Chapter 21

1020 Words

Kakatapos ko lang maligo. Ang sarap mag babad sa bath tub. Nakakatanggal ng stress. Naka-indian sit ako ngayon sa ibabaw ng kama habang pinagmamasdan sa labas ng bintana ang mga bituin sa kalangitan. Kahit nasa hinaharap o future na ako ngayon, ang mga bituin sa langit ay wala pa rin pinagkaiba sa mga bituin na nakikita ko kapag gabi sa panahon na aking pinanggalingan. Dahil sa mga bituin na nakikita ko ngayon nakakaramdam ako ng panandalian katahimikan at kapayapaan sa aking kalooban. Sana makita ko na si Enrys, ang halo. Para mahanap ko na rin ang nawawalang pahina ng epilogo sa aklat ng propesiya. "Uuuhhhmn... Urrrgggh..." Nawala bigla ang atensyon ko sa mga bituin nang narinig kong parang may umuungol sa loob ng kuwarto. "Urrrrgggh..." Narinig kong nagmumula ito sa kama ni Zayne.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD