Nakabalik na kami ng kuwarto ni Zayne. "Thanks God I'm done with the dinner!" Masaya kong sabi. Nakita ko naman si Zayne na kumukuha ng damit sa aparador. Ako naman ay napaisip bigla. Wala akong kahit anong gamit. Kahit damit wala. Paano ito? Hanggang sa napansin kong lumapit si Zayne sa akin at may iniabot na mga nakatuping mga damit. "Sa'yo na lang." Sabi sa akin ni Zayne. "Huh? Bakit?" Nagtataka kong sabi. "Kanina nang magkakasama tayo sa canteen nabanggit mong wala kang mga damit. Kaya naisip kong ibigay na lang sa'yo ang iba kong damit. Sana magkasya sa'yo." Paliwanag sa akin ni Zayne. "Salamat." Sabi ko sa kanya. Mabuti at mabait naman pala itong si Zayne may pagka-nerdy looking lang talaga. At least, mababawasan na ang alalahanin ko bukod sa misyon kong mahanap ang nawawalang

