Third Person's POV:
"This is so ridiculous!" Naiiritang sabi ni Penelope nang malaman niyang walang signal ang kanyang cellphone.
"Kahit sa akin din wala." Dismayadong sabi rin ni Zoey.
"Ano pa ba ang aasahan natin eh wala naman tayo sa sibilisasyon. Remember we are all out of somewhere." Saad ni Stacey sa mga kaibigan.
"Pero teka nasaan na nga ba tayo? Saan ba'ng probinsya ang Villa Exodus Resort na ito?" Nagtatakang tanong ni Denise. Tiningnan lang siya ng mga kaibigan niya at nag sipag kibit balikat lamang ang mga ito sa kanya.
Tahimik lang na nakaupo naman si Mikaela sa isang sofa. Kanina pa niya pinagmamasdan ang orasan.
"Alas onse na pala ng gabi." Mahinang sabi niya. Narinig naman siya ng kanyang ate Denise.
"Okay ka lang sis? Ang tahimik mo ata." Tanong ni Denise sa bunsong kapatid.
"Oo pero ate Denise parang kinakabahan ako." Sagot ni Mikaela sa kanyang ate Denise.
"Bakit naman?"
"Hindi ko rin alam ate."
"Itulog mo na lang iyan. Baka pagod lang iyan." Nakangiting sabi ni Denise kay Mikaela.
"Sige ate." Matipid na sagot ni Mikaela.
Tumayo na si Mikaela sa sofa na kanyang inuupuan at pumunta na sa kama para matulog.
***
Mahimbing nang natutulog ang lahat sa kuwarto ng mga babae. Ang lakas pa ng hilik ni Penelope. Dahil sa ingay ng hilik ni Penelope ay biglang naalingpungatan si Zoey.
"Punyeta, ang ingay naman ng babaeng ito matulog!" Naiiritang sabi ni Zoey habang nakatingin ng masama kay Penelope.
Ipinikit na muli ni Zoey ang kanyang mga mata para matulog. Ngunit hindi na siya makatulog pang muli. Sobra kasing lakas ng hilik ni Penelope. Bumangon na lamang siya ng kama at lumabas ng kuwarto nila.
Zoey's POV:
Lechugas naman iyan si Penelope walang pose kung matulog. Ang lakas ng hilik niya. Pinaglihi ba siya ng nanay niya sa amplifier? Buwisit naman!
Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Kanina pa ako naglalakad sa hallway. Kung babalik naman ako sa kuwarto namin mabubwisit lang ako dahil sa hilik ni Penelope ulit.
Woah, teka ano 'yon? Parang may naririnig akong kakaiba.
"Sssshhh...sssshhh...sssshhh..." Ano 'yon? Di ko magets ang sound?
"Sssshhh...sssshhh...sssshhh..." My God its getting more louder now.
Balik na nga lang ako sa kuwarto namin. Natatakot na ako do'n sa strange sound na naririnig ko.
Pagtalikod ko nang pabalik na sana ako sa kuwarto namin ay bigla akong napaigtad! May lumitaw na napakalaking ahas sa aking likuran. Nakatitig ito sa akin. Kulay pula ang mga mata nito at lumiliwanag pa sa dilim. Napalunok ako bigla ng aking laway sa lalamunan.
Nakakakilabot tapos ang laki-laki pa niya. Ano bang klaseng ahas ito? Sawa? Hindi eh, imposible. What the f**k, parang anaconda ito! s**t I need to get rid of the big snake! Baka kagatin o kainin niya ako ng buo at buhay. I don't wanna get killed already! I'm too young for this!
Bigla akong tumakbo papalayo sa ahas. Sinipat ko naman ito ng lingon at nagulat ako. Biglang nagkaroon ng mga paa ang ahas na ito at tumatakbo na rin nang napakabilis sa hallway.
Fuck s**t! Anong klaseng resort hotel ba 'tong tinuluyan namin? Bakit sila nag aalaga ng ganyan klaseng hayop?
