yung isang cafe kaya pumasok ako doon. Nang Naka-order na ako naghanap ako ng magandang pwesto, naupo ako doon. Maya-maya ay nasa harap ko na ang isang tea na cookies and cream ang favor, my favorite.
Habang umiinom ako, bigla akong nakaramdam ng kaba, nangyayare ito kapag may mangyayareng hindi maganda. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at nahinto ito sa tatlong babae na nakatingin sa akin ng masama. Problema nila? bakit ganyan sila makatingin? wag na lang pansinin pero mas lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi na maganda ito. Dali-dali akong tumayo hindi ko na inubos ang favorite drink ko. Iniwan ko ito doon. Paglabas ko nakita ko ang pagtayo ng tatlong babaeng kanina pa nakatingin sa akin.
Ipinag sa walang bahala ko na lang ito nang makalabas na sa mall na yun at walang nakasunod sa akin. Nagulat ako ng biglang may humawak sa akin. "AYSUSMARJOSEPH!!" malakas kong usal. Isa itong lalaking naka black at sunglasses gaya ng mga tauhan ni Draven baka pinapasundo na ako nito.
"Hinahanap na kayo ni Boss Draven" wika nito. Sabi ko na nga ba, hinahanap na ako ng mukong.
"Pauwi na po ako, pupuntahan ko lang yung sasakyan ko, doon nakapark." nang hahakbang na ako ay pinigilan nito ako. Humarang siya sa harap ko. "Ma'am sabi po nila Sir kami na maghahatid sa inyo. Papakuha niya lang daw yung sasakyan na ginamit mo" wika nito.
Sige na nga sasama na ako, hindi na ako sumagot at naglakad na lang ako patungo sa isang van, teka ngayun ko lang nakita ito ah, baka naman ginagamit lang ito ng mga tauhan niya. Sumakay na ako, doon ako umupo sa likod I mean sa gitna, sa likod ng driver seat, madilim sa loob kaya hindi ko makita ang labas, pero kinabahan na ako ng tumagal ang byahe namin sa pagkaka alam ko, malapit lang sa mansion ang mall na pinuntahan ko kanina, pero halos mag-iisang oras na akong nasa van. Nagsimula na akong kabahan, iba na ito. Kailangan kong mag-isip ng paraan, wala, wala akong maisip.
Napansin ako ng isang tauhan, bigla akong nagsalita "Pwede daan muna tayo sa isang restroom?" nagtinginan sila, nakakuyom na ang mga palad ko at sa tingin ko ay napansin nila ito. "Ma'am nagmamadali po tayo, malapit na rin tayong makarating" sagot ng isang naka maskara na lalaki. "Pero hindi ko na kaya" pagpupumilit ko, mas lalo kasing bumilis t***k ng dibdib ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng nagsalita yung isang lalaki, "bantayan siya, wag niyo hayaang makatakas" at doon ko napagtanto ang lahat, pero huli na. Hawak na ako ng mga kaaway. "Teka ano bang sinasabi niyo?" kunyare walang alam kong tanong.
"Wag mo kaming lukohin, hawakan siya" utos ng isa. Hinawakan nila ang mga kamay ko para hindi makagalaw, nagpupumiglas pa rin ako. Hindi ko alam anong gagawin ko. Hindi ko alam kong anong pakay nila sa akin. "Tulong, tulongan niyo ako" pagsisigaw ko.
"Tumahimik ka nga, ang ingay ingay, kahit maubos yang boses mo walang makakarinig sayo." usal ng isang lalaki habang nakangisi.
"Sino ba kayo? anong kailangan niyo sa akin?" pasigaw kong tanong sa kanya.
"Kami? wala kang kasalanan sa amin, pero sa boss namin meron, ginalit mo siya kaya pinagalaw niya yung galamay niya." malakas itong tumawa, subrang creepy ng boses niya.
"Sinong boss niyo? si Vexaria?" tanong ko sa kanila. "Sinong Vexaria yang binabanggit mo? hindi naman namin kilala yan, atsaka kung sino man yan, wala lang yan sa boss namin." pagmamalaki nitong wika.
Napaisip ako, kung hindi si Vexaria? si Dahlia ba? Naguguluhan na ako. Wala akong naisip na paraan kaya kinagat ko yung kamay ng lalaking nakamaskara, at tatakas ngunit biglang may tumama sa ulo ko, at nung hinawakan ko ay may dugo ito. Pinalo nila ng baseball ang ulo ko, dahan-dahan nang naglabo ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako ng may parang tubig na nabuhos sa mukha ko. Pagbuka ko ng mga mata ay nakita ko ang isang armadong lalaki, naka mask pa rin ito, mahirap makita ang mukha niya.
Nilibot ko ang tingin ko at nandito ako sa isang abandoned house. Nakatali ang kamay ko at nakalagay ito sa likod ko, nakatali din ang mga paa ko.
"Sino kayo? anong kailangan niyo sa akin? nasaan ang boss niyo?" malakas kong sigaw na may tumutulong likido sa mga mata ko.
"Masyado ka namang nagmamadali, naghahanap ka ng sakit sa katawan." nakangisi niyang usal.
Biglang may pumasok na isang sexy na babae, nakafull black ito. Lumapit ito sa akin at ngumiti. "Well, well, well" she paused, at tinignan ako ng mula ulo hanggang paa. "Ikaw yung lumapit at nang akit sa Draven ko." dagdag nito.
Lumapit siya ng lalo, at hinawakan ang buhok ko, dahan-dahan niya itong sinikipan sa paghawak. "Tuturuan kita ng leksyon dahil pangahas mong inakit at nilapitan ang Draven ko, magbabayad ka." mas lalo niyang hinigpitan ito. Ramdam ko yung pag-inat ng ahit ko, subrang sakit na pero wala akong magawa, tiniis ko ito at hindi gumawa ng ingay na nasasaktan ako.
"At matapang ka?" nanlilisik na ang mga mata niya sa pagkakataong ito. Binitawan niya ang buhok ko, pumunta sa isang lamesa at may kinuha ito pagbalik niya ay hawak-hawak niya na ang baseball bat. Malapit na ito sa akin, malapit na malapit na, pumikit na lang ako. Itinaas niya yung hawak niya at deretsong ipinalo sa ulo ko, subrang lakas ng pagkakatama nito. Pakiramdam ko mapuputol na ang ulo ko, hindi ko nagawang imulat ang mga mata ko dahil sa sakit na nadarama. Naramdaman ko rin yung basang likido sa ulo ko umaagos ito, patungo sa mukha ko. Mas lalo akong nahilo at nawalan ng malay.
A/N: "pakiramdam ko mapuputol na ang ulo" takteee ano na namang palabas ito. "Tuturuan kita ng leksyon, dahil pangahas mong inakit at nilapitan ang Draven ko" so, sino nga ba siya? Draven niya daw.
thankyouu sa pagbasa, and kindly comment, i'll read it.
next chapter will be tomorrow.