"Kunin mo ito Migz." May iniabot na isang maliit na bilog na bagay sa akin si Zayne habang naglalakad ng hallway sa institute. "Ano at para saan naman ito?" Tanong ko kay Zayne nang kinuha ko na ang maliit na bilog na bagay. "Gamot iyan na parang chewing gum. Isubo mo na bago tayo sumakay sa Bullet Chase Van Model 2080. Para hindi ka mahilo mamaya sa biyahe." Tugon sa akin ni Zayne. Pagkatapos ay sinubo ko na ang gamot. Parang bonamine lang pala ang lasa nito. Excited na ako kasi first time kong gagala sa future. Excited na akong makita ang mga bagay na meron sa labas ng institute. Tinungo namin ni Zayne ang tinatawag nilang FTVA sa institute o Free Terminal Vehicle Area. From the name itself libre lang ang sakay dito. Wala kami babayaran na pamasahe. Isa ito sa mga pribilehiyo ng mga

