Nanginginig pa rin ang aking kamay habang papalayo kami kay Vexaria. Maya-maya biglang nabasag ang katahimikan, nakaupo ito sa tabi ko sa SUV. Hindi man lang ito tumitingin. "May dalawang pagpipilian ka, Miss Veylora."
Tumikhim ako. "A-ano po?" tanong ko.
"Dahil pinirmahan mo na at pumayag ka. Sa loob ng 3 days kukunin kita sa hotel mo." wika nito. Tahimik lang akong nakikinig. "Option two, ngayun din sa araw na ito ay idadala na kita sa bahay." dagdag nito. Tahimik pa rin ako. Ang tanging naririnig ko lang yung ugong ng makina at t***k ng puso ko.
"B-bakit po ako? Ang dami naman po diyan sa city na pwede niyo..." mahina kong usal. "Because you're running.
And I need a wife who has nothing to lose." pinutol niya ang sasabihin ko. "No more buts and whys dahil pinirmahan mo na, wala nang bawian." Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang ulit yung kontrata.
DURATION: 6 MONTHS
PUBLIC HUSBAND AND WIFE
Huminga ko ng malalim. Naalala ko yung SUV kanina si Vexaria, kukunin niya ako at iuuwi sa amin, alam ko kung paano magalit si papa kung babalik ako sa mansion papahirapan lang nila ako. At baka matuloy pa ang kasalang yun. Ayaw kong mangyare yun, ngunit ayaw ko rin magpatali sa isa pang relasyon. Umalis ako sa mansion dahil ayaw kong magpakasal tapos ngayun mapupunta ako dito sa isa pang kulungan. Ngunit may kontrata na 6 months pag natapos na yun malaya na ako. Ngunit paano pag nalaman ng pamilya ko, baka kukunin din nila ako. Pero wala nang ibang paraan wala nang ibang pagpipilian. Pipirma ako at pag natapos na ang kontrata aalis ako sa bansang ito. Dahan-dahan akong hininga ang malalim.
"Bigyan mo ako ng 3 days at sasama na ako sayo, bilang iyong asawa." mahina kong usal.
"Good, we have a lot to do."
"G-gagawin po?" tanong ko.
"Kailangan kitang baguhin, yung pananalita, panunuot, at dapat mong tandaan mga sasabihin ko."
---
Medyo malayo na kami, umabot na ata sa isang oras ang byahe namin, teka hindi ba siya nakatira sa city na ito. Mukhang ang layo ng bahay niya. Mukha siyang isang mayaman, at kinakatakutan, sa asal niya kasi kanina, hindi ako nakuha ni Vexaria isang salita niya lang binitawan ako ng mga taohan ni papa. Sino kaya siya? Hindi ko na namalayan na huminto na ang SUV na sinasakyan namin. Nauna nang bumaba ang lalaking nagligtas sa akin kanina.
Nandito kami ngayun sa isang Velvet salon, sa metro city. Isa itong mamahalin na salon. Tahimik lang rin dito, lahat ng tao naka-formal at ako pawis na pawis dala ng kaba.
Napa-yuko ako, at medyo nahihiya.
"Private room, now." sabi ni Draven sa receptionist. Pagpasok namin, tatlong stylist agad ang sumalubong.
Sinalubong kami ng tatlong stylist. nakangiti ng malaki "Good evening, Sir Draven at... ma'am. Anong gusto niyo pong gawin natin today?"
Lumingon ako kay Draven. Nakaupo siya sa leather sofa. Nagbubukas ng laptop.
Parang wala lang.
"Ah... ako po ba muna?" nagpigil ng kaba boses ko mahina. Sanay ako magpaalam.
"Your choice." Draven said at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Tumingin ulit ako sa salamin, tinignan ko ang aking mahabang buhok at kulay itim, makintab, abot hanggang bewang. Yan yung buhok na pinagmamalaki ni mama nung nabubuhay pa siya. "Yan ang korona mo, anak."
Pero korona din yung nagpapaigpit sa akin.
Tiningnan ko yung stylist at huminga ng malalim. "Pasensya na po..." ngumiti ako ng mahina. "P-pwede po bang... paikliin natin?"
"Gaano po kaikli, ma'am?" tanong nito.
"Hanggang... hanggang balikat lang po sana." hinawakan ko dulo ng buhok ko.
"At... kung okay lang po, dark brown?
ayaw ko na po ng itim."
Nanginginig boses ko sa huling part.
First time ko humiling ng ganito. First time ko pumili. "Of course, ma'am. Maganda po yan sa inyo, bagay sa facial features niyo." ngumiti ulit, mas malambot na. Umupo ako, habang ginugupitan ako, pinikit ko mata ko. Bawat gupit, parang may napuputol. yung "dapat" yung "kailangan" yung "para sa pamilya".
SNIP. SNIP.
Biglang nagsalita si Draven habang nakatutok pa rin sa laptop. "Brown contacts yung hindi halata at light make-up."
"S-sige po." sagot ng stylist.
"Ma'am, gusto niyo po ba ng konting layers? Para mas may movement?"
"Opo, salamat po." ngumiti ng totoo sa unang beses. Isang oras at kalahati na akong nakaupo at sa wakas ay tapos na, inabot ng stylist sa akin yung salamin.
At hindi ko nakilala yung sarili ko. Maikli na ang buhok ko hanggang balikat, may konting waves, dark brown, hindi itim, brown contacts, pink lipstick, foundation, naka pink na dress.
Simple at malaya.
"Ikaw na ba to?" hinawakan ko buhok ko, sabay bulong.
Walang sumagot, pero sa loob ko, sumagot ako ng oo.
Tumayo na si Draven at nilapitan ako. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa 3 seconds walang expression. "Acceptable."
"Thank... thank you po." yumuko ako ng konti.
"May bibilhin pa tayo mga damit.
Wala kang dadalhin mula sa dati mong buhay." Sumunod ako sa kanya, habang naglalakad kami may babaeng napatingin sa akin, sa hindi malamang dahilan ay ngumiti ito. Hindi niya ako nakilala at para sa unang beses... gumaan pakiramdam ko.
---
Pauwi na kami, buong maghapon kaming nag shopping ang dami niyang binili para sa akin. Kahit yung mga mamahaling alahas ay binili niya kahit sabihin mansion ay nakakasuot ako ng pinaka mahal na alahas ngayun ko lang naramdaman yung ganito. Yung pakiramdam na binibilhan ka ng isang tao. Siya ang pumipili para sa akin.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang titigan siya. Mas gwapo ito sa malapitan, hindi ko masyado napansin kanina yun. Maganda ang pagkaka ayos ng porma ng mukha niya. Makinis din ang mukha nito mukhang gumagamit ng nilalagay sa mukha. May matangos din itong ilong maganda yung pagkakatangos niya, kung sa labi naman ay talo niya pa ang mga babae, pink at manipis ang labi nito. Yung mga mata niya nakaka akit at nakakatakot, kuhay abo ito, pero lazy eye ang aura nito bagay na bagay sa kanya. Mukhang bihira ito tumatawa. Yung pilikmata o talukap niya naman ay mas lalong nakaka akit, makapal at mahaba ito tapos curve pa, yung kilay niya ay hindi nagkakalayo sa pilikmata niya makapal at kulay itim ito, bagay na bagay sa kanya.
"Staring at me?" bigla akong nagulat sa aking narinig. Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sa labas ng bintana. Teka kanina pa ba ako nakatingin sa kanya? Sheshh kahiya, baka isipin niya na gusto ko siya. Wag naman sana, duhh hindi ko naman siya gusto.
Maya-maya ay huminto na ang SUV hindi ko ito namalayan. Nagising ang diwa ko ng may kumatok sa katabi kong bintana nasa labas na pala siya. Pumasok kami sa isang black gate kanina 10ft high ito. At ngayun nasa loob na kami, sa loob nito ay isang mansion? mansion na naman pero mas malaki pa ito sa bahay namin sa province. Pero dito walang bulaklak, walang ilaw na mainit, lahat black, grey, at salamin.
"Welcome to your new prison. I mean... home." hindi ako tumawa kasi hindi ako sure kung joke yun. Pagpasok namin ay dumeretso kami sa isang malaking kwarto, yung mga shopping namin kanina ay pinaayos niya na sa katulong niya at inilagay ito sa kwarto ko. Pero teka saan kanila pupunta, biglang bumukas ang pinto pagpasok ko doon ko napagtanto na nasa study room pala kami. Nauna siyang humakbang at sununod ako, umupo siya sa isang upuan doon. May isang folder sa mesa. May nakalagay na HOUSE RULES.
"Basahin mo at kabisaduhin mo."
Kinuha ko ito at binuksan.
HOUSE RULES FOR MRS. VEXLER
1. In public - mag-asawa tayo. in private - magkaibigan? hindi kundi strangers.
2. Bawal magtanong tungkol sa trabaho ko.
3. Bawal lumabas ng walang kasamang tauhan ko.
4. Sa labas: 'Draven'. Sa loob: 'Sir'
5. Iba tayo ng kwarto. Bawal pumasok sa kwarto ko.
6. Bawal akong hawakan, maliban kung may nakatingin.
7. Bawal social media, bawal picture.
8. Pag nakita ka nina Vexaria o Velkor, tawagan mo ko agad.
9. 6 months lang, pagkatapos, hiwalay. walang habol.
10. Bawal mahulog sa akin.
Natigil ako sa #10. "Get it"
"P-po?"
Lumapit ito sa akin halos magkadikit na kami naamoy ko siya amoy mamahaling cologne at yosi. sheshh nagyoyosi.
Yumuko ito at bumulong sa tenga ko.
"Rule number eleven." ngumiti siya, ngunit cold pa rin ang mata nito. "Because if you fall for me, Azxyra...
I don't catch people who fall." yun lang at lumayo siya.
"Kwarto mo nasa second floor, first door sa kanan, laging may tao sa labas 24/7, for your protection."
"Opo sir." Tumango lang siya at umalis.
Pag-akyat ko sa mahabang hagdanan ay natanaw ko agad ang kwartong sinasabi niya, humakbang ako agad at piinihit ang masasabi nito pagbukas ko ng pinto... Puti ang buong paligid nito at malinis, malaki din ito mas malaki kesa sa kwarto ko sa mansion. May walk-in closet na puno ng damit.. Ang bilis namang na arranged ng katulong niya.
Lumapit ako sa malaking salamin. Tinignan ko ang aking sarili, patay na yung dating Azxyra Veylora na isang prinsesa muling nabuhay ngunit sa pangalawang buhay ay nakatali pa rin ito.
Pero bakit yung dibdib ko kumakabog pa rin? dahil ba sa takot sa lalaking yun? o dahil baka isang araw ay mahuhulog ako sa kanya, at msisira ang palabas na aming sinimulan.
Nakatitig pa rin ako sa salamin habang hinawakan ko yung buhok ko. "ikaw na ba ito?" bulong ko.
Walang sumagot, pero sa loob ko, may boses na sumagot oo at hindi ka na babalik.
Napatingin ako sa kama, malaki at malambot ito, pero mag-isa lang.
Bigla akong naalala yung rule 5 iba tayo ng kwarto, tapos sumunod ay yung rule 10 bawal mahulog sakin.
"Bakit parang ang sakit nun? Kakapirma ko lang at hindi ko nga siya kilala. Bakit parang... natatakot ako mahulog?" anya sa isip.
Napabalikwas ako ng may biglang kumatok mula sa labas ng pintuan ko. Ay naku nakakagulat naman.
"Ma'am, may iniwan po si sir." boses ng isang lalaki, mukhang mga tauhan niya ito.
Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan agad ko itong binuksan. Inabot niya sa akin ang isang maliit na box. Pagkabigay niya sa akin at muli kong sinara ang pinto. Inilapag ko ito sa aking kama. Ano kaya ito. Pagbukas ko isang cellphone ang nakita ko, bago ito, at may isang note na nakalagay doon isa itong sulat kamay.
NOTE:
"For emergencies only, if Vexaria finds you, call me, if you get scared, call me, if you break rule 10... don't call me. D"
Napangiti ako, hindi ko alam na nag nonotes pala ito ng sulat kamay.
Hinding hindi mangyayare ang masira ko ang rule 10.
Inilapag ko ito sa table sa tabi ng kama ko. Hindi na ako maghahaponan ulit. Kumain na kami ni Draven kanina bago umuwi ay dumaan kami sa isang resto.
--
Tumingin ako sa bintana, malaki yung mansion ni Draven may pool, may garden, pero madilim, walang buhay.
"Ganito din ba siya? gaya ng mansion niya, malaki, malamig, pero walang nakakaalam kung masakit din?" anya sa isip.
Biglang nag-vibrate yung bagong phone.
UNKNOWN NUMBER
"Sleep early, Xyra bukas, may pupuntahan tayo, be my wife in public. D"
Napalunok ako, may pupuntahan? as his wife, in public.
Kinabahan ako pero tumango ako kahit mag-isa lang ako.
"Kaya ko ito, pinili ko ito." bulong sa sarili.
Hinubad ko yung sapatos ko at nahiga na sa kama. Sa unang gabi ko bilang isang Mrs. Vexler.
Makakaya ko kayang gampanan ng maayos ang pagiging isang Mrs. Vexler?
A/N: officialy Mrs. Vexler na ba talaga Azxyra? tandaan mo peke ang lahat, peke. "Because if you fall for me, Azxyra... I don't catch people who fall." feeling naman ni ankol Draven.
"For emergencies only, if Vexaria finds you, call me, if you get scared, call me, if you break rule 10... don't call me. -D" ano ito? ankol, ikaw ah, dahan-dahan lang baka mabigyan malisya ni Mrs.
A/N: thankyouu sa pagbasa, enjoy reading.
kindly comment, i'll read it.