Hindi ako puwedeng maabutan ng ahas na ito. Hanggang sa may nakita akong isang kuwartong nakabukas. Pumasok ako rito at nagtago. Ikinandado ko nang mabuti ang pintuan sa loob.
Natatakot na ako. Sana kung isang masamang panaginip lamang ito, sana magising na ako. Ayoko pa mamatay.
Napaluhod na lamang ako sa sahig na aking kinatatayuan. Hindi ko na napigilan pang maluha dahil sa takot. Nang biglang narinig kong kumakalampag na nang napakalas ang pintuan. Mukhang nag pupumilit pumasok sa loob ng kuwarto yung ahas na mukhang halimaw na iyon! I'm really so scared na talaga. Ayokong makain ng buo at buhay ng ahas na iyon! I need some help!
Naisip ko na tawagan ang best friend kong si Penelope. But s**t, oo nga pala hindi ko dala yung aking cellphone. I left it at the room.
Oh my God, I'm so dead na talaga!
Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang ingay ng kalampag sa pintuan. How I wish na huwag tuluyan masira at mabuksan ng halimaw na ahas na iyan ang pintuan. Wala na rin akong ibang mapupuntahan. Dead end na ako sa kuwartong ito.
Mayamaya pa ay bigla na lamang tumigil na ang malakas na pagkalampag ng pintuan. Tumahimik na. Mukhang wala na ang halimaw na ahas.
Tumayo na ako sa sahig na aking niluluhuran habang umiiyak. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Nag aalangan ako kung bubuksan ko na ang pintuan. Sana wala na ang halimaw na ahas na 'yon.
Marahan ko nang binuksan ang pintuan at sumilip sa labas. Wala na siya. Nawala na ang halimaw na ahas.
Huminga ako nang malalim at marahan na lumabas ng kuwarto na aking pinagtaguan. Siniyasat kong mabuti ang buong hallway. Mukhang makakahinga na ako nang maluwag. Wala na talaga yung weird creature na humahabol sa akin kanina.
***
I'm so happy wala na yung halimaw na ahas. Akala ko talaga katapusan na ng aking buhay. Buti na lang magaling ako mag tago haha. Wait, what's that? Parang may tumulo sa noo ko?
Hinipo ko ang aking noo. Ano 'to ang lagkit. Inamoy ko yung likidong tumulo sa aking noo. Gross! Amoy kalawang. Tumingin ako sa kisame pero wala naman akong nakita na kakaiba. Nag patuloy na lamang ako sa paglalakad sa hallway.
Mayamaya pa ay napatigil na naman ulit ako sa paglalakad. Naramdaman kong may tumutulo na naman ulit sa aking noo. Tumingala ako pero wala naman akong nakita.
Hahakbang na sana ako para maglakad nang biglang natigilan ako. May pumapatak na naman sa noo ko. Marahan akong tumingala at namilog ang aking mga mata sa nakita ko.
Nasa kisame yung halimaw na ahas. May tumutulong laway sa kanyang bibig na pumapatak sa aking noo. Nanlilisik ang kanyang mga mata.
Tanging pagsigaw na lamang ang aking nagawa nang nakita kong susunggaban na niya ako.
"Aaaaaaaahhh!"
****
Third Person's POV:
"Ano iyon?" Sabi ni Penelope nang bigla siyang naalingpungatan.
"I think I heard someone shouted loud." Aniya ni Penelope sa kanyang sarili. Pagkatapos ay bumangon siya ng kama. Nakita naman niya na mahimbing na natutulog sa kama pa rin ang kanyang mga kaibigan. Pero nagtaka siya bigla. Bakit nawawala sa kama ang best friend niyang si Zoey.
***
"What's that noise about?" Nagtatakang sabi ni Isaiah paglabas niya sa banyo pagkatapos umihi nito. Nang biglang narinig niya na may kumatok sa pintuan.
Binuksan agad ni Isaiah ang pintuan ng kuwarto. Nakita niyang nakatayo si Penelope sa labas.
"What are you doing here Penelope?" Nagtatakang tanong ni Isaiah.
"I just wanna ask if Zoey was in your room?"
"She's not here."
"Pero wala rin siya sa room namin."
Napakunot naman ng noo si Isaiah sa turan sa kanya ni Penelope. Napaisip siya kung saan naman mag pupunta ng dis-oras na ng gabi ang kanyang girlfriend na si Zoey.
"Baka naman bumaba lang ng lobby." Sabi ni Isaiah kay Penelope.
"Lobby? And what the hell she will going to do there?" Tanong ni Penelope habang naka crossed arms pa sa harapan ni Isaiah sabay taas ng kanang kilay nito.
"I don't know. Why don't you check her on the lobby?" Sabi ni Isaiah habang nakataas din ang isang kilay kay Penelope.
"Ako pa talaga ang inutusan mo. Sino ba'ng boyfriend ni Zoey? Diba ikaw Isaiah." Mataray na sabi ni Penelope kay Isaiah. Ngumisi lang naman sa kanya si Isaiah.
***
Mikaella's POV:
Nasaan na ang mga katabi ko sa kama? Nawawala sina Penelope at Zoey. Sina Stacey at ate Denise naman mahimbing pa rin ang tulog sa kabilang kama.
Ba't nakabukas ang pintuan ng kuwarto? Lumabas siguro yung mag best friends. Hindi man lang sinarado nang mabuti yung pintuan.
"Mikaela...Mikaela...Mikaela..." May tumatawag ba sa akin? Baka guni-guni ko lang. Ako lang naman ang gising dito sa kuwarto.
Sinarado ko na ang pintuan. Pabalik na ako ng kama nang biglang natigilan ako. Naririnig ko na naman ulit ang boses. Boses ng isang babae. Pero sa pagkakataon na ito ay mas lumalakas na ang boses. Humihikbi ito at mukhang nanggagaling sa loob ng banyo.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo. Nang malapit na ako sa pintuan ay biglang tumigil ang boses na aking nauulinigan.
Marahan kong binuksan ang pintuan ng banyo. Binuksan ko ang switch on ng ilaw. Pagbukas ko sa ilaw ay bigla akong napatigagal. Namilog ang dalawa kong mga mata. May babaeng nakatayo sa loob ng banyo. Humihikbi siya. May bahid ng dugo ang kanyang damit. At ang talagang nakapagbigay ng takot sa akin ay ang kanyang mukhang burado. Walang mga mata, kilay, at ilong ito. Tanging bibig lamang sa kanyang mukha ang aking nakikita. Nakakakilabot ang kanyang hitsura hanggang sa narinig kong nagsalita siya.
"Tu...tulungan mo ako Mikaela..." Humihikbing sabi niya sa akin. Gusto ko naman na sana sumigaw nang dahil sa takot pero hindi ko magawa. Para akong nahipan ng hangin sa aking kinatatayuan at hindi ako makagalaw. Gusto ko rin sumigaw pero sa hindi ko maintindihan na rason, hindi ko maibuka ang aking bibig.
"Tulungan...mo...ko...Mikaela huhuhu." Diyos ko ano nang gagawin ko ngayon. Papalapit na siya sa akin.
Tanging pag luha na lamang ang nagawa ko. Takot na takot ako. At ngayon nararamdaman ko nang bumibilis ang t***k ng aking puso kasi nakatayo na siya mismo ng malapitan. Napapikit na lamang ako dahil sa aking takot sa kanya.
Nag usal na lamang ako ng dasal sa Diyos sa aking isipan habang nakapikit.
Mayamaya pa ay iminulat ko nang muli ang aking mga mata. Nawala na siya at muli ko nang naigalaw ulit ang aking buong katawan. Pinunasan ko ng aking kamay ang mga mata kong lumuluha kanina pa. Nakahinga na rin ako nang maluwag at tumigil na ang mabilis na pagtibok ng aking puso kanina.
Nagmadali akong lumabas ng banyo at bumalik na sa kama. Sa sobrang takot na nararamdaman ko pa rin ay nagtalukbong na ako ng kumot. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan dahil sa labis na takot. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinilit na matulog muli.
***
Third Person's POV:
"I'm sorry sir pero hindi ko po nakita ang inyong kaibigan na pumunta rito sa lobby." Sabi ng front desk officer na si Kai kay Isaiah.
"Are you really sure?" Paninigurado ni Isaiah kay Kai.
"Yes, sir." Nakangiting tugon ni Kai kay Isaiah.
Nakaupo naman si Penelope sa waiting area sa lobby habang hinihintay niyang matapos makipag usap si Isaiah kay Kai.
"Kakainis wala pa rin signal yung cellphone ko. Damned it." Dismayadong sabi ni Penelope sa kanyang sarili nang biglang narinig niyang nag ring ang kanyang cellphone.
Sinagot agad ni Penelope ang tawag.
"Hello?" hinintay niyang sumagot ang tao sa kabilang linya pero walang sumasagot.
"Hello, who's this?" tanong ni Penelope sa kabilang linya pero wala pa rin sumasagot. Ibinaba na lamang ni Penelope ang tawag.
Mayamaya pa ay biglang nag ring na naman ulit ang cellphone ni Penelope. Hindi niya agad sinagot ito. Naningkit naman ang tingin ni Penelope sa screen ng kanyang phone. Nakakarecieve siya ng call pero bakit wala naman bars ang signal nito?
Nag alangan tuloy sagutin ni Penelope ang tawag hanggang sa tumigil na ang pag ring.
Tiningnan ni Penelope sa call registrar ng kanyang phone kung sino ang tumatawag pero bigo siya. Nakaprivate ang number ng caller. Unknown number lamang ang nakita niya sa call registrar ng kanyang phone.Walang rumehistrong numero. Nang biglang muling nag ring na naman ang kanyang phone.
Nagtataka pa rin si Penelope bakit nakakatanggap ng tawag ang phone niya kahit wala naman bars ang signal nito sa screen.
"Ba't di mo sinasagot ang tawag sa cellphone mo Penelope?" Tanong ni Isaiah nang biglang dumating na ito sa waiting area sa lobby. Pinatay naman ni Penelope ang kanyang phone at saka sumagot kay Isaiah.
"Unknown number eh." Sagot ni Penelope.
"Ano na nga pala ang sabi ng front desk officer sa'yo?" Pag iiba ni Penelope sa usapan nila ni Isaiah tungkol do'n sa tumatawag sa kanyang cellphone.
"Wala eh. Hindi raw nila nakita si Zoey." Sagot ni Isaiah.
Bigla na naman ulit nag ring ang cellphone ni Penelope.
"b***h! Sino ba kasi ito?" Naiiritang sabi ni Penelope. Pagkatapos ay sinagot na niya ang tawag.
"Hello, who's this?" Mataray na sabi ni Penelope sa kabilang linya ng tawag.
"Penelope...Penelope...tulungan mo ko huhuhu." Nagulat bigla si Penelope nang narinig na niya ang nagsalita sa kabilang linya. Isang boses ng babaeng umiiyak.
"Who the hell is this?" Tanong ni Penelope sa kabilang linya.
"Penelope...Penelope...isusunod na nila kayo huhuhu..." Napataas bigla ng kilay si Penelope sa turan ng babaeng kausap sa kabilang linya.
"Zoey is that you?" Tanong ni Penelope sa babaeng nasa kabilang linya. Pagkatapos no'n ay bigla na lamang naputol ang linya.
"Sino 'yon Penelope? Is it Zoey?" Tanong ni Isaiah.
"Naputol na ang linya eh."
Biglang kinabahan si Penelope. Naisip niya na baka may nangyari nang hindi maganda sa best friend niyang si Zoey.
"Nasaan na ba kasi si Zoey?" Tanong ni Isaiah sa kanyang sarili sabay gulo ng kanyang buhok.
Nag aalala na rin si Isaiah para sa kanyang girlfriend. Kanina pa nila hinahanap si Zoey pero hindi pa rin nila ito nakikita.
-End of Chapter 4