Chapter 1

1960 Words
The diamond on my finger felt like a handcuff. Mabigat, malamig at hindi ko matanggal kahit anong pilit ko. "Wag mo kaming biguin, Azxyra." sabi ni papa. Habang inaayos ng isang babae yung train ng white gown ko. Hindi man lang tumingin sa mata ko. "Dito na nakasalalay ang pangalan natin." Tumingin ako sa salamin. Maganda ako, maganda ako sa suot ko. Isang white gown, diamond necklace, koronang parang prinsesa. Pero bakit parang nasa kabaong ako? "2 days na lang." sabi ni papa mula sa pinto. Malamig yung boses, walang tanong, utos lang. "After ng kasal niyo ni Xavier, mag-me-merge na ang Veylora at Velkor Empire, intindihin mo yan. Si Xavier Velkor ang pinakamayamang binata sa buong rehiyon. pogi, matino, lahat nasa kanya na." dagdag pa nito. Tumango nalang ako. Tulad ng ginagawa ko sa loob ng 22 years ng buhay ko. Pero sa loob ko, sumisigaw ako. Hindi ko kaya... ayoko... hindi siya.... ---- Tahimik na ang buong bahay. Natutulog na mga kasambahay. Natutulog na si Papa at yung ibang tao sa bahay. Ako na lang ang gising. Nakaupo ako sa gilid ng kama. Hawak ko yung maliit na bag. Dalawang damit, konting pera, passport, at yung cellphone na binili ko ng palihim. Tiningnan ko ulit yung singsing. Engagement ring from Xavier with 5 carats. Iniwan ko ito sa table na nasa tabi ng kama ko. This is not love. This is a business deal. At pagod na ko maging kontrata. Huminga ko ng malalim, dahan-dahan Kong binuksan yung bintana. 3rd floor, pero may puno sa tabi kaya ko ito. Bago ako tumalon, sinulyapan ko pa yung kwarto. Yung kwarto kung saan lumaki ako bilang "Prinsesa ng San Ildefonso". Yung kwarto na pinagkulungan sa akin. "Paalam." bulong ko. At tumalon ako. --- Nanginginig kamay ko sa manibela. Hiniram ko yung lumang kotse ni Manong driver. Nung pumunta siya sa kusina para kumuha ng pagkain, inilapag niya yung susi at nakalimutan niya itong balikan. Pagkakataon ko na ito. Kinuha ko ito at nilagay sa bulsa. Buong araw namang hindi hinanap ni manong driver. Sa rear mirror, wala naman humahabol pero subrang kabado ko pa rin. Unang beses akong mag-drive mag-isa. Unang beses kong walang bodyguard. Unang beses kong ako yung nagde-desisyon. "Malaya ka na, Azxyra." sabi ko sa sarili. Pero yung boses ko nanginginig. Nakarating ako sa isang terminal, sumakay ako ng bus at iniwan ang kotse ni manong baka kasi masundan ako pag dinala ko ito hanggang city. Pagdating sa city, wala akong kakilala. Wala akong tutuluyan. Pero meron akong isang bagay na wala ako sa province. Pagpipilian. --- GRAND ROYALE RESORT, METRO CITY. "Good morning, ma'am. Single room for 1 week?" bati sakin ng receptionist. Ngumiti ako, unang tunay na ngiti ko in months. "Yes. Cash." inabot ko yung pera. Room 2401. Nakatayo ako ngayun sasarilin harap ng pinto na may nakalagay na room 2401, dahan-dahan kong pinihit ang hawakan nito at binuksan humakbang ako pagkapasok ko, nilibot ko ang tingin sa buong paligid, malinis ito, kulay puti ang paligid, malamig, mahangin, hindi sayang yung mahal na bayad. Naglakad ako at inilapag sa sofa yung dala kong bag, nagtungo na rin ako sa kama. Buong araw akong nasa byahe I mean ilang oras akong nasa byahe pagod na pagod ang katawan ko, kailangan kong magpahinga. Dahan-dahan kong ibinagsak ang sarili ko sa kama. Malambot, malinis, tahimik, walang nag-uutos, walang nagmama-manage. Ako lang. Biglang tumulo ang luha ko at sa ngayun ay umiiyak ako hindi dahil malungkot ako dahil sa wakas... malaya na ako. --- Tatlong araw na akong malaya, nagsaya ako, naglakad lakad, nilibot ang paligid, ang saya pala yung pakiramdam ng isang malaya, nagagawa mo ang gusto mo at walang nag-uutos at pumipigil. Nagpa-salon nga pala ako, nag nag-grocery na din ako, naglakad-lakad din ako sa mall na walang kasamang bodyguard. Sinubukan ko ding mag apply ng trabaho pero ang hirap, lahat rejection. Nag-apply ako bilang waitress sa isang cafe. Tinanggihan ako. "No experience." daw kasi. Tumawa lang ako, kasi kahit rejection, akin yun, pinili ko yun. Sa gabi, nanood ako ng TV, kumain ng instant noodles, natutulog ng 3AM kasi yun ang gusto ko. For 3 days, I was not Azxyra Veylora. I was just... me. --- Maaga akong nagising kanina, may impostante kasi akong pupuntahan. Pababa na ako, may interview ako sa isang boutique, bilang sales lady. Naka-simple dress lang ako, naka-sneakers, light make-up. Tapos na rin sa wakas ang interview, nagugutom ako, balak ko sanang pumunta muna sa isang resto at kakain, gutom na yung alaga ko sa tiyan. Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng kaba, hindi ito normal, may mangyayareng masama o hindi maganda. Dali-dali akong naglakad Uuwi na ako dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng dibdib ko. Hanggang sa narinig ko yung boses na kinamumuhian ko simula pagkabata. "Azxyra Veylora." nanlamig ako. Dahan-dahan akong lumingon. Vexaria Zolt, pinsan ko, naka-designer bag, da tabi may apat na bodyguard at yung ngiti na alam kong ibig sabihin. "Well, well." sabi niya. "Ang layo ng narating mo, prinsesa." "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Biglang tumawa ito. "Ikaw pa talaga may ganang magtanong? Alam mo bang ready na ang lahat tapos malalaman nila na nawawala ka, alam mo bang subrang nagalit sila tito." Yung mundo ko biglang umiikot. Hindi, hindi pwede, hindi ako pwedeng bumalik.. Lumapit ito sa akin. "Akala mo ba makakatakas ka? This city belongs to families like us. Sa mga Veylora. Sa mga Velkor. Hindi sa mga runaway." Hinawakan niya braso ko ng mahigpit na mahigpit. "Iuuwi kita, at sigurado ako na malalagot ka kay tito ginalit mo siya." Tinabig ko siya. "Bitawan mo ko!" Pero mas dumami bodyguard niya pinalibutan nila ako at doon ko naramdaman yung pader nagsasara ulit, yung kulungan bumabalik. Nagpupumiglas ako. "Wala kayong karapatan--" "May karapatan kami." sabi ni Vexaria. "Pamilya tayo." Paglabas namin ng pinto, may itim na SUV na nakapark, para sakin yun, para ibalik ako. Nagsimula akong kabahan. Pinapawisan na rin ako ng malagkit. Ito na ba yun? Tapos na ang kalayaan ko? "Last chance, Azxyra." sabi ni Vexaria. "Sumakay ka ng kusa o ipakaladkad kita." Tumingin ako sa paligid. Maraming taong nakatingin pero walang tumutulong dahil pag Veylora at Velkor ang kaaway mo, tahimik ka na lang. Isang hakbang nalang papunta sa SUV. Isang hakbang nalang at wala na. Hanggang sa-- "Stop." malamig, mababa, isang utos. Tumigil ang lahat. Mula sa kabilang side ng kalsada, bumaba ang isang lalaki. Naka-black suit, naka-black watch may anim na bodyguard sa likod. Matangkad ito, gwapo sa delikadong paraan at yung mga mata niya... nakatingin lang sa akin. Narinig ko si Vexaria sa likod ko. "Draven? Anong--" Hindi siya sumagot. Diretso lang lakad papunta sa akin. Huminto siya isang dangkal lang sa harap ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng dibdib ko, at sa pagkakataong ito mas mabilis pa kesa nung una, parang gusto nitong lumabas. Nanghina ang tuhod ko, hindi ko alam kung bakit, dahil ba ito sa titig niya? ramdam ko ang presensya niya na lalong nagpatibok ng mabilis ng puso ko. Amoy na amoy ko rin siya, amoy mamahaling pabango at kapangyarihan. Hindi man lang tumingin kay Vexaria, tumingin lang sa akin. "Are you okay?" Umiling ako.. hindi ako okay. Tumingin ito kina Vexaria "Let go of her." Biglang lumambing yung boses. "Draven, family matter to. Babalik lang namin siya sa province para sa kasal niya--" "I said, let her go." At binitawan ako ng bodyguard. hinawakan niya ang braso ko, pero magaan lang ito, hindi masakit. "You're coming with me." "Bakit? Sino ka ba?" Yumuko ito at bumulong sa akin. "Right now? I'm the only person standing between you and that car." tinuro yung SUV. "So, sa akin ka ba sasama... o sa kanila?" Tiningnan ko siya, isang estranghero.. Tiningnan ko si Vexaria, isang pamilya pero buhay ko doon ay isang kulungan. Pinili ko yung hindi ko kilala. Tumango ako, at hinila niya ko papunta sa kanya. "Draven! Alam ba ni Uncle Vexxar to??" sigaw ni vexaria. "Tell my father I found something more interesting than his merger deals." hindi ito lumingon. At sumakay kami sa itim na SUV niya. Habang nasa loob kami, nakita ko sa bintana si Vexaria galit na galit ito hawak ang cellphone niya at may tinawagan. --- Tahimik lang loob ng SUV, may inabot ito sa akin na isang envelope. "You have two options, Miss Veylora." Inabot niya sakin yung envelope. Makapal ito may kontrata sa loob. "Option 1 Ibabalik kita ngayon din kay Vexaria at sa loob ng 24 hours, kasal ka na kay Xavier Velkor. Option 2 Pipirma ka dito, be with me in 6 months. Pretend to be my wife at hindi ka na nila mahahawakan ulit." Binuksan ko yung envelope at nanginginig yung mga kamay ko. CONTRACT OF MARRIAGE Between: DRAVEN VEXLER and AZXYRA VEYLORA Duration: 6 Months Terms: Public husband and wife. Private strangers. "I don't do charity, Azxyra. May kailangan ako sayo.. name, face, para manahimik yung board ko kapalit nun... proteksyon." Tinitigan ko siya. "Bakit ako?" "Because you're running and I collect runaways." ngumisi ng walang emosyon. Inabot niya sa akin ballpen. Puso ko ay mas lalong kumakabog. Isang pirma at magiging asawa ako ng isang estranghero. Wala na akong ibang paraan sayang naman kung makakabalik ako sa mansion. Isang pirma at hindi na ko babalik sa province. "What if... what if I say no?" mahina kong usal. "Then I'll drop you off at that SUV, your choice." seryoso niyang sagot. Huminga ko ng malalim, naalala ko yung singsing kanina, yung handcuff. Tahimik pa rin sa loob ng SUV. Ako, siya, at yung kontrata sa pagitan namin. Binasag niya yung katahimikan "May tanong ka?" Yumuko ako at mahinang nagsalita. "B-bakit po kayo tumulong? Hindi niyo po ako kilala." Tumingin si Draven sa bintana. "Because I hate loose ends and the Velkors making a deal with your family? That's a loose end." Naguguluhan pa rin ako. "Pero... hindi niyo naman po ako kailangang iligtas. Pwede niyo naman akong hayaan." Sa wakas tumingin ito sa akin. Diretso, walang kurap. "Miss Veylora. Alam mo ba kung bakit walang pumipigil sa mga Vexler sa city na ito?" Umiling ako, nagyayabang ba siya? "Because when we want something, we take it. Before anyone else does." itinulak niya yung kontrata palapit sa akin "And right now... I want you on my side. Not theirs." Kinabahan ako. "G-gagamitin niyo lang po ako?" ngumisi ito ng walang emosyon. "Yes, but I'll also keep you alive. That's more than what your fiancé can offer." Napayuko ako, masakit ito pero yung ang totoo. "Paano po pag... pag natapos yung 6 months? Ano po mangyayari sakin?" pabulong ko. Kumuha ng lighter, nilaro ito sa kamay hindi ito sinindihan. "Pagkatapos ng 6 months, Azxyra... Malaya ka na. For real this time. Walang Veylora. Walang Velkor. Walang kontrata." Tiningnan ko siya "Pangako po?" Tumingin sa akin ng seryoso. "I don't make promises, Miss Veylora. I make deals. And this... is our deal." Dahan-dahan... pinirmahan ko. Habang sinusulat ko pangalan ko, narinig ko boses ni Vexaria sa labas. Nagsisigaw. Tumatawag kay Papa. Bahagya siyang ngumiti. "6 months." kinuha yung papel. Kinuha yung papel. Inilagay sa loob ng coat niya. "Too late." tingin sa driver. "Drive." At humarurot kami palayo. Iniwan namin si Vexaria. Iniwan ko yung dati kong buhay. Pero sa tabi ko, nakaupo yung lalaking mas delikado pa sa lahat ng kinakatakutan ko. At sa sandaling yun, hindi ko alam kung iniligtas niya ko... o kung pumasok lang ako sa mas malaking kulungan. A/N: "i don't make promises, Miss Veylora. i make deals... and this... is our deal." sheshh ka daddy. may bicep and abs ba ang daddy na yan? thankyouu sa pagbasa, enjoy reading. kindly comment, i'll read it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD